Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Paano ko malalaman kung gusto narin ako ng babae?

knowmeifyou

Symbianize Elder
Advanced Member
Messages
1,097
Reaction score
0
Points
26
Lalake po ako at my nililigawan na katrabaho ko.

Ang question ko is paano ko malalaman kung gusto na ako ng babae.

Nagka gf narin ako ng ilang beses pero itong babae na ito kakaiba xa. Hindj ko mabasa iniisip niya.
Well siguro dahil mahilig xa magbasa ng psychology books.

Nag kwento nga xa minsan na pwede mong mabasa kung nagsisinungaling ung isang tao. Pag kinakausap. Di naman
Ako nagsisinungaling sa kanya.
Saka 4th year hs xa huli nagka bf. So sigurado mahihirapan ako makuha attensyon at tiwala nya. And nasabi nya minsan sakin na di nya alam if ready naba xa.
Lumalabas kami paminsan minsan. Pag niyaya ko xa pumapayag naman xa, tumatawa naman xa at ngkwekwento minsan. And then one time sabi ko sunduin ko siya sa house nila. Then ayon nagtanong na if nililigawan koba xa. Sabi ko oo. Tinanong din kung "paano if itatanong sakin ng parents nya if nanliligaw ako sa kanya" sagot ko naman na sasabihin ko na nanliligaw ako. Ayon naging maayos naman ung paglabas namin na un. Then pag uwi sa bahay nila nakipag usap konti sa papa nya. First time ko gawin un at first time na my nanligaw sa knya sa bahay nila. Then pag uwi ko nag chat xa at nagkwento then nasabi nya na my nagugustuhan ung papa nya para sa knya.

Nagreply ako at tinanong kong ititigil kona ba? Ang sagot nya ay "hindi ganon ang ibig kong savihin. Baka lng maging cold ang papa ko sayo, at least alam mo" saka dagdag pa nya hindi nya gusto ung lalake na un.

After ng trabaho. Kumakain kami sa labas. Then kagabi. Nakasakay kami sa jeep pauwi. Nagsabi nya sakin na ang lagkit ng tingin ng bading na kaharap ko sa jeep. Sabi ko hindi naman ah. Then pinansin ko ung bading. Tama nga xa tumitingin nga ung kaharap ko sakin ng ilang beses na. Pasulyap sulyap xa. Sabi naman ni gurl. "Tinitignan din nya ako, tinitignan siguro kung ano magiging reaksyon ko" after ng ilang minuto hinawakan ko kamay nya. Then nakita ko grabe ung smile nya pero nakatingjn sa phone nya. After mga 5 minutes. Binitawan ko kamay nya. Then tinanong kung pwede koba ulit hawakan kamay nya. Then sabi nya "itatanong ko muna sa papa ko" ayon then hinawakan ko nlng ulit. Pero hindi xa nakahawak. Ako lng. Parang hinayaan lng nya kamay ko. After pagbaba ng bading sa jeep. Tinanggal na nya kamay nya sa kamay ko. After ko xa ihatid sa kanila. Nag message ako. Na sorry sa paghawak ko ng kamay mo. Dina mauulit. Then nag reply xa kanina umaga na "wala un. Ayos lang"

Ang question is. Paano koba malalaman if gusto din ako nito. At hindi naboboring lng kaya sumasama? Diko talaga xa mabasa ng maayos
 
sa kwento mo na yan, gusto ka nyan mula pa sa umpisa,di ka na mahihiraan dyan.
 
May pag asa ka ts, hindi malabong maging kayo nyan. Effort lang ts mararamdaman din niya ang tunay na nararamdaman mo. Kaya dapat paunti unti muna wag mo biglain baka magg ka pa Good luck sa inyo :D
 
tanungin mo na lang para di ka mahirapan. kung sabi nya oo edi ayos. kung ang sagot naman nya ay hindi ay nasa sa iyo na kung itutuloy mo pa at dadagdagan mo pa effort mo para magkagusto sya sayo.
 
the best way para malaman mo is to ask her directly.haha
 
Tingin ko gusto ka din nya. di naman sasama sayo lagi yan kung di ka nya type.
try mo wag mag pakita o mag text ng mga 3days to 1 week. Pag tumawag or hinanap ka nyan.
Ibig sabihin, nami-miss ka nya.
 
