Briefed yan nang DND ng President natin, wag nyu sabihin na sa facebook nya lang kinuha yung mga intel at nag declare sya nang martial law. Huli na kasi inilabas nang AFP intelligence yung foiled occupation sa Marawi sa media.
Before pa sumiklab yung laban, alam na nang militar yung invasion sa Marawi, pero yung threat level assessment nila palpak akala kasi nila isang battalion lang yung kaylangan sa pag neutralize sa Maute.
Kagaya din ito dati sa SAF44, matagal na pala nag cooperate mga BIFF at iba pang mga radical group sa Mindanao. This is a massive intelligence failure
Sinabi na nga ni DND Chief Lorenzana nung mga nagdaang mga araw na hindi naman daw kelangan ng Martial Law. Nagagawa naman daw ng military ang kanilang trabaho at sinabi pa nga niya na dahil ang 'rebellion' ay continuing crime ay di na kelangan ng warrant para arestuhin ang mga suspetsado. Yan lang naman ang essence ng Martial Law na suspendihin ang 'privilige of writ of habeas corpus'. Baka naiba na ngayon ang deklarasyon ni DND Chief dahil sa 'pressure' ni Dutete na dapat magdeklara talaga ng Martial Law, na para ipakita lang na seryoso siya pag hinahamon. Parang political gesture ba. Gets mo?
Alam naman talaga ng militar ang plano ng Maute, marami rin silang intel na nakukuha pati yong plano ng militante na naka video pa. Yong threat level naman ay hindi sila palpak. Masyadong minimum lang yong threat. Bakit ba matagal makamit ng militar ang pagbawi ng Marawi ay dahil sa kadahilanang marami silang kinokonsidera. Guerilla warfare ang stratehiya at CQC pa. Maraming dapat ikonsidera, buhay ng mga na trapped na sibilyan, mga hostages, mga ari-arian, at gastos ng digmaan. Kaya nga ang estratehiyang ginagamit ay 'surgical operations', hindi 'haphazard warfare'. Trust your AFP, they know what they're doing, ika nga.
Ang gusto ko lang sana makita ay sana mag shift yong AFP strategy sa 'multi-pronged approach' after the Marawi operation, para, maging matagal ang pagbangon ng mga militante na yan. At siguro nga, dapat na rin buuin at palakasin ng AFP ang CTIU o Counter-Terrorism Intelligence Unit at RDIWW (Research and Development for Innovative Weapons and Warfare). Dapat rin maipasa ang isang Anti-Terrorism Law na sinubukan ipasa ni Senador Enrile, pero binasura sa pangunguna ni dating Senador Rocco at isama sa death penalty ang 'rebellion at terrorism'. Yan ang pang long-term na kasagutan, Ang problema ngayon, walang ginagawang matino ang mga kaalyado ni Dutete, tulad ni Parenas at Alvarez na puro dada ng dada.
Last edited: