Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Lola: Francis gising na at baka mahuli ka sa klase mo
Francis: Opo lola babangon na
Lola: Aalis lang ako sandali, pupunta lang ako sa tita mo ilock mo na lang ang pinto pag alis mo
Francis: Sige po mag ingat po kayo lola

At nagumpisa na ang araw ni Francis...Si Francis ay isang 4th year high school, simple, matangkad, masayahin, at ulilang lubos

Arjay: Francis tara na pasok na tayo baka mahuli na naman tayo at masaraduhan ng gate ayaw ko na mag ober da bakod
nasisira ang sapatos ko, bago pa man din ito
Francis: yabang bago sapatos pabinyag nga!
Arjay: Wag pare bago nga eh

At nagpatuloy na sila sa paglalakad...Si Arjay ang best friend nya mula elementary laging kasama sa kalokohan, sa away
at pati sa saya...

Arjay: Men! alam mo na ba ang balita?
Francis: Ano?
Arjay: Yung anak ng nagdonate ng school eh magiging schoolmate na natin
Francis: Oh? mayaman sila ah bakit sa school natin yun mag aaral?
Arjay: Hindi ko alam siguro baka gusto ng daddy nya eh matuto makisalamuha sa mga tulad nating mahihirap
Francis: Ganun ba? Nakita mo na ba yang tinutukoy mo?
Arjay: Hindi pa eh pero sa pagkakaalam ko yung prinsipal natin eh pamangkin nya un
Francis: Ahhh anung year na nya?
Arjay: 3rd year high school na daw
Francis: bakit mo pala alam?
Arjay: Anu ka ba alam na kaya sa buong school yun saan ka ba nag aaral at parang hindi mo alam?
Francis: Baka absent lang ako nun nung binalita yun
Arjay: Nagcucutting ka kasi eh...perfect attendance din pag may time
Francis: hahaha paano maya na lang
Arjay: Sige!

Naghiwalay na ng daan ang dalawa ng si Francis ay papasok pa lang sa classroom ng nakita nya ang isang magandang babae,
Si Cassandra Althea, ang anak ng nagdonate ng pinapasukan nilang school...Maputi, Mahaba ang buhok, maganda ang mata, at sexy.
Napahinto si Francis habang pinagmamasdan ang babae...

Francis: Ang ganda naman nya parang ngayon ko lang sya nakita or baka hindi ko lang sya agad napapansin...

Dahil tulala sya sa babae na yun hindi namalayan na maguumpisa na pala ang flag ceremony nila, agad tumakbo papunta sa covered
court si Francis ng napansin niyang may isang grupo dun ng mga estudyante na parang may binubully sa isang sulok...nagtago si
Francis at pinanood kung anu ang nangyayari...

4th year Student #1: Hoy bago ka lang dito ah akin na ang baon mo!
4th year Student #2,3,4,5: HEHEHEHE!!! boy bigay mo na kung ayaw mo masaktan
1st year student: Wala po ako kakainin mamaya pwede ko ibigay ang kalahati ng baon kong pera
4th year Student #1: Ginagago mo ba ako?! Alam mo bang lahat ng estudyante dito eh takot sa akin kahit mga 4th year?!
4th year Student #1: Gusto ko mula ngayon pagpasok mo yung baon mo ibibigay mo sa akin ah magbaon ka na lang ng kamote WHAHAHA!

Nang biglang nagsalita si Francis...

Francis: Hahahahaha! ganda ng drama nyo ah para saan ba yan? pati 1st year sinasama nyo ah
4th year Student #1: Wag ka makialam dito kung ayaw mo pati ikaw masaktan!
Francis: Huh? kala ko nagpapractice kayo, hoy bata anu hinihingi sayo?
1st year student: Po?! ahm baon ko po pilit nila hinihingi sa akin

At biglang sinampal ang kawawang 1st year student...

Francis: Tarantado ka ah pati hindi kayang lumaban pinapatulan mo!
4th year Student: bakit aangal ka?! mga pare papalag ata sya bigyan nga natin ng leksyon itong kupal na ito!

At biglang tumakbo papalayo ang 1st year student...at pinalibutan na si Francis ng mga sigang 4th year...

Francis: Hmmmmm mukhang mapipilitan akong magpapawis ah, limang tangang repeater, alam nyo may tatanong muna ako sa inyo?
4th year Student #2,3,4,5: Kung tatanong mo eh ay nagbibiro kami pwes! hindi
Francis: Hindi yun tanong ko lang may balak pa ba kayo umalis dito sa school? kasi kung wala eh baka pagnagkaanak na ako
eh maging classmate nyo pa eh pabugbog ko na rin kayo dun
4th year Student #1: Tama na satsat!
Francis: BRING IT ON!

At nagrambulan na kahit lima ang kalaban ni francis nagawa pa rin nyang pabagsakin medyo duguan din naman si Francis..
Hinihingal si Francis ng matapos ang away nila...

Francis: Tignan nyo ginawa nyo narumihan ang damit ko dapat sa inyo basagin ko mga mukha ninyo! tumayo kayo dyan hindi
pa ako tapos teka sakto may kahoy pala dito msubukan nga gaano katibay itong kahoy

Napansin ni Francis na nandun pa rin pala ang 1st year student...

1st year student: Kuya ang dumi na ng uniform mo paano ka papasok sa class mo at duguan ka rin
Francis: Bata, pwede ko ba hiramin yang uniform mo? hindi ako pwede hindi pumasok ngayon lalo na may exam kami
1st year student: huh?! kuya hindi ko alam kung kakasya sayo to tsaka may patches ang uniform natin makikita nila na
pang first year ang uniform mo...
Francis: Hiramin ko na at bukas babalik ko sayo yan wag ka na lang pumasok ngayon at maglakwatsa ka na lang...bayad mo na
lang yan sa pagtatanggol ko sayo

Hindi na nakapagsalita ang pobreng 1st year at hinubad ang uniform....at pagsuot ni francis sa uniform halatang halata na
hindi kanya...

Francis: Bata!, Bukas magkita tayo sa canteen bibigay ko itong uniform mo umalis ka na at baka magulpi ka pa ng mga ito
1st year student: sige po kuya maraming salamat
Francis: Wala yun wag ka maniniwala sa mga sinabi nila mga nagpapanggap lang ang mga yan...

At nagober da bakod ang 1st year student habang si francis naman ay pupunta na sana sa isang CR ng bigla sya naabutan ng
Prinsipal at nakita ang 5 estudyante na nakahandusay pa...

