Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Paano kung iniwan ka din ng walang dahilan ?

Dumadaloy ang hangin sa bawat paligid,
Nakaupo sa dalampasigan at pinapakinggan ang himig,
Sabay nagustuhang ipikit ang mga mata,
Nagbabakasali na sa pag dilat ko muli ay makalimutan kana.

Hindi ko alam kung pano ko papatayin ang oras,
Hihintayin ko na lang lumubog ang araw at sumikat ang buwan,
Titignan ko kung pano liwanagan ang lahat,
hanggang mapaisip sa mga salitang "bakit hindi ka niya kayang ipaglaban"?

Biglang binulong sa hangin ang storya ng ating nakaraan,
na kung saan ginawa naman ang lahat pero bakit parin iniwan ?
Sabay nagparamdam ang ihip ng hangin,
at napasabing "hindi niya na kasi kayang aminin"

Alam kong masakit tignan na masaya ka sa iba,
pero hahanap din ako ng ibang dahilan para tigilan ka,
Ibubulong ko na lang sa hangin kung ano pa ang natitira,
hanggang mapagod ang sarili kakasigaw ng mahal parin kita.

Hindi ko namalayan papasikat na pala ang araw at papalubog na ang buwan,
Iiwan ko na lang sa hangin ang storya ng ating nakaraan,
Iingatan sa alala ang mga bagay na pwede pang pahalagahan,
pero storyang iniwan, iiwan din sa hangin ng walang dahilan.

Tatanggapin ko kung ano ang ating kinahinatnan,
Ang panahon na lumipas di na kailangan balikan,
Pinaramdam ng kahapon kung pano tayo paglaruan,
Umasa sa taong akala mo sayo na nakalaan.


Iipikit ko na lang ang aking mga mata,
at ibibigkas ang mga huling letra na nais idikta,
na sana hindi moko iniwan sa hangin ng walang dahilan,
na sana hindi moko hinayaan na tangayin ng hangin ng walang dahilan,
na sana hindi moko pinaubaya sa hangin para lang lumayo habang ikay tinitignan,
kasi hindi mo alam ang sakit na hayaan ka ng taong mahal mo,
na kahit siya ay handa niya akong ipatangay sa hangin para mawala lang ang isang tulad ko,
pero kahit na ganon gusto ko lang malaman mo,
na minahal pa rin kita hanggang dulo,
yung tipong kahit wala nakong dahilan para manatili pa,
Handa pa din ako mag pakatanga para lang bumalik ka.
 
Last edited:
Damdamin mo ay gustong ipakawala
Akala ko ay isa kang pariwara
Isa ka pa lang mahusay na makata
Ngayon sa salita mo ako'y nahawa

Pag ibig mong wagas
Kahit walang tumbas
Pinilit mabaklas
Ngayon ay nag wakas

awat na
tapos na
ayaw na
move on na​

haha hugoat XD, akala ko busy ka mag captcha
 
Damdamin mo ay gustong ipakawala
Akala ko ay isa kang pariwara
Isa ka pa lang mahusay na makata
Ngayon sa salita mo ako'y nahawa

Pag ibig mong wagas
Kahit walang tumbas
Pinilit mabaklas
Ngayon ay nag wakas

awat na
tapos na
ayaw na
move on na​

haha hugoat XD, akala ko busy ka mag captcha

Hahahahaha mas grabe to ! :rofl:
 
:thanks: sa pag babahagi ng iyong tula. maganda yung pagkadescribe ng scene at consistent naman yung image. sa mabilisang basa ang maisusuggest ko lang ay iwasang magtapoa ang linya sa isang syllable word.

Keep on writing!
 
:thanks: sa pag babahagi ng iyong tula. maganda yung pagkadescribe ng scene at consistent naman yung image. sa mabilisang basa ang maisusuggest ko lang ay iwasang magtapoa ang linya sa isang syllable word.

Keep on writing!

Noted po ! Salamat po ! :salute::praise:
Baka po pwede makahingi ng tips sa pagiging word spoken artist :praise::praise::praise::praise:
 
may tutorial ako sa pagsulat ng tula nandoon sa sticky post. Baka may mapulot ka don na mapapakinabangan mo.
 
Ang ganda ng tula, inspired tuloy ako. Maraming salamat ts
 
nakakaiyak naman to TS..

tagos..

keep on inspiring :thumbsup:
 
Back
Top Bottom