Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

GLOBE Pano Kaya ONLINE CLASSES ng mga naka Prepaid lang?

kahitmaputi

Symbianize Chieftain
Advanced Member
Messages
1,394
Reaction score
1
Points
28
Sabi ng jowa kong guro eh via zoom daw ang online classes eh pano kaya un mga naka-prepaid lang. Ang liit lang ng data nila. Lagot na
 
Depende po sa online class. Sa mga pamangkin ko, 30 minutes per sesson lang ang online class. Tapos the rest, self-study ng bata sa bahay.

Now regarding sa internet, ang problema actually is hindi naman talaga yung presyo ng mga data promos na gagamitin. Ang mas problema is yung signal. Kahit may pambili ka ng promo, kung palpak ang signal sa area, waley din.

Now assuming po na OK ang signal sa area mo, may mga promos naman po na masasabi na nating sulit.

Sa GLOBE, meron pong GO50 (5GB) at GO90 (8GB) good for 7 days.

Sa SMART, hindi po ako sure sa promos nila since I don't use smart.

Isipin niyo na lang, yung araw-araw na pinapabaon ninyo sa mga anak niyo sa isang linggo, sa internet connection na lang mapupunta. Hindi na rin masama.
 
globe nalang po kayo wag tm kase may go promos na laki ng data yung 50 mo maging 5gb po yan

walang malakihan ng data sa smart/tnt if 50 or 99 puro up to 1gb or 2gb po
 
Whatever the circumstances and the challenges we face, the bottom line is marami talaga ang hindi makakasabay sa changes na ito sa current situation ng education system natin. And that's what the Philippine government needs to address deeply. I know several families who have decided to just have their kids skip school for a year dahil wala silang resources or sa tingin nila they might not be able to be consistent with the new setup.
 
most online class ay via zoom, google meet or via service provider ng virtual classroom (genyo) at based sa kapitbahay ko na 4hrs session for 2 students ay kumakain ng more or less 10gb per day kasama na yun pagbo-browse for assignment... so mas praktikal na kumuha ng unli plan at yun speed ay di bababa sa 5 megabit/s. kung wireless type ay mas maganda irelocate nyo ang modem sa mataas na lugar para iwas sa drop down ng signal or kung may kausap ay parang robot ang boses
 
Bali saamin maliit lng ang baryo namin but we unite. My pondo ang barangay at nag ready kami for the past few months tapos lahat ng may kayang pamilya nag ambag para makabili kami ng parabolic antenna nag donate ako ng modem, router at merong simcard(guess it???) atbp... Tropa ko SK Chairman graduate of ****** ako na ****** at mga ka barangay namin naka build kami ng tower namin. Ngayon meron na kaming up to 85mbps speed para sa lahat na pwedeng kumonekto ang abot 20-30 na tao. Unlimited data na nasa less than 5k ang monthly fee bali simcard ko talaga un para sa company... Students are free to connect hanggang 7pm(curfew na kasi) while kaming mga adult na need to pay nag set up ako ng bamboo pisonet DIY(2k-4k - hulaan nyo ginawa namin) namin with the help of my tropa(ka-barangay din) tumulong ung ka batch namin kasi umuwi sila bali ***** at *****. Tapos merong system(mobile app exclusive sa barangay namin) para ma track ung sa pisonet ung revenue nun punta rin sa barangay. Lahat magiging transparent. Wala na ngayong excuse ang mga studyante para makapag aral. Syempre tuwang tuwa pa sila. Hindi ako under government at hindi rin ako sang ayon sa government kung bakit wala silang action na ganito or ganyan tapos maiingit tapos mag ra-rant sa facebook/twitter... Instead na mapasama ako sa buka-bukang pilipino gumawa kami ng paraan.

Wag na makipag lokohan halos lahat ngayon meron ng smart phone... Baka ihampas ko payang motor ng mga 4P's na yan sa mukha nila(strong ako). Ung iba hanggang salita lng sa social media(please wag nyong tularan) kasi wala lng trip trip lng nila mang away hahahaha mga pathetic...


Dagdag ko pa sa Oct. 5 pa ang pasukan pero ready na kaming lahat sa barangay namin. Andito nako sa Baguio ngayon. Kasama nga pala ng mga teacher ang SK kagawads para sa house to house na pagbibigay ng modules etc... Continue parin ang pakiki coordinate ko sa barangay at ganun din ang iba. Kahit na nasa ibang bansa ung iba at nasa ibang lugar ng pilipinas malakas padin ang na build naming bayanihan na ipinamana pa saamin ng aming mga magulang at ninuno...
 