Prinsipal: Anu ginagawa mo dito?! at bakit duguan ka pati sila?!
Francis: Ahhh ehhh sir anu po kasi...
Prinsipal: wag ka na gumawa ng palusot kitang kita naman na sinaktan mo ang 5 estudyante na yan at dahil lumaban sila sayo
pinagpapalo mo sila ng kahoy! Grabe ka talaga Mr. Santos! mamaya pag recess pumunta ka sa office!
Francis: pero sir anu po kasi...
Prinsipal: Tama na palusot!
Francis: opo sir

Hindi na nakakibo si Francis at umalis na lang...habang ang limang estudyante pinagsabihan din ng prinsipal...nagtungo si Francis
sa CR...naghihilamos at hindi lubos maisip na bakit sya pa ang lumabas na mali...pumasok na si francis sa classroom nila...

Nang Break Time na nila pumunta na si Francis sa office ng makita nya ulit ang babaeng pinagmasdan nya kanina na nakatayo sa
labas ng office...

Francis: Siguro pasaway din ang babaeng ito? kaya nandito din sa office, siguro nahuling nagcutting ito...sayang wala sa hitsura
mo gagawa ka ng kalokohan ganda mo pa naman...

Nang nasa harap na sya ng office si francis tinitignan sya ng babae...

Francis: Nandyan ba yung walang kwentang prinsipal natin?
Cassandra Althea: Huh? Ano pinagsasabi mo?! (Pagalit na nagtanong?)
Francis: Sabi ko kung nandyan ang prinsipal nating hindi nag iisip? kilala mo naman ang prinsipal natin siguro?!
Cassandra Althea: Oo naman kilala ko prinsipal natin! Ako kilala mo ba?! kaya pala 1st year ka dahil wala kang manners!
tanda mo na sa year na yan ah REPEATER!

Lalo uminit ang ulo ni Francis...

Francis: Alam mo miss kung papaliwag ko sayo mahabang istorya at tsaka hindi ko alam kung sino ka!
cassandra Althea: Well, ako lang naman ang pamangkin ng prinsipal na sinasabi mong walang kwenta!

Nagulat si Francis sa narinig kaya...

Francis: Ako kilala mo?!
cassandra Althea: Hindi! malamang 4th year ako kaw 1st year pa lang
Francis: GOOD!

At biglang tumakbo ng mabilis si Francis palayo sa office

cassandra Althea: Aba kala nya hindi ko sya isusumbong at baka nakalimutan nya na nakita ko ang patches ng baduy nyang uniform
humanda sya kay tito kick out aabutin nya...

Nang dumating ang Prinsipal kasama ang ilang staff at napansin sya ng isang teacher...

Teacher: Sir yan po ba yung sinasabi mo na pamangkin mo?
Prinsipal: Oo ahm Althea heto pala ang mga magiging teacher mo dito sa school so kamusta ang pamamasyal mo dito sa school?
cassandra Althea: Good Morning po sa inyo, ok naman po tito maganda nga dito tulad ng pagkakasabi ni papa hindi ako maboboring dito
pero may mga estudyante lang na walang manners ang nag aaral dito...
Prinsipal: Huh?! Anu pinagsasabi mo hija? may nang away ba sayo dito?
cassandra Althea: Wala naman po kaya lang may isang first year student dito na ang tawag sayo eh prinsipal na walang kwenta!
Prinsipal: Ano sinabi nya yun?! at first year pa baka nagkakamali ka hija?
cassandra Althea: hindi po nakita ko sa patches nya first year pa lang po baduy pa ng uniform nya parang kapos sa tela or baka
style lang nya yun mukha syang gagawa ng gulo dito dapat po tito ikick out mo na yun wala syang manners...
Prinsipal: Hayaan mo hija bukas sa flag ceremony ituro mo sa akin yung first year student na yun ng mabigyan ko ng leksyon
cassandra Althea: Sige po tito kala nya hindi ko nakita ang patches ng uniform nya

Samantala si Francis naman ay hindi na lumabas ng classroom hanggan sa matapos ang klase nila at bago lumabas sinigurado nya na
hindi na nya makakasalubong pa ang pamangkin ng prinsipal...
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (09/30/2013)

more more more..ang cute ng story!

keep up.. :clap:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (09/30/2013)

aw bitin haha .. Nice one ts at nagkaroon n rin ng title :)
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (09/30/2013)

Ang Bitin TS. I want moooorrrre !!! Hahaha
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (09/30/2013)

tagal ng update TS:dance:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/01/2013)

PART 8

Francis: Tama kaya itong ginagawa kong step? kung titignan ko sa mga video na ito sa tingin ko tama naman,
pero parang mali eh

Napabuntung hininga na naman ang binata, dahil last day na bukas at hindi nya alam kung tama ba ang kanyang ginagawa,
sumandal na lang ito sa pader at tumingin sa langit

Francis: Matututo pa ba akong sumayaw? sa palagay ko hindi na gusto ko man umatras pero hindi na pwede nakabunot na ako,
ayaw ko naman palagpasin din ito dahil minsan lang ito sa buhay at huli na ito. Francis kaya mo to sayaw lang ito matututo
ka rin tiwala lang

Pero biglang pumasok sa isip nya si Cassandra kaya malayo na naman ang tingin nya

Francis: Sino kayang mapalad na lalaking makakasayaw ni Cassandra? Grabe kakainggit yun kasi mahahawakan nya ang kamay
nun na kahit ako hindi ko pa nahawakan kahit ilang beses na sya nandito, tapos buong gabi pa nya kasama,ay uu nga pala
baka yung lalaking kasama nyang nagpractice sa classroom ang partner nya, sabagay tama naman yung lalaki na bagay
sila. Bulong ko na lang sa hangin na gusto ko maisayaw si Cassandra, tanggap ko na rin ang katotohanang milya talaga ang
pagitan namin at yung ilang araw na nandito sya na abot kamay ko lang ay hanggang dun na lang at bahagi na lang ng isang
magandang alaala

At nagpatuloy na lang ulit si Francis sa pagpapractice ng sayaw, ginagawa na lang nya ito para sa magiging kapareha nya
ayaw nya rin naman na maging kakatawa sya sa js prom pero ang kagustuhan nyang maisayaw si Cassandra ay nais na rin nya
kalimutan

Samantala buong araw tumatanggap ng sulat si Cassandra, para syang papeles na malapit ng magdeadline kaya marami ang
nagpapasa ng mga requirements. Kahit alam naman nilang si Cassandra ay sumali sa bunutan ng makakapareha hindi pa rin
sila sumusuko na yayain sya at tuwang tuwa naman ang mga classmate nyang babae dahil sila ang kumakain ng mga regalong
chocolate

Classmate #2: Grabe sis buong araw na lang kami kumakain ng mga nireregalo sayo ah
Classmate #1: oo nga ayaw mo man lang ba kumain kahit isa sa mga ito?
Cassandra: ayaw ko sige lang ubusin nyo kung hindi nyo maubos pamigay nyo sa iba, bakit ba kasi ayaw nila maniwala na
sumali ako sa bunutan?
Classmate #1: Ganyan talaga ang mga lalaki kung anu gusto nila pilit nila kukunin
Claasmate #2: tama, sabihin mo na lang sis na may napili ka ng kapartner para tantanan ka na
Cassandra: eh baka mas paniwalaan pa nila na kasama ako sa bunutan kesa sabihin ko na may partner na ako?
Classmate #1: Oo nga naman sis anu ba yang iniisip mo?

