Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Lola: Francis gising na at baka mahuli ka sa klase mo
Francis: Opo lola babangon na
Lola: Aalis lang ako sandali, pupunta lang ako sa tita mo ilock mo na lang ang pinto pag alis mo
Francis: Sige po mag ingat po kayo lola

At nagumpisa na ang araw ni Francis...Si Francis ay isang 4th year high school, simple, matangkad, masayahin, at ulilang lubos

Arjay: Francis tara na pasok na tayo baka mahuli na naman tayo at masaraduhan ng gate ayaw ko na mag ober da bakod
nasisira ang sapatos ko, bago pa man din ito
Francis: yabang bago sapatos pabinyag nga!
Arjay: Wag pare bago nga eh

At nagpatuloy na sila sa paglalakad...Si Arjay ang best friend nya mula elementary laging kasama sa kalokohan, sa away
at pati sa saya...

Arjay: Men! alam mo na ba ang balita?
Francis: Ano?
Arjay: Yung anak ng nagdonate ng school eh magiging schoolmate na natin
Francis: Oh? mayaman sila ah bakit sa school natin yun mag aaral?
Arjay: Hindi ko alam siguro baka gusto ng daddy nya eh matuto makisalamuha sa mga tulad nating mahihirap
Francis: Ganun ba? Nakita mo na ba yang tinutukoy mo?
Arjay: Hindi pa eh pero sa pagkakaalam ko yung prinsipal natin eh pamangkin nya un
Francis: Ahhh anung year na nya?
Arjay: 3rd year high school na daw
Francis: bakit mo pala alam?
Arjay: Anu ka ba alam na kaya sa buong school yun saan ka ba nag aaral at parang hindi mo alam?
Francis: Baka absent lang ako nun nung binalita yun
Arjay: Nagcucutting ka kasi eh...perfect attendance din pag may time
Francis: hahaha paano maya na lang
Arjay: Sige!

Naghiwalay na ng daan ang dalawa ng si Francis ay papasok pa lang sa classroom ng nakita nya ang isang magandang babae,
Si Cassandra Althea, ang anak ng nagdonate ng pinapasukan nilang school...Maputi, Mahaba ang buhok, maganda ang mata, at sexy.
Napahinto si Francis habang pinagmamasdan ang babae...

Francis: Ang ganda naman nya parang ngayon ko lang sya nakita or baka hindi ko lang sya agad napapansin...

Dahil tulala sya sa babae na yun hindi namalayan na maguumpisa na pala ang flag ceremony nila, agad tumakbo papunta sa covered
court si Francis ng napansin niyang may isang grupo dun ng mga estudyante na parang may binubully sa isang sulok...nagtago si
Francis at pinanood kung anu ang nangyayari...

4th year Student #1: Hoy bago ka lang dito ah akin na ang baon mo!
4th year Student #2,3,4,5: HEHEHEHE!!! boy bigay mo na kung ayaw mo masaktan
1st year student: Wala po ako kakainin mamaya pwede ko ibigay ang kalahati ng baon kong pera
4th year Student #1: Ginagago mo ba ako?! Alam mo bang lahat ng estudyante dito eh takot sa akin kahit mga 4th year?!
4th year Student #1: Gusto ko mula ngayon pagpasok mo yung baon mo ibibigay mo sa akin ah magbaon ka na lang ng kamote WHAHAHA!

Nang biglang nagsalita si Francis...

Francis: Hahahahaha! ganda ng drama nyo ah para saan ba yan? pati 1st year sinasama nyo ah
4th year Student #1: Wag ka makialam dito kung ayaw mo pati ikaw masaktan!
Francis: Huh? kala ko nagpapractice kayo, hoy bata anu hinihingi sayo?
1st year student: Po?! ahm baon ko po pilit nila hinihingi sa akin

At biglang sinampal ang kawawang 1st year student...

Francis: Tarantado ka ah pati hindi kayang lumaban pinapatulan mo!
4th year Student: bakit aangal ka?! mga pare papalag ata sya bigyan nga natin ng leksyon itong kupal na ito!

At biglang tumakbo papalayo ang 1st year student...at pinalibutan na si Francis ng mga sigang 4th year...

