Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Pandemya

Araw nang iyong pagsilang
Ika'y mag isa kandila'y hinipan
Kalungkutang nabalot sa apat na sulok
Walang kantang narinig
Katahimikan ang naniig

Sa mata umagos, tubig ay hinaplos
Hikbi na pinipigil, humagulhol bagkus
Panyo sa bulsa'y, nabasa ng puspus
Sikip ng dibdib, di mapaliwanag ng lubos

Mata'y nakapikit, dilim ay sumapit
Alaalang nagbalik, nakaraan ay bumalik
Panahong ikaw, kayo at sila
Mga ngiti sa labi'y abot hanggang tenga

Kailan babalik ang saya ng musika
Nakaraang maaliwalas, walang inaalala
Sa mga kapwa'y hindi na kailangang umiwas
Yakap, halik, pag mano'y maipapamalas

Patuloy lang ang paglaban
Lalakad hanggang may daan
Sa Kanya ika'y kumapit lamang
Manalig ka hindi ka Niya bibitawan

Sa bawat sakit may gamot na panlaban
Tumingin sa itaas, sa liwanag na walang hanggan
Handa Siyang makinig, tumawag ka lamang
Palagi Siyang nandyan, hindi ka iiwan

Kung ang panahon noon, bumalik ulit ngaun
Yakapin, hagkan, mahalin bawat lupon
Alisin ang taling nakaharang sa pagmamahalan
Pagkapoot sa kapwa'y palitan ng kaligayahan

"magmahalan tayo, hindi natin alam kung hanggang kailan ang pandemyang ito."
 
Back
Top Bottom