Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem [POEM] ♥►BULALAKAW◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Re: ♥► ◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Inayos ko na din ang tahanang ito. Dito na lang din ako mag popost ng aking mga love poems. Para hindi na sila kalat-kalat at para mabasa ng iba yung mga old post ko.









To access the Index►Click me◄
 
Re: ♥► ◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Literati Challenge






attachment.php



TORPE

Nastroke ang dila
Nang ika'y makatabi
Sa bench sa isang sulok
Kung saan madalas akong magmokmok.



Kadalasa'y maingay ako pag naupo dito
Binibigkas ang hinanakit ng aking pagkatao
Inaasahang mahihiram ang pandinig
Nang mga puno't ibon sa paligid
Pinapatangay sa hangin ang bigat ng dibdib.
Laging butong hininga'y lihim kong pag-ibig.



Dito ko pa nga tinagay ang lungkot
At sinukang pilit ang pagtingin sa'yo
Nung minsang mabalitaan kong kayo na ng manliligaw mong gwapo.
Dito rin kita inabutan ng pakikiramay at panyo
Nang mundo mo'y muntik gumuho.



Ngayon, magkaulayaw ang ating mga siko
Tila nagkabuhol-buhol naman ang mga salita sa aking bibig
Lahat ay gustong masambit
Wala namang magkusang mauna at humirit.



Nang walang ano-ano'y ika'y sa'kin tumigin
Nagkabungguan ang titig
Narinig ko ang iyong tinig,

" Hanggang kailan ka ba mapipipe,
Ang hirap namang mahalin ng isang torpe."
















:thanks: for reading:hat:

:rock:








To access the Index►Click me◄
 

Attachments

  • image.jpg
    image.jpg
    76.3 KB · Views: 232
Last edited:
Re: ♥►literati challenge ◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

naks! may pahabol pang pamkilig..

kelan ka kaya gagawa ng tula o kwento may pagharot.hahaha
 
Re: ♥►literati challenge ◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Haha.. Salamat sa pagbasa kapanalig.. Actually maraming maharot dyan na tula yun lang tago sa mga symbols..
 
Re: ♥►literati challenge ◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

Love month na. Baka may nangangailangan ng love poems.
 
Last edited:
Re: [7/14/11]¤Ang Extrang hero¤ Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

here's another one
pwede nyo idedicate sa inyong love one.http://onions.itcywel.tk/cc/87.gif
Just dont forget the one
na gumawa nitong kung anuman.
:thanks: and enjoy:rock:


MR. DJ:music:

Mr dj can i make a request
Just a little something
To make her day the best.
Isang malupit na beat
para sa nakapurple na damit.

Hindi ko nga lang matanto
What kayang song ang bagay dito
Cause i dont think that she even realize
The joy that she makes me feel when im inside
Her universe.

Pag gising ko kasi
Siya agad ang hinahanap sa umaga,
"Nasaan kana?"
"Malayo ka pa ba?"
Para s'yang Lss sa isip,
Parang cd na paulit - ulit
Unchained melody na nakarepeat.

Mr dj help naman sa request,
To make her happy kasi
Is my ultimate quest.
Yung tipong
You to me are everything
The sweetest song that i sing
Oh baby i love your way.
Kasi naman when i see her smile
Feels like heaven
Parang reggae ang dating.

Tuliro na ata ako
Nahihilo
nalilito,
Natuturete
Napupuyat
napupuyat
Sa kakaisip sa kanya.

Here,there and everywhere
Sa kanto man o sa loob ng drawer
Always somewhere,
Winter,spring ,summer or fall,
Sa pag patak ng bawat sandali,
Now and forever
Ngayon at kailanman
kahit marami ng nagcover
She will be the face i can't forget
And it's now or never.

Mr dj I know it's kind of late
Hope I didn't wake you
What i have to say can't wait
I hope you'd understand.
Cause everytime i try to tell her
The words just came out wrong
So please make this request
Your greatest.

Bahala kana sa kanta
Matanda kana at bihasa
Di nako makapag isip ng tama
Basta't siguruhin mong kanyang madama
Na ang gusto ko lamang
Sa buhay
Ay mayakap siya.

