Ewan ko ba kung bat ako ganto eh. Sabi ng mga kaibigan ko ang weird ko daw, Pero di naman talaga ako yung tahimik at mahiyain na tao eh. pag may mga events naman pumupunta naman ako kasama mga kaibigan ko. Ang hirap lang kasi socially awkward ako, kaya siguro nasasabihan ako ng weird. minsan napagkakamalan pa akong suplado at snob hahaha di kasi ako namamansin pero gusto ko talaga makipagkaibigan sa kanila Di ko lang alam kung paano ko sisimulan. Gusto ko kasi yung marami akong kaibigan kaso di ko alam kung paano makipagkaibigan sa kanila kasi mejo nahihiya ako at baka maging awkward lang at baka wala akong masabi pag kinausap ko na sila. di naman kasi ako ganito dati eh nung bata pa ako lagi akong nasa labas ng bahay at nakikipaglaro kasi medyo friendly ako dati pero nung naghighschool na ako unti unti na akong naging ganito pero may mga barkada naman ako lagi.simula dati di ako nawawalan ng barkada kaya lagi akong may kasama lagi pero apat lang ka close ko dun. yung iba kasi don walang pakelam saken alam nyo yon yung parang wala wala ka lang sa kanila,kakausapin ka lang pag may kelangan o mang hihiram o mang hihingi ng ulam tuwing lunch hahahaha nakakainggit nga yung isa kong kaibigan eh lagi nalang siya yung hinahanaphanap kasi masarap siya kasama pati yung mga trip non hahaha hirap talaga pag ganito. kaines.
Last edited: