Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

"Once Save Always Save", Agree kau?

Mahigit 1 year pa lang po akong born again christian and I could say hindi pa ganon kalalim ung kaalaman ko sa bible and sa mga issue regarding christianity. Just recently, I just learn na even my church mate and marami pa lang naniniwala na once tinanggap mo na si Hesus sa buhay mo at kahit magkasala ka pa ay ligtas ka na. Alam kong baguhan pa lang ako pero parang hindi ko matanggap ung issue na ito, although kung iisipin dapat matuwa ako dahil hindi naman ako ganon kaperpektong tao and I always prone p rin in committing sin but hindi matanggap ng konsensya ko na ang bagay na ito ay tinatanggap na tama at acceptable ng marami. For me kawawa naman ung mga tao na tatanggapin ang aral na ito dahil maaring maging ticket nila ito in doing things na against God's will.

I welcome po ung mga paliwanag nyo sa isyung ito upang maliwanagan nating lahat ang mga saloobin ng mga kapatiran natin. Your suggestion is very much appreciated and May God enlighten us all with regard to this issue. GOD bless po sa lahat


ONCE SAVE ALWAYS SAVED IS A BAPTIST TRADITION BELIEF.
at Hindi ito itinuro ng Early Church Fathers o mga Naunang Kristiyano.

Wala pong mababasa sa Bible na kapag tinanggap mo si Kristo as your Personal Lord and Saviour ay maliligtas ka pa rin kapag gumawa ka ng Kasalanan.

Totoo po na dahil sa ating Pananampalataya tayo ay naligtas. Dahil po yon sa Grasya ng Diyos.

Ephesians 2:8-9
8 For it is by grace you have been saved, through faith—and this is not from yourselves, it is the gift of God—
9 not by works, so that no one can boast.

Pero hindi po natatapos yun don.
Kung Tunay po tayong nananampalataya sa Diyos, Kailangan po nating Gawin o Sundin ang Ipinaguutos/Kalooban ng Diyos HABANG TAYOY NABUBUHAY.

Ephesians 2:10
10 For we are God’s handiwork, created in Christ Jesus TO DO GOODWORKS, which God prepared in advance for us to do.

Dahil Kung ano po ang ginagawa natin dito habang tayo ay nabubuhay ang siyang magiging PATUNAY sa ating pananampalataya.
Walang Kwenta po ang pananampalataya o kung puro kasamaan naman ang ginagawa mo dito sa mundo.

James 2:17,22,24
17 Even so faith, if it has no works, is [p]dead, being by itself.
22 You see that faith was working with his works, and as a result of the works, faith was [t]perfected;
24 You see that a man is justified by works and not by faith alone

Dahil ang Tunay po na Pananampalataya ay nangangahulugan ng PAGSUNOD sa Pinag uutos sa Diyos.

John 3:36
36 He who believes in the Son has eternal life; BUT HE WHO DOES NOT OBEY THE SON WILL NOT SEE LIFE, but the wrath of God abides on him.”

Sa HULI, Tayo po ay Huhusgahan Base sa Ating mga GINAWA.

Revelation 22:12
12 "See, I am coming soon; my reward is with me, to repay according to everyone's work.

Kaya po kung Iisipin mo na Matapos mong tanggapin si Kristo ay maliligtas ka pa rin kahit mamuhay ka ng makasalanan ay mangangahulugan na tataliwas ka sa Tinuturo ng Bibliya.
 
Re: "Once Save Always Save", Agree kau?

James 2

24 You see that a person is considered righteous by what they do and not by faith alone.

- - - Updated - - -

Can you give us verse na saved by goodworks?

James 2
24 You see that a person is considered righteous by what they do and not by faith alone.
 
Re: "Once Save Always Save", Agree kau?

