Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Pres. Duterte declared Martial Law, 10PM-MAY 23-2017

malapit na pala yung predict ng last TERMINATOR MOVIES..yung nagliparan mga misiles?

Pag nangyari yan asahan mu kahit nasa Luzon or Visayas affected rin tayo lang nangyari sa Syria
 
oo ts judgement day balikan mo yung umpisa ng terminator genisys diba sa southkorea yata yung nag military drill tapos natrigger ang us kaya darating yan na magkakapikonan magdeclare na ng war all over the world magkakakitaan na ng most powerful country haha
 
Bro, hindi 'overkill' ang ginawa ni President Duterte sa pag deklara ng Martial Law. In fact, this is the very best move of the government to contain these 'high-calibre', 'Jihad inspired' 'ISIS-allied' terrorists as fast as possible and to prevent over spilling on the neighboring areas of Marawi. Kung i-Google Map nyo, makikita nyo na malapit lang Marawi sa Iligan City, Cagayan de Oro City, Ozamiz City, Lanao Del Norte municipalities in which these areas are mid urbanized areas and businesses are thriving. I am from Bukidnon and we can feel the threat of these bandits since maraming shortcuts from Lanao Del Sur (in which the capital is Marawi) dito sa Bukidnon. The government now has the make-or-break mentality. Pag di ma prevent tong mga bandits na to, lalong lalaki ang problema ng Pilipinas at lalong maraming mapahamak na mga inosenteng sibilyan. Kaya marami talaga kaming mga taga Mindanao na nagpapasalamat na nag Martial Law ang mahal nating Pangulo kasi mismo si Pangulo natin is from Davao in which binomba nga ang syudad lately.

Regarding sa past rebel-sweeping ng AFP at ng previous Admins, oo hindi sila nag declare ng ML para gyerahin ang MILF, MNLF and BIFF. Ang reason for this is that these previous Groups are not as fierce as these Maute ISIS inspired Group. Layunin ng MNLF at MILF's is for freedom or separate sovereignty of the Moro People these are ARMM (fought by MNLF) and Bangsamoro Basic Law (currently a fight by MILF). Itong mga ISIS inspired groups, iba ang layunin nila at ito ang Jihad or Holy War for Muslims. Their actions and their motives are gruesome and terror talaga. They kill Christians, Non-Muslims and burn their houses. They are influenced by extermist Islam scholars from the Middle East, Indonesia and Malaysia. In a few words, hindi sila basta bastang mga bandits. They are really terrorists to the truest sense. Try Google and know all the facts on Jihadists, Islam Extremists, and other related info about it. Kikilabotan kayo talaga. And these are all known and studied na by our President coz he's from Davao and from Mindanao - the only Island in the Philippines na very diverse ang Ethnicity and ang religious beliefs ay halo halo talaga. If you live in Mindanao, talagang matatakot ka. And masisiyahan ka na na declare ang Martial Law.

Maari nga ding pwede umatake ang mga Jihadists sa Visayas at Luzon. The are spread all over the world kasi pwede silang mag disguise as ordinary civilians but their motives are gruesome and their objectives is to kill non-muslims. Additionally, ang Philippines ang training ground ng mga Jihadists kasi expelled sila sa countries na Indonesia, Burma, Malaysia, Saudi and the Emirates. You can read this artilcle http://www.filipinewsph.net/2017/05/intl-terrorism-researcher-reveals-mindanao-jihadists.html

Kaya ingat ingat na din tayo dito sa buong Pilipinas hindi lang sa Mindanao kundi sa buong country. Mas matakot tayo sa terrorism kaysa sa pag deklara ng Martial Law at pag add ng kung ano anong speculations on the President's leadership. Mas mabuting magtiwala tayo sa kanya at sa kasundaloan dahil sila lang ang mga specialists sa pag tugis nitong mga extremists/jihadists per say.

Ingat and Pray lang tayong lahat na matapos na ang pag tutugis ng mga terrorist sa aming Mindanao.

Thank you sa pagbasa.

Naiintindihan naman kita, pero, ang tanong ay ano ba ang pagkaintindi mo sa Martial Law at ano naman ang nakasaad sa Saligang Batas patungkol dito? Kasi nga baka hindi mo lang alam. Ang Martial Law ba ay nangangahulugan ng paglalagay ng checkpoint, pagbabarikada ng mga militar sa mga daan o military visibility? Ano nga ba ang pagkakaintindi mo dito at nasabi mong hindi nga ito 'overkill'? Ano ba ang mga bagay na hindi nagagawa ng militar sa ngayon na kailangan talaga ng Martial Law?

Yong sinasabi mong mag spill-over yong mga terorista sa mga contiguous areas or places like Bukidnon, Iligan, Cagayan, etcetera, bakit di ba magagawa ng militar ang paghabol sa kanila kung walang Martial Law? You said 'prevent', you mean prevent from invading other places? Nahihirapan na nga silang i sustain yong Marawi at nagsitakbuhan na nga, mag-iinvade pa kaya sila sa mga lugar na may mga kampo ng militar at wala silang supporters? At hindi naman sila marami, konti lang naman sila, nagsanib pwersa nga lang para medyo dumami ng konti, sabi nasa 100-200 lang. Yon nga Zamboanga siege umabot ng 5,000 fighters ang strength ng MNLF ni Professor Misuari pero di nga nag declare ng Martial Law si Pnoy eh. Kaya di ko kuha lohika bakit kelangan pang mag declare ng Martial Law, dahil kung tatanungin si DND Chief Lorenzana eh kaya namang ma kontrol ang sitwasyon kahit walang Martial Law. Oo, tama ka naman, marami ngang nagpapasalamat sa Martial Law para doon sa mga walang alam tungkol dito.

Not as fierce as Maute-ISIS group? Aba, eh, maling mali ka, parang hindi ka ata taga Mindanao kasi wala kang alam sa history sa lugar. Fierce na yang mga militante na yan noong unang panahon pa. Pag nag huramentado yan ay wala yang pinipili mapa bata, babae, o matanda. Di mo ba alam yon? Di mo ba rin alam yong away ng mga Moro vs. Ilaga or Pulahan or Ituman? Tanungin mo si Manero kung ano ang 'fierce' sa kanya dahil noong makahuli sya ng mga kalaban ay kinakain pa niya ang mga tenga nito. Yong si Kumander Inday ng Ilaga na kapatid ni Kumander Toothpick na ginahasa at tinanggalan pa ng suso, masasabi mo bang hindi 'fierce' yon? Kaya lahat ng militante 'fierce' talaga! Kundi ka puputulan ng ulo eh puputulan ka naman ng ari gaya ng nangyari sa mga militar doon sa Basilan na pinutulan ng ari kaya protesta yong mga misis nila.

Marami nga ethnic tribes dito sa Mindanao, pero, lahat ba magugulo? Pasensya na parang wari ko ay nilalahat mo yata yong mga kapatid nating Muslim na sila ay terorista. Yan pa lang ay maling mali ka. Sinabi mo pang 'studied' na ng Presidente ang lahat jihadists at extremists, bakit sidekick ka ba niya na alam mo lahat ang pinaggagawa niya?
Sinabi mo pang
If you live in Mindanao, talagang matatakot ka.
Nahihibang ka na ata, kasi matagal na akong nakatira sa iba't ibang dako ng Mindanao eh hindi nga ako natatakot baka 'praning' ka lang siguro. Nakapunta at nakatira na rin ako ng Zamboanga, Valencia Bukidnon, Maguindanao, cotabato city, Iligan City, Cagayan de Oro City, Matalam North Cotabato, Kabacan, Kidapawan, Surigao, Butuan, Davao Oriental, Tagum, Digos City, Sultan Kudarat, Marbel, Tulunan, atbp. Wala naman akong kinatatakutan. May mga engkwentro gaya ng MILF noong una pero iilang lugar lang naman yon, hindi naman lahat ng parte ng Mindanao. Kaya parang hindi ka taga Mindanao. Mas kinatatakutan pa nga sa Bukidnon ay yong mga NPA kesa sa ibang mga militante eh. Di mo ba alam yon?

Bakit naman aatake yong mga jihadists sa luzon at visayas ng face-to-face eh kokonti lang sila at wala pa silang supporters sa ganoong mga lugar eh parang magpapakamatay lang sila. Pede silang umatake gaya ng 'bombing' siguro gaya ng ginawa nila sa Davao pero ginagawa din naman yan ng ibang grupo wala pa yang ISIS na yan. Noong una pa man may bombahan na sa Davao, Cotabato, GenSan, Marawi, Kabacan at Kidapawan. Yang mga lugar na yan ang paboritong 'hotspots' nila. Bago pa yang ISIS na yan, may bombahan na nagyari noong una pa, binomba nga yong Davao Airport na ikinamatay ng marami, pati nga yong San Pedro Cathedral na kaharap ng City Hall ng Davao ay hindi nga pinalalagpas maraming beses na.

Gusto ko sanang mag share about Martial Law para maunawaan mo ng mabuti, dahil sa pagkakaintindi ko parang hindi mo ata alam kung ano ito. Ang sinasabing deklarasyon ng Martial Law ngayon ay parang walang epekto. Dahil kung alam mo talaga ang epekto nito, talagang matatakot ka at hindi mo talaga ito gugustuhin na mangyari. Sya nga pala, gusto kong magpasalamat sa ating Hukbong Sandatahan, dahil minimintina pa rin nila ang kanilang 'propesyonalismo' na kahit nag deklara na ang Presidente ng ML ay hindi sila magpapagamit o magpapa-oto para sa isang diktador.
 
Last edited:
Dapat contain na nila agad yan at baka umabot pa sa luzon. Napanood ko sa balita pati tangke ng army napasabog ng mga terorista. Suportahan na lang natin ang ating presidente. Pati si VP Leni approved, tuta na ng mga dilaw yan ha.

"Mas mabuting mas maging supportive tayo at this point, kung ano ang gagawin ng pamahalaan, kasi ito ang kinakailangan. Kasi ang kalaban naman dito hindi tayo pero ang kalaban natin dito terorista," she also said.

Source: http://www.rappler.com/nation/170786-leni-robredo-duterte-martial-law-mindanao

Di ko alam kung ano kinakatakot ng mga taong ito sa martial law, mga magulang at kamag-anak ko eh wala naman nangyari sa kanilang masama noon, bagkus sabi pa nila tahimik daw noon dahil sa curfew at batas militar.

---------------------------
Mukhang may paid yellow troll talaga dito ha. Check niyo registration date niya at username tapos lakas pa makapagtanggol kay incompetent panot hahahah. Tiklo! :whistle:
 
Di ko alam kung ano kinakatakot ng mga taong ito sa martial law, mga magulang at kamag-anak ko eh wala naman nangyari sa kanilang masama noon, bagkus sabi pa nila tahimik daw noon dahil sa curfew at batas militar.

Yan klarong klaro wala pa lang alam sa Martial Law pero kung makapag depensa akala mo may karanasan wala naman pala. Nagmamarunong pero parang latang walang laman. Sinali pa naman mga magulang at kamag-anak niya sa kanyang kalokohan. Posibleng di ito nag-aral ng history, bulag o di kaya'y nagbubulag-bulagan. Dami na ang testigo na mga biktima ng Martial Law naka dokumento na yan lahat. Ang tanong, kung maganda ang Martial Law ni Ferdi di na sana siya napatalsik sa bansa, di ba? Bakit ba nagkaroon ng People Power nung 1986 kung maganda naman pala ang kanyang pamamalakad? Klarong klarong, may mga taong bayaran ni BM kaya kung makapagdepensa eh wagas. Sana magising siya sa katotohanan na ang prinsipyo ay di nababayaran at sana lang iwasan ang pagiging panatiko.

---------------------------
Mukhang may paid tards talaga dito ha. Check niyo argumento niya at username tapos lakas pa makapagtanggol sa kanyang panginoon hahahah. Tiklo! :whistle:
 
Tama bro. Kahit baluktot ipinipilit na ituwid kasi nga naman tuwid na daan nga naman daw sila. Haha. Parang lahat alam parang lahat ng sinasabi nila tama at sila lang ang tama kahit alam naman ng lahat na wala na sa lugar ang alam nilang tama para sa kanila. :)
 
wala naman siguro masama if mag declare ng Martial Law ngayon sa Mindanao.. Terrorist threat na yan e. Tsaka iba na ang Martial Law ngayon. Hindi ito tulad nung araw na Martial Law. Marami na ammend sa Martial Law kaya wala ng ikakatakot sa tingin ko.
 
Tama ka naman na ibang iba na ang Martial Law ngayon kesa nung dati. Sabi nga ni rapidox mas marami na siyang safeguards ngayon. Kaya lang ang punto lang kasi ay parang 'overkill' ang pagdeklara ng Martial Law na pwede namang mag deklara siya ng State of Lawless Violence at dapat limitado lang sa iilang lugar. Base sa ating Saligang Batas, pag nagkaroon ng Martial Law ay nag sususpende ito ng pribilihiyo ng 'writ of habeas corpus', ibig sabihin ay epektibo ang tinatawag na 'warrantless arrest' para sa mga suspetsado na kalaban ng Estado. Dapat silang makasuhan within 3 days dahil kung wala naman, dapat sila ay ma 'release' pagkatapos ng tatlong araw. Sa nakikita ko, di mo naman kelangan pang mang-aresto pa ng mga rebelde dahil karamihan sa kanila ay lumalaban at pumapatay talaga. Pede siguro arestuhin yong mga 'supporters' nila at mga kamag-anak kung may kinalaman. Kung takot man tayo sa 'spillover' na mangyayari, dahil pupunta ang mga rebelde sa karatig lugar, tandaan natin na ang 'rebellion' ay isang 'continuing crime' na pede pa rin silang habulin ng militar kahit walang warrant (arrest or search) at kahit walang deklarasyon ng Martial Law.

Ano ba ang purpose ng Martial Law? Main purpose is to ensure public safety due to threats of lawless violence, rebellion or invasion.

Pag sinabi kasing Martial Law, ano ba dapat talaga ang makikita? Ito dapat yon:

1. Suspension of the privilege of the writ of habeas corpus;
2. Issuance of curfew and limited access to some public/designated places;
3. More checkpoints and inspection;
4. More warrantless arrest of suspected enemies of the State;
5. Military take-over of private-owned facilities and businesses;
6. Installation of Military Courts rather than Civil courts;
7. Government has the control of prices for basic commodities;
8. Limited freedom of press and media;
9. Mandatory conscription in case of threats to national security; and
10. Limitation of people's participation and association, and sometimes, the suspension of the powers of Congress, Human Rights and the Supreme Court.

Sa Konstitusyon natin ngayon (1987 Constitution), ano ang nagagarantiya? Ito lamang po ang nagagarantiya:

1. Suspensyon of the privilige of the writ of habeas corpus is limited only to three days. If there were no charges against the person, he should be released after three days.
2. Civil courts are still active despite the military rule.
3. Press/Media freedom could not be thwarted.
4. Commission of Human Rights, Congress and the Supreme Court are not suspended.

Ano ba ang 'dangers' ng Martial Law? The possible dangers of declaring Martial Law are:

1. If Martial Law becomes a way of life of the people, there is a possible danger of the Commander-In-Chief to become a dictator.
2. If Martial Law will become indefinite, the possible danger of collusion of the Commander-In-Chief and the Military to suspend or incapacitate the working mechanism of the Constitution, declare 'Absolutism' or perhaps, declare a 'Revolutionary Government'.
3. If Martial Law will be prolonged, we can expect of a more human rights abuses and chaos from all sides.
 
Last edited:
The government knows kaibigan, na mga tribal clans yung kalaban nang gobierno. Remember mo yung raid sa mga bahay nang mga Ampatuans? These prominent wealthy clans in Mindanao are avid weapons hoarders.

Also Malacanang said that the Maute group is tied to a narco-politician in that area, di naman nakaka gulat dahil yung no.1 drug queen taga Mindanao. Halos lahat nang mga tao alam na yung mga muslim tlga yung main supplier nang b@to.
 
distributor lang yata ang mga moro. ang supplier ay taga binondo na whole sale galing china.. by the way after ilang araw meron na dyan martial law sa NCR ayan nagkakagulo na sa resort world manila
 
May mali ata sa sinabi mu about sa mga Muslim kasi pagkaka-alam ko Muslim ay Believer of Islam tama ba?
 
The government knows kaibigan, na mga tribal clans yung kalaban nang gobierno. Remember mo yung raid sa mga bahay nang mga Ampatuans? These prominent wealthy clans in Mindanao are avid weapons hoarders.

Also Malacanang said that the Maute group is tied to a narco-politician in that area, di naman nakaka gulat dahil yung no.1 drug queen taga Mindanao. Halos lahat nang mga tao alam na yung mga muslim tlga yung main supplier nang b@to.

Tama ka. Tribal clans talaga ang naghahari sa mga lugar na sakop ng ARMM. Ang tribal clans ay hindi nakabase yan sa paniniwala o relihiyon, bagkus, nakabase iyan sa kanilang kultura o kaugalian. Kung iyong ma 'remember' ang history ng mga Moro sa Mindanao o sa Pilipinas, malalaman natin na halos ng mga nasasakupan nila ay umaasa lang sa kanilang mga Datu o Rajah. Ibig sabihin na kung sino ang may impluwensiya, kapangyarihan at pera ay doon ang kanilang loyalidad. Kaya yong mga Ampatuans dahil nga malakas sa Malacanang noong una, kaya nilang kumuha ng mga 'private army'. Parte din ng kaugalian nila, na basta pulitika walang kamakamag-anak, kaya minsan nababalitaan mo na nagpapatayan sila-sila lang.

Yong sinabi mong Maute is tied to narco-politician ay matagal naman talagang ginagawa nila yan. Kahit nung minsan makipag bakbakan kami, doon sa Tulonan, parte ng Matalam, nakita namin sa mga namatay na rebelde sa mga bulsa nila na may mga 'shaa bu' at copra o niyog. Yan pala ang sustento sa kanila kaya pala pag lumalaban, eh, parang walang mga takot. At hindi lang 'shaa bu' kahit nga marijuana ay nagsu supply sila, doon sa bundok kaharap ng Parang, Maguindanao ang daming marijuana plantation doon. Ang problema, walang ginagawa yong mga pulis kahit andoon yong kampo nila, eh, syempre baka sumiklab pa ang digmaan.

Wag naman lahatin yong mga Moro, in fairness, marami akong mga mababait na kaibigang Moro at mataas din ang respeto ko sa kanila. Ang sagot kasi dyan ay depende sa tao yan. Kasi kung totoo kang 'follower' ni Allah, di ka dapat nagbibisyo o nagbebenta ng nakakasama sa iyong kapwa, lalo pa sa mga kapatid natin sa pananampalatayang Islam. Bawal ang 'haram'.

Mapiya Malolom! Salam.
 
hindi Muslim mga yan.. ang Muslim mababait.. kung sa mga ganyan activities, hindi matatawag na Muslim mga yan.

distributor lang yata ang mga moro. ang supplier ay taga binondo na whole sale galing china.. by the way after ilang araw meron na dyan martial law sa NCR ayan nagkakagulo na sa resort world manila

iba yung sa resorts world. hindi siya terorrism
 
Iyung sa Resorts world natalo daw ng 100m. Matalo ka ba naman ng ganung kalaki.
 
Tama ka. Tribal clans talaga ang naghahari sa mga lugar na sakop ng ARMM. Ang tribal clans ay hindi nakabase yan sa paniniwala o relihiyon, bagkus, nakabase iyan sa kanilang kultura o kaugalian. Kung iyong ma 'remember' ang history ng mga Moro sa Mindanao o sa Pilipinas, malalaman natin na halos ng mga nasasakupan nila ay umaasa lang sa kanilang mga Datu o Rajah. Ibig sabihin na kung sino ang may impluwensiya, kapangyarihan at pera ay doon ang kanilang loyalidad. Kaya yong mga Ampatuans dahil nga malakas sa Malacanang noong una, kaya nilang kumuha ng mga 'private army'. Parte din ng kaugalian nila, na basta pulitika walang kamakamag-anak, kaya minsan nababalitaan mo na nagpapatayan sila-sila lang.

Yong sinabi mong Maute is tied to narco-politician ay matagal naman talagang ginagawa nila yan. Kahit nung minsan makipag bakbakan kami, doon sa Tulonan, parte ng Matalam, nakita namin sa mga namatay na rebelde sa mga bulsa nila na may mga 'shaa bu' at copra o niyog. Yan pala ang sustento sa kanila kaya pala pag lumalaban, eh, parang walang mga takot. At hindi lang 'shaa bu' kahit nga marijuana ay nagsu supply sila, doon sa bundok kaharap ng Parang, Maguindanao ang daming marijuana plantation doon. Ang problema, walang ginagawa yong mga pulis kahit andoon yong kampo nila, eh, syempre baka sumiklab pa ang digmaan.

Wag naman lahatin yong mga Moro, in fairness, marami akong mga mababait na kaibigang Moro at mataas din ang respeto ko sa kanila. Ang sagot kasi dyan ay depende sa tao yan. Kasi kung totoo kang 'follower' ni Allah, di ka dapat nagbibisyo o nagbebenta ng nakakasama sa iyong kapwa, lalo pa sa mga kapatid natin sa pananampalatayang Islam. Bawal ang 'haram'.

Mapiya Malolom! Salam.

Marami din akong mga muslim friends, alam ko magiging blasphemous yung dating ko. Sinasabi ko lang yung ayun sa mga datos, hindi ako nag point finger o nag witch hunt sa mga fellow muslim brothers natin. Hindi ako NEO-CRUSADER :rofl:

Yung report kasi na linked yung Maute sa mga narco-politicians ay bago, yung pag gamit nila nang bato oo matagal na reported yun.

Actually yung tribal wars ay isa lang sa mga cause neto, yung isa pa kasing cause neto ay yung pag sponsor nang Saudi sa mga muslim dyan sa Mindanao. Yung dalawang Maute brothers ay kagagaling sa sa Middle East yung isa sa Saudi, cguro nabingyagan sya doon nang Wahhabism. At isa pa cause yung pagiging open route sa pagitan nang Indonesian at Malaysia sa Mindanao, since highly militarize at uso yung batas military sa Indonesia at Malaysia yung Mindanao yung safe heaven nang jemaah islamiyah.

distributor lang yata ang mga moro. ang supplier ay taga binondo na whole sale galing china.. by the way after ilang araw meron na dyan martial law sa NCR ayan nagkakagulo na sa resort world manila

Ayun sa report malaking isda yung drug queen sa Mindanao, binondo oo dun yung distribution center baka dun sya bumibili or sya mismo yung nag handle nang production.

