Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

pumupurol yung utak ko!!

Well for me base on my experience nasa kinakain yan misan, dapat masustansya ang kinakain nyo, dont eat junk foods and other food na maraming betsin iwasan din ang mga acid drinks, base on world survey kung alin ang mahirap na bansa sila ung mga mahihina ang utak kasi nakadepende un sa kinakain nila which is not healthy foods nga. Madalas akong napupuyat dahil sa kakaprogram pero binabawi ko with healthy foods such as fruits and vegetables and thrice a week of exercise sa gym and by that I can always handle the pressure and stress mahalaga din kasi ay ma relax ang utak mo. Maganda ung solving problems, playing puzzle games pero if this will not make your mind happy and healthy dont do it, it will become a stressful and pressure for you and if you are still thinking your problem "pumupurol yun utak ko!" hindi rin yan maganda hehe just relax with presence of mind ;)
 
know yourself...know things on your own...find true meanings of things on your own...and keep it to yourself.
 
pabm truely related ako din gnun din kasi ako hahahah..
 

ㅤㅤMaaaring nawawala ka lang sa focused.
Ganun kasi ako, hirap na hirap ako ma-focused sa isang bagay, parang gusto ko laging nag-mumultitask yung utak ko.

Basta wag mong isipin na pumupurol ang utak, just focus and stay awesome.
 
iwasan din ts ang pag sasarili (if you know what i mean) pero diko naman sinasabe na wag mo nang gawin, gawin morin minsan hahahaha :lol: proven na yan, malakas kasi mag pa absent minded pag lagi mong ginagawa,,,
tama ang sinasabi ng mga ka symb naten. wag magpuyat, wag manigarilyo, healthy lifestyle ang kailangan,,,,,
 
Last edited:
thanks sa mga nagbigay ng advice.. ganto din kasi ako minsan... iiwasan ko na magpuyat at magpalipas ng gutom... hindi naman ako nagyoyosi pero halos lahat ng tropa ko nagyoyosi, so affected din ako ng smoke (passive smoker)...

Dota Dota lang ang panglibang.. hehe..
 
guys pa help naman,, ano pwedeng gawin para bumalis mag isip,, hindi naman ako ganun kabobo,, madali lang ako makalimot tas madali ma mental block,, accountancy po ako,, yun ang problema ko eh,,, andali ko makalimot,, tas ang bagal ko makapick up,, at slow,,,pinagtatawanan tuloy ako,, hindi naman ako ganito nung hayskul ngayong college lang..nagmumukha tuloy akong bobo kapag nagtatanong sa mga classmates ko,,haaaayyss...ano kayang tips?? o kaya pagkain pampatalas mag isip?

Maaaring iba lang yung tingin mo dun sa inaaral ninyo. Pwedeng kaya hindi mo agad nagegets kasi hindi mo lang agad makuha sa isang turo lang. Pwedeng depende din sa nagtuturo o way of teaching. Kung college ka na mas madali lang solusyonan to and also with help of technology nadin.

* Magtake ka nang notes. At hindi lang basta notes. DAPAT KUMPLETO.
- para kapag hindi mo nakuha sa unang discussion pwede mo basahin yung notes mo sa bahay. Baka kasi sa pangalawang pasada eh makuha mo na. Pwede mo din ito isearch sa google kung di mo talaga makuha para makakalap ka nang iba pang examples para mas maintindihan mo. Isa pa maganda ang may notes kasi kapag nagexam ka pwede mo maalala yung notes mo lalo na kung ikaw mismo yung nagsulat at inaral mo pa. magtake nang notes para hindi mo makalimutan. idocument mo.

* picturan ang blackboard or slides. Or kung may slides naman pala hingiin ito sa prof. Pati mga pdf or hand outs kahit ano.
- again para lang din tong pag take down nang notes. The more na resources na meron ka the better.

* Record your professor's lecture
- with the use of voice recorder or kahit phone pwede. irecord mo yung lecture ninyo. Siyempre kahit may notes ka na iba parin yung galing mismo sa prof mo. minsan kasi may mga lesson or topic na hindi isinusulat at madalas ito pa yung mga shortcut at importanteng mga topics na lumalabas sa exams. Pwede mo rin videohan pero bago magrecord magpaalam muna sa prof ok. para di mo makalimutan irecord mo tapos play mo habang nagcocommute, nagrereview, naghihintay sa pila etc.

* Eat right, Exercise and sleep well
- A healthy mind needs a healthy body. kung hindi ka nakakakuha nang mga sapat na vitamins and minerals wala talagang mangyayari sayo. Kaya samahan mo din ang pagexercise para hindi ka magkasakit at para tuloy tuloy lang ang pagpasok sa klase. Sleep well kahit may exam dahil makakalimutan mo lahat nang inaral mo kung puyat ka,

* Study during the morning
- Dahil mas pumapasok daw sa isipan natin ang mga inaaral natin kapag umaga natin ito inaral. Pero kung umaga ang exam edi sa gabi pero matulog.

