Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Ragnarok (PH) Gates of Rune-Midgard (Reopening)

Paunang Salita


Ika-31 ng Marso 2015 noong sinara ang pintuan ng Midgard at ang mga tao ay nawalang parang bula, nagbalik sila sa kanya-kanya nilang buhay at ang iba naman ay naghanap ng paraan upang bumalik sa mundo ng kanilang mga pangarap. Marahil nga ay oras na upang lumakad palayo sa mundong kinalakihan at magpaalipin sa realidad, na walang permanente sa mundo at tayong lahat ay may katapusan.
Ngunit may kumalat na balita na bubuksan muli ang pinto, para sa mga batikan at baguhan na manlalaro. Ang magbabago sa buhay ng isang bagong dugo na walang kamalay-malay sa papasukin niyang mundo.
"POTA bat ang daming tao dito sa SM North" tanong ng isang lalaki na nakasuot ng DOTA 2 na T-Shirt habang nakatanaw sa baba.
"Aba malay ko, ibabalik daw nila yung Rockgnarok ba yun?" sabi naman ng may katabaan na lalaki na nakasuot naman ng CS Go na pang itaas.
"Walangya yun yung 2d na laro na walang ginawa kundi pumatay ng pumatay di tuad ng mga nilalaro natin high-Class at puro foreigner kalaban" ang tugon ng lalaking nakatingin pa rin sa baba.
"Teka yun rin naman ginagawa natin sa nilalaro natin, pumatay ng pumatay?" pagtataka ng lalaking mataba
"Maiba nga natin ang usapan, tignan mo pre madaming chicks sa baba punta tayo" sabi habang nauuna sya lumakad papunta sa escalator pababa.
"Teka saan dyan?" ang tanong ng lalaking mataba
"yung nasa bungad yung nakasuot ng costume na may pakpak na puti (Valkyrie), Powta chickkss" ang sabi ng kasama

Nagtataka sila dahil tila walang pila sa bungad at pumasok ang lalaki at sinalubong sya ng babaeng nakasuot ng Valkyrie costume. "Hello Sir pa sign nalang sa computer kung ano ipapangalan nyo sa character ninyo sa pagbubukas muli ng Tarangkahan ng Rune-Midgard. Nagkatinginan ang dalawang lalaki at nagisip kung papasok ba sa loob
"May bayad ba to?" ang tanong ng Dota Boy.
"Wala po libre po ang pagpasok sa loob" ang sabi naman ng babae.
"May libre bang kiss galing sayo?" ang sagot ng lalaking nagtytype sa keyboard.
Hindi sumagot ang babae ngunit halatang naiinis na ito sa ugali ng kausap na lalaki
"Sige magsusulat na lang ako, dapat yung sosyalin na pangalan parang sa mga kalaban naming foreigner" sinipat niya ang keyboard at nilagay "Uncle Licht" at enter! Special character not allowed!.
"Shet di pa ko naglalaro special na karakter ko!" ang bulong ng lalaking nagtytype "Sir bawal po ang space sa character name" ang sabi ng babaeng nakacostume.
"OK OK tatanggalin ko na ang space sa ating dalawa parang magkalapit tayo" sabi niya sabay tingin sa babae. Tinanggal niya nag space at pumasok na sa database ang pangalan.
"Ok na po sir, yung kasama nyo na yung susunod. Mabilis lang natapos ang lalaking mataba at naiprint kaagad sa sticker ang kanilang mga character name. Iniabot ng babae ang dalawang sticker sa lalaking nambobola kanina at sinadya naman ng lalaki na hawakan ng matagal ang kamay ng babae (mga 5 seconds) Iba ang narandaman ng lalaki, malamig ang kamay ng babae at tila may kakaiba pagkatapos noon ay hinila ng babae ang kamay niya
at "PAK!" sinampal niya sa mukha ang lalaki at mabilis lumakad papasok ng venue
"SHET ang sakit nun ah!" ang sabi ng lalaki habang hawak niya ang kanyang kaliwang pisngi.
"Lika pasok nalang tayo pre" ang sabi ng lalaking may katabaan
Inilagay nila ang kanilang mga pangalan sa may dibdib "UncleLicht" at pagtingin niya sa kasama ay natawa siya dahil sa nilagay niyang pangalan ay "XhaWARMamah"
Parang baliw tumawa ang lalaking nakasuot ng Dota 2 Shirt at tinignan sya ng karamihan ng tao sa venue, pati ang mga MC ay napatigil sa pagsasalita dahil sa lakas ng kanyang pagtawa. Nangtumigil ito ay parang walang nangyari at naglakad nalang sila palayo sa maraming tao.
"Taena bat yan pangalan mo! ang sagwaa" ang tanong ng lalaki sa kasama niya
"Gago! diba sinamahan mo ko dito dahil kakain ako ng shawarma, nagugutom na ko" ang sagot ng kasama niya.
Halatang di parin mawala sa isip ng kasama niya ang masagwang pangalan na nilagay niya.
"Loko to ah sinamahan na kita bubullyhin mo pa ko!" sabay tingin sa kasama
" Di na.. Di na.. titigin na ko, lika tignan natin yung mga chikas dito baka makita natin yung babaeng coordinator kanina