Ay di ako taga NCR, taga region 6 ako. Ganyan tlga buhay Casino madaming my mga tupak dyan. Ganun din ditto mga big time gamblers, meron ditto dating addict sa casino at b@to user na anak nang haciendero/mayamang pamilya ginawang need for speed yung kalsada naming ditto one time.:rofl:

Kwento nanm nang close na kamag anak ko na nagtatrabaho sa casino, kapag natalo sila yung mga mamahalin gamit sinasangla nila yan na subrang liit sa original price. Ganun ka lala yung gambling addiction. Remember dati yung mga artista na lulong sa gambling na si kuya willie at jake manalo?
 
Dapat kasi ipagbawal na yang casino operations na yan. Maraming mga buhay ang nasisira nyan, para din yang b@to nakaka addict pag nasimulan. Yong mga Ampatuans, before nung massacre, eh, grabe kung makapag CASINO ang mga yan. Halos gabi-gabi andun sa Davao Casino, mula ama (na pumanaw na) hanggang yong mga anak. Natatalo ng P3-P5 milyon yan gabi-gabi, parang 'sky is the limit' yong pera nila. Dami nakukulimbat ang mga yan sa pondo ng gobyerno pati din sa mga AID na binibigay ng Amerikano. Kaya gago din yong mga Amerikano, magbibigay ng AID, di naman napupunta sa mga mamamayan sa ARMM andun lang sa mga kawatan. Ang problema tayong lahat ang nagbabayad sa utang, kasi parte yan ng package pag nangutang ka sa World Bank or IMF, may kasamang mga AID or assistance. Kaya kitang kita mo sa ARMM, maraming di natatapos na mga proyekto ng gobyerno. Puro simula lang, di naman natatapos.

Puro kagaguhan talaga tayong mga Pilipino! Pati National Irrigation Administration Projects doon sa ARMM ginagawang bunker pa ng mga kalaban. Wala man lang akong nabalitaan na nakasuhan o nakulong dahil sa pakikipag sabwatan doon sa mga rebelde na pumatay sa mga kaibigan kong scout rangers. Anim yong natumba na kaibigan ko.

Ang malala ngayon, kaibigan na pala ni Dutete yong MNLF na naghasik ng kalagiman doon sa Zamboanga. Ngayon, gagawing recruits pa yata sila ng AFP. Isang malaking katangahan at kalokohan! Ibig sabihin yong mga buhay ng sundalo na nawala ay wala palang katuturan. Ika nga 'expendable at dispensable' lang pala sila. :clap:
 
Last edited:
tama lang na nagdeclare sya ng martial law para makontrol ang mga terorista sa mindanao at hindi na lumaganap ang terorista sa ibang lugar
 
tama lang na nagdeclare sya ng martial law para makontrol ang mga terorista sa mindanao at hindi na lumaganap ang terorista sa ibang lugar

Ang tanong, eh ano ba ang di kayang gawin ng militar noon na kayang gawin ng militar ngayon dahil may Martial Law na? Sa tingin mo, may pagkakaiba ba sa mga ginagawa ng militar ngayon ng mag deklara ng Martial Law si Dutete? Abir, paki salaysay nga kung ano ang alam mo? Paano ba makokontrol ang mga terorista sa Mindanao at hindi na lumaganap pa pag may Martial Law? Abir, paki sagot nga kung talagang may dunong ka.
 
Last edited:
Briefed yan nang DND ng President natin, wag nyu sabihin na sa facebook nya lang kinuha yung mga intel at nag declare sya nang martial law. Huli na kasi inilabas nang AFP intelligence yung foiled occupation sa Marawi sa media.

Before pa sumiklab yung laban, alam na nang militar yung invasion sa Marawi, pero yung threat level assessment nila palpak akala kasi nila isang battalion lang yung kaylangan sa pag neutralize sa Maute.

Kagaya din ito dati sa SAF44, matagal na pala nag cooperate mga BIFF at iba pang mga radical group sa Mindanao. This is a massive intelligence failure
 
Back
Top Bottom