Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

One Morning of July [Complete]

j34ta.jpg

maraming thanks kay ma'am Melala, para sa astig na banner/image


A Harot Story :D

"Hello Houston!"

Wala ako sa Houston. Yun ang alarm tone ng cellphone ko, na nakikipag-unahan pa sa sikat ng araw. Hinila ko pang maigi ang comforter para takpan ang mga mata kong iritable sa liwanag ng paligid. Snooze mode na sya nang aabutin ko na. Kahit masakit ang ulo ko sa dami ng naitumba kong bote kagabi, pakiramdam ko’y ang sarap ng gising ko.

Nakapikit pa ang mga mata ko habang kinakapa sa paligid ng kama ang nakikipagtaguan kong unan. Nang magtagpo ang aming landas agad ko syang niyakap. Nothing beats this feeling ika nga. Mabango talaga sya kahit tatlong buwan ng hindi nakikipagkita sa labahan. Daig pa ang fabric conditioner na ginagamit sa Let’s Talk Dirty.

Niyakap ko sya ng mahigpit. Para bang first time lang naming ulit nakasiping ang isa’t-isa. Nakikipagtalo pa ang antok sa akin, kaya inunat ko pang maigi ang aking mga paa na sa tingin ko’y tatama sa nais kong posisyon, para makakuha muli ng tulog.

“Urgh..”

“Huh?!”

“Good morning..”

“Good morning din..”

Napabalikwas ako. Mabilis kong hinawi ang makapal na telang nagtatakip sa aking katawan. Lumantad ang babaeng sa buong buhay ko ay hindi ko pa nakikita o napapaniginipan. Namutla ako’t napalunok. Mabagal ang pagdaloy ng laway pababa sa aking lalamunan. Agaran akong tumalikod sa kanya, nang napansin kong wala ni kapirasong tela ang pwedeng magtago kanyang katawan.

“Oh my God!” sabay naming wika.

Sabi ng tsismoso kong tenga, tumayo daw sya at mabilis na tinakip ang kumot sa kanyang katawan. Kasunod noon ang mga salitang, hindi na maaaring basahin ng mga batang mambabasa.

“Okay! Ilang bote ba ang naging dahilan nito? Kung anong nangyari wala akong alam.. Hindi ako aware!” nauutal-utal ko pang litanya, habang pilit na pinipigilan ang pagkilos ng aking katawan.

“What?! Hindi naman makapal ang mukha no? Anong ginagawa ko dito?!” mataray ang pagkakasabi nya.

“Ano nga bang ginagawa mo sa kwarto ko?”

“Kwarto mo?!”

“Ay hindi! Motel ito!” pilosopo kong sagot. “Pwede na ba akong humarap?”

“NO! Don’t even try!” mabilis nyang sagot na akala mo sya lang ang affected. “Nasaan ang phone ko?”

“Miss! Yung mga tanong mo imposibleng masagot..” agad akong humarap sa kanya.

Hinanap ko kung saan nagtalsikan ang aking mga ngipin, matapos malaglag ang aking panga dahil sa ganda ng babaeng kaharap ko. Kung pa-raffle lang ang mga babae sa mundo, malamang natumbok ko ang grand prize. Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi, pero kahit simpleng detalye ay wala talaga akong matandaan. Kahit man lang kissing scene lang, sigurado akong kaya ko nang iguhit. Kahit anong halo ko sa sabaw, wala akong makuhang laman. Olats! Hindi sya pinagpala ng height, pero bumawi naman ang bilugan nyang mga mata. Bumagay din ang apple cut nyang buhok sa kanyang dimple, na kahit nakasimagot ay sumisilip.

“Sigurado ka bang wala kang natatandaan?” tanong nya habang diretsong nilalagok ang malamig na tubig sa baso.

“Company Anniversary lang ang event kagabi, at ang brand ng alak ang natandaan ko” sagot ko habang nagsusuot ng shirt.

“Hindi ka part ng company, kaya sigurado akong hindi tayo doon nagkakilala..” dugtong ko pa.