Nalibang ang dalawa dahil sa dami ng pakulo ng mga coordinator, may mga banda, cosplayers, mga prizes.
"Pre lika tanungin natin kung nasaan yung coordinator na nakacostume na lab-at-persayt na ko" ang sabi ng lalaking naka Dota 2 shirt.
"Sige para makaalis na tayo at gusto ko na kumain" sagot naman ng lalaking mataba

Pumunta sila sa mga coordinator at nagtanong "Sir nakita nyo ba yung coordinator na nakacostume na may pakpak?"
"AH? walang nakacostume sa min? Bawal lahat kami ay naka T-shirt" sagot ng coordinator na may halong pagtataka
"Shet baka na budol-budol tayo pre!" ang sabi nya sa kasama
"Pre oo nga ano gagawin natin baka ubusin nila yung tindang shawarma dun sa may garden" ang sabi naman ng lalaking mataba
"Gago! puro shawarma yung nasa isip mo"
Pumasok sa usapan ang coordinator "May nakuha ba sa inyo sir?" ang taong nito
"Wala naman, yung gagawin lang naming pangalan sa laro, binigyan pa nga kami ng sticker parang nametag", ang sagot nila
"Saan ang sticker?" ang tanong ng lalaking naka RO-shirt
Tumingin sila sa kanilang damit at wala ang sticker na dinikit nila sa kanilang mga dibdib. Nagulat sila dahil sa pangyayari na iyon at lumakad nalang palayo sa venue.

"Pre ok lang yan, walang bagay ang di nasusuluyunan ng shawarma" ang sabi ng lalaking mataba
Tumungo lang ang lalaking may kabastusan kanina at iniisip pa rin ang mga bagay na nangyari.

"Ate shawarma nga sampung order" ang sabi ng lalaking mataba
"Sorry sir ubos na po last na po yung kanina" ang sabi ng tindera
Tinitigan niya ang lalaking kasama "Pre baka nga na budol- budol tayo!"



