Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Lola: Francis gising na at baka mahuli ka sa klase mo
Francis: Opo lola babangon na
Lola: Aalis lang ako sandali, pupunta lang ako sa tita mo ilock mo na lang ang pinto pag alis mo
Francis: Sige po mag ingat po kayo lola

At nagumpisa na ang araw ni Francis...Si Francis ay isang 4th year high school, simple, matangkad, masayahin, at ulilang lubos

Arjay: Francis tara na pasok na tayo baka mahuli na naman tayo at masaraduhan ng gate ayaw ko na mag ober da bakod
nasisira ang sapatos ko, bago pa man din ito
Francis: yabang bago sapatos pabinyag nga!
Arjay: Wag pare bago nga eh

At nagpatuloy na sila sa paglalakad...Si Arjay ang best friend nya mula elementary laging kasama sa kalokohan, sa away
at pati sa saya...

Arjay: Men! alam mo na ba ang balita?
Francis: Ano?
Arjay: Yung anak ng nagdonate ng school eh magiging schoolmate na natin
Francis: Oh? mayaman sila ah bakit sa school natin yun mag aaral?
Arjay: Hindi ko alam siguro baka gusto ng daddy nya eh matuto makisalamuha sa mga tulad nating mahihirap
Francis: Ganun ba? Nakita mo na ba yang tinutukoy mo?
Arjay: Hindi pa eh pero sa pagkakaalam ko yung prinsipal natin eh pamangkin nya un
Francis: Ahhh anung year na nya?
Arjay: 3rd year high school na daw
Francis: bakit mo pala alam?
Arjay: Anu ka ba alam na kaya sa buong school yun saan ka ba nag aaral at parang hindi mo alam?
Francis: Baka absent lang ako nun nung binalita yun
Arjay: Nagcucutting ka kasi eh...perfect attendance din pag may time
Francis: hahaha paano maya na lang
Arjay: Sige!

Naghiwalay na ng daan ang dalawa ng si Francis ay papasok pa lang sa classroom ng nakita nya ang isang magandang babae,
Si Cassandra Althea, ang anak ng nagdonate ng pinapasukan nilang school...Maputi, Mahaba ang buhok, maganda ang mata, at sexy.
Napahinto si Francis habang pinagmamasdan ang babae...

Francis: Ang ganda naman nya parang ngayon ko lang sya nakita or baka hindi ko lang sya agad napapansin...

Dahil tulala sya sa babae na yun hindi namalayan na maguumpisa na pala ang flag ceremony nila, agad tumakbo papunta sa covered
court si Francis ng napansin niyang may isang grupo dun ng mga estudyante na parang may binubully sa isang sulok...nagtago si
Francis at pinanood kung anu ang nangyayari...

4th year Student #1: Hoy bago ka lang dito ah akin na ang baon mo!
4th year Student #2,3,4,5: HEHEHEHE!!! boy bigay mo na kung ayaw mo masaktan
1st year student: Wala po ako kakainin mamaya pwede ko ibigay ang kalahati ng baon kong pera
4th year Student #1: Ginagago mo ba ako?! Alam mo bang lahat ng estudyante dito eh takot sa akin kahit mga 4th year?!
4th year Student #1: Gusto ko mula ngayon pagpasok mo yung baon mo ibibigay mo sa akin ah magbaon ka na lang ng kamote WHAHAHA!

Nang biglang nagsalita si Francis...

Francis: Hahahahaha! ganda ng drama nyo ah para saan ba yan? pati 1st year sinasama nyo ah
4th year Student #1: Wag ka makialam dito kung ayaw mo pati ikaw masaktan!
Francis: Huh? kala ko nagpapractice kayo, hoy bata anu hinihingi sayo?
1st year student: Po?! ahm baon ko po pilit nila hinihingi sa akin

At biglang sinampal ang kawawang 1st year student...

Francis: Tarantado ka ah pati hindi kayang lumaban pinapatulan mo!
4th year Student: bakit aangal ka?! mga pare papalag ata sya bigyan nga natin ng leksyon itong kupal na ito!

At biglang tumakbo papalayo ang 1st year student...at pinalibutan na si Francis ng mga sigang 4th year...

Francis: Hmmmmm mukhang mapipilitan akong magpapawis ah, limang tangang repeater, alam nyo may tatanong muna ako sa inyo?
4th year Student #2,3,4,5: Kung tatanong mo eh ay nagbibiro kami pwes! hindi
Francis: Hindi yun tanong ko lang may balak pa ba kayo umalis dito sa school? kasi kung wala eh baka pagnagkaanak na ako
eh maging classmate nyo pa eh pabugbog ko na rin kayo dun
4th year Student #1: Tama na satsat!
Francis: BRING IT ON!

At nagrambulan na kahit lima ang kalaban ni francis nagawa pa rin nyang pabagsakin medyo duguan din naman si Francis..
Hinihingal si Francis ng matapos ang away nila...

Francis: Tignan nyo ginawa nyo narumihan ang damit ko dapat sa inyo basagin ko mga mukha ninyo! tumayo kayo dyan hindi
pa ako tapos teka sakto may kahoy pala dito msubukan nga gaano katibay itong kahoy

Napansin ni Francis na nandun pa rin pala ang 1st year student...

1st year student: Kuya ang dumi na ng uniform mo paano ka papasok sa class mo at duguan ka rin
Francis: Bata, pwede ko ba hiramin yang uniform mo? hindi ako pwede hindi pumasok ngayon lalo na may exam kami
1st year student: huh?! kuya hindi ko alam kung kakasya sayo to tsaka may patches ang uniform natin makikita nila na
pang first year ang uniform mo...
Francis: Hiramin ko na at bukas babalik ko sayo yan wag ka na lang pumasok ngayon at maglakwatsa ka na lang...bayad mo na
lang yan sa pagtatanggol ko sayo

Hindi na nakapagsalita ang pobreng 1st year at hinubad ang uniform....at pagsuot ni francis sa uniform halatang halata na
hindi kanya...

