Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Paalam muna...

View attachment 291007
Hayaan mo akong maglaro sa ilalim ng araw
Isang beses pa
Isang beses pa upang lalo kong maramdaman
Ang liwanag at ang init na kinakailangan ng aking katawan.

Hayaan mo akong maglaro sa ulan
Isang beses pa
Habang ang mga patak nito ay tumatama sa aking mga mukha
Ang sakit ng bawat patak ay tila sinyales na ako ay may nararamdaman.

Hayaan mo akong lumangoy
Papalayo sa pampang
Papunta sa malawak na karagatan
Matutong lumangoy papunta sa kawalan at bumalik sa dalampasigan

Bigyan mo ako ng panahon
Upang libutin ang daigdig
Upang pagdating ng panahon na kailangan kong tumindig
Sa harapan mo ay maipagmamalaki kong napagdaanan ko na yan

Kaya ko ang lahat
Kailangan ko lang ang tiwala mo
Tiwala ko…
Sa sarili ko
 

Attachments

  • tumblr_mbsm9cuJn31qetik7o1_500.jpg
    tumblr_mbsm9cuJn31qetik7o1_500.jpg
    46.5 KB · Views: 3
Up ko lang.. backreading eh.

"Hayaan mo akong lumangoy
Papalayo sa pampang
Papunta sa malawak na karagatan
Matutong lumangoy papunta sa kawalan at bumalik sa dalampasigan"

lalim TS! :)
 
Back
Top Bottom