Hanggang sa nakasalubong nila ang classmate nilang lalaki na kapartner ni Cassandra sa practice ng sayaw

Practice boy #3: Hi Cassey, ako na ba ang magiging partner mo sa prom?
Cassandra: Hindi pa rin, sinabi ko na nga sayo na kasali ako sa bunutan
Practice boy #3: anu ba ayaw mo sa akin? gwapo ako, hinahanggaan ng lahat ng babae dito sa campus, maganda ka bagay tayo
Cassandra: ako hindi kita gusto at isa pa ubod ka ng yabang, excuse, tara na girls

Napahiya na naman ang lalaking ubod ng yabang at pinagtatawanan ng ilang estudyante, habang naglalakad sila Cassandra naisip
nya na pumunta sa rooftop pero may kasama sya kaya nagbago na lang ng isip at pinagpatuloy na lang ang paglalakad ng may
marinig silang isang announcement

"Ang palarong badminton ay mag uumpisa na sa loob ng 30 minutes ang maglalaban ay sina Cassandra Althea Montemayor ng section 2
at Rosemarie Ramos ng section 3 at ang venue ay sa covered court"

Classmate #2: uy sis balik na tayo at lalaban ka na
Cassandra: Haay salamat naman at maguumpisa na ang laro
Classmate #3: goodluck sis ah
Cassandra: Salamat sis

Matapos marinig ang announcement halos nagtakbuhan agad ang mga estudyante para makapwesto ng maayos, halos lahat ata ng estudyante
eh nasa covered court at hinihintay ang pagdating ng mga maglalaban, naunang dumating ang makakalaban ni Cassandra, isa ito sa pambato
ng school pagdating sa badminton at talagang nagchachampion. Ilang sandali lang ay dumating na rin si Cassandra at biglang nagsisigaw ang
mga manonood at lalo silang humanga sa aking kagandahan nito dahil nakasuot sya ng sportswear ng volleyball kaya kitang kita ang kanyang
maputing hita at ang hugis ng kanyang katawan.Syempre narinig din ito ni Francis kaya dali dali syang bumaba upang panuorin ang laban ng
kanyang hinahangaan

Cassandra: Grabe ang daming nanunuod kakapressure tapos magaling pa itong kalaban ko
Rosemarie: Sis goodluck sa laro natin

At nagumpisa na ang laban, halos lahat ay tutok sa bawat tira at talagang walang kumukurap at ang unang puntos ay galing sa kalaban ni
Cassandra pero hindi rin nagtagal ay pumuntos din si Cassandra, Habang si Francis ay nanunuod din at halos hindi na sya makahinga
dahil sa naamoy nya na amoy mandirigma, gusto man nya umalis pero yun na ang pinakamagandang pwesto na napapanood nya ng maayos ang laban
kaya nagtiis na lang sya

Francis: Grabe naman ito nakaupo lang sya pero daig pa nya ang mga naglalaro

Maya't maya sa unang set ay panalo ang kalaban ni Cassandra, marami ang kinakabahan na baka matalo si Cassandra kaya nagsisigaw sila ng
"kaya mo yan"...habang si Francis naman ay nagpipigil at buo talaga ang desisyon na wag umalis sa pwestong kinalalagyan nya. Nag umpisa na
ulit ang laban at ang unang puntos ay kay Cassandra, at buong tuwa naman ng mga taga hanga nya, sa sobrang tensyon ng laro nanalo ang kalaban
ni Cassandra...at buong tinanggap ni Cassandra ang pagkatalo nya at sya na rin ang lumapit at binati ang nakalaban

Cassandra: Congratulations sis galing mo talaga
Rosemarie: kaw din sis galing mo sana makalaro pa kita ulit
Cassandra: Oo naman at next time ako na ang mananalo

Natapos na ang laro at oras na rin ng pag uwi pero si Francis balik sa rooftop para magpractice pa pero pagod na rin sya kaya naisipan na lang nya
na umuwi na rin at magpahinga. Nang makababa na si Francis mula sa rooftop naisipan nyang magmeryenda muna, kaya sa canteen muna ang punta nya bago
sya umuwi.

nakapagpahinga na si Cassandra at lumabas na ng classroom ng makita sya ng kapatid nya

First year student: Ate uuwi na ba tayo?
Cassandra: Maya pa siguro bakit?
First year student: kain muna tayo sa canteen nagugutom ako eh
Cassandra: Sige nagugutom din ako eh

Tapos ng kumain si Francis at palabas na sana siya ng makasalubong nya si Cassandra sa pintuan at nagkabanggaan patumba na sana si Cassandra ng biglang
nahawakan sya ni Francis at nagkalapit sila ng mukha at nagkatitigan, gulat na gulat si Francis dahil ang nakabangga nya ay si Cassandra na matagal na
syang hinahanap, at biglang nagayos ng tayo ang dalawa

Francis: Ok ka lang miss? sorry hindi ko sadya yung nangyari
Cassandra: Natatandaan kita ah kaw yung nakausap ko sa office na nagtatanong kay tito ah!
Francis: Teka! sandali! hayaan mo ko magpaliwanag kung bakit ko nasabi yun!

At kinuha agad ni Cassandra ang ID ni Francis

Cassandra: 4th year student ka pala kaya pala hindi kita makita sa 1st year wala ka nga manners, manloloko ka pa! humanda ka bukas at irereport na kita kay
tito!
First year student: kuya! magkakilala kayo ng ate ko?