* Gumawa nang mga acronym para sa pagmememorize nang mga bagay bagay
- pwede mo gawan nang acronym ang mga inaaral mo para madali tandaan. example: NEWS na acronym para sa 4 na direction. North, East, West, South. O diba?! Maaari mo din irelate sa mga bagay na alam mo na talaga like birthdays, close friends, events etc.

* Huwag kakabahan or marunong kontrolin ang kaba
- Hindi talaga mawawala ang kaba tuwing mageexam pero pwede naman natin itong kontrolin. Mag-aral nang husto para hindi kabahan. Kapag nagaral ka tapos kinakabahan ka padin sarili mo nalang ang kalaban mo. nakakamental block talaga ang kaba kaya dapat matuto tayong kontrolin ito.

* And kapag nagawa mo na ang lahat mag thank you ka kay Lord at ipaubaya mo na sa kanya ang lahat. Wag mo nang isipin yung mga kaklaseng nangangantsaw kasi maaapektuhan ka lang. sa halip magfocus and do your best.

Good Luck!
 
Rest lang po ng 8 hours a day TS , at tsaka yung mga sinabi dn nla na magbasa nang mga books na tlagang gusto mo .
wala na akong masabi kasi nasabi na nila . tama po sinabi nla TS ganito dn po ako.
Salamat nlng at napunta ako dito sa thread na ito , may natutunan ako . :) Godbless you all ;)
 
sa totoo lang minsan kung wala ka maipagmalaki like yung pera . yun naman talaga eh. para tuloy ang baba na kumpeyansa mo or lagi ka na lang na ka tungo kasi nga wala ka maipag malaki.. natatakot kang mag kamali. eto na lang isipin mo .. di mo kailangan edepende or e kompara sa iba ang kakayanan mo.. gawin mo lang kung anu kakyanan mo.. minsan talaga kung masyado kang stress yan ang nagigimg dahilan kung bakit pumupurol ang ataing isipan. at lalao na kung nagugutoman.. kain ka lang nang kain.. like kang-kong , talbos ng kamote at saging... saging yun korni man at lumang kasabihan . mamatalino ang matsing dahil sa saging diba>
 
bawas bisyo. kain ng masustansyang pagkain. MATULOG NG 8 HOURS A DAY.
 
ganito na din ang sitwasyon..slow pick up at makalimutin...siguro tumatanda na din siguro tyo...magbigay pa kyo ng tips
 
wag magyosi? kalokohan yan. pag nagyoyosi ang isang tao mas narerelax pa to at nakakapagisip ng maayos. pag ako nga dto sa office sumasakit ulo at nawawala sa focus nagyoyosi ako e pag balik ko sa desk ko normal ulit utak ko. minsan may mga tao lang talagang mabagal makapick up. ako drinker at smoker ako pero still maayos parin pagiisip ko. mabilis parin ako makapickup also makaformulate ng ideas. siguro yung pagpupuyat medyo rason yun para maging ganyan yung utak. dahil nagaadjust yung tulog/gising nyo, nagaadjust din yung function ng brain nyo. kaya isa nga siguro yan sa mga factors ng mapurol na utak. payo ko lang tasahan mo nalang yung ulo mo para hindi na mapurol yan nyahahahaha.
 
nice thread, na enlighten ako... kala ko ako lang nakaka experience... marami pla tayo :lol:
 
eto po solusyon jan:
1. wag mag puyat (8 hours sleep)
2. wag masyado sa computer
3. memorize or read books
4. magrelax, pumunta sa mga di mo nakikitang lugar kung sa ka makakarelax ng mabutio, makakatulong ito upang marefresh ang utak mo

nbasa ko lang din yan nung, nag rereview ako for our last ter exam, then boom... 5 lang ang mali sa exam :clap:
 
baka kulang lang kayo sa tulog mga brad. . .ganyan rin kasi ako pag kulang ako sa tulog at tsaka pagod.
 
wag magyosi? kalokohan yan. pag nagyoyosi ang isang tao mas narerelax pa to at nakakapagisip ng maayos. pag ako nga dto sa office sumasakit ulo at nawawala sa focus nagyoyosi ako e pag balik ko sa desk ko normal ulit utak ko. minsan may mga tao lang talagang mabagal makapick up. ako drinker at smoker ako pero still maayos parin pagiisip ko. mabilis parin ako makapickup also makaformulate ng ideas. siguro yung pagpupuyat medyo rason yun para maging ganyan yung utak. dahil nagaadjust yung tulog/gising nyo, nagaadjust din yung function ng brain nyo. kaya isa nga siguro yan sa mga factors ng mapurol na utak. payo ko lang tasahan mo nalang yung ulo mo para hindi na mapurol yan nyahahahaha.
tama wag magyosi sa sitwasyon mo naman mukhang bisyo mo na yan eh sa iba gus2 nila healthy lifestyle saka kung nabobored naman pede namng ibaling sa music ang pagkabagot o kaya i2log mo na lang
 
Back
Top Bottom