Base sa body language ni ate mo girl. She may "slightly" like you. She lets you hold her hand. She may not hold yours pero she said okay lang daw. Kung di ka niya gusto ni dumikit o tumabi sayo mabobother siya.

Tama yung ginawa mo na magpakita at humarap sa tatay niya, it means you have good intentions which is a plus. Next time na aakyat ka ng ligaw magdala ka ng pasalubong yung pwede pagsaluhan ng buong family niya. (Pizza or cake or kung ano man ang gusto ng magulang niya)

Nung tinanong mo siya kung ititigil mo na ba ang panliligaw mo. Indirectly ka niyang sinagot na wag kang tumigil. Dun pa lang may katiting ka na na pag-asa wag mong sayangin.

Ituloy mo lang ang pagiging sweet, pageffort sa pagsundo or hatid sa kanya at magpakita ka sa bahay nila wag kang manligaw sa labas. Para malaman ni ate at ng magulang na rinerespeto mo siya at sila.

Good Luck :)
 
salamat sa iba na matitino ang sagot. Yup naisip kona rin na gusto nya ako ng konti. . kasi hindi xa sasama kung hindi nasabi din sakin ng kaibigan namin na babae which is ka work din na nagtanong daw xa sa knya if ano ang tingin nya sakin. kaya lng kakaiba talaga xa. umabot ng 6 months bago nakipag bonding bonding ng konti samin, usual na gawain nya sa loob ng 6 months is work, tapos uwi na, pag niyaya namin hindi sumasama. kaya iniiwasan ko na itanong agad. magtatanong nlng ako if mapapansin kona na nafall na xa.

And about naman sa pag punta ulit sa kanila. Yan din balak ko, kaya tinanong ko na sa knya mga likes ng parents nya, ung papa nya mahilig sa movies which is nagdownload ako ng mga inaasahan kong magugustuhan nya. para pag bisita ko ulit sa knya panoorin namin.

and magdadala din ako ng pagkain na magugustuhan nila.

And nasabi niya sakin na sabi daw ng papa nya "tahimik ka daw" which is usual pag first meet up. And next question ko is paano ako makikipag usap sa papa nya?

Is it ok to ask about mga likes and dislikes nya? or magiging awkward ang mga tanong na ganon?

Pag sabado wala xang kasama sa bahay nila, di nga ako pumupunta pag sabado to show respect sa parents nya baka kung ano din isipin nila kasi ayaw maniwala ng parents nya na hindi pa kami
 
Last edited:
Tuloy mo lang yan bro. Maganda take it slow at meet her parents narin later pag ready kana. I mean yung ready talaga ah. Maraming questions sila sayo pag na meet mo sila at prepared ka dapat. Make a good impression sa kanila. First impressions last kasi. Good etiquette yan na magdala ka sa family nya eveytime you visit them. Basta more effort lang sa kanya at sa family nya pero wag masyado aggressive ah. Depende talaga sa situation nyo talaga. About sa likes o dislikes nya malalaman mo naman yun e pag naguusap kayo ng madalas at unti unti ng lalabas yan. Pag unti unti na nag oopen sayo yan isa ng signs yan na tiwala na sya sayo. Goodluck sayo ts sana sagutin ka nya sa hinaharap. Kaya mo yan.
 
Wag ka tumigil tuloy mo lang yan chong, wag ka ma discourage don sa sinabi nya sayo na may ibang gusto ung tatay nya para sa kanya? Hindi naman ung tatay nya ang masusunod jan eh, malay mo naman hindi nya gusto ung lalakeng yon, kse kung gusto nya yon edi dpat hindi kna nya ineentertain? Kaya tuloy mo lang wag ka sumuko, mas mabuti na ung ituloy mo yan para wala kang pagsisihan, kung di man mag work eh ok lang, move on, atleast ginawa mo ung abot ng iyong makakaya.
 