At nagulat si Francis sa narinig, hindi sya makapaniwala na ang niligtas nyang estudyante ay kapatid pala ni Cassandra at ito ang tinutukoy na gusto nyang
ipakilala sa kanya

Francis: Bata, pakiulit nga? sabi mo ate mo sya?
First year student: Oo ate ko nga sya, uy ate sya yung tinutukoy ko na nagligtas sa akin nung binubully ako ng mga 4th year student

At si Cassandra naman ay hindi rin makapaniwala sa narinig

Cassandra: Heto yung tinutukoy mo? sigurado ka?
First year student: oo sya nga bakit magkakilala ba kayo?
Cassandra: totoo ba sinasabi mo? hindi ka nagbibiro?
First year student: oo nga matagal ko na nga sya gusto ipakilala sayo pero bihira ko lang sya makita dito kaya hindi ko magawang ipagtagpo kayo pero ngayon ok
na

Pakiramdam ni Cassandra na parang matagal na silang magkakilala ni Francis

Cassandra: sumama ka muna sa amin at ipaliwanag mo nga ang mga nangyari naguguluhan ako sayo eh
Francis: Anu kasi eh baka pwede bigay mo muna yang id ko tsaka sorry hindi ko naman talaga sinadya na magkabanggaan tayo eh

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Francis dahil nanginginig sya dahil kakaiba pala magalit si Cassandra lalo't na matandain ito sa mga mukha ng tao, kaya
wala syang magawa kundi sumama muna at ipaliwanag ang mga nangyari, nang naikwento na ang lahat dun lang naintindihan ni Cassandra na napagbintangan lang pala si
Francis na nambugbog at pinapupunta sa office at dahil nga sa sama ng loob kaya ganun ang inasal nya, naunawaan din nya ang sinapit ni Francis dahil pinarusahan
sya ng limang araw kaya nagbago na ang tingin ni Cassandra kay Francis

Cassandra: Ganun pala ang nangyari kaya pala nang una tayo magkita sa office eh ganun ang attitude mo, naiintindihan ko na, maraming salamat sa pagtanggol mo sa
aking kapatid, at sorry kung sinabihan kita ng walang manners at manloloko...ako pala si Cassandra Althea, Cassey na lang tawag mo sa akin tutal kaibigan ka ng
kapatid ko nice to meet you,
Francis: Ako si Francis at wala yun sorry din hindi ko alam na uncle nyo pala ang prinsipal napagsalitaan ko tuloy ng hindi maganda at salamat naunawaan mo din
kung bakit ganun ang nangyari,ibig bang sabihin ay abswelto na ako?
Cassandra: Sige palalagpasin ko yun may dahilan naman pala eh

Nakahinga na ng maluwag si Francis dahil hindi na nya kailangan magtago pa sa tuwing makakasalubong nya ang dalaga, at syempre tuwang tuwa sya dahil nakilala nya
ulit si Cassandra ng pangalawang beses, lingid sa kaalaman ng dalaga na sya rin ang lalaking nasa rooftop na nakilala nya hindi na binanggit ni Francis yun dahil
para sa kanya pag nalaman nya pa yun eh baka mailang sa kanya si Cassandra kaya minabuti na lang wag na banggitin yun, nilibre sya ni Cassandra ng meryenda at
nagkwentuhan muna silang tatlo, lumipas ang ilang sandali kailangan na nilang umuwi kaya nagpaalam na ang magkapatid kay Francis at gayun din ang binata, Masayang
umuwi ang binata dahil nakausap na naman nya ang dalagang pangarap ng lahat
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/01/2013)

Napansin ko po na may mga ilang typo error po ako sa bawat part, sorry po for that, aayusin ko na lang po pag nabuo na po ang story na ito, at maraming salamat sa mga nakabasa at sumusubaybay sana po magustuhan nyo po ito God Bless
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/01/2013)

Wala na? ako ay nakasubaybay dito..sana maganda ang ending :excited:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/01/2013)

:clap: Ya ha!!! nice more pa TS
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/02/2013)

PART 9

Nakauwi na sila Cassandra at sinalubong naman sila ng kanila ama at kinamusta ang kanilang araw sa school

Cassandra's father: Oh kamusta ang araw nyo sa school?
Cassandra: Hi dad ok naman po kayo kamusta work nyo?
Cassandra's father: ganun pa din puro work hahahaha, Cassey may bibigay pala ako sayo
Cassandra: Anu un dad?

At pinakita kay Cassandra ang bracelet na nawala sa kanya ng ilang araw, nagulat at tuwang tuwa ito

Cassandra: Wow! dad saan mo nakita?! naiwan ko ba dito?
Cassandra's father: No, may nagdala dito
Cassandra: Huh? sino dad?
Cassandra's Father: Hindi nga binanggit ang pangalan eh tinanong ko rin sa kanya pero palagay ko nakikita
ka nya kasi tinanong ko bakit hindi na lang personal na isauli sayo eh sabi nya hindi nya raw alam paano
nya ibibigay sayo kaya minabuti na lang na dito na lang ibigay
Cassandra: Ganun ba dad? sinu kaya sya? at kilala ako?

Umakyat na ang ama ni Cassandra papunta sa kanyang kwarto, iniwan na sila Cassandra sa receiving hall

Cassandra's Father: hahahaha naniniwala ako magkikita rin kayo ng lalaking maari tinadhana sayo ng
bracelet na yan hahahaha

Samantala masayang nagkukwento si Francis sa kanyang lola tungkol sa mga nangyari sa school kanina

Francis: Lola alam mo ang ganda talaga nya ang bait pa, hindi sya yung tipo ng babae na yung maselan dahil
sa angking kagandahan nya
Lola: talaga apo?! aba buti naman at nakikipagkaibigan ka na ulit natutuwa ako sayo apo, teka sa susunod na
araw na ang js prom nyo ah may damit ka bang susuotin apo?
Francis: ay naku lola wag nyo na po intindihin yun
Lola: bakit hindi ka ba dadalo? ay apo sa buhay high school yan ang pinakamagandang pangyayari sa isang
estudyante
Francis: dadalo po ibig ko po sabihin lola ako na po ang bahala sa gastos kasi po may naipon akong pera
Lola: eh san galing yan apo? baka kung saan mo nakuha yan
Francis: hahahaha lola pinagipunan ko po ito para lang talaga sa js prom
Lola: eh may niyaya ka na ba para makasama sa js prom na yan?
Francis: meron po sana ako gusto yayain kaya lang palagay ko hindi sya nararapat sa akin para sa gabi na yun at
marami din ang sa tingin ko nag aaya sa kanya kaya kinalimutan ko na yun
Lola: yan bang tinutukoy mo eh yung babae na mayaman at ubod ng ganda?
Francis: Ahmm ehh opo
Lola: Francis, hindi man tayo mayaman tulad nila hindi ibig sabihin wala ka ng karapatan makisalamuha sa taong
gusto mo, sa nakikita ko may lihim na pagtingin ka sa babae na yun dahil pangalawang beses na kitang nakitang
masaya ulit
Francis: Lola kinakalimutan ko na yun, tulad nga po ng sabi ko simpleng estudyante lang ako kaya malabo ako
magustuhan nun
Lola: Eh paano kung sakali sya pala ang nakatadhana sayo? naniniwala ka ba dun?