Francis: Bata!, Bukas magkita tayo sa canteen bibigay ko itong uniform mo umalis ka na at baka magulpi ka pa ng mga ito
1st year student: sige po kuya maraming salamat
Francis: Wala yun wag ka maniniwala sa mga sinabi nila mga nagpapanggap lang ang mga yan...

At nagober da bakod ang 1st year student habang si francis naman ay pupunta na sana sa isang CR ng bigla sya naabutan ng
Prinsipal at nakita ang 5 estudyante na nakahandusay pa...

Prinsipal: Anu ginagawa mo dito?! at bakit duguan ka pati sila?!
Francis: Ahhh ehhh sir anu po kasi...
Prinsipal: wag ka na gumawa ng palusot kitang kita naman na sinaktan mo ang 5 estudyante na yan at dahil lumaban sila sayo
pinagpapalo mo sila ng kahoy! Grabe ka talaga Mr. Santos! mamaya pag recess pumunta ka sa office!
Francis: pero sir anu po kasi...
Prinsipal: Tama na palusot!
Francis: opo sir

Hindi na nakakibo si Francis at umalis na lang...habang ang limang estudyante pinagsabihan din ng prinsipal...nagtungo si Francis
sa CR...naghihilamos at hindi lubos maisip na bakit sya pa ang lumabas na mali...pumasok na si francis sa classroom nila...

Nang Break Time na nila pumunta na si Francis sa office ng makita nya ulit ang babaeng pinagmasdan nya kanina na nakatayo sa
labas ng office...

Francis: Siguro pasaway din ang babaeng ito? kaya nandito din sa office, siguro nahuling nagcutting ito...sayang wala sa hitsura
mo gagawa ka ng kalokohan ganda mo pa naman...

Nang nasa harap na sya ng office si francis tinitignan sya ng babae...

Francis: Nandyan ba yung walang kwentang prinsipal natin?
Cassandra Althea: Huh? Ano pinagsasabi mo?! (Pagalit na nagtanong?)
Francis: Sabi ko kung nandyan ang prinsipal nating hindi nag iisip? kilala mo naman ang prinsipal natin siguro?!
Cassandra Althea: Oo naman kilala ko prinsipal natin! Ako kilala mo ba?! kaya pala 1st year ka dahil wala kang manners!
tanda mo na sa year na yan ah REPEATER!

Lalo uminit ang ulo ni Francis...

Francis: Alam mo miss kung papaliwag ko sayo mahabang istorya at tsaka hindi ko alam kung sino ka!
cassandra Althea: Well, ako lang naman ang pamangkin ng prinsipal na sinasabi mong walang kwenta!

Nagulat si Francis sa narinig kaya...

Francis: Ako kilala mo?!
cassandra Althea: Hindi! malamang 4th year ako kaw 1st year pa lang
Francis: GOOD!

At biglang tumakbo ng mabilis si Francis palayo sa office

cassandra Althea: Aba kala nya hindi ko sya isusumbong at baka nakalimutan nya na nakita ko ang patches ng baduy nyang uniform
humanda sya kay tito kick out aabutin nya...

Nang dumating ang Prinsipal kasama ang ilang staff at napansin sya ng isang teacher...

Teacher: Sir yan po ba yung sinasabi mo na pamangkin mo?
Prinsipal: Oo ahm Althea heto pala ang mga magiging teacher mo dito sa school so kamusta ang pamamasyal mo dito sa school?
cassandra Althea: Good Morning po sa inyo, ok naman po tito maganda nga dito tulad ng pagkakasabi ni papa hindi ako maboboring dito
pero may mga estudyante lang na walang manners ang nag aaral dito...
Prinsipal: Huh?! Anu pinagsasabi mo hija? may nang away ba sayo dito?
cassandra Althea: Wala naman po kaya lang may isang first year student dito na ang tawag sayo eh prinsipal na walang kwenta!
Prinsipal: Ano sinabi nya yun?! at first year pa baka nagkakamali ka hija?
cassandra Althea: hindi po nakita ko sa patches nya first year pa lang po baduy pa ng uniform nya parang kapos sa tela or baka
style lang nya yun mukha syang gagawa ng gulo dito dapat po tito ikick out mo na yun wala syang manners...
Prinsipal: Hayaan mo hija bukas sa flag ceremony ituro mo sa akin yung first year student na yun ng mabigyan ko ng leksyon
cassandra Althea: Sige po tito kala nya hindi ko nakita ang patches ng uniform nya

Samantala si Francis naman ay hindi na lumabas ng classroom hanggan sa matapos ang klase nila at bago lumabas sinigurado nya na
hindi na nya makakasalubong pa ang pamangkin ng prinsipal...
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/03/2013)

OMG ang cute!!!!
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/03/2013)

up up :excited:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/04/2013)

PART 11

Tumayo si Francis at lumapit si Cassandra sa kanya at tinuturo paano ang position ng gagawin nilang sayaw

Cassandra: Never ka pa ba nakapagsayaw ng isang babae?
Francis: Hindi pa eh
Cassandra: Hmmmmm kumbaga wala ka pang first dance tama?
Francis: ahhh ehh medyo ikaw meron na ba?
Cassandra: Oo meron na father ko nung maliit pa kami sinayaw ako ni papa birthday yun ni mama

Nakita ni Francis na may lungkot syang nakita sa mata ni Cassandra ng banggitin nya ang tungkol sa mama nya