Wag mo ng itanung sa akin
Ang ngalan nya please
Just play for me something
ang tangi kong hiling.

I just called
Cause i reall have to say
I love her
In a song













To access the Index►Click me◄


Grabe eto yung the best kong nabasa ts Thanks :(
 
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

:thanks: sa pagbasa at sa pag cocomment. Masaya ako na nagustuhan nyo,
 
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

gaya ng inaasahan ko ..

pihado kikiligin ako sa pagdaan ko dito..

daig mo pa si don romantiko

na dating code name ng kasintahan ko,,


ito yung mga tumagos hanggang sa bone marrow ko

Mr dj help naman sa request,
To make her happy kasi
Is my ultimate quest.
Yung tipong
You to me are everything
The sweetest song that i sing
Oh baby i love your way.
Kasi naman when i see her smile
Feels like heaven
Parang reggae ang dating.

Bahala kana sa kanta
Matanda kana at bihasa
Di nako makapag isip ng tama
Basta't siguruhin mong kanyang madama
Na ang gusto ko lamang
Sa buhay
Ay mayakap siya.


Nagawi akong muli rito
Bumibili ng fishbol sa kanto
Baon ang masayang ala-alang naipon
Nung kasama pa kita sa bawat pagdadapit hapon.


Eto pa rin ako
Naghihintay sa'yo
Darating ka pa ba?
oh tuluyan na akong magiisa.



sa tambayan

Habang ako'y nagbibilang
Ng mga dumadaan na langgam. - haha ang kulit nito..


Hayaan mong matabunan
Ng mga damo ng paglimot
Ang palibot ng puntod
Upang tuluyan ng di mapansin.
Hindi ba 'yun naman talaga
Ang nais mong gawin.


Nais kitang tulaan
Sa isang mahikal na paraan
Ngayong gabi
Na kayakap ka sa aking tabi
Ngunit sadyang natakpan
Ng balabal ng kaba
Ang panulat ko't mata
At binhag ng inyong ganda
Ang mga metapora
Kaya't sa ngayo'y
Halik na lamang
Ang sayo'y iaalay
At bukas na lamang kita
tutulaan.


mensahe mula sa lihim na :book:
 
Last edited:
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

kaytot :thanks: sa pag basa. naghalungkat ka pa ng mga linya. Ang mahalaga may nagingbpositibong epek ang mga tula sayo.
 
Re: Mga Tulang pag-ibig ng simpleng tao..

adlib= mas kilala sa formal na tawag na guitar solo.


Adlib​

Lihim na hinihintay ang tagpong sa’tin,
Kung saan ako’y sayo at ika’y akin,
Na sa biglang paghinto ng ingay ng paligid,
Magsisimula na ang obra natin.

Simulan natin sa paglapat ng aking mga kamay sa malambot mong kuwerdas.
Ang sensasyon ng magkahalong kinis at gaspang, kay inam sa pakiramdam.
Dahan-dahan ididiin at bibigyan ng buhay.
Saktong hawak lang, hindi dapat panggigilan.

Marahan ngunit swabe ang paghawak,
Dahan-dahan subalit grabe ang hatak,
Ang sensasyong saki'y kumukuryente,
Panggigilan ma'y hindi na bale.

Hayaan mong aking kalabitin
Ang mga parteng sayo'y makakapagpadaing.
Sapat lang yung parang ikaw ay mabibitin.
Ang mga sandali'y ating pag-initin.

Kinasasabikan ang bawat kalabit,
Inaasam ang bawat tipa't tapik,
Hindi alintana ang marahang pag-higpit ng kapit,
Kung ang sandali’y nagsisimula ng mag-init.

Habang lumalalim tayo sa bawat bara,
Habang nagiging mas masinsin ang mga nota,
Habang mas lumalambing ang melodiya,
Damhin mo sa bawat hagod ko ang pagnanasa.