Sa narinig ni Francis yung saya na nadarama napalitan agad ng lungkot dahil hindi sya naniniwala sa tadhana
ang alam lang nya ay may swerte at may malas

Francis: Lola hindi ko po pinaniniwalaan yan, dahil kung totoo po ang tadhana ibig nyo bang sabihin mula po sa
pagkasilang ko hanggang sa mamatay ang mama ko at sumunod ang papa ko nakatadhana na yun? ibig nyo po bang sabihin
sa buong buhay ko nakatadhana po ako na hindi mabuhay ng maligaya? at habambuhay ako magiging malungkot at puno ng
hinagpis?
Lola: Apo, yung nangyayari sa buhay mo naniniwala ako may plano sayo maniwala ka lang lalo na sa Kanya, hindi natin
alam kung anu ang mangyayari bukas basta ang gawin mo lang ngayon ay maging masaya habang ikaw ay buhay pa
Francis: ewan ko po lola kung totoo man yang sinasabi mo lalo na sa Kanya wala ako masasabi sige po lola una na ako
matulog, pahinga na rin po kayo
Lola: sige apo

Habang nakahiga si Francis napapaisip pa rin sya sa sinabi ng kanyang lola,

Francis: kung totoo man ang sinabi ni lola at kung nakikinig man Kayo ngayon, bigyan nyo ko ng palantandaan na wag ko
bitawan ang nararamdaman ko para sa kanya

At natulog na ang binata, habang nakahiga si Cassandra tinitignan nya ng mabuti ang bracelet hindi sya makapaniwala na
bumalik ito sa kanya, pero palaisipan pa rin sa kanya sino ang nagbalik ng bracelet na hawak nya

Cassandra: Sino kaya sya? bakit hindi sya nag iwan ng pangalan ng sa ganun hanapin ko at pasalamatan, magkikita pa kaya
kami?

Umaga na naman at ito na ang huling araw para kay Francis para magpractice ng sayaw, maaga dumating si Arjay sa bahay para
makikain

Francis: Hoy bakit dito ka kumakain?
Arjay: Bakit eh sa gusto ko lola sarap ng luto nyo po kaya gustung gusto ko dito kumain eh may gatas pa
Lola: hahahaha para kayong mga bata hindi na nasanay o sya Francis kumain ka na rin at ng hindi kayo malate
Francis: Opo lola sabay na rin kayo at yung isa dyan pati paborito kong ulam kinakain na
Arjay: yung alin? pare mag pandesal ka na lang hahahaha

At natapos kumain ang 2 binata eh nagpaalam na para pumasok

Francis: lola papasok na po kami
Arjay: Lola maraming salamat sa almusal sarap nyo po talaga magluto

Habang naglalakad sa daan eh napagkwentuhan nila ang tungkol sa js

Francis: bakit ka nga ba nakikain sa amin?
Arjay: wala sila papa at mama hahaha tamad ako magluto eh kaya nakikain ako, men anu marunong ka na ba sumayaw?
Francis: hindi pa
Arjay: WHAHAHAHAHAHA!!!! men bukas na yun kawawa naman magiging partner mo, eh teka bumunot ka na ba?
Francis: OO at alam ko bukas na yun! wag ka mag alala hinding hindi magiging kawawa ang partner ko bukas in your face ka
talaga sa akin sa js
Arjay: whahahaha! talagang bumunot ka ah! teka may susuotin ka na ba? ako baka mamaya titingin ako sasabay ka ba?
Francis: sige sabay tayo
Arjay: whahahaha! talagang gusto mo umattend ah
Francis: putik ka! kaw nga nagpumilit sa akin na sumama tapos kaw itong tawa ng tawa
Arjay: Men alam mo ba yung pamangkin ng prinsipal eh parang best seller

Nagmaang maangan si Francis at inalam kung bakit

Francis: alin yung magandang babae na nakita nating sumakay sa magarang kotse?
Arjay: Oo men grabe nung nakita ko siyang naglalakad sa hallway ang daming nagiinvite sa kanya para maging kadate nila
Francis: talaga?! wow grabe dami pala nagkakagusto sa kanya hindi ko akalain yun ah
Arjay: teka nakakahalata ako nasaan ka ba? bakit hindi mo alam ang mga nangyayari sa building natin samantalang ka year lang
natin yun ah, teka alam ko na busy ka sa chix mo kaya wala kang alam anu ka ba men kaw lang ata ang hindi alam na ganung ka
demand ang pamangkin ng prinsipal swerteng swerte ng magiging kadate nun sigurado ako tulo laway mga lalaking estudyante naghahabol
sa kanya

Lingid sa kaalaman ni Arjay na nakilala na ni Francis si Cassandra at yung chix na tinutukoy nya ay si Cassandra din pero hindi lang
masabi kay Arjay dahil makulit ito pag may kinukuwento sya

nakapasok na ng school sila Francis at Arjay ng makita nila na naglalakad sa hallway si Cassandra at binabati ng magandang umaga ng
mga lalaking estudyante at sabay na rin ng pang iinvite sa kanya para sa js prom bukas, nagpatuloy lang sila sa paglalakad habang pinagmamasdan
ni Francis ang dalaga nakita nito na sobrang saya at napansin din niya na suot na ang bracelet na kanyang sinauli sa ama ng dalaga, natuwa naman
si Francis dahil naibalik nya ang saya sa mukha ng dalaga

Arjay: Pare tignan mo oh ganun sya ka popular dito sa campus
Francis: Grabe ang ganda nga nya talaga parang bawat araw lalo syang gumaganda

At ng makita sila ni Cassandra ay biglang silang binati

Cassandra: Good morning sayo kamusta araw mo?

Hindi muna nagsalita si Francis at tumigil sa paglalakad, at tumingin tingin sa paligid at tumingin kay Arjay

Cassandra: Ganyan ba ang isasalubong mo sa akin Francis?