Francis: Bakit bigla ka natahimik may problema ka ba?
Cassandra: ahm wala may naalala lang umpisa na tayo?
Francis: paano ba ang umpisa?
Cassandra: una dapat magkaharap kayo so ikaw harap ka sa akin at medyo lapit ka

At lumapit naman si Francis ng konti at humarap kay Cassandra, medyo naiilang si Francis dahil sa Ganda talaga
ni Cassandra kaya medyo nahihirapan sya kumilos

Francis: (Ang ganda talaga nya lalo na yung mga tingin nya nakakatunaw baka hindi ko maalala ang mga ituturo nito)
ahm tama na ba ito?
Cassandra: yan tapos ang kamay ng makakasayaw mo eh ilalagay nya sa balikat mo parang ganito tapos yang kamay mo lagay
mo dito sa bewang ko at itong isang mga kamay natin eh maghahawak kamay tayo, ganito ang position karaniwan lang ito
so tanda mo na?
Francis: ahhhh ganito lang pala ang dali naman
Cassandra: Oh?! bakit hindi ka makatingin sa akin?
Francis: ahhhh ehhh
Cassandra: Dapat ang mga mata mo nakikipag usap sa mata ko parang eye to eye contact kaya tingin ka sa mga mata ko

At tumingin naman si Francis sa mga mata ni Cassandra, nailang si Cassandra matapos sya tignan ng sa mata sa mata ni Francis

Francis: Ganito ba? (natutunaw ako sa mga titig nya hindi ko alam saan to pinaglihi pero nakakatunaw ang tingin nya)
Cassandra: Ahhhh ehhhh oo tapos pag gagalaw o sasayaw na kayo parang duyan lang teka sundan mo ko ah

At bumitaw sandali si Cassandra para patugtugin ang mp3player ni Francis, at bumalik na sila sa ganung position

Cassandra: pagkatugtog ng player sundin mo lang kung saan ako pupunta ah wag ka bibitaw
Francis: ahh ehhh sige

Nagumpisa na tumugtog at nagumpisa na rin silang sumayaw, habang sumasayaw sila ang kanilang mata ay nangungusap, at
ninanamnam ang bawat tugtog, para kay Francis parang nasa isang paraiso sila na puno ng bulaklak at ang kanyang kaharap ay
ang babaeng pinapangarap ng lahat

Francis: Ang lambot pala ng kamay nya, at ang bango nya, lalo pala sya gumaganda pag malapitan nakikita mo ang kinis ng kanyang
balat at higit sa lahat ang kanyang mata, pakiramdam ko nanghihina ako sa kanyang mga tingin, makintab din ang mahaba nyang buhok
kung nanaginip ba ako sana wag na ako magising kasi dito lang ako nagiging hari at sya ang aking reyna

Habang sumasayaw may kakaibang pakiramdam si Cassandra na nadarama, pakiramdam nya na ang lalaking nasa harapan nya ay matagal na
nyang nakilala

Cassandra: Yung mga matang ito hindi ko alam parang nakita ko na, parang matagal ko na syang kilala, ang tangkad pala nya at ang init
ng kanyang kamay pakiramdam ko parang ligtas ako pag sya ang kasama ko

Hindi nila namalayan na tapos na mula kanina ang tugtog kaya bigla silang napahinto sa pagsayaw

Cassandra: Tapos na pala yung music hindi natin namalayan
Francis: Oo nga eh
Cassandra: So ganun lang sya kadali kumpara sa pinaggagawa mo hahahaha
Francis: Malay ko ba ganun lang pala kadali
Cassandra: Gusto mo pa ba? may tuturo pa ako sayo madali lang din
Francis: kaw kung ok lang sayo
Cassandra: Ok position lang naman ito kumbaga eh para maramdaman ng kapartner mo na kayo lang sa isa't isa
Francis: May ganun pa pala sayaw
Cassandra: Ok lapit ka sa akin ulit
Francis:tapos?
Cassandra: ang mga kamay ko lalagay ko sa bandang batok mo parang ganito

Dahil medyo hindi naman kahabaan ang kamay ng dalaga medyo nagkadikit ang kanilang mga katawan

Francis: tapos saan ako hahawak?
Cassandra: lagay mo sa magkabilang bewang ko ang mga kamay mo tapos yung pagsayaw katulad lang din ng kanina,get it?, so try natin

At sinubukan nila ang tinuturo nyang sayaw, sa positiong ito medyo hindi na sila naiilang at nagkatitigan na sila, at hindi sila
nagkikibuan pareho nilang nilalasap ang bawat himig ng musika, pero si Francis labis itong humahanga sa ganda ni Cassandra at nakalimutan
na nya ang sakit na nararamdaman mula kanina

Francis: May itatanong ako?
Cassandra: Anu un?
Francis: May paraan ba para matigil ang panahon at oras?

Napakunot ang noo ng dalaga sa narinig na tanong?

Cassandra: Wala ata makakapaghinto ng oras at panahon siguro orasan pwede mo pahituin pero ang magpapatuloy pa rin ang takbo, bakit mo
natanong?
Francis: gusto ko kasi ihinto ang oras ng mga sandaling ito dahil
Cassandra: Dahil......?
Francis: dahil.....para hindi matuloy ang js?
Cassandra: hahahahah para kang sira yun lang pala ang sasabihin bakit hindi mo pa rin ba makuha mga tinuro ko?
Francis: (grabe ang lambing ng boses nya tapos nakatitig pa sa akin pakiramdam ko parang kailangan ko na ng paramedic), syempre nakuha ko na
dali lang pala eh
Cassandra: Eh yun naman pala eh hayaan mo may ituturo pa ako sayo dito lang ako hanggang sa dumating na ang oras ng uwian