Francis: Hmmmmm mukhang mapipilitan akong magpapawis ah, limang tangang repeater, alam nyo may tatanong muna ako sa inyo?
4th year Student #2,3,4,5: Kung tatanong mo eh ay nagbibiro kami pwes! hindi
Francis: Hindi yun tanong ko lang may balak pa ba kayo umalis dito sa school? kasi kung wala eh baka pagnagkaanak na ako
eh maging classmate nyo pa eh pabugbog ko na rin kayo dun
4th year Student #1: Tama na satsat!
Francis: BRING IT ON!

At nagrambulan na kahit lima ang kalaban ni francis nagawa pa rin nyang pabagsakin medyo duguan din naman si Francis..
Hinihingal si Francis ng matapos ang away nila...

Francis: Tignan nyo ginawa nyo narumihan ang damit ko dapat sa inyo basagin ko mga mukha ninyo! tumayo kayo dyan hindi
pa ako tapos teka sakto may kahoy pala dito msubukan nga gaano katibay itong kahoy

Napansin ni Francis na nandun pa rin pala ang 1st year student...

1st year student: Kuya ang dumi na ng uniform mo paano ka papasok sa class mo at duguan ka rin
Francis: Bata, pwede ko ba hiramin yang uniform mo? hindi ako pwede hindi pumasok ngayon lalo na may exam kami
1st year student: huh?! kuya hindi ko alam kung kakasya sayo to tsaka may patches ang uniform natin makikita nila na
pang first year ang uniform mo...
Francis: Hiramin ko na at bukas babalik ko sayo yan wag ka na lang pumasok ngayon at maglakwatsa ka na lang...bayad mo na
lang yan sa pagtatanggol ko sayo

Hindi na nakapagsalita ang pobreng 1st year at hinubad ang uniform....at pagsuot ni francis sa uniform halatang halata na
hindi kanya...

Francis: Bata!, Bukas magkita tayo sa canteen bibigay ko itong uniform mo umalis ka na at baka magulpi ka pa ng mga ito
1st year student: sige po kuya maraming salamat
Francis: Wala yun wag ka maniniwala sa mga sinabi nila mga nagpapanggap lang ang mga yan...

At nagober da bakod ang 1st year student habang si francis naman ay pupunta na sana sa isang CR ng bigla sya naabutan ng
Prinsipal at nakita ang 5 estudyante na nakahandusay pa...

Prinsipal: Anu ginagawa mo dito?! at bakit duguan ka pati sila?!
Francis: Ahhh ehhh sir anu po kasi...
Prinsipal: wag ka na gumawa ng palusot kitang kita naman na sinaktan mo ang 5 estudyante na yan at dahil lumaban sila sayo
pinagpapalo mo sila ng kahoy! Grabe ka talaga Mr. Santos! mamaya pag recess pumunta ka sa office!
Francis: pero sir anu po kasi...
Prinsipal: Tama na palusot!
Francis: opo sir

Hindi na nakakibo si Francis at umalis na lang...habang ang limang estudyante pinagsabihan din ng prinsipal...nagtungo si Francis
sa CR...naghihilamos at hindi lubos maisip na bakit sya pa ang lumabas na mali...pumasok na si francis sa classroom nila...

Nang Break Time na nila pumunta na si Francis sa office ng makita nya ulit ang babaeng pinagmasdan nya kanina na nakatayo sa
labas ng office...

Francis: Siguro pasaway din ang babaeng ito? kaya nandito din sa office, siguro nahuling nagcutting ito...sayang wala sa hitsura
mo gagawa ka ng kalokohan ganda mo pa naman...

Nang nasa harap na sya ng office si francis tinitignan sya ng babae...

Francis: Nandyan ba yung walang kwentang prinsipal natin?
Cassandra Althea: Huh? Ano pinagsasabi mo?! (Pagalit na nagtanong?)
Francis: Sabi ko kung nandyan ang prinsipal nating hindi nag iisip? kilala mo naman ang prinsipal natin siguro?!
Cassandra Althea: Oo naman kilala ko prinsipal natin! Ako kilala mo ba?! kaya pala 1st year ka dahil wala kang manners!
tanda mo na sa year na yan ah REPEATER!

Lalo uminit ang ulo ni Francis...

Francis: Alam mo miss kung papaliwag ko sayo mahabang istorya at tsaka hindi ko alam kung sino ka!
cassandra Althea: Well, ako lang naman ang pamangkin ng prinsipal na sinasabi mong walang kwenta!

Nagulat si Francis sa narinig kaya...

Francis: Ako kilala mo?!
cassandra Althea: Hindi! malamang 4th year ako kaw 1st year pa lang
Francis: GOOD!

At biglang tumakbo ng mabilis si Francis palayo sa office

cassandra Althea: Aba kala nya hindi ko sya isusumbong at baka nakalimutan nya na nakita ko ang patches ng baduy nyang uniform
humanda sya kay tito kick out aabutin nya...

Nang dumating ang Prinsipal kasama ang ilang staff at napansin sya ng isang teacher...

Teacher: Sir yan po ba yung sinasabi mo na pamangkin mo?
Prinsipal: Oo ahm Althea heto pala ang mga magiging teacher mo dito sa school so kamusta ang pamamasyal mo dito sa school?
cassandra Althea: Good Morning po sa inyo, ok naman po tito maganda nga dito tulad ng pagkakasabi ni papa hindi ako maboboring dito
pero may mga estudyante lang na walang manners ang nag aaral dito...
Prinsipal: Huh?! Anu pinagsasabi mo hija? may nang away ba sayo dito?
cassandra Althea: Wala naman po kaya lang may isang first year student dito na ang tawag sayo eh prinsipal na walang kwenta!
Prinsipal: Ano sinabi nya yun?! at first year pa baka nagkakamali ka hija?
cassandra Althea: hindi po nakita ko sa patches nya first year pa lang po baduy pa ng uniform nya parang kapos sa tela or baka
style lang nya yun mukha syang gagawa ng gulo dito dapat po tito ikick out mo na yun wala syang manners...
Prinsipal: Hayaan mo hija bukas sa flag ceremony ituro mo sa akin yung first year student na yun ng mabigyan ko ng leksyon
cassandra Althea: Sige po tito kala nya hindi ko nakita ang patches ng uniform nya

Samantala si Francis naman ay hindi na lumabas ng classroom hanggan sa matapos ang klase nila at bago lumabas sinigurado nya na
hindi na nya makakasalubong pa ang pamangkin ng prinsipal...
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/09/2013) PART 16

:clap::excited: nice ts very good job
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/09/2013) PART 16

ayos lang yan ts .. Parang nagkaka.idea kung saan sila pupunta ah ahaha ..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/09/2013) PART 16

thankz sa pag update ts.. hmm mababa lang ang part 16 ah.. bitin.. bukas pa ba ang part 17?
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/09/2013) PART 16

bitin naman.Salamat Boss.
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/09/2013) PART 16

thanks s pag-update. :thumbsup:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/09/2013) PART 16

may title na pala.. abang mode na din ako para sa update.. :thumbsup:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/09/2013) PART 16

bitin nmn boss...hehehe more update
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/10/2013) PART 17

PART 17

Nakauwi na sila Cassandra, at tulad pa rin ng dati lagi sila sinasalubong ng kanilang ama

Cassandra's Father: How are you my beloved son and my lovely daughter?
Cassandra: Hi dad! we're fine how about you?
Cassandra's Father: im fine, how's school?
Cassandra: Hmmmmm its just an ordinary day nothing's new dad
Cassandra's Father: i will go there tommorrow
Cassandra: For what?
Cassandra's Father: just to see how's the progress of the school we donate
Cassandra: Hahahaha it looks beautiful and nice dad there no reason to go there
Cassandra's Father: But i just want to go there hahaha, ok i will cancel
First year student: dad! bili na lang tayo bagong gaming console! then lets kill all the mutants and zombies!
Cassandra's Father: hmmmm let me think about it...ok! lets team together and kick them all

Umakyat na lang si Cassandra at iniwan ang mag ama sa receiving hall, pagpasok sa kanyang kwarto nahiga muna sa kama nya at
nagmuni muni

Cassandra: Pag tinignan mo sya para lang sya karaniwan pero pag tinitigan mo sya gumagwapo, may killer smile sya pero ang
hindi ko maintindihan sa lalaki na yun bakit hindi sya katulad ng ibang estudyante na gumagawa ng paraan para mapalapit sa
akin bagkus parang ako pa ang gumagawa ng paraan? hindi kaya ayaw nya sa akin? 2 months na lang pala graduation na

