here we go again xdigoyx in the house. Sesermunan ako sa pagbbintang sa previous administration and yet again inserts his own opinions and conspiracies sa current admin(Duterte) and sometimes even brandishing him as Dutete in some threads. I can't be a judge whether if you are really a Mindanaoan or not I can't confirm that but you talk more like a Luzonian.
I can agree with you na pati ang AFP ngayon eh sinasabi na hindi ito ISIS at nagpapapansin lang ang bandidong grupong Abu Sayyaf. That correlates with the past administration's statements. yoohooh bravo no biggie
But in my book no matter if it is nagpapansin or not, I agree with Duterte na if they rise the black ISIS flag then they must be stopped regardless of nagpapansin or not regardless of whether they are ISIS or not or big or small group, who cares, Filipinos only want peace and security so that they can move on with their lives and businesses. Heck even some Abu Sayyaf leaders are connected to ISIS in someway. Prevention is better than cure ika nga. Which is sinantabi nga ng past administrations. That's a fact kasi ramdam na natin effect ng Maute ngayon eh ndi na sya conspiracy and you are spouting me with unverified and malicious propaganda regarding your hatred with Duterte. You can not deny that kasi from the moment nagcreate ka dito ng account sa symb eh puro hatred kay duterte pakunyare ang mga post at thread mo. Sorry for saying ah pero I smell a hippo Mindanaoan in you
I don't really care who is in the Malacanang as long as someone is taking care of the big things not just with words. Kung taga Mindanao ka pala eh bakit hindi mo harapin ang mga Duterte sa davao and raise your concspiracies there.
Oh by the way yung thread ni Abdul Ampatuan yes such a great guy. Very well written and mind boggling mga posts nya. I miss him though. Didikit mo pa yun dito eh sinabi nya lang naman na kapag napabayaan ng gobyerno ng Pilipinas ang ISIS eh dun lang magkakaroon ng threat ng mga Religious extremist/fanatacism in the long run sa kapuluan ng Mindanao. I will stress "
Kapag napabayaan". Eh kahit sino naman kaya magpredict na when the government does nothing then people will suffer the consequence. Madalas sabihin nga yang concept sa mga tamad na tao wala ginagawa pero humahangad umasenso kaya obvious suffer the consequence..diyos miyo
To me declaring Martial Law is the best strategic decision one leader can make in regards with the Marawi incident. Diyos ko eto logic ah ang virus ba need mo alagaan paonti onti bago mo icontain?.. If you restrict the martial law sa Marawi lang eh paano yung mga karatig bayan? If you have something to learn from previous incidents concerning sa bakbakan ng terrorists and rebel groups sa Mindanao ang mga small skirmishes nila eh tmtawid sila from bayan to bayan to flank the AFP regiment so maraming bayan pa ang MADADAMAY . diyos miyo Akala ko taga Mindanao ka eh bakit parang aanga anga ka sa everyday encounters dun?
Sinabi mo sa taas na
Sesermunan ako sa pagbbintang sa previous administration and yet again inserts his own opinions and conspiracies sa current admin(Duterte) and sometimes even brandishing him as Dutete in some threads.
Eh, ano pala tawag mo dito sa baba?
naalala ko nung mga bandang 2015 plge iniinterview ng mga media ang afp chief kung may isis na ba sa pilipinas kasi madami black flags sa mindanao circulating social media kng naalala nyo mga yun. plge ito dndownplay ng nakaraang afp chief at admin. pero from what we can observe sa ngayon ang dami nila impossibleng 2015 wala pa sila jan..just my 2 cents. tlgang naging incompetent si panot ayaw madungisan ang admin nya kaya puro downplay.
Yong sinabi mong 'incompetent si Panot', di ba klarong nagbebentang ka? Ba't ayaw mo namang aminin? Gusto mo pa yatang magmalinis.
