Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Paano Mo Idedeal Ang Tao Lahat ay Ginagaya Ka??!!

Alodia143

Proficient
Advanced Member
Messages
248
Reaction score
1
Points
28
Papaano niyo ededeal iyon? Tipo ginagaya ka? I mean halimbawa, tatanungin sayo kung papaano humawak ng cellphone, kung papaano ka magsulat... I mean gagayahin ka talaga. Minsan nakakairita na kase. Nagtataka ako bakit ako ang ginagaya. Gusto niya ako, okay lang pero there is a time na gusto niya gayahin sa akin. Napatanong ako na "Bakit mo ba ako ginagaya?" Sabay sagot na "Ang perfect mo kase", medio nakakairita lang. Hindi naman ako perfect. I mean gusto lang manggaya then, sinubukan ko iwanan, nagwawala naman siya at nagagalit at minsan, naiiyak pa. Minsan, meron pa siya gagawin na hindi maganda katulad ng guguluhin ako buo isa araw.

Na prepressure ako dahil mahilig din siya magdemand at madali siya ma frustrate.

Gusto niya ako pero ayaw ko sa kanya. Minsan kase ay okay siya pero minsan, nakakairita na kaya minsan, ang sarap sabihin ng harapan sa kanya na ayaw ko sa kanya pero ang rude ko naman. Baka masaktan.
 
Last edited:
cut off people who give you negative vibe. Yun lang.

sino ba to? Friend mo? Lover? Di nakaspecify sino eh. If nabibwisit ka na tell the person na hindi okay ginagawa niya or else talagang di mo na sya kakausapin or pakikisamahan.
 
Sapakin mo, tapos pag ginaya ka, umilag ka. Saka mo sabihin sa kanya na di mo ko nagaya kasi di ka nakailag.
Joke lang!

Kausapin mo lang siya in a Good Way. Tanong mo na lahat ng dahilan at gusto mo malaman kung bakit ganun attitude nya.
 
dapat maging proud ka, ibig sabihin magaling ka kasi ginagaya ka...
 
You don't deal with that.

You just ignore it.


We are all like that one way or another.
copying the things we like from somebody else
them telling you stuff like that is weird, and freaky
but changing the way you are because of them is a no-no.

Maybe they just admire you so much like that
maybe they just followed some advice too much
(imitating the person you like)
or maybe they are throwing you off on being the best you are.

Eitherway, if they don't mean anything to you
and that you aren't related much to them
leave them be.

you don't have to feel oblige to keep them close
or mentor them on being a better person.

to each, his own.:approve:
 
cut off people who give you negative vibe. Yun lang.

sino ba to? Friend mo? Lover? Di nakaspecify sino eh. If nabibwisit ka na tell the person na hindi okay ginagawa niya or else talagang di mo na sya kakausapin or pakikisamahan.

Hindi ko masabi na... hindi ako masyado kase connected sa tao. Tipo mahilig ako mag-isa. Gusto ko kase on my own. Bigla lang siya ito dumikit sa akin dahil extremely friendly siya. Ang sa akin ay hindi ko masabi friend ko siya e, pero siya, dahil friendly siya so consider niya ako friend. Makulit siya, mahilig magpatawa na ang mga tao nakakapaligid sa kanya ay tumatawa at ngumingiti, except ako. Hindi talaga ako tumatawa. Hindi ako ngungimiti. Tahimik ako at on my own ako.

Kapag umaalis ako, sumasama sa akin pero okay lang dahil na aappreciate ko naman. Hanggang nasanay na rin ako na meron ako kasama. Magkaiba nga kami e dahil tahimik ako at siya ang makulit. Pagkatapos ang dami niya comment like masyado raw ako organisado, masyado daw ako malinis, masyado raw ako perfect... ganun ba? I mean inaamin ko na wala ako mahilig sa magulo. Kahit ang kwarto ko ay maayos. Nililinis ko rin kapag meron oras. Pati cellphone ko ay ayaw ko ng madumi, kahit hand written ko sa notebook ay ayaw ko ng burado at gusto ko neat at hindi pangit ang sulat... pati ang gamit ko ay maayos pero sa buo buhay ko, first time lang ako nakatapat na ganoon tao na nag cocomment pagkatapos, lahat na lang ay ginagaya na niya.