Maraming araw ang lumipas at di parin mawala sa isip ng lalaki ang babae na nakilala sa event na iyon. Para siyang si Jon Snow dahil wala talaga siyang alam, at wala wala talaga siyang alam sa mga bagay bagay na tungkol sa laro na Ragnarok dahil noong panahong nauso iyon ay sumibol din ang larong DOTA at doon siya nahumaling. Sa lahat ng pustahan at tourneyo ay lagi siyang panalo at nailagay na ang kanyang mukha sa pader ng isang sikat na computer shop sa may Taft. Ngunit di sya tinaggap na myembro doon dahil si sya high-Class at sosyalin.
Gabi habang siya ay nakahiga at nakatingin lang sa kisame ay tumunong ang kanyang cellphone, tinignan nya muna ito dahil iba ang tunong nito sabay hawak at lagay nito sa kanyang tenga.
"Hello sino to?" ang tanong nila
Naririnig niya ay boses ng babae ngunit ibang wika ang naririnig niya, "Pota sisipain kita pag ikaw si Lucia Joaquin" ang sabi niya
Patuloy na nagsasalita ang babae sa loob ng limang minuto at ang huling salitang narinig niya ay "Oo o Hindi"
Di muna sumagot ang lalaki at kinabahan baka nagbebenta ng droga ang kausap niya.
"Oo!" ang malakas na sagot ng lalaki. biglang namatay ang cellphone at naputol ang tawag niya namatay din ang kuryente sa kanyang kwarto
"Pota nagbrown-out pa, magtataas nanaman ng singil tong kompanya ng kuryente" ang nasa isip ng lalaki
Nahiga nalang siya at ipinikit ang kanyang mata, narandaman niya na tila siya umiikot at dinadala ng malakas ng hangin sa isang malayong lugar, iminulat niya ang kanyang mata at nakita ang kanyang sarili sa isang puting silid. Doon ay nakita niya ang babaeng nakacostume sa event, ang sumampal sa kanya, tumayo ito at humarap sa kanya at nagsalita
"Ikaw ang napili upang pangalagaan ang bagong mundo ng Rune-Midgard, bibigyan kita ng kapangyarihan upang maging pinakamalakas na nilalang sa mundong iyon" ang sabi ng babae
"Ano? anong mundo? di kita maintindihan!, pero kung gagawin mo kong pinakamalakas ay wag na lang, mawawalan ng saysay ang paglalaro kung wala nang makakatalo sa yo" ang sabi ng lalaki
"Sige kung yan ang gusto mo ay di ko ipagkakaloob sayo ang kapagyarihan ngunit di mo mababago na ikaw ang napiling maging bantay ng mundong ito" ang bigkas ng babae
"Bantay? ano to Sekyu? ate wag mo ko niloloko" sambit ng lalaki
"Sumagot ka sa tawag at sumang ayon ka sa TERMS and CONDITION" sabi ng babae habang nakatingin sa lalaki
"Teka! wala namang nagbabasa ng part na iyon? at bakit ako? DOTA is my layf beybe!" sabi ng lalaki
"Di ka na makakahindi, ikaw ay sumagot sa tawag at kailangan pangatawanan mo iyon, kung gusto mo ay bibigyan kita ng isang hiling kapalit ng pagiging bantay mo dito sa mundo ng Rune-Midgard" ang sabi ng babae
Iniisip ng lalaki na ito ay isang malaking panaginip at oras na upang makahalik sya sa babaeng maladyosa (kahit na sa panaginip lang).
"Sige, isang hiling, kahit ano?" ang tanong niya sa babae
"Kahit ano, kapangyarihan, lakas, godly items, sabihin mo lang" ang sabi ng babae
"Gusto ko ng KISS sa labi ah hindi sa pisngi" ang sabi ng lalaki na tila nakangiti
"Uhh, ayaw mo talaga maging pinakamalakas?" tugon ng babae
"AYAW! KISS lang gusto ko, yung napapanood ko sa TV yung may dila na nilalabas" ang paliwanag ng lalaki
"Nako! kung di ko lang to trabaho" ang sabi ng babae sabay bukas ng kanyang pakpak at lumipad papalapit sa lalaki
Nagulat ang lalaki at tila nagdawalang isip, "Teka pede ba yung kapangyarihan nalang?" sabi ng lalaki
"Hindi na pwede, halik iyong hiling at halik ang iyong makukuha" sabi hanbang papalapit ang labi niya sa labi ng lalaki
Lumapat ang labi nilang dalawa at randam ng lalaki ang mainit na dampi ng labi ng babaeng hinahanap niya ng matagal na panahon. Pagdilat ng kanyang mga mata ay nandoon siya sa kwarto niya, bukas ang ilaw at hawak hawak niya ang cellphone. Umaga na ngunit di pa rin maalis sa isipan ng lalaki ang nangyari, kung ito ba ay isang panaginip.
Nagring ang cellphone at sinagot nya ito ng mabilis
"Hindi, anong klaseng hiling yun, pagbukas ng mata ko nandito na ko sa kwarto" ang sigaw niya sa phone
"Pre, nakadruga ka ata, papatokhang kita" sabi ng lalaki sa kabilang linya. " Nakatanggap ka ba ng kakaibang tawag kagabi?
"Oo, di ko nga maintindihan, pero nagkaroon ako ng kakaibang panaginip"
"Ako rin! meron babae sa gitna, yung chicks na nakita natin sa event, tinanong niya ko kung gusto ko maging tagapangalaga ng Ron-Megard ba yun? pero tinanong ko kung may shawarma ba dun, sabi nya wala kaya di ko tinanggap?" ang sabi ng lalaki "Ikaw ano sabi mo?
Tahimik lang ang lalaki sa kabilang linya, "Pre, Inlab na ko.." kailangan makita ko sya ulit? kahit sa panaginip
"Lul, you and your imaginary GF!" lika laro tayo may tournament sa MINISKI naghahanap sila ng player baka pede ka? tanong ng lalaking mahilig sa shawarma
"Pass muna pre, wala ako sa mood. Dito lang ako sa bahay" sagot ng lalaki
"OK sige balitaan mo nalang ako kung G ka, bye bye"

Umupo sa harap ng PC ang lalaki, at nagtype R-A-G-N-A-R-O-K
Dito magsisimula ang ating paglalakbay, sa mundo kung saan ang lahat mandirigma, magkakaibigan at magkakapatid
 
wow TS more pa po heheh abangers ako


natawa ako dun sa special character hahaha
 
Ch. One- The Clash of Class

E-MAIL RECIEVED....
RAGNAROK
UNKNOWN SENDER to me

Congratulations:
Welcome to Ragnarok Online Philippines, you have already confirm to participate the Alpha

