Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Pansin


Pansin

"Tagay!" sigaw mo habang itinataas ang baso na halos napuno na ng alak na paborito ko. Alas kwatro na ng hapon pero heto tayo sa lilim ng punong kahoy, umiinom nitong alak na kinuha mo pa sa koleksyon ko sa aparador. Walang humpay ang iyong pagsalin, kakainom la'y agad pupunuin. Nakakagulat di ka naman dating ganyan kung painumin, ngayong tayo na lang dalawa'y halos inuubos mo na kahit sa sarili mo'y wala kang balak itira pauwi. Hinaplos ko ang balikat mo, niyakap ka ng mahigpit kasi alam ko ang nararamdaman mo, di mo man ako pinapansin sa tabi mo pero huli na ang lahat ng ito. Ibinulong kong "Mahal kita" ngunit di ka kumibo, natigilan ka lang at nagpatuloy sa pagsalin ng lason sa baso mo.

Nakapatong lang ang ulo ko sa balikat mo sa buong oras na 'yon, dinidinig ang bawat tugon ng iyong puso sa mga kantang alay ko sayo, pinapatugtog mo pa kasi alam mong paborito natin 'yon. Naalala ko pa noong panahon na di mo pa ako pinapansin, lumingon ka lang ay laking yaman na sa akin. Hindi mo parin siguro alam na ako yung nagbibigay ng rosas sayo tuwing umaga ng unang lunes ng buwan? Di ko akalain na magtatabi pa tayo sa araw ng pagtatapos natin noon, ang saya ko na di ko na namalayan tinatawag na pala ako para tanggapin ang diplomang inaabot sa akin. Mga alaalang hanggang ngayon ay nasa puso ko parin.

Nagsimula ka nang umiyak, humahagulhol sa napakatahimik na lugar at tanong mo'y "Bakit?!", sagot koy "Tahan na." Pinagtatapon ang baso't upuan, umiiyak at nagsisisigaw ka na. Mas mabuti na yung ako ang nasaksak ng holdaper na sumusunod sayo doon sa eskinita, umiwas ka kasing sabayan kita kaya nag-iba ka ng daang binagtas. Dalawang saksak sa likod habang kayakap kita, dalawang saksak sa dibdib nung tinalikuran at pinatakbo ka na. Tinanggap ko ang mga saksak na yun na nangangahulugang "Mahal Na Mahal Kita"

Iiwan man kitang umiiyak dito sa puntod ko, panatag naman akong ligtas ka at minsa'y napansin mo rin ako.

Heto na ang liwanag, tatawid na ako.
 
Back
Top Bottom