Once Saved Always Saved = Delikadong aral to TS, instead na maligtas ka e baka lumangoy ka sa dagat-dagatang apoy. Ilang beses na dinurog ni Eli Soriano ang aral na to ng mga Baptist at Born Again. Biruin mong kelangan mo daw muna maligtas bago ka gumawa ng mabuti (BALIKTAD). Meron pa silang aral na di na raw kelangan ng iglesia at bautismo. Maniwala at tanggapin lang daw ang panginoong Hesukristo bilang pansariling tagapagligtas sapat na. Tsk2 :slap:
 
Re: "Once Save Always Save", Agree kau?

HAHAHAHA

YUNG OSAS IS 100% TRUE.

Kaso ang problema is the very foundation. Actually, problema to ng modern Christianity...ung way to be saved is really simplified na ngayon..."just accept Jesus Christ as Lord and Personal Savior..?" hahahahha indi mo makikita yan sa bible, kasi eto ang fundamental na error ngayon..basahin mo ang John 6:65.

John 6:65New American Standard Bible (NASB)
65 And He was saying, “For this reason I have said to you, that no one CAN come to Me unless it has been granted him from the Father.”

Tama naman, di ba? Paano mo tatanggapin ang perpektong Diyos? paano mo papapasukin si Kristo sa puso mo? hahahaha e indi mo ba alam kung gaano kabanal si Kristo at gaano naman kadumi ang puso ng tao? so walang may KAKAYAHAN na lumapit kay KRISTO, period!!!!

...of course unless you have been granted by the Father. So ang malaking tanong eh kasama ka ba sa tinutukoy na "granted"....sila yung mga pinili ng Diyos Ama, the chosen generation, the saved, and of course once saved will always be saved....

IT IS NOT SALVATION IF IT DOESN'T LAST FOREVER!!!

common sense lang, alam ng Diyos kung sino ung mga pinili Nya, pero indi yun alam ng mga pastor, indi alam ng mga modern Christians ngayon...so the sad thing eh ginagamit na ang OSAS to create an illusion of confidence na indi nagmumula sa bible...pero the good thing is there really is assurance, true assurance na based sa bible, dahil walang kwenta ang diyos kung hahayaan ka nya na mabuhay sa takot na indi mo alam kung ligatas ka ba o hindi....HINDI GANUN ANG DIYOS KO! THERE IS ASSURANCE IN YAHWEH!! HIS PROMISES IS OUR HOPE AND JESUS IS THE FOUNDATION OF MY FAITH!!

1 John 5:12-13
He who has the Son has the life; he who does not have the Son of God does not have the life. These things I have written to you who believe in the name of the Son of God, so that you may know that you have eternal life.

may mas lilinaw pa ba dyan? we may know that we have eternal life...How? indi sa pamamagitan ng orasyon, sa panalangin ng pagtanggap or kung ano, ano pa man....dapat mong basahin ung buong First John at tignan mo kung pasok ka sa mga description na nakasulat dun.

gets ko ung problema mo TS kaso ung problema kasi eh parang nakadepende ka masyado sa "accepting Jesus Christ as Lord and Savior"...nakadepende tayo sa cross indi sa araw na nagpray ka or sununod sa panalangin ng pastor...yan ang delikado, kung dyan nakabase yung OSAS edi yari na..hays

doctrine of assurance of salvation is the doctrine of PERSEVERANCE....striving to be sanctified because we are already sanctified through Christ Jesus.



 
Re: "Once Save Always Save", Agree kau?

Hello po,
share ko lang ang turo sa amin,

Once na save ka and nakagawa ka ng kasalanan, hindi mawawala yung pagiging ligtas mo.

1 John 1:8-10
"If we claim to be without sin, we deceive ourselves and the truth is not in us. If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness. If we claim we have not sinned, we make him out to be a liar and his word is not in us.

Mawawala ang pagiging ligtas kapag tumalikod ka ulit kay Lord. Just simple as that, wag nating gawing complicated brethren.
 
Re: "Once Save Always Save", Agree kau?

Sa pagkakaintindi ko sa bible may mga pinili ang Dios at inilagay (1st century Christians) or ilalagay (last days) sila sa kawan ang pastol po nito ay si Kristo. Sila po yung ligtas o ililigtas sa araw ng paghuhukom.