Testing of the game. The link to download the game will be sent tonight on 00:00:00 am,

please download and open the game and wait until 03:00:00 am

With regards,

Eyr
Valkyrie of Valhalla
Recruitment Division Commander
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Alas dose ng gabi ng buksan ng lalaki ang kanyang pc at nagulat sa kanyang nakuhang e-mail. Ngunit wala namang masa kung susubukan niya laruin. Hinintay niya ang link at dinownload ang 1.5gb na installer, habang ginagawa iyon ay nagbabasa na siya ng iba't ibang item at stat built sa reytmayserber para maging pinakamalufet na player sa alpha phase.
2:50 am, nainstall na niya ang laro at maglologin na sana pero nagulat siya nang pagkapindot niya ng start game ay nasa laro na kaagad siya, nakita niya ang charater niya na nakasuot ng puting damit at may aura sa paligid, siya palang nasa loob ng kwartong puti, at dahil lahat ng commands at emoticons ay inalam na niya at walang kahirap hirap siyang umupo sa lapag (/sit) at pumikit sandali.
Hindi niya namalayan na matagal-tagal siyang nakaidlip at ginising siya ng mala anghel na boses nangbinuksan niya ang kanyang mata ay nakita niya na may iba nang tao at naghihintay rin ng gagawin sa loob. Lumitaw ang timer sa screen at dahan dahang nagcountdown. 10..9..8..7..6..5..4..3..2..1
Nagliwanag ang buong paligid at bumaba mula sa langit ang isang babae na may puting pakpak.
"Ako si Eyr at napili kayo bilang mga tagapangalaga ng Rune-Midgard" ang sabi ng babae. Labing tatlo kayong napili dito ngunit apat lang ang matitira, ang magiging taga subaybay sa mga player at pangkalahatang server ng Thor at Odin".
"Ano na ang gagawin namin ngaun" tanong ng kaisa- isang babae sa kwartong iyon
Tumingin si Eyr sa kanya at nagsalita "Magkakaroon tayo ng labanan. Ipapakita ninyo ang inyong galing sa paghawak ng mga pipiliin nyong class".
Lumabas sa monitor ang listahan ng mga class
Knight
Crusader
Wizard
Sage
Hunter
Bard/Dancer
Priest
Monk
Blacksmith
Alchemist
Assassin
Rouge
Super Novice

"@DesignateJobRandom" ang lumabas na text sa taas ng kanyang ulo, kasabay noon ay nagliwanag ang aming katawan at isa isang naglaho ang mga tao sa loob ng room

"Ahhggggggggg!!" ang sabi ng ating bida habang nahuhulog mula sa langit. Doon ay lumabas muli ang yellow na text "FREE FOR ALL BATTLE" maglalaban laban kayo para sa posisyon ng pagiging GM. Kayo ay may kanya- kanyang class na tinalaga, gamitin nyo yan upang kayo ay magwagi.

Splassh. ang tunog ng katawan niya noong ito ay bumagsak sa tubig. Agad siyang tumayo at tinignan ang kanyang status.
CLASS: SUPER NOVICE

"POTAAA, bat ganun.. napagiinitan ata ako ng larong to!" ang sabi niya, Nahulog siya sa dalampasigan ng Byalan, oo yung islang mukhang bungo sa malayo.
"Ahht Ess!" Lumabas ang Skill Tree Niya, dapat meron akong magic tapos SS. (SS ang tawang niya sa ultimate skill, dahil galing daw siya sa dota).
"Hoy!" ang sabi ng lalaking may ibon sa balikat.
"Nakita mo ba yung mga kasama ko?" ang tanong ng hunter
"O Baket, di hoy ang pangalan ko gagu!" ang sagot ng super novice
"Aba, masama tabas ng dila mo ah!, tutulungan sana kita kaso nagbago na ang isip ko, paktay ka ngaun!" " Go Bagwiz!"
Lumabas ang isang falcon sa likod niya at sumugod papunta sa super novice
"Firee Bolt!" ang sabi ng super novice at itinutok sa ibon na papunta sa kanya
Nahulog ng parang binaril na ibon si Bagwiz at kasabay noon ay Hagis ng buhangin sa mukha ng hunter, "Saaand Attack!"
"Pota ka!" ang sabi ng hunter sabay tutok ng kanyang Rudra Bow kahit di nya alam kung san banda itututok
Tumahimik ang buong paligid "Lumabas ka na dyan, wag mo na patagalin ang pagpaslang ko sa yo!" ang sabi ng hunter
"Provoke!" ang narinig ng hunter at may lumitaw sa ulo nya na mukha ng payaso
"Ayaw mong lumabas sige papaulanan kita ng arrow! "Arrow Shower" ang skill ng hunter
Pinakawalan niya nag bala sa may mga halaman dahil ang alam niya ay sa Magician Skills niya nilagay ang skill points nito
Bigla nalang siyang napuwing noong ang buhangin sa harap niya ay biglang tumilapon sa mukha niya at patalon papunta sa kanya ang super novice
"Stone Curse!" ang sabi nito at naging bato ang hunter, sabay palo ng kanyang Quadruple Diligent Main Gauche (dahil spellcaster novice sya) sa ulo ng rebultong hunter
Nabasag ang estatwa at natumba sa sahig ang hunter at tuluyang nawala sa kanyang harapan nang biglang nag-iba ang kulay ng langit at dahan dahang nagyelo ang buong lugar "Sttorrm Gusttt!" ang rinig ng novice sa malayo.