At nakita nya ang isang pirasong sapatos nya

Cassandra: Kailan kaya kami magkikita ng hari ko? grabe sya ah nakagawa kami ng other version of cinderella, uu nga pala yung
lalaki sa rooftop kamusta na rin yun? sabagay sabi nya sa graduation makikilala ko sya pero hindi ko maintindihan bakit ba
nakakaencounter ako ng mga some kind of weird students pero infairness lahat sila may kanya kanya silang assets ah pero mas
matimbang sa akin ngayon si King js prom of the night, he stole my heart pero kailan ko kaya sya muli makikita lalo na sa
Manila na ako magkacollege, naku masyado ako napapraning sa mga iniisip ko

Samantala si Francis naman ay masayang gumagawa ng gawaing bahay at napansin ito ng kanyang lola, pinagmamasdan ang kilos ng
binata

Lola: nakasama mo ba sya kanina sa school apo?
Francis: Po? sino po lola si arjay?
Lola: yung babaeng gusto mo
Francis: Bakit nyo naman po natanong?
Lola: Masaya ka kasi ngayon eh parang maganda ang naidudulot nya sayo apo

Nagulat si Francis sa narinig at pinuna ang sarili kung may kakaiba sa kanyang kinikilos

Francis: Lola palagay nyo po ba tama lang ba malaman nya na gusto ko sya kahit mayaman sya at tayo eh ganito lang
Lola: Apo, hindi naging mali ang umibig sa isang katulad nya ang mahalaga malinis ang iyong intensyon mo sa kanya
Francis: Kaso lola may tinadhana na raw sa kanya eh
Lola: Tinadhana? maari naniniwala sya sa tadhana pero yung makilala mo ang itinadhana sayo at sigurado ka eh hindi ko alam
kung totoo yun
Francis: ganun po ba yun? kahit ako hindi ko sya maintindihan sa sinasabi nya eh

At natapos na ang kanyang gawaing bahay umakyat na ito sa kanyang kwarto at nagpahinga, habang nakahiga sya ang kanyang isip
hindi pa rin nagpapahinga sa kakaisip sa ibig sabihin ng dalaga tungkol sa nakilala nyang itinadhana sa kanya, at naisip rin
nya mga lumipas na araw sa buhay nya

Francis: Nakilala ko si Cassandra nung pinapunta ako sa office, akala ko pasaway syang babae kaya nandun din sya yun pala
tito nya yung prinsipal, tapos lumiit ang mundo ko sa school hanggang sa rooftop na lang ang naging tambayan ko, nakita ko na
rin sya nasaktan at dinamayan ko sya pero hindi bilang ako kundi bilang "city hunter" dun ko nalaman ang pangalan nya, dun ko
rin nakita ng malapitan ang mukha nya, ngiti, at pati amoy nya, chocolates ang isa sa mga paborito nya, tinuruan nya rin ako
paano sumayaw, nakasama ko rin pala sya sa pagrereview, tapos sya rin pala ang magiging kapartner ko sa js pagkatapos ko isuko
na ang lahat. grabe ang matindi pa yung bata na tinulungan ko eh kapatid pala nya kaya naging normal na ulit ang buhay ko.
Ang tahimik kong buhay ginulo ng isang prinsesa. Bakit ba ako nagkakaganito? natuto na rin ako batiin sya ng "Hi" at sanay na
rin ako lagi ko sya nakakasama pag kumakain sa canteen. Masaya ako pagkasama sya, pakiramdam ko sya ang dahilan bakit masaya ko
ng hinaharap ang bawat umaga, palagay ko Francis your madly inlove sa babae na yun ang problema hindi mo kayang aminin sa sarili
mo dahil natatakot ka na baka masaktan ka dahil isa syang prinsesa at ikaw ay pangkaraniwan lang...

Kinabukasan maaga pumasok si Francis at naghabilin na lang ito sa kanyang lola na nauna na syang pumasok at agad syang pumunta sa
principal's office at naghintay na lang. ilang sandali ay dumating na ang kotse unang bumaba ang prinsipal at kasunod ay si Cassandra

Francis: Sir, good morning po. Cassey good morning din sayo at sayo rin boss
Cassandra: Good morning din Francis, aga mo ata at bakit ka nandito?
Francis: Si sir may pagagawa ata
Prinsipal: Aga mo ah
Francis: Eh ayaw ko naman po na madismaya kayo sa akin boss
Prinsipal: haha yan ang gusto ko sayo bata eh, oh sya Cassandra have a nice day na lang sa inyo at enjoy
Cassandra: Ok tito same to you, bye Francis see you later
Francis: ingat din (kumaway)

At naiwan sa loob ang dalawa

Francis: Sir anu po ba pagagawa nyo po?
Prinsipal: Francis sa friday night dba may school concert
Francis: Opo sir
Prinsipal: Syempre dahil concert yun pagkatapos nun marumi ang stage at covered court, gusto ko sana ikaw na ang maglinis kesa naman
ipalinis ko sa ibang tao eh hindi rin ako nagtitiwala dahil may mga gamit dun palagay mo ba kaya mong mag isa or gusto mo may kasama
ka?
Francis: Sir wag na po kahit ako lang po kaya ko na yun since wala naman ako gagawin sa sabado at linggo eh kahit two days po linisin
yun walang problema sir
Prinsipal: Good yan ang gusto ko sayo yun lang naman wala na, so expected ko monday malinis na yun?
Francis: makakaasa kayo boss

At umalis na si Francis

Francis: Hindi naman ako pupunta sa concert na yan eh rereserba ko lakas ko para kinabukasan dahil pagkakakitaan na naman to

Habang naglalakad pinagmamasdan na naman sya ng mga estudyante, at nagtataka sya kung bakit

Francis: May sapi na naman ang mga ito anu na naman kaya ang isyu sa kanila patungkol sa akin? minsan hindi ko na rin maintindihan
ang mga ito eh

At nag umpisa na ulit ang kanilang mga klase pero kakaiba ngayon si Francis namimiss nya ang magcutting classes kaya nagbabalak ito

Francis: After recess labas muna ako, cutting classes din pag may time

At nang sumapit ang recess dala nya ang kanyang bag at pupunta na sa kanyang secret place kung saan madali lang makalabas pero hindi pa
nakakalayo ng tawagin sya ng isang babae at kilala nya ang boses na yun

Cassandra: Saan punta mo?
Francis: Ahh kasi wala yung dalawang teacher namin eh mamayang pagkatapos ng recess
Cassandra: Sure ka? dba kumpleto naman sila kaninang flag ceremony?
Francis: Ahhh ehhh

Dahil sa wala syang maisip na dahilan binulong na lang nya kay Cassandra ang gagawin, at nagulat ang dalaga

Cassandra: Hala! dba bawal yun?
Francis: Alin yung gagawin ko? hindi ah wala sa school rules na bawal yun ang alam kong bawal eh pag nahuli ka
Cassandra: Sumbong kaya kita?
Francis: bakit naman kala ko ba magkaibigan tayo?
Cassandra: Oo kaya nga susumbong kita eh
Francis: Cassey nagcutting classes ka na ba?
Cassandra: Hindi pa
Francis: Kaya naman pala eh alam mo hindi kumpleto ang high school life mo pag hindi mo nagawa ito
Cassandra: teka, pag usapan nga natin yan tara kain muna tayo baka nagugutom ka

At hinila sya ni Cassandra papunta sa canteen, hawak ni Cassandra ang kamay ni Francis habang tinitignan sila ng mga estudyante sa hallway.
Natulala si Francis sa ginawa ni Cassandra at pagdating sa canteen

Cassandra: dalawang palabok nga po at softdrinks na rin samahan nyo na po ng dalawang kalamansi
Francis: Kasabay ba natin si boss?
Cassandra: Hindi inorder ko na kakainin natin tapos libre mo ko hahahaha

at pumwesto sila sa isang table na pang dalawahan lang habang si Francis nagugulat sa kinikilos ni Cassandra

Cassandra: Bakit ka ba magcucutting?
Francis: Namimiss ko?
Cassandra: Wow ah! kamusta naman grades mo at tandaan mo graduating na tayo
Francis: Naniniwala ka ba sa isang madiskarteng estudyante?
Cassandra: Hindi! at walang ganung estudyante, matalino pwede pa
Francis: Hahaha Cassandra Althea Montemayor, kasama mo ngayon ang isang madiskarteng estudyante since first year pa
Cassandra: Hindi ka ba natatakot?
Francis: Hindi naman actually masaya pa nga eh