Hindi naman siguro secret yung anong kawan yung tinutukoy ko kbye
 
Re: "Once Save Always Save", Agree kau?

Ang pagkakaalam kasi ng karamihan e lahat daw ng tao sa mundo ang tinubos ni kristo, kung gayon tanungin natin sa biblia kung sino nga ba talaga ang tinubos nya.

Eto sagot:

Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.

Alam naman siguro natin na nagtayo si Kristo ng iglesia (Mateo 16:18) Kaya nga nag utos sya na pumasok tayo sa kanya (Juan 10:7,9), para tayo ay maging sangkap (Roma 12:4-5) sa iglesia nya dahil ang iglesia nya ay ang katawan nya (Colosas 1:18) at yun ang ililigtas nya pagdating ng paghuhukom (Efeso 5:23)

Kaya naniniwala ako na ang mangyayari sa paghuhukom ay katulad lamang sa nangyari sa panahon ni Noe na ang nasa loob lang ng arka ang naligtas. Ang katibayan ay mababasa sa:

Mateo 24:37-39
At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.”


Kaya ang paniniwalang paniwalaan na lamang si Kristo bilang Personal Lord and Savior sa pag-aakalang sila ay tinubos na, kung hindi mo naman sinusunod ang utos nya e walang duda kasama ka dun sa Mateo 7:21
 
Last edited:
Mahigit 1 year pa lang po akong born again christian and I could say hindi pa ganon kalalim ung kaalaman ko sa bible and sa mga issue regarding christianity. Just recently, I just learn na even my church mate and marami pa lang naniniwala na once tinanggap mo na si Hesus sa buhay mo at kahit magkasala ka pa ay ligtas ka na. Alam kong baguhan pa lang ako pero parang hindi ko matanggap ung issue na ito, although kung iisipin dapat matuwa ako dahil hindi naman ako ganon kaperpektong tao and I always prone p rin in committing sin but hindi matanggap ng konsensya ko na ang bagay na ito ay tinatanggap na tama at acceptable ng marami. For me kawawa naman ung mga tao na tatanggapin ang aral na ito dahil maaring maging ticket nila ito in doing things na against God's will.

I welcome po ung mga paliwanag nyo sa isyung ito upang maliwanagan nating lahat ang mga saloobin ng mga kapatiran natin. Your suggestion is very much appreciated and May God enlighten us all with regard to this issue. GOD bless po sa lahat

OSAS?

Try ko pong sagutin ang tanong na ito ng tatlo ding tanong.


Una, sino po ba ang mga taong qualified sa OSAS?
Basahin po muna natin ang ilang Kasulatan sa ibaba once na ang isang tao ay tinanggap si Cristo Jesus sa kanyang buhay.

Nalalaman ninyong naparito si Cristo upang pawiin ang ating mga kasalanan, at siya'y walang kasalanan. Ang nananatili sa kanya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala. Ang sinumang nagpapatuloy sa pagkakasala ay hindi nakakita ni nakakilala man sa kanya. --1 Juan 3:5-6

Ang tinanggap ng Diyos bilang anak niya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat nananatili sa kanya ang buhay na galing sa Diyos. At dahil ang Diyos ang ama niya, hindi siya maaaring magpatuloy sa pagkakasala. --1 Juan 3:9

Alam nating ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat iniingatan sila ni Jesu-Cristo, at hindi sila maaaring galawin ng diyablo. --1 Juan 5:18



Ngayon po kung gagawin nating basehan ang Kasulatan the answer is YES.


Ang pangalawang tanong, paano po ba natin dineclare si Christ sa buhay natin?
Galing ba sa puso natin o baka naman sa isip at salita lang natin.

Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit. --Mateo 6:1

Ang nagsasabing, "Nakikilala ko siya," (Cristo) ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig nang wagas sa Diyos. Sa ganito, nalalaman natin na tayo'y talagang nasa kanya. Sinumang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pamumuhay ni Jesu-Cristo. --1 Juan 2:4-6

Mga mapagkunwari! Tama nga ang sinabi ni propeta Isaias tungkol sa inyo, 'Ang paggalang sa akin ng bayang ito ay pakunwari lamang, sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal. --Mateo 15:7-8

Sila'y magkukunwaring maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao. --2 Timoteo 3:5



Kung totoong sa puso natin tinanggap si Cristo, hindi na tayo kailangang utusan pa dahil kusa itong makikita sa ating pamumuhay.
Ayon sa Kasulatan ang tao ay hahatulan o gagantimpalaan ng Diyos ayon sa kanyang gawa at alam ng Diyos kung sino ang tunay at sino ang hindi.

Subalit hindi nagtiwala sa kanila si Jesus, sapagkat alam niya ang kanilang mga iniisip. Hindi na kailangang may magsabi pa sa kanya tungkol sa kaninuman, sapagkat nalalaman niya ang kalooban ng lahat ng tao. --Juan 2:24-25


Pangatlong tanong, ano ba ang nangyayari sa taong totoong tumanggap kay Cristo at naligtas?

SANCTIFICATION

Sanctification is God’s will for us. The word sanctification is related to the word saint; both words have to do with holiness. To “sanctify” something is to set it apart for special use; to “sanctify” a person is to make him holy.

CONSECRATION

In the Bible the word consecration means “the separation of oneself from things that are unclean, especially anything that would contaminate one’s relationship with a perfect God.” Consecration also carries the connotation of sanctification, holiness, or purity.



Kaya mga brother and sister siyasatin muna natin ang mga puso natin at masasagot natin ang ating sarili kung qualified ba tayo sa OSAS.

God bless.. ;)
 
It's been 5 year when I first post this, and I really thank you my brothers who gave their opinion and thoughts about my question, I learned a lot from it. Right now, by God's grace nakapagtayo na kami ng church dito sa subdivision namin and ako yung tumatayong pastor po. Kapag di po ako busy I will share my thoughts kung ano na ba yung stand ko sa issue na ito, salamat po uli at God bless
 
OSAS are for the elect not for the assuming ones
 
Last edited:
All of these questions of whether true ba ang OSAS among other things can be cleared out if we only apply dispensation. Remember, we are in the age of grace, and God's focus are on the church. God's handling of the Jews is very different compared to the Christians/Gentiles/Church. Just like in James, sino ba ang kausap doon? Church/Christians ba or Jews?
 
All of these questions of whether true ba ang OSAS among other things can be cleared out if we only apply dispensation. Remember, we are in the age of grace, and God's focus are on the church. God's handling of the Jews is very different compared to the Christians/Gentiles/Church. Just like in James, sino ba ang kausap doon? Church/Christians ba or Jews?

Dispensationalist po ba kayo or you do believe in dispensationalism?
 
I do not agree and it is simply not true. There is always an IF in the Holy scripture, I can list it all to you author so you can look it up yourself. Thanks
 
Dispensationalist po ba kayo or you do believe in dispensationalism?

Yes po, I believe in a doctrine called Dispensationalism, using verses to the right group of people (Jews/Church/Christians/Gentiles) to the right time period (Old Testament (Age of the Law), Church Age (Grace), Great Tribulation and Millenial Kingdom).

Otherwise, if we just get verses from all over the Bible without rightly dividing it, we will come up with major wrong doctrines.

Remember, all scriptures are for us (2 Timothy 3:16).
But not all scriptures are about us (2 Timothy 2:15).
 
Yes po, I believe in a doctrine called Dispensationalism, using verses to the right group of people (Jews/Church/Christians/Gentiles) to the right time period (Old Testament (Age of the Law), Church Age (Grace), Great Tribulation and Millenial Kingdom).

Otherwise, if we just get verses from all over the Bible without rightly dividing it, we will come up with major wrong doctrines.

Remember, all scriptures are for us (2 Timothy 3:16).
But not all scriptures are about us (2 Timothy 2:15).

Ah okay po, respect your belief. Dati I believe on that. Now i believe that i live now in "two ages" the age today and the age to come.
 
Last edited:
Back
Top Bottom