Doon ay nakatayo ang isang lalaking wizard na nakasuot ng magician hat
"Shet kakatapos ko lang sa hunter ngaun wizard naman!" ang pabulong na sabi ng novice
Gumapang ang yelo sa kanyang paa at unti-unti siyang nilalamon nito. Lumipas ang sampung segundo ay tumahimik na ang buong lugar nang may nagsalitang isa pang tao sa tabi niya
"Cloaking" ang sabi nito, isang assassin na may kakaibang headgear
"Pre ano yan nasa ulo mo? ganda ah" tanong ng wizard sa kanya
"Morrigane set, pang critical dps na katulad ko" ang mayabang na sagot ng assassin
Tumingin ang lalaki sa kung saan nakita niya ang super novice na kanina lamang ay nakikipaglaban sa hunter
"Lika tignan natin baka may na drop na items" ang sabi ng assassin. Tumungo ang wizard at lumapit sa lugar
Naglalakad sila ng biglang nagsabing ang wizard "Pagnanalo tayo dito magiging GM tayo ng server ng Philippines. Tiba-tiba tayo wahaha!"
"Oo, tapos susupplyan natin ang mga guild master ng mga blackmarket items at equips" ang sabi ng assassin
"Yung iba nating kasama, kumusta na sila" ang tanong ng wizard nang may lumabas na yellow text sa langit
6 PLAYERS LEFT
Isa-sang lumalabas ang mga class na natitira at inaabangan nila kung ang dalawa nilang kasama ay nanalo sa mga katunggali nila
CRUSADER...WIZARD...ASSASSIN...
"Yown kasama natin yang crusader nag PM sa kin, pati yung kalaban ng babaeng monk kakampi natin" ang sabi ng wizard
"Talo sya pre nagpm sakin sorry daw. Sabi ko wag sya papakita, walang lugar mga talunan satin.
BARD... MONK

Pagkatapos nun ay halos isang minuto ay tumigil na ang text sa screen. Nandoon pa rin sila sa lugar kung nasaan ang bangkay ng hunter at ng kaawa-awang novice
"Wiz" ang tawag ng assassin sa kasama
"Baket?" ang lingon naman ng lalaking may magician hat
"May maganda akong plano para maging mayaman ako" ang sagot ng assassin
"Anong ako? baka tayo? pakners tayo diba?" sabay akbay sa assassin. "Stone Curse" ang bulong nito
Gumapang ang spell niya sa balikat ng assassin
"Sabi ko na nga ba mang o-onse ka!" ang sigaw ng assassin. "Backslide" "Cloaking"
"Kala mo eepekto sakin yang pagtatago mo!" ang sabi ng wizard "Storrm Gust!"
Doon ay nakita niyang nagyelo ang hangin na parang mayroon itong laman sa loob
"Juuupppiiiteell Thunndaa!" ang cast ng wizard at itinutok doon
Tumalikod ang assassin at nag backslide hanggang malapitan niya ang wizard at umatake
Wala pang limang segundo ay nasa 1/4 nalang ang buhay ng wizard nang naibato niya ang skill sa kalaban
Sinabuyan ng assassin ng buhangin ang mata ng wizard sabay "Sonic Blow'
Halos ga buhok nalang ang buhay ng kalaban niya nang biglang "Frost Driver!"
Nanigas ang buong katawan ng assassin at napansin din niya na halos isang ubo nalang ay tutumba na ang katunggali

....nang biglang lumitaw ang ang di nilang inaasahang class sa screen
SUPER NOVICE
 
Last edited:
Back
Top Bottom