At parang nachachallenge si Cassandra sa sinasabi ni Francis

Cassandra: (Loko to ah, kasama ba talaga sa high school life ang pagcucutting classes?), May plano ka ba para makalabas dito
Francis: Plano? hahahaha hindi ko na need yan dahil may secret place ako at yun ang unang hinanap ko pagkatuntong ko dito sa school na ito
ang lihim na labasan
Cassandra: Hindi ba nahuhuli yun?
Francis: Bakit ba ganyan mga tanong mo?
Cassandra: Sama ako gusto ko marealize paano magcucutting?
Francis: Ha?! seryoso ka sasama ka? baka ikabagsak mo yan ako pa sisihin mo
Cassandra: Hindi line of 9 naman ang mga grades ko eh tska isang araw lang naman at ngayon lang
Francis: Nagugutom ka ba Cassandra? order pa kita ng palabok libre ko pa rin
Cassandra: Ay sige order ka para may kainin tayo sa paglabas natin
Francis: Hahahaha anu ba balak mo pag nagcutting ka picnic ba? tpos palabok ang baon natin
Cassandra: loko ka ba panu pag nagutom tayo?
Francis: hahaha cge kumain muna tayo baka nagugutom ka talaga

At kumain muna sila natatawa si Francis kay Cassandra dahil never pa pala nya naexperience ang magcucutting

Francis: Matanong ko lang nalibot mo na ba ang buong lugar natin?
Cassandra: Hindi pa, anu na balak natin

Dahil nakita nyang seryoso si Cassandra sinabi ito sa kung saan sila dadaan at nagulat si Cassandra

Cassandra: Ano?! sa likod ng CR ng mga lalaki tapos ober the bakod
Francis: Oo nga, wag ka magalala mababa lang yun mauuna na ako dun at hihintayin kita at pagnakuha mo na bag mo siguraduhin mo walang
makakakita sayo at makakasunod ah
Cassandra: Mahirap ata yan Francis
Francis: Hahahaha mahirap talaga sa sitwasyon mo paano alis na ako
Cassandra: teka, sige pupunta ako dun

At nagulat si Francis, pero wala ng oras kaya umalis na ito at nagtungo na dun sa lihim na lagusan, at naghintay. Nang makita nya padating
si Cassandra dala ang bag nya

Francis: Hala! hindi nga nagbibiro ito yari ito

At nang makarating na si Cassandra napansin nya na namumutla ito sa kaba at takot

Francis: Ready?
Cassandra: Ahhh ehh ok ready
Francis: Hindi naman mahirap sumampa sa pader eh

At lumuhod na paupo si Francis para bigyan ng matutuntungan ang dalaga sa pagsampa

Francis: Alisin mo muna ang sapatos mo tapos apak ka sa balikat ko then habang ginagawa mo yun hawak ka sa pader para hindi ka mailang na
tutumba ka
Cassandra: Parang magwawallclimbing ako parang ganun?
Francis: (wallclimbing? biglang pumasok sa isip nya yung ginagawa ni spiderman) hindi ka gagapang parang spiderman
Cassandra: Spiderman? bahala ka hindi ko magets o sya sasampa na ako

Para kay Francis mababa lang ito pero dahil sa sanay na sya at sa tangkad na rin pero kay Cassandra mahirap sa kanya, At ng sumampa na sa
balikat ni Francis unti unti naramdaman nya ang bigat ng dalaga pero nakakaya naman nito ng nakatayo ng maayos ang dalaga napatingala si
Francis at aksidente nakita nya ang loob ng palda ng dalaga

Francis: Cycling short tapos ganda ng legs ah
Cassandra: Sisipain kita Francis wag mo ko silipan
Francis: Aw!, o tatayo na ako dahan dahan ah para makasampa ka na
Cassandra: Sige game

At nakasampa na si Cassandra sa bakod

Cassandra: Grabe! ka Francis mataaas pala pagdating dito!!!! kala ko ba mababa lang
Francis: Mataas ba? o teka aakyat din ako

At pagakyat ni Francis sa bakod nagkamali sya ng apak kaya mahuhulog sya pero bigla inabot ang kamay ng dalaga

Cassandra: Hawak ka sa kamay ko para hindi ka mahirapan dalian mo baka mahuli na tayo

At humawak ito sa kamay ng dalaga at tinulungan syang makasampa, biglang naalala ni Francis ang rapunzel kung saan ang mahabang buhok ginamit
na pang akyat ng tagaligtas ni rapunzel

Francis: Rapunzel kaw ba yan?
Cassandra: Sira hahaha
Francis: teka mauna ako bumaba