Nagulat si Arjay at Francis dahil siya pala ang binabati ng good morning ng dalaga

Francis: Ha?! ah eh good morning din Cassey ok naman ang simula ng araw ko (lalo na binati mo ko ng ng good morning hehehe) ikaw kamusta araw mo?
Cassandra: Masaya din syempre pano see you later ah
Francis: Sige see you later (YES! MAGKIKITA PA KAMI MAMAYA SIGURO, KAYA SEE YOU LATER)
Arjay: Pare kilala mo yun?! at kilala ka rin nya?!
Francis: Oo bakit?
Arjay: Yun ung pamangkin ng prinsipal eh sigurado ka?
Francis: Oo nga! bakit ba ang kulit mo

Habang naglalakad ulit sila sa hallway halos lahat ng estudyante ay sa kanila ang tingin at pinaguusapan."nakita nyo yun? dumating lang siya nauna pang
bumati si Cassandra sa kanya, samantala tayo eh unang bumabati ng good morning kay Cassandra sino ba sya?", "sino ba yan hindi naman sya kilala sa campus
pero binati siya ni Cassandra?" "Ngayon ko lang sya nakita, 4th year na pala sya"

Arjay: Narinig mo yun? ngayon ka lang daw nakita hahahaha! ibig sabihin kahit ang campus natin hindi ka kilala hahahaha
Francis: bakit ganyan sila makatingin sa atin? binati lang ako ng good morning eh grabe naman sila
Arjay: panu kita- kits maya dito na lang ako
Francis: ok kita- kits pre

Pagpasok sa classroom pinalibutan agad sya ng mga kaklase nyang lalaki

Classmate #1: pare magkakilala pala kayo ni Cassandra ngayon ko lang nalaman
Classmate #2: pare pakilala mo naman kami sa kanya
Classmate #3" oo nga naman pare para makausap din namin sya
Francis: anu ba kayo nagbatian lang kami ng good morning eh
Classmate #4: pre alam mo ba sino ang partner nya sa prom bukas?
Francis: Hindi eh

Tuwang tuwa si Francis dahil binati sya ng dalaga at higit pa dun ay nakita nya na suot na ulit ni Cassandra ang bracelet

Francis: Makita ko lang masaya sya kuntento na ako dun, siguro maganda ng wag ko na lang sabihin na ako ang nakapulot ng bracelet, hindi na
importante yun, ang mahalaga eh masaya na sya at masaya na rin ako sa kanya...ganda ng umaga ko today
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/02/2013)

:excited:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/02/2013)

hula ko si Cassey ang nabunot ni franciss sa prom
:yipee::yipee::yipee:
:wub::wub::wub::wub:
everyday ba update neto???
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/02/2013)

gumaganda ang kalidad ng pagsulat dito sa symb ah..:D keep writing bro.. :salute:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/02/2013)

part 10 update please ka kabitin.swerte talga ni francis di nia lang alam.
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/02/2013)

:clap:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/02/2013)

:excited: part 10 :yipee:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/02/2013)

haha part 10 part 11 part 12 and so on .. Haha
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/03/2013)

PART 10

Natapos ang flag ceremony, at kanya kanya na naman ang mga estudyante may mga naghahanda para sa mga sinalihang games,
may mga nagpufoodtripping, may naglilibot lang sa buong campus, may mga nanunood sa mga program ng school, pero si francis
may sariling activity, umakyat na rin si Francis sa rooftop at nag City hunter mode (lagi naman basta rooftop), last day na
kasi ngayon at bukas na ang pinakaaasam ng lahat ng mga junior at senior student ang js prom

Francis: Ang gandang ng sikat ng araw sakto sa simula ng araw ko, last day na ngayon kaya dapat may magandang resulta na ang ginagawa
ko, ang ganda talaga nya, sana bawat araw ay sya ang nagpapaganda ng umaga ko, dahil sa ginawa nya ngayon pakiramdam ko ang
sarap mabuhay, kaw ba naman batiin ka ng good morning na may ngiti tapos banggitin pa ang pangalan mo ewan ko lang kung hindi
ka kiligin

Habang naiisip ni Francis yung mga sandali na yun hindi nya maiwasan kiligin at matuwa,

Francis: ok lang na hindi ko na sya makasayaw sa prom tanggap ko na yun pero hindi ko yata matatanggap na hindi ko sya makita sa araw na yun

At nag umpisa na si Francis magpractice ng sayaw ng buong sigla, samantala si Cassandra naman ay parang nanawa na sa kakatanggap
ng mga sulat-paanyaya dahil nung isang araw pa sya tanggap ng tanggap kaya naisipan na lang muna nya tumambay sa library para
makapagpahinga ang isip nya, nagbasa-basa na lang muna sya, hindi nagtagal nakita sya ng ilang staff ng magpapafacilitate ng js prom
at niyaya sya para naman malibang at maishare na rin ang mga idea nya na makakatulong sa program bukas

Staff #1: Hi sis Cassey bz ka ba?
Cassandra: Hmmmmm hindi naman nagpapahinga lang bakit?
Staff #2: Ahhm sis gusto mo sama ka sa amin sa pag aayos ng js prom?
Cassandra: hmmmmm sure ok lang ba sumama since wala din ako gagawin eh
Staff #1: uu naman baka nga may mga idea ka na pwede namin magamit sa prom bukas eh
Cassandra: sige tara kakaexcite naman tumulong sa inyo

At sumama si Cassandra sa staff ng mga js at nagmeeting paano ipafacilitate ang program bukas, may mga nagmungkahi na medyo gawing
romantic ang venue, may nagsasuggest na more on slow music ng sa ganun makasayaw ng husto ang mga magkakapareha, at lahat ng iyon
ay pasok sa idea ng mga staff, may mga music na rin pinagpilian na isasalang at tinignan iyon ni Cassandra

Arjay's gf: Sis sino kaya ang makakapartner mo bukas grabe ang demand mo sa mga boys, kaya hindi na ako magtataka bakit ikaw ang
student's choice kahit bago ka pa lang dito
Cassandra: hahahaha kaw naman sis hindi ko rin alam eh kasi sumali ako sa bunutan mas unfair naman kung pipili ako ng magiging partner
ko para bukas tsaka wala din naman sa loob ko ang ganun gusto ko lang kasi eh maging katulad lang din ako ng ordinaryong estudyante,
kaw sis sino ba magiging partner mo?
Arjay's gf: hmmmmmmm bf ko (bulong nya kay Cassandra)
Cassandra: sweet nyo naman sis goodluck bukas ah
Arjay's gf: kinakabahan nga ako eh
Cassandra: wag ka kabahan sis dahil bukas isa kang prinsesa sa mata ng iyong boyfriend

At parehas kinilig ang dalawang dalaga, natapos ang meeting at plantsado na ang mga gagawin kaya naisipan ni Cassandra na kumain sa canteen
habang nag iisip pa ng kanyang kakainin may narinig syang dalawang estudyante na bumibili

Students 1 and 2: Kuya pabili nga po ng limang piraso ng chocoloate candies na yan

At ng makaalis na ang dalawang estudyante napangiti sya dahil naalala nya ung sa rooftop yung binigyan sya ng chocolate candies, kaya
naisipan nya rin bumili, nagtanong sa sarili

Cassandra: Nasa rooftop pa kaya sya? tagal ko na rin hindi nakakapunta dun anu na kaya ang ginagawa nya kung sakali nandun sya?