Magulo talaga ang takbo ng utak ko. Dagdag pa ang pag-iisip kung anong nangyari sa apat na sulok ng kama kagabi. Kung mayroon man hindi ko alam kung paano nangyari, dahil sa sobrang kalasingan.

“Yes! I’m not! But—“

“So, ano nang balak natin?” mabilis kong kabig.

“We? Uuwi na ako! I need to get home, bago pa ako tawagan ni daddy..”

“Baka gusto mong mag-breakfast muna! Or coffee? Or coffee and breakfast?” pagbabakasakali ko.

“You’re funny! I don’t even know you, tapos kung makayaya ka parang close lang tayo?”

“Pinapakalma lang kita. Hindi tayo magkakaunawaan kung puro hysterical”

“Nagising akong walang damit, at may kasamang lalaki na hindi ko kilala. Sa tingin mo kaya kong mag-breakfast at mag-relax?” talsik lahat ng laway sa mukha ko.

Mabuti nalang at kasing haba ng San Juanico Bridge ang pasensya ko, kung hindi pinalayas ko na sya. Naubusan na ako ng isasagot. Pakiramdam ko’y lahat ng sasabihin ko may counter attack na sya. Hindi ko tuloy lubos maisip na nakatabi ko ng isang gabi ang babaeng ito. Produkto lang ng alak ang lahat, at ang nangyari ay isang malaking kalokohan lamang. Alam kong bawal mag-expect sa ganitong klaseng sitwasyon, pero sa ganda nya hindi ko maiwasang umasa. Kung lalabas sya ng kwarto ko, at magkikita kami ulit sa ibang lugar.. Maniniwala na akong may invisible na sinulid na nag-uugnay sa dalawang taong tinadhana. Naks!

Nakalimutan ko pang magbayad sa jeep, kaka-imagine sa mukha nya. Mabuti nalang may mga sayings na naka vandals sa loob ng disco jeep, tulad ng “God knows Judas not pay” at “Katas ng Saudi” pati ang “Fool the string to stuff”. Parang si Nyan Cat lang kung lumipad ang isip ko mula byahe hanggang opisina. Kinalawang yata sa dami ng alak.

“Noel!”

Dahan-dahan kong sinilip sa ibabaw ng computer monitor ko, kung sino ang tumawag sa akin. Matapos kong malamang guni-guni, agad kong binalik sa ginagawa ang aking paningin.

“Noel! Anong nangyari kagabi?” kumunot agad ang noo ko sa boses ng ka-officemate kong bida sa videoke kagabi.

“Anong nangyari? Nalasing lang.. tapos umuwi..” pagsisinungaling ko. Baka sakaling may matuklasan ako sa kanya.

“Kaya pala bigla kang nawala.. Akala ko tinake-out mo si Marta, sabay kasi kayong nawala..” pabulong nyang sagot.

“Si Marta? Haha! Hindi! Sino ba si Marta?” curious kong tanong. Sa gilid ng utak ko may nabubuo nang kakaibang senaryo.

“Lasing ka nga. Daughter of Mr. Reonico.. Si Boss!”

Tinignan ko sa likod kung may pwedeng sumalo sa akin, kung sakaling hihimatayin ako. Nagpilipit ang dila ko sa sinabi nya. Hindi ko sigurado kung Marta nga ang pangalan ng misteryosang babae na nakitulog sa kama ko kagabi. Pero may kutob na akong magiging magulo ang takbo ng buhay ko, kung sakali mang sya iyon.

“Bilib na ko sayo Noel! Akala ko nga kayo na e, sa sobrang close nyo kagabi. Good thing lasing din si boss, kung hindi nag-iimpake ka na ng mga gamit mo dito sa opisina.” Pang-aasar nyang may halong inggit.

“Advantage daw kapag kargado ng alak, may automatic na humor na bigla nalang susulpot” pabiro kong sagot, o excuse na din para matapos ang usapan.