Nang malinis ang screen ng cellphone ko, nakita ko rin na nilinis rin niya ang cellphone din niya at kung alam niya na meron natira dumi, ipapalinis sa akin at tanong siya ng tanong sa akin kung papaano ko raw ginawa ang cellphone ko na sobra linis. Ako daw ang maglinis ng cellphone niya katulad daw ng akin. Nagugulat na lang ako na bakit katulad ng akin huh?

Pagkatapos nagwawala siya at naiinis siya kapag sinasabihan ko siya na siya na lang maglinis or minsan, tinatanggihin ko siya. Pagkatapos magkakaroon na ng conflict dahil doon. Ang sasabihin niya na keyso hindi naman raw ganun kalinis ng katulad ng akin.

Pati sa drawing, kapag nagdradrawing ako, sasabihin niya na keyso maganda ang drawing ko. Then kapag nag drawing siya, tatanungin niya sa akin kung maganda ba o pangit na kahit sabihin ko na maganda ang drawing niya, hindi niya tanggap. Ang sasabihin ay mas maganda raw ang drawing ko kaysa sa kanya. Pagkatapos kapag hindi eksakto sa drawing na katulad ng akin, frustrated siya.

Hindi ko na tuloy matiis, nasabi ko tuloy na "Bakit mo ako ginagaya?" Ang sagot niya na keyso "mas maganda" raw ang akin.

Madali naman e-cut off. Kaya lang ito lang ang mahirap. Lahat kina cut off ko kapag nakaka depress at nakaka stress na pero ito hindi. Kapag pinutol ko ang amin, meron siya gagawin hindi maganda. Katulad noon na meron ako ginagawa work at pinaghirapan ko iyon, binura niya lahat. Pagkatapos kapag hindi ko na pinapansin sa sobra inis ko sa kanya, friendly siya uli. I mean dumidikit pa rin siya sa akin. Pinagbibigyan ko siya ng isa pagkakataon uli dahil kapag hindi ko pinansin, parang ang creepy ng gagawin niya.

anu ka ba bakla or tumboy di kasi nakalagay.

Bisexual female po ako. Hindi na ako lesbian. Na realize ko rin kase na ang hirap maging lalake. Meron nagagawa ang lalake na hindi kaya gawin ng babae. At the same time, masarap maging babae pero masarap rin kase maging lalake. Meron rin kase nagagawa ang lalake na hindi nagagawa ng babae, kaya, bisexual female po ako. Certified po.

Hiwalay na ako sa ex girlfriend ko pero nagkaka crush ako sa lalake kapag celebrities. Bisexual female ako.


Sapakin mo, tapos pag ginaya ka, umilag ka. Saka mo sabihin sa kanya na di mo ko nagaya kasi di ka nakailag.
Joke lang!

Kausapin mo lang siya in a Good Way. Tanong mo na lahat ng dahilan at gusto mo malaman kung bakit ganun attitude nya.

Tinanong ko. Perfect daw ako. Sabi ko sa kanya, nobodys perfect. Friendly nga siya. Lahat nga niya napapatawa. Iyon nga lang, ako, hindi ako ganun. Hindi ako ganun ka friendly. Ni ngumiti at tumawa ay hindi ko nga nagagawa kahit makulit siya at magpatawa siya. Ako lang ang naiba. Naiinis rin iyon kapag hindi ako ngumingiti.
 
Last edited:
Hi, Alodia,
Natatandaan ko pa yung mga posts mo ditto.
Yan ang advantage na pinalaki ka ng parents mo na masyadong disiplinado. Di ba nadala mo hanggang umedad ka ng ganyan. Mataas ang disiplina mo sa sarili kaya ka naiirita dyan sa taong yan, hindi dahil ginagaya ka, dahil yung mga simpleng bagay ay di nya magawa kumpara sa iyo.
Simple lang nmn ang gagawin mo, tanungin mo siya kung talagang buo ang loob nya n gayahin ka, pag sumagot ng oo, tanungin mo pa ng isa, handa n ba siyang mawala ang pagtao nya, pag sumagot p rin ng oo, ipakita mo na lahat karanasan mo kung bakit nagging organisado at disiplinado.
Kapag nagaya k p rin nya, baligtarin mo ang sitwasyon, maging tamad ka. siguro nmn maiiba n ang impression nya at malang dumistansya n yan sa iyo.
 