Idol ko talaga mga taong ganto galingan mo ts

diba ikaw yung nagpost sa isang thread? yung programmer ? tas alam mo na yun kung anu yun . Pero.astig ka gagawin ko mga payo dito
 
Salamat sa mga payo. Niyaya nga niya ako mag baguio kasama ng mga bff nya diko alam if sasama ako hahah. Pero naisip ko. Ok din un para maging mas swit kmi sa isat isa :)
 
Sumama ka ts inaaya kana nga e. Tsk..
 
salamat sa iba na matitino ang sagot. Yup naisip kona rin na gusto nya ako ng konti. . kasi hindi xa sasama kung hindi nasabi din sakin ng kaibigan namin na babae which is ka work din na nagtanong daw xa sa knya if ano ang tingin nya sakin. kaya lng kakaiba talaga xa. umabot ng 6 months bago nakipag bonding bonding ng konti samin, usual na gawain nya sa loob ng 6 months is work, tapos uwi na, pag niyaya namin hindi sumasama. kaya iniiwasan ko na itanong agad. magtatanong nlng ako if mapapansin kona na nafall na xa.

And about naman sa pag punta ulit sa kanila. Yan din balak ko, kaya tinanong ko na sa knya mga likes ng parents nya, ung papa nya mahilig sa movies which is nagdownload ako ng mga inaasahan kong magugustuhan nya. para pag bisita ko ulit sa knya panoorin namin.

and magdadala din ako ng pagkain na magugustuhan nila.

And nasabi niya sakin na sabi daw ng papa nya "tahimik ka daw" which is usual pag first meet up. And next question ko is paano ako makikipag usap sa papa nya?

Is it ok to ask about mga likes and dislikes nya? or magiging awkward ang mga tanong na ganon?

Pag sabado wala xang kasama sa bahay nila, di nga ako pumupunta pag sabado to show respect sa parents nya baka kung ano din isipin nila kasi ayaw maniwala ng parents nya na hindi pa kami

Kudos to you for being patient! Hindi ka naman mag eeffort ng ganyan kung hindi sya worth it.

Anyway, answering your question about asking her likes and dislikes, dapat matagal mo ng ginawa yan. Part of the panliligaw stage is also getting to know each other. The more you talk about deep stuff about yourselves, the more you create intimacy and bond. And kung gusto mo mag open sya sayo, mag open ka sa kanya. In this way, she will also get to know you more. And wag lahat maganda ikwento mo. Tell her your fears, your dreams, your bucket lists. Magpakatotoo ka sa kanya in that way, she will see you for who you are and not who you are letting her see.
 
Sinabi ko sa knya na sasama ako sa baguio. Bahala na hahaha.

Saka na mis interpret nyo po ung isang tanong ko. Sabi ng papa nya tahimik daw ako. So ok lng ba na kausapin ko papa nya. At magtanong tanong. Gaya ng likes and dislike nya? Kung ung mga dislike ang likes po ni ate gurl. Alam kona po un. Un po una kong mga tanong.

And suggest naman po kau ng mga pwede pang pag usapan with ate gurl. Like ano sa tingin m ang reason bakit my stars. Mga gnon
 
Di mo na kelangan itanong yon sa tatay nya tol awkward yon, altho ok naman ung thought na gusto mo lang malaman kung ano ung mga gusto nya or hindi nya gusto, pero di tlga eh, awkward yon, para sakin ah? Ewan ko lang dun sa iba, trabaho mo na yan para malaman kung ano ung mga yon, kung baga, wag mo iasa sa ibang tao ung trabaho mo, dapat ikaw ang gumawa non, wag kang gagawa ng desperado moves bawas pogi points yan, may proseso ang mga bagay bagay at dapat lahat yon pag daanan mo, walang shortcut para makuha ang puso ng isang babae, kaya dpat habaan mo ang pasensya mo, wag mag madali, take one step at a time.
 
Sinabi ko sa knya na sasama ako sa baguio. Bahala na hahaha.

Saka na mis interpret nyo po ung isang tanong ko. Sabi ng papa nya tahimik daw ako. So ok lng ba na kausapin ko papa nya. At magtanong tanong. Gaya ng likes and dislike nya? Kung ung mga dislike ang likes po ni ate gurl. Alam kona po un. Un po una kong mga tanong.

And suggest naman po kau ng mga pwede pang pag usapan with ate gurl. Like ano sa tingin m ang reason bakit my stars. Mga gnon

Yung mga ganyang tipo ng tatay ng nililigawan yan yung mga gusto na makilala ka na husto malaman storya ng buhay mo.
ung iba ngang tatay ng nililigawan idinadaan sa maboteng usapan para makilatis ung pede ba sa anak nila ung manliligaw na nila.
kaya TS tropahin mo un pakita mo na deserve mo talaga si girl at ndi sila magsisi pag nabasbasan ka na..GL
 
Back
Top Bottom