Lalong kinilig si Francis sa narinig, at kinakausap ang sarili

Francis: (Narinig mo yun Francis? iyo lang daw sya hanggang sa mag uwian ang swerte mong lalaki men, biruin mo ang babaeng pinapangarap ng lahat eh
nasa harapan mo at ang matindi pa dun eh iyo lang daw sya hanggang uwian dapat pala alam mo paano pahintuin ang oras at panahon ng sa ganun eh
humaba pa ang oras na kapiling ang mahal mo)

Dahil sa feeling heaven si Francis hindi nya namalayan na tapos na ulit ang kanta kaya

Cassandra: Palagay ko tapos na ang kanta? baka pwede mo muna ako bitawan
Francis: Ay sorry hindi ko namalayan (bakit ang dali ata matapos ng kanta na yan, kakainis nasisira ang moment eh)
Cassandra: may dalawa ka ng alam na sayaw hindi na madidisappoint ang magiging partner mo bukas
Francis: oo nga salamat ah, ay may chocolate candies ako sa bag teka kunin ko
Cassandra: Meron din ako
Francis: Ay ganun ba teka meron ako dito coke in can heto tag isa tayo
Cassandra: salamat
Francis: Gusto mo buksan ko para sayo?
Cassandra: sige salamat, teka bakit dalawa ito may inaasahan ka bang aakyat dito?
Francis: ahhh ehh wala lang naisipan ko lang dalawa na dalhin ko (para sayo talaga yan)
Cassandra: excited ka ba para bukas?
Francis: hindi ko alam eh
Cassandra: bakit naman? kaw lang ata ang nakitang kong estudyante na hindi excited pero nagpapractice mag isa
Francis: Kasi, basta may dahilan at malabo talaga mangyari yun.Ikaw excited ka ba?
Cassandra: Medyo yung magiging partner ko bukas pinapangako ko sa kanya na kanya lang ako buong gabi
Francis: Ang swerte ng partner mo bagay naman kayo eh
Cassandra: hahahaha bakit kilala mo ba sya?
Francis: Oo bagay kayo
Cassandra: Kailan ko ba makikita yang mukha mo? tagal ko ng hindi pumunta dito tapos ganyan ka pa rin
Francis: Gusto mo makita?
Cassandra: Oo sana kung pwede
Francis: Sa graduation magkita tayo dito
Cassandra: Bakit hindi pa ngayon?
Francis: Wala lang basta sa graduation magkita tayo dito

Habang nagkukwentuhan sila Francis, anung saya ang kanyang nadarama lalo na nahawakan nya ang mga malambot na kamay ng dalaga, kuntento na si Francis
sa nangyayari, para sa kanya parang sinayaw na rin nya si Cassandra pero ang tanging saksi lang ay mga puno, ulap, araw at ang rooftop.Lumipas ang
ilang oras, uwian na kailangan ng magpaalam ni Cassandra kay Francis

Cassandra: uwian na pala sige baba na ako salamat sa softdrinks ah

Pababa na sya ng hagdan ng bigla nagsalita si Francis

Francis: Cassandra, Salamat sa sayaw at goodluck bukas
Cassandra: Welcome, kaw din goodluck ah kaya mo yan

At bumaba na si Cassandra, naiwan sa rooftop si Francis at nahiga nakatingin ulit sa langit

Francis: Salamat para ilang sandaling ligaya na kapiling sya
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/04/2013)

naaaaaaaaaakkz kakakilig
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/04/2013)

part 12 na.nkakabitin tlga ts,sheyt
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/04/2013)

:thumbsup::salute: galing bitin ulit haha nice TS
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/04/2013)

aw isang part lang haha part 12 n yan :)
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/04/2013)

up! up!
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/04/2013)

bukas ba p12?
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/05/2013)

PART 12

Nang makapagpahinga na si Francis bumaba na rin sya ng rooftop para umuwi na, palabas na sana sya ng school ng naakasalubong
nya si Cassandra kasama ang kapatid nya

Francis: Cassandra? este Cassey kala ko nakauwi na kayo
Cassandra: Huh? Bakit may sasabihin ka ba?
First year student: uy kuya ngayon lang kita ulit nakita ah, kamusta na?
Francis: Ikaw pala bata, ok lang hahaha kaw ba?
First year student: ok lang din uuwi ka na ba?
Francis: Oo eh
Cassandra: Gusto mo ba sumama muna?
Francis: Saan?
Cassandra: Magmeryenda
First yeasr student: sagot ko kuya ako bahala sayo
Francis: aba oh sige ayos ka bata

Nang makarating sila sa canteen nakita na naman sila ng ibang estudyante

"tignan nyo kasama na naman siya ni Cassandra", "Ano ba kasi sya ni Cassandra?", "Ngayon ko lang siya talaga nakita"

Napansin ito ng kapatid ni Cassandra kaya sya nagtanong

First year student: ate bakit ba parang ang daming nakatingin sa atin?
Cassandra: ah eh hahaha hayaan mo lang sila
First year student: kuya may alam ka ba bakit sila nakatingin sa atin?
Francis: Ahh ehh kaya sila nakatingin kasi humahanga sila sa ate mo
First year student: ahhh hindi pwede yan, diba kuya?
Francis: Ahh oo naman hindi talaga pwede
Cassandra: Anu ba kayo dalawa? kumain na nga tayo

Dahil palabok ang kanilang meryenda, sabay nila kinuha ang kalamansi at nahawakan ni Francis ang kamay ng dalaga kaya
nabigla silang dalawa at nagkatinginan namula si Cassandra sa nangyari

Francis: ahm sorry
Cassandra: ahhh ehh ok lang heto oh Kalamansi
Francis: salamat cassey
First year student: ako hindi nyo ko aalukin yang kalamansi?
Cassandra at Francis: Ahh ehh
Francis: Syempre aalukin ka namin kaw ang boss ngayon eh
First year student: good kuha mo na rin ako ng tubig
Cassandra: Ako na lang Francis
Francis: Hindi ako na