Hi, Alodia,
Natatandaan ko pa yung mga posts mo ditto.
Yan ang advantage na pinalaki ka ng parents mo na masyadong disiplinado. Di ba nadala mo hanggang umedad ka ng ganyan. Mataas ang disiplina mo sa sarili kaya ka naiirita dyan sa taong yan, hindi dahil ginagaya ka, dahil yung mga simpleng bagay ay di nya magawa kumpara sa iyo.
Simple lang nmn ang gagawin mo, tanungin mo siya kung talagang buo ang loob nya n gayahin ka, pag sumagot ng oo, tanungin mo pa ng isa, handa n ba siyang mawala ang pagtao nya, pag sumagot p rin ng oo, ipakita mo na lahat karanasan mo kung bakit nagging organisado at disiplinado.
Kapag nagaya k p rin nya, baligtarin mo ang sitwasyon, maging tamad ka. siguro nmn maiiba n ang impression nya at malang dumistansya n yan sa iyo.

Naiinggit daw siya sa akin. Actually, ako ang naiinggit sa kanya. Mas maswerte siya kaysa sa akin dahil lahat nakukuha niya. Ako, hinde. Siya ay meron freedom. Ako, wala. Kahit saan siya, nakakarating. Ako, hinde. Alam niya ang karanasan lovelife. E ako, utak ang ginagamit ko kaya napagbibintangan ako na atheist. Hindi ko nga naranasan na sumakay sa alin man sa amusement park. Siya nakasakay na. Mas maganda pa nga siya sa akin e.

Mas madali nga siya mag open up sa sarili niya sa iba tao. Ako, pinagdududahan ko pa kahit siya ay pinagdududahan ko nga siya noon. Nawala nga lang dahil madalas siya dumikit sa akin pero ngayon, nakakairita na.

Hindi ako friendly katulad niya. Ang tingin ng iba tao sa akin ay complicated at cold blooded na ewan. Lagi ako serious at hindi ako ngumingiti, kaya nauunawaan ko kung bakit na bwibwiset siya sa akin kung nagpapatawa siya pero ako lang ang hindi tumatawa.

Ayaw ko sa kanya.

Umiiwas na lang ako na indirect to the point para hindi mag react at hindi masaktan hanggang mag sawa sa akin at hindi na ako gambalaan pa. Dati kase, direct to the point ako sinasabi sa tao na cut off talaga ang friendship pero ngayon, indirect to the point na lang ako para wala creepy gagawin sa akin ang tao na iyon.
 
Last edited:
ok. try mo naman ito.
Sinagot na niya yung tanong bakit ka niya gingaya. Di ba perfect ka? Yun ang gamitin mo ngayon, perfect in other word is flawless.
lagyan mo ng flaws yung mga common na gingawa mo.
Halimbawa, mag try kang mag solve ng puzzle (of any type or any difficulty) tapos manonood siya sa iyo, hayaan mong gayahin ka.
mali maliin mo ang sagot, kung mapansin nya at tanungin ka, sabihin mo, nahina na yung utak mo dahil gamit na gamit na. Or kung kanang kamay gamit mo sa pagkain, gawing kaliwa, pag tinanong nya, naubusan ka ng idea para may magaya ka. kahit pagsi sintas o pag sout ng tsinelas maliin mo.
get mo ba point ko? sinagot mo siya na di ka perfect, pero di mo pinatutunayan kasi di ka niya nakikita na nagkakamali ka rin.
Nangganyan na rin ako ng dati kong kababata. (Pero ibang case)Since elementary to high school, feeling equal, nagagawa ko, nagagawa nya rin. Niyabangan nya na rin ako kasi kasi magaling siya sa chess, ako ay hindi kasi hindi ko tipo yung game na yun. Ok lang sa akin.Tapos sinabi ko na mag college ako kahit di sure kung saan kukuha ng pang tuition. To maintain na equal kami, dinis-courage nya ako dahil 5 years yun at mag aksaya lang daw ako ng panahon. Nakatapos ako, straight 5 years. Nung magkita kami, ubos yung yabang nya…. di na niya ako ginulo pang muli...the end.
I think out of the box and risk something to come up with long term solution for a certain problem.. you can do it to.

a pleasant day sa iyo, Alodia.
 
Ibang klase magpakita ng affection yan, naiirita ka dahil hindi ka interesado sa kanya. Iwasan mo na lang kung katrabaho mo o kamag-aral. Confident masyado kasi binigyan mo ng karapatan para magawa nya yun. Prevent mo na lang yung mga bagay na ginagawa nya tulad ng pagbura sa work mo. Save save din kasi. Isipin mo nalang ang sarili mo kaysa mag-isip ng tao na hindi naman dapat. Masyado kang nag-iisip ng mga kumplikadong bagay.
 
Back
Top Bottom