Sa bawat hagod sa aking tipahan,
Pag-aapawin ko ang pagnanasang iyong tangan,
Buhat sa mahinang daing ng melodiya,
Pahihiyawin ang nagaalab na nota.

Sa aking pagpikit,
Haranahin mo ng malambing mong tinig ang aking pandinig.
Awitin mo ang mga pigil na pagnanasa sa iyong dibidib.
Musikang sa akin ay nagpa-ibig.

Napa-ibig ako ng bawat mong kalabit,
Hindi hadlang ang dilim sa iyong pagpikit.
Kahit pa iyong pagbali-baliktarin,
Kayang-kaya mo akong paawitin.

Paghahaluin ang bilis ng daliri,
At mga pamamaraang pili.
Ang lambing ng pagdulas sa iyong mga kwerdas
Sabay sa saktong iskala ang bagsak
Iaangat kita at ibababa
Ibabagay sa bawat moda.
Hayaang pumailang-lang ang ligayang lumaya.

Sa aking bawat pag-angat at pagbaba,
Na ayon sa iyong bawat pagbilis at paghina,
Alinsunod sa bara ng napili mong piyesa,
Ating palayain ang kumakawalang ligaya.

Sa pag lakas ng tugtugin
Iluklok mo ako sa entablado mong lihim
Ang bawat nota mo'y ikakalat ko sa hangin
Ang sandali ay aking aangkinin.

Sa pagsidhi ng tugtugin
Sa entabladong ating inangkin,
Kapusin man ng hangin,
Kwerdas ma’y patirin,
Sabay nating abutin,
Ang koda ng musikang pinagsaluhan natin.

Atin ang bawat sandali
Hanggang sa pagsapit ng koda.
sabay tayong tatahimik at nanamnamin ang natapos na obra.
Yayakapin kita, hanggang sa muling pagtawag ng musika.
 
Last edited:
Re: [1/18]♥► Nang Dumalaw Ang Iyong Gunita ◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simple

more collab with you ❤️
thank you for inspiring me to write :wub:
 
Last edited:
Re: [1/18]♥► Nang Dumalaw Ang Iyong Gunita ◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simple

:thanks: sa pag basa
 
Last edited:
Re: [1/18]♥► Nang Dumalaw Ang Iyong Gunita ◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simple

thanks po dto boss
 
Re: [1/18]♥► Timog at Hilaga ◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simple

Timog at Hilaga





Timog at Hilaga ang pagitan natin.
Magkaibang ikot ng mundo ang haharapin.
Laging may subalit ang hangarin.
Ang langit mo'y hindi madaling liparin.

Ang magkahawak na palad
Maya-maya'y paalam ang ikinakaway.
Ang halik ng pagbati
Saglit lang ay nagiging pamamaalam.

Eh ano naman?
Walang mahirap kung ikaw ang dahilan
Ngiti mo ang palatandaan
Nang lugar na dapat kong balikan.
Pag tatapuin ko ang silangan at kanluran
Habang yakap kita sa sarili nating kalawakan
Isisingit ko ang umaga sa gabing malamlam
Kung ang makasama ka'y makakamtam
Pagsasamahin ko ang mga saglit
Upang ang habang buhay ay maiguhit

Uulit-ulitin ang paglapit
Hanggang sa mundo nati'y tuluyang magkadikit.



:thanks:
for reading


:hat:






To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [1/18]♥► Timog at Hilaga ◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simple

Wow Inspired :wub:
Salamat para dito ♥
 
Re: [1/18]♥► Timog at Hilaga ◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simple

:thanks: sa pag basa:pacute:
 
Last edited:
Re: [1/18]♥► Timog at Hilaga ◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simple

Napakagandang mga tula.:clap: Nakaka inspiradong muling magsulat pagkalipas ng mahabang panahon. Di ko pa tapos basahin lahat. Muli kong babalikan ang thread na to. :)
 
Re: [1/18]♥► Timog at Hilaga ◄♥ Mga Tulang pag-ibig ng simple

Masaya akong makiliti and iyong isipan upang sumulat muli.

:thanks: sa pagbasa at sa mgandang commento. :hat:
 
Back
Top Bottom