At sabay na naman sila tumayo, at nakahalata na ang kapatid ni Cassandra

First year student: anu ba kayong dalawa nalilito na ako sa inyo, ate kaw na lang kumuha

Dahil sa nakatingin si Cassandra kay Francis hindi narinig ang sinabi ng kapatid

Cassandra: huh? anu sabi mo?
First year student: kaw na lang kumuha ate please?
Cassandra: kala ko hindi mo ko ate eh

At kumain na silang tatlo, pero medyo nagkahiyaan ang dalawa dahil sa mga nangyari, tahimik silang kumain at parang naghihintayan
pa sila kung sino ang unang kikilos, nang matapos na silang kumain sabay tumayo sila Cassandra at Francis para kunin ang kanilang
pinagkainan pero nagkatinginan na naman sila at nagkailangan

Francis: Cassey, ako na lang
Cassandra: thank you Francis
First year student: anu ba nangyayari sa inyo dalawa?
Francis: Wala po boss

Lumabas na sila ng canteen habang naglalakad, si Francis pinagmamasdan ng palihim si Cassandra at kapag nahuhuli sya ni Cassandra
biglang magiiba ng tingin si Francis

Cassandra: May dumi ba ako sa mukha Francis?
Francis: Ahh ehh wala ah
Cassandra: Bakit mo ko tinitignan?
Francis: Ahh anu kasi nakalimutan ko sasabihin ko eh
First year student: Nakakahalata na ako promise
Francis: Salamat sa meryenda ah hayaan nyo ako naman ang taya
First year student: walang bawian ah
Francis: Cassey salamat sa meryenda
Cassandra: wala yun goodluck bukas ah
Francis: kaw din goodluck bukas, sige labas na ako ingat kayo sa pag uwi
Cassandra: Kaw din Francis ingat ka
Francis: Salamat

Lumabas si Francis ng school ng masaya, at tumatawang mag isa sa daan, nakalimutan nya na may usapan sila ni Arjay

Francis: ang swerte ko ngayong araw biruin mo umaga pa lang sya na ang sumalubong sayo, tinuruan ka pa ng sayaw, at hindi lang yun
sabay pa kayo kumain tapos sinabihan pa ako na mag ingat grabe ang sweet nyang babae, ok na rin kahit hindi na sya ang makapartner ko
solb na rin

At pag uwi sa bahay masaya itong kinuwento sa kanyang lola, para kay Francis ang araw na ito ay para sa kanya. Kinabukasan maaga pumunta
si Arjay at ginugulo si Francis sa kanyang pagtulog

Arjay: Hoy Paquito gising!
Francis: Pare mamayang gabi pa ang js wag ka excited umaga pa lang matulog ka ulit natutulog pa ako eh
Arjay: Oo mamayang gabi pa nga yung js pero walang hiya ka wala pa tayong damit siraulo ka may usapan tayo kahapon eh
hindi mo ko sinipot gumising ka!!!!

Sa narinig ni Francis agad itong bumangon at ginugulo din si Arjay

Francis: WAAAAAAAAAAAA!!!! PARE WALA PA TAYONG DAMIT!!!!! ANU GAGAWIN NATIN?!!!!
Arjay: WAAAAAAAAAAAA!!! BUTI NAMAN NAALALA MO ANG SUSUOTIN NATIN!!!! NAKAKAHILO ANG HININGA MO WALANG HIYA KA!!!!
Francis: teka bakit nga ba nandito ka? ang aga pa rin eh sarado pa ang mga tindahan
Arjay: Makikikain ulit? hahahahahaha
Francis: Sabi na eh basta pag maaga alam na
Arjay: Hoy bata pa tayo bahay ko na rin ito para kang bago ng bago ah, teka men alam mo na ba kung saan ang meeting place nyo mamaya ng
kapartner mo?
Francis: Hindi pa bakit?
Arjay: Bumunot ka ba? tska san ka ba nagpunta at hindi mo ko sinipot kahapon?
Francis: Sa langit?
Arjay: La...ngit? langit ba kamo ang sinabi mo?
Francis: Oo

At biglang sinampal si Francis

Francis: bakit mo ko sinampal?!
Arjay: Nagmamarijuana ka na pala ah!
Francis: Huh?! anung marijuana siraulo ka ba?
Arjay: Sabi mo langit yun agad ang pumasok sa isip ko eh kaya sinampal kita
Francis: Tanga ibang langit sinasabi ko
Arjay: Men? wag mo sabihing ano ahm sinuko mo ang martial law? kaya narating mo ang langit
Francis: Gagu anu ano na pinagiisip mo
Arjay: eh siraulo ka pala langit ka ng langit hindi mo liwanagin
Francis: Baba na nga tayo at pag isipan anu ang susuotin natin
Arjay: uhm ako may naisip na
Francis: Anu naman yan?
Arjay: Mag tuxedo tayo men para naman prestigious ang dating natin at parang sa hollywood lang yung pang red carpet
Francis: Ay putik gusto ko yan men yung naka all black tapos naka kurbata o necktie?
Arjay: uu men ganun nga, men pabasa nga ng nabunot mo
Francis: ayoko nga ako nga hindi ko pa nababasa eh
Arjay: eh bakit ayaw mo basahin?
Francis: wala akong gana basahin
Arjay: alam ko na yung chix mo may ibang kapartner at hindi ikaw ang niyaya, ok lang yan men ramdam kita
Francis: tara na nga kain na tayo sa ibaba