Naging problema ko ang paghahanap ng sagot, kaya nawala na din sa isip ko ang pagkuha ng pangalan nya. Contact o address man lang ay malaking tulong na. Naglalaro din sa pilyo kong isip na kung sakaling mag-krus ulit ang lasing naming landas, may chance pa kayang maging maayos ang aming relasyon. Friends ba? Kahit isang porsyentong tyansa lang, alam kong madedevelop iyon sa isang daan. Pero paano ako magsisimulang hanapin sya? Kung ang natandaan ko lang ay ang kurba ng kanyang balakang?

Tatlumpu’t tatlong minuto bago matapos ang oras ng trabaho. Himalang walang text message na natanggap ang cellphone ko. Sa ganitong tipikal na araw, ang pagpapadala ng mensahe at pagtawag sa akin ang trip ni mommy bukod sa pagko-cross stitch. Hindi ko alam kung tumumba ang cell site sa Bicol, o nang-chiks na naman si daddy kaya nalimutan nila akong kamustahin. Kung tutuusin yung party lang last night, ang pinaka-exciting na nangyari sa unang isang buwan ko dito sa company. Mababait naman sila, yun nga lang nasobrahan kaya ang produkto ay pagkaboring.

"Marta.. Marta.. Marta.." paulit-ulit kong bulong sa sarili habang binabaybay ang kahabaan ng Paseo sa Makati.

Nabitiwan ko ang cellphone ko sa sobrang gulat, dahil sa halos kasing nipis nalang ng buhok ang distansya ng sasakyang nasa harapan ko huminto. Hindi pa yata ako matatauhan kung hindi bumusina ang driver. Sumenyas lang ako at nagsabi ng sorry, kahit pa alam kong hindi nya iyon maririnig.

"Ikaw?!" wika nya habang binababa ang sunglass sa kanyang mata. bukas na ang bintana ng auto nang nilingon ko sya.

"Siyam na oras palang tayong nagkakahiwalay ha! Ang bilis mo naman akong ma-miss"

"Kung nalaman kong ikaw yan, hindi na sana ako nag-preno" natatawa nyang wika.

Hindi ko alam kung paano susuklian ang kanyang ngiti. Moody ba sya? Kanina lang gusto nya na kong tirisin sa pagitan ng kanyang mga kilay, at kahit footprints ko ay pinagdadasal nyang hindi na nag-exist. Ngayon kung ngitian nya ako, daig nya pa naglalambing na bata. Nang-aakit ang kanyang mga labi, na hindi ko magawang titigan ng diretso. Pumaling ang kanyang ulo kasunod ng isang kindat.

"Free ride ba 'to? o Peace offering?"

"Both! Malinis na kasi ang pangalan mo sa akin.." wika nya habang tinatahak ang u-turn.

"Ah.. Walang nangyari?" pigil kong tanong.

"Do you expect na may nangyari?" mataray nyang sagot.

Supalpal ako sa sinabi nya. Halata ang motibo ko. Dali-dalli kong nilihis ang aking mata papalayo sa kanya. Binalak ko nang mag kwento ng malayo sa usapan, pero kahit anong pilit ko hindi ko alam kung paano magsisimula. Napansin ko na lang ang kalyeng tinatahak namin ay hindi pabor sa akin.

"Bakit dito tayo? Anong meron at ang daming tao?"

"Guess what?!" nakangiti nyang wika.

"Birthday ko! At ikaw ang magiging partner ko ha! Just pretend na matagal na tayong magkakilala.. Kung maari pwede ding boyfriend"

Alam na siguro ng kahit sino ang ngumiti, kahit mukhang nagulat lang ang mukha. Sa loob-loob ko may weird na pakiramdam. Feeling ko'y gwapo ako, at ang pagpilit nya sa akin ang nagpapatunay nun.

Ilang minuto pa nakapag-park na din sya ng maayos. Bago tuluyang hugutin ang susi sa pinagsasaksakan nito, sinilip nya pa ang sarili sa rear mirror at tumingin sa akin. Ngiti din ang sukli ko. Kahit kabado, pinilit kong magmukhang relax. Mabuti nalang at naka semi formal ang porma ko.

"Ready ka na--"

"Noel! Noel nga pala.." agad kong sagot.