Pagkatapos kumain ni Cassandra pupunta na sya sa kabilang building na kung saan nandun ang rooftop pero bigla syang niyaya ng mga classmate
nya na manood ng acoustic contest

Classmate #1: Uy sis saan ka pupunta?
Cassandra: ahmm ehh bakit?
Classmate #1: manood sana kami ng acoustic contest dun sa kabilang building tara sama ka sis marami magagaling dun at magagandang boses
Classmate #2: tara sis sigurado ako magugustuhan mo dun
Cassandra: anu kasi eh ahm
Classmate #1: ay naku wag ka na kumontra tara na girls

At wala na syang nagawa kung hindi sumama dahil hinila na sya, samantala si Francis naman ay talagang nagsisikap na matutong sumayaw pero
talagang nahihirapan sya kaya nagpahinga muna sya pero iniisip na rin nya ang design ng kanyang susuotin na maskara

Francis: hmmmmm anu kayang magandang design sa maskara? gusto ko simple lang yung babagay sa susuotin ko hindi ko naman habol yung best in
mask eh

At habang na nagpapahinga nakatingin na naman sya sa kalangitan at malalim na naman ang iniisip

Francis: Buti pa ang mga ulap sinasayaw ng hangin, ako kaya may mangyayari kayang maganda sa pinaggagawa ko? buti na lang ang mga ulap at araw
ang tanging saksi sa ginagawa ko,haay ginutom tuloy ako makakababa na nga muna at kumain

At nag ayos na ng sarili si Francis para bumaba, habang naglalakad papunta sa canteen halos tinitignan pa rin sya ng mga kapwa nyang lalaki at
pinag uusapan

"pare sya yung binati ni Cassandra kanina", "sino sya parang ngayon ko lang sya nakita?", "baka may lagnat lang si Cassandra kaya pati sya binati"

Francis: Grabe naman ang mga ito kanina pa yun ah hanggang ngayon hindi pa rin sila makamove on, ano ba ang meron bakit parang ang laki ng issue
sa kanila na batiin ako ng isang magandang babae?...sabagay issue nga naman talaga yun sino nga naman ako para batiin nya ng ganun siguro kung ako
sa sitwasyon nila eh ganyan din tanong ko pero yung tanong na ngayon lang din nila ako nakita aba ibang usapan na yun first year pa lang dito na ako
tapos kung kailan 4th year na ako eh tska lang nila ako nakita kakainit ng ulo yun

Kaya kumain na lang si Francis at tulad ng dati dun pa rin sya sa sulok,parang nakasanayan na ni Francis na kumain sa lugar na yun kung saan hindi sya
gaano nakikita pero hindi rin naiwasan na paglupungan sya ng mga ibang estudyante at maraming tinatanong sa kanya

Student #1: Pare magkakilala ba kayo ni Cassandra?
Francis: Oo (tagal na dalawang beses pa nga sya nagpakilala sa akin eh)
Student #2: Pare kilala mo na ba ang magiging partner nya?
Francis: Hindi eh at hindi ko tinatanong sa kanya (ako nga gusto ko rin maging partner nya kaya lang may partner na sya talaga kaya sorry sa atin)
Student #3: Pare alam mo ba ang contact number nya share mo naman
Francis: Hindi rin eh (at kung meron man bakit ko ishshare manigas kayo!)
Student: #4: pare may gusto ka rin ba sa kanya?!

At nabilaukan si Francis sa tanong kaya pinainom sya ng softdrinks

Francis: anu bang tanong yan?! at kumakain ako baka pwede umalis muna kayo baka magalit ako dahil sa gutom eh ayaw ko naman magulpi ko kayo kaya alis na

At nag alisan na ang mga usiserong estudyante, natapos kumain si Francis ng makita nya nagtatakbuhan ang ibang babae at may narinig sya na pinag uusapan

"dalian natin may nagpopropose daw kay Cassandra para maging prom date nya bukas"
"Grabe kakakilig yun ah sino kaya sya?"

Sa narinig ni Francis pinipilit nya ibalewala yun pero hindi rin sya nakatiis kaya nagpunta rin sya sa venue kung saan nandun si Cassandra, at nang nakarating
na sya ang daming nanunuood

Francis: grabe naman daming tao ah

at nag umpisa nagsalita ang lalaki sa stage at nagtitili na sa kilig ang mga kababaihan at yung ibang lalaki naman ay puro konta naman

"that song was dedicated to Ms. Cassandra Althea, i hoped you like that song. Ms. Cassandra, in front of these students, I am John Carlo of section 2 asking to
be my prom date tommorrow, i hope you accept my deepest invitation...

at lumuhod ito sa harap ni Cassandra at binigyan ng rosas ang dalaga. lalong kinilig ang mga babaeng estudyante at ang mga lalaki naman ay nagsisigaw ng "HUWAG!".
Sa nakita ni Francis nasaktan sya kaya hindi na nya pinanood pa at lumayo na sa lugar na yun at bumalik na sa rooftop, habang naglalakad si Francis, para syang
nanghina

Francis: Bakit pa kasi ako pumunta dun eh, yan tuloy nasaktan lang ako, eh bakit nga ba ako nasasaktan ng ganito, dahil ba sa umaasa din ako hanggang ngayon na
sana ako ang maging partner nya?, bakit ba hindi ko magawang alisin sa puso ko na wag ng umaasa pa? kahit ang totoo naman ay talagang malayo ang pagitan namin?
tama, wag ko na lang masyado isipin yun lilipas din ito.

At umakyat na sa rooftop ang kawawang Francis, samantala hinihintay pa rin na magsalita si Cassandra ng lalaking nag iinvite sa kanya pati na rin ng mga manonood

Cassandra: First, thank you for the song you dedicated to me....

At nagsisigawan na ang mga nanonood at lalo pang kinikilig

Cassandra: Second, sorry i can't accept your invitation to be your partner tommorrow because since i told you before that i was joined in the "random list raffle"
i hope you understand, thank you for the effort

At yun na ang pangatlong pagkabigo ng lalaki, tuwang tuwa ang mga lalaking nanonood dahil may pag asa pa sila samantalang may mga ilang babae na hinuhusgaan si
Cassandra at yung ilan naman ay nakakaunawa dahil nga naman magiging unfair sya kung tatanggapin ang paanyaya ng lalaki, kaya umalis na sila Cassandra dun sa
Acoustic Contest

Classmate #1: Grabe sis pangatlo na yun ah
Cassandra: Hindi ko naman ginusto sabihin yun pero sya ang gumagawa ng dahilan para gawin ko yun
Classmate #2: Masyado na sya mataas tumingin sa sarili nya nakakaturn off na sya ah
Classmate #3: tama lang yung ginawa mo sis

At lumipas ang ilang oras, patuloy pa rin tumatanggap si Cassandra ng sulat at regalo kahit alam na ng lahat pero sadyang makulit sila, samantala pinilit na lang maging
abala ni Francis sa kanyang pagpapractice