At pagkababa ni Francis sa kabilang pader natatakot si Cassandra na bumaba

Francis: Baba ka na sasaluhin kita wag ka matakot
Cassandra: Saluhin mo ko ah baka mahulog ako sayo
Francis: (Oo sasaluhin kita kung mainlove ka man sa akin) Sige talon na

Pagtalon ng dalaga nasalo naman sya ng binata pero pareho natumba ito dahil sa bigat na rin ng dalaga. Nagdikit ang kanilang mga labi at kapwa
silang nagulat at agad tumayo nagkahiyaan ang dalawa at inayos ang sarili

Francis: Ok ka na? umpisa na tayong mamasyal?
Cassandra: Sige tara
Francis: Wag ka magalala babalik tayo pag oras na ng uwian

Unang dinala ng binata si Cassandra sa peryahan, at tuwang tuwa ang dalaga

Cassandra: Wow may amusement park pala dito
Francis: Hahaha hindi amusement park ito
Cassandra: Look! theres a ferriswheel and carousel
Francis: tawag dito perya sa english hmmmmm circus? basta english circus yun na yun

at dinala nya ito sa binguhan

Francis: Nakalaro ka na nito?
Cassandra: Hindi pa anu tawag dito?
Francis: Bingo madali lang to lahat ng tatawaging numero hahanapin mo sa card na hawak mo at lalagyan mo ng pananda
at pag nakastraight lines ka sa kahit anung direction sigaw ka ng darna para malaman nila na nanalo ka
Cassandra: Ahh ganun pala ok sige game

Naglaro sila ng bingo at sa unang laro hindi nananalo si Cassandra pero nagtataka sya bakit pag nanalo eh BINGO ang sinasabi

Cassandra: bakit sila bingo ang sinisigaw pag nanalo?
Francis: Anu kasi, sila kalaban natin
Cassandra: ay ganun may kalaban din pala tayo
Francis: Oo kaya dapat galingan mo ang pagtatanda ng bawat numero

Lumipas ang ilang sandali nanalo si Francis

Francis: BINGO!!!! WHOOOOOO NANALO TAYO!
Cassandra: Bakit ka sumigaw ng bingo ibig sabihin pala kalaban kita
Francis: Ahhh ehhh hindi para maisip nila na kakampi nila ako kaya ko nasabi yun

At kinuha ang premyong napanalunan isang maliit na teddy bear

Francis: Cassey para sayo
Cassandra: Thank you ang cute naman nito isa ito sa mga favorite things ko i have a lot of teddies in my room

At nagpatuloy pa rin sila sa paglalaro, hanggang sa nanalo si Cassandra

Cassandra: BINGO!!!! i win! look Francis

Nakita ni Francis ang tuwa ni cassandra sa pagkapanalo

Francis: Bakit bingo sinigaw mo dapat darna?
Cassandra: Eh kasi para malaman nila na kunyari kakampin din nila ako

At binigay naman ang premyong napanalunan ng dalaga

Cassandra: Francis this is for you since binigay mo sa akin ay pink teddy at itong nakuha ko ay brown teddy so they are couple

At kinuha naman ni Francis tara lipat naman tayo dun tayo sa mga lobo,

Cassandra: Hahaha alam ko laruin ito nakakakita na ako nito sa dba patatamain mo lang yung mga lobo para manalo ka
Francis: Tama, anu game?
Cassandra: Game!

At Nanalo si Cassandra samantala si Francis sablay ng isa at nanalo ng chocolate candy ang dalaga, lumipat naman sila sa color
game

Francis: Cassey tawag dito color game tataya ka dito sa mga kulay bago ipagulong ang 3 color dice kaya pag lumabas ang kulay na
tinaya mo panalo ka pag double yung lumabas doble din ang panalo mo
Cassandra: Ok game

At naubos ang barya ng binata at nanalo naman ng konti ang dalaga

Francis: Gusto mo ba sumakay sa mga rides na yan?
Cassandra: wag na lagi ako sumasakay sa mga ganyan pag nasa disneyland kami

at nakakita naman si Francis ng nagtitindi ng fishball

Francis: Ay heto wala sa disneyland nito at dapat kumain ka
Cassandra: Anu tawag dito?
Francis: Bola bola, kikiam at kwek kwek tawag dito is streetfood, hindi ka high school student pag di ka kumain ng mga ito kasi
isa ito sa mga kinakain ng high school student lalo na pag gutom na sila