Pagkababa nila sakto nakapagluto na si lola

Lola: mga apo tara na at kain na tayo habang mainit pa ang pagkain
Francis: lola magandang araw po
Arjay: wow lola sarap ng mga niluto nyo ah sakto sa umaga talaga
Lola: Hahaha salamat apo alam ko naman na dito ka kakain kasi yung bintana sa salas bukas eh lam ko kaw lang dumadaan dun

Natapos ang kanilang agahan nagpapahinga ang dalawa ng mapagusapan ulit ang js prom, samantala si Cassandra naman ay tinignan na ang
kanyang susuotin

Personal Maid: Ms. Cassandra heto na po inyong susuotin para po sa inyong js at papunta na rin po ang mga magagaling na make up artist
Cassandra: Sige po maraming salamat tawagin ko na lang kayo mamaya manang

At umalis na yung maid at pinagmasdan ang gown

Cassandra: Grabe naman si Papa elegante masyado itong gown ah tapos nagpatawag pa ng make up artist pakiramdam ko parang isang team ang
darating mamaya
Cassandra's Father: Good morning My beloved daughter, maganda ba ang gown na napili ko?
Cassandra: Good morning dad, opo sobrang ganda kaw naman dad yung simple lang sana ok na ako dun eh
Cassandra's Father; No darling js yun at minsan lang yun sa buhay mo kaya gusto ko kaw ang pinakamaganda dun para naman maging maganda ang
memories mo dun, yung make up artist anak mga kilala yun at palagay ko nasa 10 sila pakihintay na lang ah
Cassandra: ano po?! 10 sila dad?! OMG! isang team na yun dad
Cassandra's father: bakit hija kulang pa ba yung sampu pagpasensyahan mo na ako hindi ko kasi alam eh kung ilan ba dapat hayaan mo kung kulang
pa sila madali na lang yan
Cassandra: No dad ok na po thank you sa todo effort, your the best dad ever!
Cassandra's Father: of course i am thank you my daughter, i guess i need to go now
Cassandra: take care dad

At lumipas ang ilang oras abala na ang lahat sa paghahanda, ang mga babae ay nagpapabeautyrest na at yung mga lalaki naman syempre ligo lang yan
tapos gel tapos ok na kaya ok lang kahit 2 oras lang ang kailangan nila...At dumating na isang team ng make up artist ni Cassandra at sinalubong
nya ang mga ito sa harap ng receiving hall

Cassandra: Oh my God, i know you guys! you are from L'Oreal from Paris
L'Oreal Team: Yes we are we're glad to meet you
Cassandra: And you are Fanny Serrano?!
Fanny Serrano: Yes I am
Cassandra: Ricky Reyes?!
Ricky Reyes: Correct! and we are the team!
Cassandra: OMG! Grabe si Daddy
Ricky Reyes: I think we shall proceed now for the make over

At ganun katindi ang team ni Cassandra,
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/05/2013)

bigtime pala...salamat sa pgupdate sir sana meron pa mamaya.wala ka naman atang pasok eh.kakabitin js prom na mamayang gabi.exciting naman.
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/05/2013)

part 13 na ts. Labas m0 na lahat, bitin lge ako, haha xD
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/05/2013)

update mo mayang gabi haha para sakto sa js prom
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/05/2013)

up dito :clap:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/05/2013)

PART 13

Mag gagabi na ilang sandali na lang js prom na, ang pinakamakulay na karanasan ng isang estudyante sa buhay high school
Naghahanda pa lang sila Francis at Arjay,samantala si Cassandra ay tapos na kaya pagdating ng kanyang ama pinakita sa
kanya ang kanilang bunga ng kanilang pagpapaganda sa dalaga.Nakahilera pababa ang mga make up artist at nasa pinaka
ibaba naman ang kanyang ama hinihintay na sya'y makita

Fanny Serrano: Mr. Montemayor we are proudly present to you the precious,a loving lady, and your beloved daughter
Ms. Cassandra Althea Montemayor

Pag alis ni Fanny Serrano dahan dahan humarap sa kanyang ama at bumaba sa hagdan habang pinapalakpakan ng mga make up
artist, hangang hanga ang ama ni Cassandra sa kanya dahil lalo pa itong gumanda at bumagay ng husto sa kanyang suot na
gown

Cassandra's Father: Wow! Cassey you look glamorous, you better than snow white, look im so proud that i have a beautiful
daughter...if your mom is still alive im pretty sure she is also proud of you
First year student: Wow ate ang ganda mo lalo promise ate
Cassandra: Nagustuhan nyo ba?
Cassandra's Father: So much honey! Hindi ako nagkamali sa mga pinili kong make up artist
Cassandra: Thank you so much dad, i love you (kaw ba naman isang team eh)
Cassandra's Father: I love you too Cassey
First year student: dad lets take a photo first!
Cassandra's Father: Oh yeah good idea son

At nagkuhaan muna sila ng mga litrato, tapos na ng maghanda ang dalawang magkakabata at naunang lumabas si Arjay sa kwarto,
upang ipakita ang sarili sa lola nila

Lola: aba! gwapo ng apo kong si Arjay ah lalo maiinlove ang girlfriend mo maniwala ka
Arjay: Ayos ba lola?! Gwapong gwapo na ba ako?!
Lola: Oo apo aprub na aprub ka!, o hindi pa ba tapos si Francis aba nasasabik din ako makita sya
Arjay: lalabas na lola

At lumabas si Francis, ibang Francis ang lumabas sa Kwarto isang maginoo, makisig, at gwapong lalaki sa kanyang suot, humanga
sila Arjay at lola nya ng makita sya