Buti pa ako pag may mali akong nakikita, tinutuligsa ko. Kahit si Panot di ko pinalalagpas . Parang ikaw ata kung makapag depensa ka sa yong idolo eh wagas. Miyembro ka ba sa Iglesia ni Panginoong Dutete?
Tandaan mo ang paksa ng usapin dito, ito ay 'Martial Law sa Mindanao'. Kung wala ka namang alam sa tungkol sa paksa eh mabuti siguro magbasa basa ka muna. Sa tingin ko, masyado lang yata mababaw ang pagkaintindi mo sa paksa kaya buwis buhay mo dedepensahan yong idol mong si Dutete. Sana nga mag deklara na lang ng Martial Law sa buong bansa at hindi lang dito sa Mindanao. Dahil hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ng mga tao ngayon dito sa Mindanao.
Mas mainam na magbigay na lang ako ng kuro-kuro o opinyon dito kesa naman maging isa akong panatiko gaya mo na halos ata ng sinasambit ng Panginoon mo ay tango ka lang ng tango (Opo, Panginoon... LOL!). Parang yong mga babae na taga Davao na gustong gustong makipaghalikan kay Dutete 'in public' para mabigyan lang ng relo.
But in my book no matter if it is nagpapansin or not, I agree with Duterte na if they rise the black ISIS flag then they must be stopped regardless of nagpapansin or not regardless of whether they are ISIS or not or big or small group, who cares, Filipinos only want peace and security so that they can move on with their lives and businesses. Heck even some Abu Sayyaf leaders are connected to ISIS in someway. Prevention is better than cure ika nga. Which is sinantabi nga ng past administrations. That's a fact kasi ramdam na natin effect ng Maute ngayon eh ndi na sya conspiracy and you are spouting me with unverified and malicious propaganda regarding your hatred with Duterte. You can not deny that kasi from the moment nagcreate ka dito ng account sa symb eh puro hatred kay duterte pakunyare ang mga post at thread mo. Sorry for saying ah pero I smell a hippo Mindanaoan in you
Nagpapansin? Wala naman akong sinabing nagpapapansin. Basahin mo nga yong post ko kung may sinabi akong 'nagpapapansin'? Ang sinabi ko ay ito,
Hindi nyo ba alam na kahit sa ngayong administrasyon noong ma interview ang mga opisyal ng AFP dini downplay pa rin nila ang grupo ng ISIS sa Pilipinas. At talaga namang tama yong AFP natin, maliit lang naman na grupo yan nasa 50 armed men lang ang strength, mas marami pa nga yong hukbo ni Professor Misuari doon sa nangyaring Zamboanga siege.
Hindi mo ba kayang intindihin yong post ko? At ikaw na rin ang nagsasabi doon sa previous post mo na dina downplay nga ng previous administrasyon at pati nga ngayon dahil nga sa liit pa ng kanilang miyembro. Yan naman din ang sinasabi ng AFP, mas marunong ka pa ata kesa sa kanila. Eh, sila matagal ng bihasa sa 'intelligence gathering'. Gets mo?
At wala namang sinabi ang AFP na hindi nila pupuksain ang terror group na ISIS. Kahit na sa nagdaang administrasyon pa, may bakbakan naman talaga na nangyayari between AFP soldiers at yong maliit na miyembro ng ISIS. Di mo pa rin gets? Gusto mo ibigay ko pa sayo yong link ng balita dahil tamad kang maghalukay?
Lahat naman ata ng mga Pilipino ay gusto ng peace, eh, sino ba ang ayaw? Kaya nga nagpapakabayani yong mga sundalo natin habulin yong ASG, Maute at ISIS para nga malipol na sila at magkaroon nga ng pangmatagalang 'peace' na sinasabi mo. Ang tanong lang kasi dito at ito ang punto o paksa ng thread, kung kailangan pa ba talaga ang Martial Law na ipatupad kung nagagawa naman pala ng militar ang kanilang responsibilidad?