"Nice name. Mukhang mabait. I'm July!" sabay abot ng kanyang kamay para makipag-shake hands sa akin.

"July? Sino si Marta?" bulong ko sa sarili.

bibitinin din syempre :lol:


Para sa naghahanap ng complete at tamad maghukay ng thread na to.. credit kay RedSky :salute: Maraming Salamat! :beat:
PDF file
 
Last edited:
Re: One Morning of July

naguluhan narin si nancy... :lol: antay ulit ng bagong update... :thumbsup:
 
Re: One Morning of July

bagong character na lumabas.

maganda kaya si nancy: :)
 
Re: One Morning of July

halatang minadali :slap: may magandang binibini kasing nag-aalboroto kagabi :(
 
Re: One Morning of July

halatang minadali :slap: may magandang binibini kasing nag-aalboroto kagabi :(

Nakaw ulit na naman sa paghihintay.Anu ba namang babaeng nagaalb0roto yan..Tap0s na ata sana e.Hehe.Pambihira..
 
Re: One Morning of July

Naks! parang shonen jump sa manga boss amp. Every Thursday po ba ang update?? :laugh:
 
Re: One Morning of July

born, wala kasi ako pasok ng friday kaya thursday ako ng gabi nagsusulat :D
 
Re: One Morning of July

wew.. ayan ang napapala ng mga lasenggero.. hahahaha!! :D
ang ganda ng storya ung nga lng lagi aqng nabibitin.. hahaha.. antayin q n lng ung update.. hahaha!! :)
 
Re: One Morning of July

sa wakas thursday na :excited: abang mode sa update ni idol, bawal maglasing ngayon sir hehehe:)
 
Re: One Morning of July

Chapter 4

"Wala ka pala e!"

Tinig na nag-utos sa akin. Hindi ko alam ang ginawa ko. Basta nalang may nagtulak sa akin para nakawan ng halik si Nancy. Lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ko si July na may ibang kasama. Ang halik na tumama sa kanyang malambot na pisngi ang nagtulak sa akin para gawin din ang bagay na yun kay Nancy. Strange! Hindi brew. Nagseselos ba ko? Wala ako sa posisyon. Kung ang pagtulog lang sa tabi nya ang basehan, kahit kasing laki lang ng butas ng ilong ng kapitbahay wala akong karapatan.

Tatlong ulit kong binasa ng tubig ang sariling mukha sa loob ng cr. Iniisip ko kung anong mukha ang ihaharap ko kay Nancy. Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto palabas.

"Hindi kapa pala satisfied sa kung ano mang nangyari kagabi. Gusto mo pa talaga akong sundan." ang babaeng pwedeng pagkaperahan kung kakain ng manok sa peryahan ang sumalubong sa akin. "Hindi kana makasagot, siguro tama ako?"

"Hindi ako marunong pumatol sa babae. Kung makikipagtalo ka lang sa akin, kahit pumuti mata mo wala kang mapapala" sagot ko.

"Sino bang nagsabing nakikipagtalo ako? Itetext ba kita kung galit pa din ako sayo?"

"So.. Peace na tayo? Paano naman 'to?" habang tinuturo ko ang pisngi kung saan napagtripan nyang sampalin.

"Kasalanan mo yan! Hindi ka marunong umilag!" nakangiti nyang wika.

"Kakasabi ko lang yata na ka-ally ako ng mga kababaihan"

Gumaan ang kaninang mabigat na hangin na umiikot sa paligid. Ang babaeng may nawawalang turnilyo sa sintido, ay maliwanag ko nang nakakausap.

"Maiwan muna kita! May kasama kasi ako.." paalam nya habang tinuturo sa gilid ng mga mata ang lalaking kasama.

Itatanong ko pa sana kung sino, pero mabilis na syang naglakad papalayo na parang kahit isang letra lang ay wala kaming nabanggit sa isa't isa. Napangiti ako nang mapansin kong ngumiti din sya bago tabihan ang kasama.

"Tapos na break! Balik na tayo?" salubong na tanong ko kay Nancy.