Lola: Apo ikaw ba yan?
Francis: Opo lola pangit po ba?
Arjay: Wow men lumabas ang totoong ikaw parang alam mo yung nagimprove ang hitsura mo pero men the best!
Lola: Bagay na bagay sayo ang suot mo lumabas ang kagwapuhan mo apo sigurado ako na ang makakapareha mo eh matutuwa sayo
Francis: Naiilang ako parang hindi ako sanay sa ganitong suot
Arjay: Men para kang tanga bagay nga dba lola?
Lola: Oo apo maniwala ka
Arjay: Anu men alis na tayo excited na ako makita gf ko eh
Francis: Lola aalis na po kami
Lola: O sige mga apo magpakasaya kayo at namnamin ninyo ang bawat sandali kasi minsan lang yan nandyan na ang tricycle at
hinihintay na kayo, mag ingat kayo ah

At nagmano na ang dalawang binata para pumunta na ng school,habang papunta na sila sa school medyo masaya na rin si Francis
dahil hindi man nya makakapareha ang babaeng kanyang iniibig para sa kanya parang sinayaw na rin nya si Cassandra kaya ok na rin
sa kanya yun. Nasa loob na ng school ang dalawang binata, marami na silang nakikita mga kapwa nilang estudyante na naglalakad sa
sa school

Francis: Grabe kinakabahan na ako sinu kaya ang magiging partner ko
Arjay: Kaya natin to men, paano pag uwian eh kanya kanya na lang
Francis: Sige men walang problema
Arjay: Paano men una na ako sa venue? gusto ko na makita ang gf ko eh
Francis: O sya kita kits maya sa loob kung magkikita man

At nagbrofist na ang dalawa at nauna ng pumasok si Arjay para puntahan na ang kanyang gf, samantala si Francis ay babasahin pa lang
ang nakasulat sa nabunot nyang papel. at heto ang nakasulat

"Ang ating tagpuan ay sa gate bukod tanging tayo lang dalawa ang nakakaalam, at sabihin mo ang mahiwagang salita"

Francis: Sakto pala nandito na ako sana nauna na ako dumating, nakakahiya naman kung sya pa ang maghihintay

Lumipas ang ilang sandali halos wala ng pumapasok na estudyante at nakatayo pa rin sa tagpuan nila si Francis, at may pumasok sa
gate isang matabang babae malayo sa hitsura ni Cassandra, huminto ito sa gate at nagpalinga linga ng tingin nang mapadpad ang tingin
ng babae sa pwesto ni Francis napalunok ng laway ang binata dahil palapit sa kanya ang matabang babae

Francis: Palagay ko heto na ang partner ko, ok na to kaysa naman hindi dumating siguro o baka maganda kung hindi na lang sya dumating?

Sinalubong na rin ni Francis ang matabang babae at ng nagkaharap na sila ibibigay na sana ni Francis ang dala nya rosas ng nilagpasan
sya nito at dumeretso lang kaya laking taka ni Francis at pinagmasdan ito kung saan papunta at hindi nagtagal nakita pala nya ang kanyang
makakapareha

Francis: Wew! kala ko sya ang partner ko napahiya ako dun ah ibig sabihin nito hindi pa rin sya dumadating, ok maghihintay pa ako ng ilang sandali

Ilang sandali na ang lumipas naguumpisa na ang programa ng js prom tanging si Francis na lang ang nasa hallway at hindi pa rin nagpapakita
ang kanyang makakapareha, pinanghihinaan na sya ng loob kaya kung anu ano na lang ang naiisip

Francis: Wala pa rin ang makakapareha ko baka nasa loob na sya pero malabo mangyari yun alam nya sigurado na ito ang aming tagpuan,
nilalamok na ako dito, hindi kaya nagkasakit sya ngayon tapos dahil hindi nya alam kung sino ang kanyang partner eh hinayaan na lang?,
mga isang oras pa bago ako umalis dito siguro hindi ko na kasalanan yun kung sakali dumating sya at wala na ako dito

Ilang sandali pa ang lumipas wala pa ring dumadating, naririnig na nya na nagkakasiyahan na sa loob at bukod tanging sya na lang ang nasa
labas pati guard sinisita na sya buti na lang medyo nakikilala pa sya dahil nagtrabaho sya ng limang araw...kaya nakipagkwentuhan na lang ito
sa guard...ilang minuto na lang isang oras na at biglang may nakita syang isang liwanag mula sa kotse tumayo ito at tinignan mula sa kinatatayuan
nya ang hitsura ng kotse at yun ay pamilyar sa kanya

Francis: Kotse ng sinasakyan ni Cassandra yun ah, ibig sabihin nalate si Cassandra? ibig sabihin din nun hindi lang pala ako ang naghihintay sa
aking makakapareha pala kundi marami pa ang nasa loob o baka ako na lang din ang natitira?

Habang nakatayo si Francis, nanabik sya na makita si Cassandra, iniisip nya kung anu ang hitsura ng damit ng dalaga, ayos ng buhok, at alam nyang
maganda ito, pero biglang naglabasan ang ilang kalalakihan sa loob ng venue at patungo ito sa sasakyan ng dalaga

Francis: Grabe ganyan sila kainlove kay Cassandra? up to the last minute talagang hindi sumusuko, nakakabilib naman ang mga ito samantala ako sa una
pa lang sinuko ko na ang ganyang pangarap na maisayaw siya

At paglabas ng kotse ng dalaga, ibang Cassandra ang kanilang nakita, isang babaeng talagang pinakita na sya ay isang prinsesa parang isa syang
Character na binuhay mula sa isang kwentong pambata, ang gandang kanilang nakikita sa araw-araw ay ibang iba sa gabing ito. Marami ang humanga ng husto
sa angking kagandahan ng dalaga lalo itong tumingkad sa kanyang suot. At iyon ay kitang kita ng mga mata ni Francis kaya sya ay tuwang tuwa at lalo syang
umibig sa dalaga dahil higit pa sa kanyang iniisip ang kagandahang taglay ngayon ng dalaga.