Ang hirap kasi sayo dada ka ng dada eh hindi mo nga alam kung ano ang pagkakaiba sa ginagawa ng Militar at pag may idineklarang Martial Law. Palibhasa nga siguro ay dahil wala kang alam o wala kang karanasan tungkol dito. At mali ka na naman sa sinasabi mong isinasantabia ng 'previous administrations'. Ang Presidente ay dumidepende lang kung ano ang iniuulat ng kanyang mga gabinete. Hindi ho siya Diyos na alam niya lahat. Baka nga yan ang pagkakaintindi mo sa Panginoong Dutete mo (LOL). Umaaksyon ang Presidente kung ano ang nirereport ng kanyang gabinete gaya ng DND, AFP Chief of Staff, at iba pa. Alangan naman na maging 'hysterical' siya kung sinabi naman ng kanyang mga alipores na 'under control' lahat. O baka naman sinisensationalize lang ni Dutete yong ISIS na yan para maging malaking isyu.
Ang nangyari sa Marawi na pagsanib pwersa ng Maute, ASG at ISIS (kono) ay sa kadahilanan na naging 'frustrated' yong ibang grupo, di na makapagpatuloy ng raket yong ASG dahil hinahabol sila ng militar at yong Maute naman ay ganun din. Kaya, posibleng dahil desperado na sila kaya ginawa nila ang Marawi siege. Ang tanong, ba't nila ginawa? At ano ang pakay nila? Alam natin pag ISIS talaga ang aatake grabe talaga ang mamamatay lalong lalo na pag sibilyan. Sa pakiwari ko, 9 lang ata ang pinatay na sibilyan at ang iba ay hinostage or kinidnap pa. Hindi ganyan ang gawain ng totoong ISIS, brutal sila pag nanakop gaya sa Syria at Iraq. Kaya nga nakakaduda yong ginawa nila. Ba't ba sila magbubuwis ng buhay eh wala naman pala silang makukuha? Kaya nga may aspeto ng 'pulitika' dito. Dapat lawakin mo pag-iisip mo. Ang nakakaawa lang sa nangyari ay yong mga sibilyan na nagsilikas, mga sundalo na nasugatan at namatay, at yong mga bobong 'terorista' kono na ginagamit lang ng mga pulitiko para matuloy yong 'agenda' nila. Dahil kung totoong ISIS yon, at nagkaroon ng 'siege' malamang marami sana ang namatay gaya ng nangyari sa Ipil, Zamboanga, na umabot sa 50 ang namatay na sibilyan.
That's a fact kasi ramdam na natin effect ng Maute ngayon eh ndi na sya conspiracy and you are spouting me with unverified and malicious propaganda regarding your hatred with Duterte.
Hahayzz, mahirap ipaintindi sa taong ayaw umintende. Ano bang ramdam ang effect ng Maute ang pinagsasabi mo dyan? Matagal ng may ganyang pangyayari sa ganung lugar sa Mindanao. Panahon pa ni Marcos may patayan na sa Mindanao at mas malala pa. Nagsimula sa panahon ni Professor Misuari na tinatawag na 'Black Serc' na kinakalaban naman ng militia group na 'Ilaga o Pulahan'. Pagkatapos nagkagulo na naman ng maitatag ang MNLF, tapos naging MILF nang mag 'faction' si Dr. Hashim Salamat, at ngayon mas dumami pa ang grupo basta ba may pera at pagkakakitaan. Tama ka naman unverified yong 'opinyon' ko kaya nga 'opinyon' at mali ka naman sa sinasabi mong 'malicious', sapagkat hindi naman malisyoso ang pagkakagawa. Ito po ay sapantaha na dapat ding mabigyang pansin. Papano nga kung totoo ang sinasabi ko? Eh, di nganga ka ngayon. Sasabihan mo pa mga tao dito na kaya ako gumawa ng account ay i-spread ko yong hatred ko kay Panginoong Dutete mo, haler? Para ka atang praning na mahilig mag 'stalk' ng iba. Lahat ng tao dito ay may karapatan makapagbasa at makapag share ng kanilang opinyon dito. At sa palagay ko, marami sa mga kababayan natin ang 'open-minded', di katulad ng iba dyan na ikinakalantari yong pagiging panatiko nila. Pero nirerespeto ko pa rin sila kahit ganun sila kababaw.