---

Madalas akong managinip ng taong hindi ko pa nakikita o nakikilala. Madalas din pag gising ko limot ko na ang mukha nila. Magugulat ka nalang na ang taong minsang bumisita sa panaginip mo ay ang taong ngayon mo palang nakasama. Naniniwala din ako sa threads of fate. May hindi nakikitang sinulid na nagdudugtong sa bawat tao na kung aksidente mong mahila, makikilala mo kung sinong nilalang ang nasa dulo. Hindi lang iisa, minsan dalawa, minsan tatlo. Kapag swerte malamang magkakaugnay kayo. Magkakadugtong ang sinulid na hawak ng mga taong involve sa kung ano mang mangyayari. Posibleng sa problema, sa eskwela, sa trabaho, rally, online games, lotto, aksidente, at ang mas madalas. Pag-ibig.

"Nakita ko si Marta sa fastfood kanina.." wika ko kay Nancy habang nasa elevator.

"Talaga? Anong nangyari?" excited nyang tugon.

"Nag declared lang sya ng world peace!" biro ko.

"Yun naman pala e! Wala ka nang problema!"

"Uhm.. Nalimutan kong linawin yung tungkol sa kakaiba nyang kinikilos? Mukha naman kasing nasa tino.."

"Magulo talaga ang ganyang sakit. Minsan hindi mo alam kung sino sya sa mga oras na yun! Pero iba si Marta e!"

"Paanong iba?"

"Nakausap ko na kasi sya dati nang nag-leave yung secretary ni boss. Two weeks din akong naglabas-pasok sa opisina nya. Kapag dumadalaw sya nagkakaroon kami ng small talk. Matino naman sya at mukhang walang signs ng ganung sakit. Pero kung meron, hindi yun kapansin-pansin sa kanya. Or else.. Lumala na ngayon!"

Wild na ngiti lang ang sinagot ko kay Nancy. Hindi ko alam kung anong amoy ng hangin ang pumasok sa utak ko. Nagkaroon ako bigla ng matinding pagnanasang alamin kung ano ba talagang meron kay July, bukod sa seksi nyang katawan na mas una ko pang natuklasan. Bumukas ang pinto ng elevator. Nauna kong lumabas.

"Salamat sa treat!" paalam nya.

"Hindi libre yun! Sa susunod ikaw ang taya"

"Libre na yun! Nakalibre ka naman ng kiss sa akin!" natatawa nyang sagot bago tuluyang tumalikod.

---

Bukod pa sa balak kong pag spy kay July, dumagdag na din ang pagiisip kung sinong nagpauso ng pagbibilang ng tupa para makatulog. Paubos na ang tupa sa rancho hindi pa din dumadalaw ang antok. Kapag sinusubukan kong ipikit ang aking mata, agad na susulpot ang mukha ni July. Parang concert lang na kapag lights off, naka lights on ang mga cellphone.

Gumawa ng kakaibang art ang gusot na kumot dahil sa paulit-ulit na pag ikot ko sa kama. Pilit kong pinalalayas sa isip ko ang nakangiting imahe nya. Walang epek! Muntik nang mapunit ang mukha ko sa paglamukos ko dito dahil sa sobrang inis. Dinampot ko ang cellphone ko. Diretso sa phonebook at automatic na pinindot ang numerong 5 para lumabas ang pangalan nya. Nahinto ang hinlalaki ko sa paglanding sa kulay berdeng button. Nagdadalawang isip ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko kapag sumagot sya. Ibinaba ko ang cellphone sa dibdib at nagpasyang ikansela nalang ang balak.. sana.

"Hello.." malamlam na tinig ng sa kabilang linya. halatang bagong gising. kinabahan ako. naguumpisa nang tumigas ang dila ko.

"Hello? Hello!!" may pagtaas na sa tinig nya.

"Kapag 'di ka sumagot--"
"Si Noel 'to!" maagap kong sagot.

"Alam ko! Wala naman akong ibang kilalang Noel" sa tinig palang alam ko nang sablay ang timing ko. Hindi magandang pakinggan kung aayain ko lang syang lumabas sa makalawa, matapos sirain ang tulog nya.

"Napatawag ka?"