Francis: Grabe hapon na pala, hindi ko namalayan tama kaya ang pinag gagawa ko? sana naman tama ito para naman hindi maddisappoint yung magiging partner ko bukas kakapagod
din pala magpractice kahit hindi mo alam ang ginagawa ko

At nagpatuloy na lang si Francis sa pagpapractice. Medyo napapagod na rin si Cassandra sa kakaentertain sa mga nagbibigay sa kanya ng sulat kaya naisipan nito umalis muna
kaya nagpaalam na ito sa mga kaibigan nya

Cassandra: aalis muna ako mga sis
Classmate #3: samahan ka na namin sis
Cassandra: Wag na sis thanks na lang gusto ko muna mapag isa
Classmate #3: ganun ba o sige sis ingat ah

At naglakad na si Cassandra para pumunta sa isang lugar na matahimik, at yung magiging payapa ang isip nya

Francis: Ilang oras na lang uwian na dapat pala maperfect ko na ang mga steps na ito, ilang araw na rin itong mop baka hinahanap na ng janitor ito kaya dapat mamaya maisauli ko
na

Habang paakyat si Cassandra sa rooftop naririnig nya may music kaya napapaisip sya kung anu meron dun?

Cassandra: May sounds? anu kaya meron? matignan nga

At pagkarating sa rooftop nakita nya si Francis sinasayaw ang mop hindi muna sya nagsalita at pinanood muna nya ang ginagawa ng binata

Cassandra: anu kaya ginagawa ng lalaking ito? bukod sa laging nakatakip ang kalahati ng mukha nya pati mop sinasayaw nya malala na ito teka matanong ko nga

At pinatay nya ang sounds ni Francis at nagtaka si Francis bakit namatay ang sounds, pag harap nya sa "player" nakita nya si Cassandra

Cassandra: anu ginagawa mo?
Francis:Ahhhh ehhh nandyan ka pala kanina ka pa?
Cassandra: Medyo pinanood muna kita napansin ko parang may ginagawa ka habang hawak ang mop
Francis: Ahhh ehhh anu kasi ahm nililinis ko ang sahig, tama nililinis ko ang sahig
Cassandra: Hindi ako convince eh yung totoo anu ginagawa mo?
Francis: Nag pa...practice?
Cassandra: Practice? saan? dont tell me para yan sa prom?

Hindi na kumibo si Francis...at nagtataka sya bakit nasa harapan nya si Cassandra kaya kinakausap na naman nya ang kanyang sarili

Francis: Nanaginip ba ako?, o dala lang ng pagod ko at kung anu ano na lang ang naiisip ko?, totoo kaya to? nasa harapan ko si Cassandra Althea Montemayor?

At dahil sa natulala sya hindi sya nakapagsalita agad

Cassandra: Uy! ok ka lang? hindi ka na nagsalita dyan tama ba ako nagpapractice ka para sa prom?

At tumango na lang si Francis

Cassandra: hindi ka marunong sumayaw at talagang may mga video ka pa na ginagaya ah panuod nga

At habang pinapanood ni Cassandra ang mga video hindi nya magawa na hindi matawa

Cassandra: hahahahaha sorry ah kung natatawa ako heto ba ang mga sinundan mong steps?
Francis: Oo? bakit?
Cassandra: bakit parang hindi ka sigurado sa sagot mo? hahahahaha
Francis: bakit nga?
Cassandra: Cha-cha, tango, salsa? pang ballroom dancing kasi ito at hindi ito pang js prom maniwala ka sa akin hahahahaha

Nagulat si Francis sa narinig, kaya sumama ang loob nya sa sarili

Francis: ilang araw ako nagpapractice para lang sa prom tapos wala din pala itong ginagawa ko paano na ito mamaya lang uwian na tapos bukas ng gabi js prom na

At wala syang ginawa kundi ang umupo sa sahig at sumandal habang nagmumukmok, pero si Cassandra naman ay tawa ng tawa

Cassandra: matagal din bago ako umakyat ulit dito hindi ko akalain na pag akyat ko ulit nandito ka pa rin talagang tambayan mo nga ito, kaya ako umakyat dito
kasi medyo napapagod ako sa ibaba gusto ko muna magrelax kaya dito ako pumunta. Nice to see you again, kamusta ka naman lagi ka ba dito?

Nang marinig nya ang boses ng dalaga unti unti napawi ang kanyang pagod at mabilis kinalimutan ang lahat ng makita itong tumatawa at nakangiti sa kanya

Francis: Oo hindi nga ako sumasali sa mga program sa ibaba eh dahil nagpapractice ako
Cassandra: You know what? natutuwa ako sa isang lalaking talagang mageeffort para lang sa isang bagay kahit mahirap eh pinipilit gawin

Dahil sa narinig pilit tinatago ang kilig kaya nagreact ito ng parang wala lang pero sa loob nito gusto nya tumalon sa tuwa

Francis: Hmmmm ganun ba?
Cassandra: kaya lang may mga bagay talaga na hindi kaya gawin ng mag isa lang tulad ng ginagawa mo pang dalawahan yan pero mag isa mo lang ginagawa
Francis: hindi naman kasi ako marunong sumayaw talaga eh, lalo na nalaman ko hindi pala ito ang isasayaw sa bukas nauwi lang din pala sa wala ang ginawa ko
Cassandra: Sino naman nagsabi nauwi sa wala ang ginawa mo?
Francis: Ikaw diba kasasabi mo pa lang na hindi yun ang isasayaw sa js
Cassandra: Oo sinabi ko nga pero may ilang oras pa bago maguwian kaya kung magmumukmok ka lang dyan eh hindi ka matututo
Francis: Anu ibig mong sabihin?
Cassandra: tuturuan kitang sumayaw, kaya tumayo ka na dyan at mag umpisa na tayo

Hindi makapaniwalaa si Francis sa mga nangyayari, hindi na sya umasa na aakyat pa muli ang dalaga at yung sinasabi nyang milya milya ang pagitan ngayon ay abot-
kamay na muli, at ang isa pang hindi nya inaasahan ay ang dalaga pa mismo ang magtuturo sa kanya ng sayaw...Nabuhayan ng loob si Francis dahil kahit
ilang oras na lang ang nalalabi ay alam nyang kaya pa nyang matuto kung paano sumayaw, hindi sya makapaniwala sa mga nangyayari kaya medyo natataranta sya
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/03/2013)

wow, lupit nito bro,ganda nang ist0rya
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/03/2013)

:clap::dance::thumbsup: nice TS update agad heheh part 11
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/03/2013)

ipagpatuloy mo lang ts haha dami nag.aabang ..
 
Back
Top Bottom