I don't really care who is in the Malacanang as long as someone is taking care of the big things not just with words. Kung taga Mindanao ka pala eh bakit hindi mo harapin ang mga Duterte sa davao and raise your concspiracies there.
Ang tanong, ba't ko ba haharapin ang mga Dutete sa Davao? Anong punto dyan? Ma kukumbinse ko ba sila? Hindi ko maintindihan ang lohika mo, masyadong mababaw. Ang importante sa akin, ay malaman ng mga kababayan natin ang mga posibleng mangyayari, na dapat silang maghanda, at baka sa hinaharap ay mawala na ang demokrasya sa bayang minsan ng ipinaglaban ng ating mga ninuno.
Oh by the way yung thread ni Abdul Ampatuan yes such a great guy. Very well written and mind boggling mga posts nya. I miss him though. Didikit mo pa yun dito eh sinabi nya lang naman na kapag napabayaan ng gobyerno ng Pilipinas ang ISIS eh dun lang magkakaroon ng threat ng mga Religious extremist/fanatacism in the long run sa kapuluan ng Mindanao. I will stress "Kapag napabayaan". Eh kahit sino naman kaya magpredict na when the government does nothing then people will suffer the consequence. Madalas sabihin nga yang concept sa mga tamad na tao wala ginagawa pero humahangad umasenso kaya obvious suffer the consequence..diyos miyo
Yan, ang tama mong ginagawa, magbasa sa mga 'threads' dito gaya ng kay Abdul at marami kang matututunan. Approve kita sa ginagawa mo. Tama naman, na basta kapag napabayaan ang 'extremism' at lumalim na ang mga ugat nito ay mahirap na ito bunutin. Pero hindi ako sang-ayon sayo sa sinasabi mong
Eh kahit sino naman kaya magpredict na when the government does nothing then people will suffer the consequence. Madalas sabihin nga yang concept sa mga tamad na tao wala ginagawa pero humahangad umasenso kaya obvious suffer the consequence..diyos miyo
. Ang paksang ito ay saklaw ng 'sosyolohiya o sociology' at wala ho tayong karapatan na pagsabihan sila na sila ay tamad dahil sa wala silang ginagawa. May mga 'factors' ho diyan kung bakit nagkakaganyan ang lipunan at tao. Kung sasabihin ko ba sayo na sa Canada, halos ang trabaho ang naghahanap ng tao. Pero dito sa atin, kahit 'janitor' lang magkukumpetisyon pa at 'college level' pa ngayon ang hinahanap. Kaya mali ang pagbibigay ng talastas na wala ka namang kaalaman.
To me declaring Martial Law is the best strategic decision one leader can make in regards with the Marawi incident. Diyos ko eto logic ah ang virus ba need mo alagaan paonti onti bago mo icontain?.. If you restrict the martial law sa Marawi lang eh paano yung mga karatig bayan? If you have something to learn from previous incidents concerning sa bakbakan ng terrorists and rebel groups sa Mindanao ang mga small skirmishes nila eh tmtawid sila from bayan to bayan to flank the AFP regiment so maraming bayan pa ang MADADAMAY . diyos miyo Akala ko taga Mindanao ka eh bakit parang aanga anga ka sa everyday encounters dun
Ito na naman tayo, gagawa ka naman ng konklusyon na wala man lang mabigat na basehan. Kung pagbabatayan mo yong sinasabi ng militar, eh, hindi naman daw kelangan. Ano bang basehan mo ba't mo nasabing kelangan nga ng Martial Law? Para kang isang taong nagsasabing malalim ang tubig base lang sa nakikita niya, hindi naman niya sinukat kung malalim nga. Ganyan ka ba? Hahayzzzz.....