"May meteor shower daw kasi mamayang hating gabi! Manonood ka ba?"

"Paborito ko yan! Kaso noong isa linggo pa binalita yan, siguro nasa pluto na ngayon ang mga bulalakaw"

"Ano ba talagang kailangan mo?"

"Gusto kong humingi ng sorry!"

"Okay na tayo 'di ba? And beside, narealized kong may kasalanan din ako. Hindi talaga ako malakas pagdating sa larangan ng paglalasing"

"Naisip ko kasi na hindi valid ang isang sorry kung hindi gagantihan" palusot ko.

"So sa tono mo, may gusto kang gawin para sa akin?"

"Pasensya na ha! Hindi ako romantic person talaga eh! Mang-treat lang ng kung sino ang kaya ko"

Matagal bago sya sumagot. Inakala ko pang naputol o binaba nya ang linya. Ginasgas na kasi ng mga naunang tao ang istilo ko, kaya kumbinsido na kong walang mangyayari. Kung babawi naman ako at sasabihin kong biro lang ang lahat, iisipin nyang trip ko lang talaga syang pagtripan.

"Hindi naman date 'di ba? Treat lang or more like friendly date!" wika nya.

Dadaigin pa ng ngiti ko ang ngiti ni cheschire cat sa alice in wonderland. Ngayon palang binubuo ko na sa isip ko na magkasama kami. Lumilipad na agad ang imahinasyon ko. Kinurot ko pa ang sariling pisngi kahit alam ko namang masasaktan ako. Para wala lang. Humaba lang ang chapter na 'to.

"Tomorrow! 6pm sa Podium, Ortigas! Sharp!"

July 3. 7:30pm. Kung magsasalita pa ang guard ng mall uupakan ko na. Kanina pa sya natatawa sa ginagawa kong pagtayo sa entrance. Nabilang ko na kung ilang artistahing dilag ang dumaan sa harapan ko, wala pa din sya. Kabisado ko na kung anong sasabihin ko, at kung saan kami pupunta. Kahit ang oras na itatagal namin sa isang lugar nakaset na. Ayokong mainip sya at masabihan akong boring kaya naghanda na din ako ng mga joke na pwede kong magamit kapag mauubusan na ako ng humor. Isa lang ang problema. Wala pa yung mismong taong pinaghandaan ko.

"Uy! Noel! Napatawag ka?!"

"Ahh.. Nandito na ko. Darating ka pa ba?"

"Saan?"

"Ah-wala! Wala! July?!"

"Lasing kana naman ba? Syempre ako 'to!"

Kahit medyo inis napangiti ako. Tumindi ang hinala ko. Alam kong medyo mahirap, pero mukhang kailangan kong manuyo ng dalawang babae sa isang katawan sa loob ng isang araw. Mukhang kailangan kong markahan ang kalendaryo para hindi ako malito. Dala ng matinding adhikaing malaman ang lahat-lahat. Sigurado na ko. Inlab ako sa babaeng sweet at charming na si July, at kay Marta na may monstrous side pero may deadliest smile.

“Hindi! Namiss lang siguro kita.. Nasaan kaba ngayon? Pwede ba kitang Makita?”

Matamis na tawa ang sagot nya, kasunod ng pagsabi ng “Baka naman ibang bagay ang namimiss mo?”


-bitiness
 
Re: One Morning of July

hehe, bitiness ulit...hintay again.
 
Re: One Morning of July

waitint mode uli:):excited:
 
Re: One Morning of July

bitin na naman hahaha... antay mode na lang ulit:dance:
 
Re: One Morning of July

Waiting sa Next chapter :)
 
Re: One Morning of July

ang ganda talaga boos ng pagtwist ng kwento...kaya ito bitiness, walang magawa kundi waiting well :giggle:
 
Re: One Morning of July

Yung pagkatao ba naman ang iTwist, kaya may twist talaga ang story :lol:
 
Re: One Morning of July

salamat sa pagsusunog ng buhok sa inyong mga ilong :salute:

Post nalang agad kapag naisulat na :D
 
Back
Top Bottom