Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem "Petsa de Peligro"

"Petsa de Peligro"

Paano kita lalapitan kung may nakabakod na sayong iba.
Hindi naman ako ang panalangin mo tuwing ikay nagsisimba.
Kay sarap sanang isipin kung ako ang dahilan ng pag ngiti mo
Ngunit alam ko namang mayroon ng lalaki na gumagawa nun para sayo.

Maririnig ko ba ang tinig mo habang umaawit ng pag ibig
At matitigan ang mapupungay mong mata na sing dalisay ng tubig
Mapupunasan ko ba ang luha mo kung sakaling ikaw ay mabibigo
Dapat ko na lang bang kalimutan ka at ang nararamdaman ko ay itago.

Gustuhin ko mang limasin ang dagat upang ialay ang pinakamagandang perlas
At ibigay sau ang pagibig kong wagas na kailan man ay hindi maghuhulas
May nauna ng nangako sau ng pagmamahal na hindi magmamaliw
Ikukumpisal ko na lang ang pagmamahal ko sayo sa kisame at sa mga agiw.

Petsa de peligro na malapit mo na yata siyang sagutin
Sarado na ang puso mo di na bubukas kahit ito pa ay katukin
Dito na lang ako sa isang sulok magbabakasakali sa himala
Titingala sa langit at iisa isahin na bilangin ang bilyong bilyong mga tala.
 
Back
Top Bottom