Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Sabi ng Lolo ko!

Sabi ng Lolo ko

_____

"Condolence pre," si Lincoln. Siya lang yata ang taong looking forward sa mga lamay. Naging biruan nga ng kaanak niya na iaarkila na ng sariling patay para hindi na pagala-gala para lamang makapagsugal. "Grabe. Ninety-nine na pala si Manong Dads! Sayang hindi umabot sa ayudang 100k!"

"Kaya nga. Dapat kapag senior na matik na ang kalhati tapos installment na lang bawat taon ang dagdag."

"Omsim. Puhunan din. Saka nasa katinuan pa sila noon. Aabot kaya ako nun?" Alam kong sugal lang nasa isip n'ya.

"Alam mo pre, noong bata kami madalas sabihin ni Lolo na maganda ang buhay nung panahon ng hapon. Mura ang bilihin at tahimik. Walang krimen."

"Ha? Dami pinatay nun 'di ba?"

"Mga pasaway lang daw pre ang pinapatay. Puro reklamo sa gobyerno. Ang totoo pinoprotektahan lang tayo ng Japan laban sa America."

"Yung mga ginahasa?"

"Hindi totoo yon. May nakulong ba? May naaresto ba after nila matalo sa gera? Kung meron man siguro mga nahomesick lang sa asawa.."

Napatayo pa si Lincoln sa hindi pagsang-ayon. "Nasa libro. History hindi lang sa Pinas! May Death March pa! Respeto naman sa mga iyon."

"Nadamay lang tayo don kasi hindi alam kung kanino tayo kakampi. Yung nasa libro imbento lang 'yon ng mga Kano. Natapakan ego nila e. Kunyari may concern sila pero gusto lang talaga magkabase militar dito. Nabayaran pa ang mga sumulat. Pera pera lang."

"Ibig sabihin nagipit tayo kung kanino kakampi? Kaya pala may Makapili noon."

"Oo. Kung magulo palagay mo makakapangharana pa si Lolo at aabot ng kinse ang anak nila."

"Ganda pa ng Japan, kung iyon ang nakopya natin disiplinado siguro mga Pinoy. Sana maunlad tayo ngayon. Kaya trapik e, nakuha natin sa US ang hilig sa kotse."

"Tsaka hanggang ngayon, tumutulong pa ang Japan sa atin. Halos taon-taon may apology. Eh 'yung iba mga bansa na sumakop? Ni sorry pabalagbag wala."

"Oo nga no. Sayang di ko inabot lolo ko. Kuha lang ako ng kape. Balikan kita." Pailing-iling na umalis si Lincoln.

Ihahabol ko pa sanang joke lang iyon pero mukhang may iba na siyang mga kakwentuhan.

" Condolence pre. 99 na pala Lolo mo. Alam mo ba noong panahon ng hapon maganda buhay non," panimula sa akin ni Tantan.

- wakas
 

r a Z e

« Audentes Fortuna Iuvat »
 
 
Bronze Master
Mythic Star Member
Epic Diamond Member
Founding Member
Messages
19,402
Reaction score
7,663
Points
1,703
Nice read... Good to know na sumusulat ka pa pala sir panjo hehe. Isa ako sa mga silent readers ng mga literary works mo sa old Symb eh 😅
 

LynnTek

Symbianize Angel
 
 
Veteran Member
Messages
2,206
Reaction score
75
Points
208
haha sanaol nakakapagsulat pa.. iba talaga pag mga lodi, pahawa naman ng talent :pray:
 

akira017

Novice
Advanced Member
Messages
27
Reaction score
0
Points
26
sir panjo, ndi ka na pasulat sulat ngaun, ah. patype-type ka na hahaha
Sana lahat magaling mag-isip ng kwento.
Thumbs up sayo
 

jinny

👑 diwata 👑
Prime Member
Veteran Member
Messages
2,548
Reaction score
1,034
Points
378
:lol: muntik nako maniwala
 
Top Bottom