Francis: Salamat at nakita ko sya ok lang na hanggang tingin na lang ako maswerte ang kanyang makakapareha, sino kaya sa mga ito? akala ko yung kasama nyang
nagpapractice sa classroom nila ang partner nya hindi pala

At nagulat si Cassandra dahil nakapila ang mga lalaking nais syang makapareha kaya wala syang magagawa kundi isa isahin ang mga ito at hindi nya pwede sabihin
ang mahiwagang salita

Ambisyoso 1: Oh aking Cassandra ako ang iyong makakapareha ngayong gabi...
Cassandra: Paumanhin pero hindi ikaw ang nakatadhana para sa akin
Ambisyoso 2: Cassandra bilog ang buwan tayo na at pumasok
Cassandra: Hindi rin ikaw ginoo paumanhin

Dahil napalayo si Francis sa kanyang pwesto dahil sa mga nakapilang mga lalaki eh pinapanood nya ang mga ito at hindi nya alam kung matatawa ba sya o maawa sa mga
ito

Francis: Kawawa naman yung dalawa hindi sila pinalad tsk tsk tsk

At nagpatuloy ang prinsesa sa kanyang paghahanap

Ambisyoso 3: Sa aking pag iisa pangarap ka sa twina
Cassandra: Hindi ikaw ginoo
Ambisyoso 4: Sa gabing madilim mata mo ang tanging liwanag
Cassandra: Hindi rin ikaw

At lumipas ang ilang lalaking nagtangkang maging kapareha ni Cassandra

Ambisyoso 22: Cassandra aking sinta
Cassandra: Hindi din rin ikaw
Francis: Grabe ah naaliw na ako sa mga ito at wala pa rin ang aking makakapareha, teka lahat ba sila bumunot? parang hindi ah ibig sabihin maraming babae sa loob
ang walang kapareha?

Tatlo na lang ang natitira na nagtatangka kay Cassandra ng biglang may naisip si Francis

Francis: subukan ko kaya? hindi naman siguro masama, katulad lang din ako ng mga lalaking ito na nangangarap na maisayaw sya, kung palalagpasin ko pa ito baka bandang
huli eh pagsisihan ko ayaw ko naman mangyari sige susubukan ko...KAYA KO TO!

Ambisyoso 24: Cassandra ikaw at ako ang magsasabi ng i love you
Cassandra: Hahahaha hindi rin ikaw ginoo
Ambisyos 25: Huli man at magaling maihahabol din aking binibini
Cassandra: Hindi pa rin ikaw paumanhin

At si Francis na ang susubok, medyo nakuha nya ang attensyon ng dalaga dahil sa kanyang tikas at suot na rin na maskara, kasama pa ang kanyang kakaibang "aura".at lumuhod ito
sa harap ng dalaga at inabot ang isang rosas at dahan dahan binabanggit ang mahiwagang salita

Francis: Hindi ako mayaman para bilhin ang KAHAPON. Pero handa akong utangin ang BUKAS makasama ka lang buong magdamag aking prinsesa.

At natahimik ang lahat sa narinig nilang salita mula kay Francis at hinihintay ang magiging reaction at sasabihin ng prinsesa. Nakita nila inangat ng dalaga ang kanyang
kamay at nagsalita.

Cassandra: Oh ikaw nga aking prinsepe na nakatadhana ngayong gabi, na aking makakasama buong magdamag at bubuo ng isang maganda at hinding makakalimutang karanasan at ito ay
magiging isang alaala na hindi natin makakalimutan

Nagulat si Francis sa narinig, hindi nya akalain na si Cassandra pala ang kanyang makakapareha, hindi nya lubos maisip na ang pinakamaliit na tsansang makapareha ang dalaga ay
nasa kanya pala, bumibilis ang tibok ng puso ni Francis hindi dahil sa takot kundi sa ligayang kanyang nadarama lalo ng makita nya na nakangiti ang dalaga sa kanya, talagang
suntok sa buwan ang nangyari kay Francis dahil sinuko na nya ang lahat lahat at tinanggap ang akala nyang katotohanan sya ang may gawa pero lahat ay puro mali naalala nya ang
sinabi ng kanyang lola na "hindi mo alam kung anu ang mangyayari at marami ang pwedeng magbago"

Cassandra: Oh nakaluhod ka na lang ba? gawin mo na ang susunod at nang makapasok na tayo
Francis: Paumanhin sa paghihintay aking prinsesa

At hinalikan ang kamay ng dalaga at tumayo na sya para alalayan ang dalaga sa paglalakad papasok sa venue

****humihingi po ako ng paumanhin dahil sa gumamit ako ng salitang "matabang babae" wala po ako ibig sabihin maraming salamat po
 

Attachments

  • 19764-0.jpg
    19764-0.jpg
    29.1 KB · Views: 29
  • tuxedo-strada-sml.jpg
    tuxedo-strada-sml.jpg
    21.3 KB · Views: 28
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/05/2013)

dahil po sa labis na tuwa aking nadarama yung request po na ihabol ko ang part 13 ngayon gabi ay tinupad ko na maraming salamat po sa tumatangkilik sana po pagpatuloy nyo lang po ang pagsubaybay muli po maraming salamat
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/05/2013) PART 13

sakto..kakapost lang ng p13...hahahaha
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/05/2013) PART 13

may part 14 pa ba? D pa kacì alam n cassandra na c francis ang lalaking hnahanap nya na nag sa uli xa kanyang bracelit,inaAbangan q un at kung anung reacti0n nito
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/05/2013) PART 13

bwenas bwenas talaga..nagpaalala ng aking nakaraan.Maraming Salamat Boss.update p14
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/05/2013) PART 13

pa update mo na ts, part 14 na. Haha xD
 
Back
Top Bottom