Natawa si cassandra ng marinig yung kwek kwek

Francis: Heto ang stick tignan mo ko paano kumain

At pinakita sa dalaga paano kumain ng fishball, at ng kumain na si Cassandra ng isang pirasong fishball

Cassandra: Masarap, ito pala ang tinatawag na fishball how about kikiam tikman ko din tapos kwek kwek

Nasarapan ang dalaga kaya nagfoodtrip sila, lumipas ang ilang oras ng pamamasyal ng dalawa kapwa silang masaya,lalo na si Cassandra
dahil ngayon lang nya naexperience paano magcutting classes

Francis: Anu pakiramdam ngayon nagcucutting classes ka na?
Cassandra: Masaya na nakakakaba?
Francis: HAhahah sa una lang yan tara punta tayo sa isa sa pinakafavorite place ko pag ako ay nagcutting

Pumunta sila sa isang mataas na lugar na kung saan tanaw mo ang buong bayan

Cassandra: WOw! ang ganda dito! tanaw ang buong bayan natin... yun ung school natin oh! ang ganda dito Francis
Francis: Nagustuhan mo ba?
Cassandra: sobra!

Pinagmasdan ni Francis si Cassandra habang tuwang tuwa itong pinagmamasdan ang buong tanawin

Francis: Dito rin ako umiiglip pag nagcutting ako dahil sa sariwang hangin pinaghehele ka habang nakahiga ka at pinagmamasdan ang mga
tanawin
Cassandra: Alam mo sana katulad mo rin ako na karaniwan lang nabubuhay
Francis: Bakit naman? dami kaya naiinggit sayo dahil sa mayaman kayo
Cassandra: Mayaman nga kami oo masaya rin pero hindi lahat nagagawa ko tulad nito alam mo ba na bahay, school, at minsan namamasyal din
pero hindi sa mga ganitong lugar lagi na lang sa mall, amusement, at madalas sa ibang bansa
Francis: Kaya mo ba naisipan sumama para kahit paano eh maranasan mo paano mamuhay ang isang ordinaryong estudyante?
Cassandra: Ganun na nga

Dahil lagi nagpupunta dito si Francis lagi syang may baong sapin na para pag hihiga sya hindi gaano marurumihan ang damit nya at nilagtag
ito para may maupuan si Cassandra, nahiga si Francis sa makapal na damuhan at tinignan ang oras

Francis: may isa't kalahating oras pa tayo bago mag uwian dito na tayo magpalipas ienjoy mo na dahil baka hindi na maulit ito hahahaha
Cassandra: Salamat Francis ah
Francis: Salamat saan?
Cassandra: dito sa ginawa natin pinaranas mo sa akin kung gaano kasaya ang isang buhay estudyante, alam mo sa nakikita ko matalino ka naman
pero bakit hindi mo naisip na magseryoso?
Francis: Hahahaha siguro dahil sa salitang "life is short" bakit ka pa magseseryoso kung pwede naman pagaanin ang isang bagay

Natahimik si Cassandra at malayo ang tingin, tumahimik na lang din si Francis at tumingin na lang sa mga dahong nililipad ng hangin
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/10/2013) PART 17

thnkx xa update
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/10/2013) PART 17

mga ilang chapter/part n lng ts ?? Siguro 5-10 ?
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/10/2013) PART 17

UP FOR YOU ts
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/10/2013) PART 17

bitin..

more update pls...
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/10/2013) PART 17

update 16 and 17 ???? wala nmn..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/10/2013) PART 17

sarap tlga mgcutting hahahhahaha...more update sir
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/10/2013) PART 17

:clap:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/10/2013) PART 17

galing talaga, nakaka bitin lang, sana may kasunod ngayon araw :pray:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/10/2013) PART 17

Up! Up! up! UP! update nayan!
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/10/2013) PART 17

Paumanhin po lasing ako ngayon ayaw ko pilitin sarili ko na gumawa ng part maraming salamat po sa pang unawa......may pinagdadaanan lang kasi pero bukas ipopost ko na ang kasunod
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/10/2013) PART 17

ay sayang lasing pala c ts ,,,,wait kami bukas ts.. 18-19 na page update mo....salamat
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/10/2013) PART 17

Okey okey ts. Just wait nalang for updates ...

Ang galing mu talaga ts, ganda ng st0ry, :more: :clap:
 
Back
Top Bottom