may mali ba sakin mga ka-symb? bagong lipat kasi ako sa company. 2 weeks na ko, hindi ako kinakausap ng mga officemates ko. naiisip ko naman na dahil new hire lang ako kaya baka nahihiya silang mkipag usap sakin, kaso ako na ung nagsstart ng conversation pero parang hindi sila interested mkipag usap. kahit na sabay kami naglalunch hindi nila ko kinakausap. may sari sarili silang usapan. ung lead ok naman pag kinakausap ko pero the rest of the team hindi tlaga ako kinakausap. salamat sa iaadvice nyo.