Last edited:
up ko pa, para sa mga prepaid load ng may studyante:thumbsup:
 
naka 2mpbs ako na od sim, ok naman ginamit ko nung may klase ako sa grad school tas down ung pldt namin. 6hrs ung session ko using zoom wala pa 750mb ung nakain. kaya lang ako lang gumagamit nun kasi nung kinonekta ko ung ermat ko nag choppy kaka fb at youtube
 
Mali po kasi ang idea ng ilang guro sa online teaching. Eto po mga suggestions ko: (1)ang videoconferencing/teleconference tulad ng Google meet/duo, zoom,etc...) ay once a week lng. (2)weekly performance task dapat may virtual classroom(eg Google classroom,etc),magsisibi po etong parang forum discussion,(3)ang monitoring of attendance ay weekly performance based din,meaning no need na araw araw mag-online, maski nkaoffline basta nadownload nya na mga task at isubmit yun online kpag tapos n sya. Yung monitoring po Ng attendance na ang purpose ay para malaman kung nkakahabol o active p b ang learner,kc Kung Hindi n ay pwd Ng magfollow up c teacher thru cp call or house visit
 
Last edited:
Mali po kasi ang idea ng ilang guro sa online teaching. Eto po mga suggestions ko: (1)ang videoconferencing/teleconference tulad ng Google meet/duo, zoom,etc...) ay once a week lng. (2)weekly performance task dapat may virtual classroom(eg Google classroom,etc),magsisibi po etong parang forum discussion,(3)ang monitoring of attendance ay weekly performance based din,meaning no need na araw araw mag-online, maski nkaoffline basta nadownload nya na mga task at isubmit yun online kpag tapos n sya. Yung monitoring po Ng attendance na ang purpose ay para malaman kung nkakahabol o active p b ang learner,kc Kung Hindi n ay pwd Ng magfollow up c teacher thru cp call or house visit

Actually, maling mali talaga. Walang unity ang mga schools and teacher sa kung ano ang gagamiting standard.

Nakapag-online meeting na nga kami sa adviser ng pamangkin ko. 30 minutes per subject ang online meeting! Kung tatlo sa isang araw ang subjects, 1 1/2 hours nakababad ang mga mukha ng magkakaklase. Patay na rin ang internet.

Google classroom is magandang option sana to make everything automated. Kaso, makaluma pa rin ang ibang pamamaraan. Andyan yung gagawa pa rin ng mga physical projects at isasaubmit every Friday sa mismong school. Then kukuha din ng physical modules sa same day.

Kung may google classroom, pwedeng lahat eh digital na, mula paggawa ng projects up to submission.

Oh well, sana naman eh itong na-extend ang start ng school, ma-consider nilang gamitin yung mga available options sa kanila.
 
Yung pamangkin ko Google Meet yung gamit and may gamit silang isa pang app na Seesaw yung name,doon nila dinadownload yung activities for the week at doon na din nila inaupload yung mga assignments.Kaso ang gastos sa printing kase sasagutan ng bata yung activity ,may mga drawings at pakulay pa tapos iaupload din ulit para macheck ng teacher...nakakaawa both side lalo na pag nasa primay level ang students.
 
Dito sa probinsya mahirap ang online class pero pinush parin ng ibang school kaya marami ang nag stop at sa deped naman modular lahat. Pero yung ibang teacher talaga ang kakapal ng mukha, modular na nga, papa send pa ng output through online alam naman nila na bweset signal dito kun hindi ka fiber.
 
Dito sa probinsya mahirap ang online class pero pinush parin ng ibang school kaya marami ang nag stop at sa deped naman modular lahat. Pero yung ibang teacher talaga ang kakapal ng mukha, modular na nga, papa send pa ng output through online alam naman nila na bweset signal dito kun hindi ka fiber.

bweset signal tLAGA sir.haha

sana may gawin yung gobyerno natin. kailangan ng goverment natin na maging adaptive sa technoloy at magamit sa tama.
ang problema is yung mga kupal, slowmo at obsolete na mga utak ng nasa gobyerno. Pagwalang saksak sa mukha na pera eh nd gagalaw. at ang titigas pa ng mukha na lumabas at magpa-interview sa T.V. wla namn sila ginagawa para sa taong bayan para mas mapabuti ang pamumuhay at mapadali yung mga bagay na pwede aplyan ng mga technology ngaun. yun yung mahirap sa-atin, SELF interest ang inuuna.
 
Mas maganda kung masuspend nalang ng 1 school year. ayaw kasing makinig ni Sec. Briones kay President Duterte eh. ang mahihirapan lang sa pakulo ng DepEd eh yung mga magulang. opinyon ko lang to guys.
 
^ tunay naman...kuryente mo,oras mo,,tapos di pa sure na matututo ang bata dahil ang daming distraction sa bahay...si kuya at ate nakawork from home tapos si bunso naiistorbo sa pag-aaral dahil sa mga kausap na clients.Di naman kase ideal ang household ng karamihan tulad namin sa pinagsamang work at study from home...lalo na sigurado sa iba na dalawa o tatlo ang nag-aaral sa magkakaibang grades...
 
kapag wala pong load, pakikalat po etong info sa ating mga students
 
Back
Top Bottom