Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem "Pagtangis Ng Walang Luha"

"Pagtangis Ng Walang Luha"

Walang araw na hindi ka sumagi sa aking makitid na isipan.
Sa aking pagtulog gabigabi ikaw ang napapanaginipan.
Mga sandaling kay tamis na ating pinagsaluhan.
Ngayo'y isang mapait na alaala na pinagsisisihan.

Pinipilit kong ngumiti at dayain ang aking sarili.
Ngunit kahit anong awat kabiguan ay hindi maikubli.
Ang pagtangis ng walang luha ay isa na lamang libangan.
Dasal ko sa maykapal ay wala namang kahahantungan.

Sinusubukan kong bumangon mula sa aking pagkalugmok.
Puso kong walang tibay ay patuloy sa kanyang paghihimutok.
Payo ng karamihan ay mahalin ang sarili bago magmahal muli.
Subalit hindi nila batid ang pakiramdam ng nakababad sa pusali.

Hanggang kailan ko ba iindahin ang kirot na ayaw humupa.
Ang landas ng paglimot sayo ay patuloy ko pa ring kinakapa.
Pinagtagpi-tagping lakas ng loob ang nagtutulak na lumakad.
Makadama ng pagmamahal ang tangi ko lamang na hinahangad.

Kapag kaya ko ng muling maging masaya hihinto na ang ulan.
Baha na abot hanggang dibdib ay nakakasunog na parang kalan.
Sana may dumampot sa akin mula sa putik na nanlilimahid.
Muling patibukin ang puso kong naninigas at namamanhid.
 
Back
Top Bottom