Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Lola: Francis gising na at baka mahuli ka sa klase mo
Francis: Opo lola babangon na
Lola: Aalis lang ako sandali, pupunta lang ako sa tita mo ilock mo na lang ang pinto pag alis mo
Francis: Sige po mag ingat po kayo lola

At nagumpisa na ang araw ni Francis...Si Francis ay isang 4th year high school, simple, matangkad, masayahin, at ulilang lubos

Arjay: Francis tara na pasok na tayo baka mahuli na naman tayo at masaraduhan ng gate ayaw ko na mag ober da bakod
nasisira ang sapatos ko, bago pa man din ito
Francis: yabang bago sapatos pabinyag nga!
Arjay: Wag pare bago nga eh

At nagpatuloy na sila sa paglalakad...Si Arjay ang best friend nya mula elementary laging kasama sa kalokohan, sa away
at pati sa saya...

Arjay: Men! alam mo na ba ang balita?
Francis: Ano?
Arjay: Yung anak ng nagdonate ng school eh magiging schoolmate na natin
Francis: Oh? mayaman sila ah bakit sa school natin yun mag aaral?
Arjay: Hindi ko alam siguro baka gusto ng daddy nya eh matuto makisalamuha sa mga tulad nating mahihirap
Francis: Ganun ba? Nakita mo na ba yang tinutukoy mo?
Arjay: Hindi pa eh pero sa pagkakaalam ko yung prinsipal natin eh pamangkin nya un
Francis: Ahhh anung year na nya?
Arjay: 3rd year high school na daw
Francis: bakit mo pala alam?
Arjay: Anu ka ba alam na kaya sa buong school yun saan ka ba nag aaral at parang hindi mo alam?
Francis: Baka absent lang ako nun nung binalita yun
Arjay: Nagcucutting ka kasi eh...perfect attendance din pag may time
Francis: hahaha paano maya na lang
Arjay: Sige!

Naghiwalay na ng daan ang dalawa ng si Francis ay papasok pa lang sa classroom ng nakita nya ang isang magandang babae,
Si Cassandra Althea, ang anak ng nagdonate ng pinapasukan nilang school...Maputi, Mahaba ang buhok, maganda ang mata, at sexy.
Napahinto si Francis habang pinagmamasdan ang babae...

Francis: Ang ganda naman nya parang ngayon ko lang sya nakita or baka hindi ko lang sya agad napapansin...

Dahil tulala sya sa babae na yun hindi namalayan na maguumpisa na pala ang flag ceremony nila, agad tumakbo papunta sa covered
court si Francis ng napansin niyang may isang grupo dun ng mga estudyante na parang may binubully sa isang sulok...nagtago si
Francis at pinanood kung anu ang nangyayari...

4th year Student #1: Hoy bago ka lang dito ah akin na ang baon mo!
4th year Student #2,3,4,5: HEHEHEHE!!! boy bigay mo na kung ayaw mo masaktan
1st year student: Wala po ako kakainin mamaya pwede ko ibigay ang kalahati ng baon kong pera
4th year Student #1: Ginagago mo ba ako?! Alam mo bang lahat ng estudyante dito eh takot sa akin kahit mga 4th year?!
4th year Student #1: Gusto ko mula ngayon pagpasok mo yung baon mo ibibigay mo sa akin ah magbaon ka na lang ng kamote WHAHAHA!

Nang biglang nagsalita si Francis...

Francis: Hahahahaha! ganda ng drama nyo ah para saan ba yan? pati 1st year sinasama nyo ah
4th year Student #1: Wag ka makialam dito kung ayaw mo pati ikaw masaktan!
Francis: Huh? kala ko nagpapractice kayo, hoy bata anu hinihingi sayo?
1st year student: Po?! ahm baon ko po pilit nila hinihingi sa akin

At biglang sinampal ang kawawang 1st year student...

Francis: Tarantado ka ah pati hindi kayang lumaban pinapatulan mo!
4th year Student: bakit aangal ka?! mga pare papalag ata sya bigyan nga natin ng leksyon itong kupal na ito!

At biglang tumakbo papalayo ang 1st year student...at pinalibutan na si Francis ng mga sigang 4th year...

Francis: Hmmmmm mukhang mapipilitan akong magpapawis ah, limang tangang repeater, alam nyo may tatanong muna ako sa inyo?
4th year Student #2,3,4,5: Kung tatanong mo eh ay nagbibiro kami pwes! hindi
Francis: Hindi yun tanong ko lang may balak pa ba kayo umalis dito sa school? kasi kung wala eh baka pagnagkaanak na ako
eh maging classmate nyo pa eh pabugbog ko na rin kayo dun
4th year Student #1: Tama na satsat!
Francis: BRING IT ON!

At nagrambulan na kahit lima ang kalaban ni francis nagawa pa rin nyang pabagsakin medyo duguan din naman si Francis..
Hinihingal si Francis ng matapos ang away nila...

Francis: Tignan nyo ginawa nyo narumihan ang damit ko dapat sa inyo basagin ko mga mukha ninyo! tumayo kayo dyan hindi
pa ako tapos teka sakto may kahoy pala dito msubukan nga gaano katibay itong kahoy

Napansin ni Francis na nandun pa rin pala ang 1st year student...

1st year student: Kuya ang dumi na ng uniform mo paano ka papasok sa class mo at duguan ka rin
Francis: Bata, pwede ko ba hiramin yang uniform mo? hindi ako pwede hindi pumasok ngayon lalo na may exam kami
1st year student: huh?! kuya hindi ko alam kung kakasya sayo to tsaka may patches ang uniform natin makikita nila na
pang first year ang uniform mo...
Francis: Hiramin ko na at bukas babalik ko sayo yan wag ka na lang pumasok ngayon at maglakwatsa ka na lang...bayad mo na
lang yan sa pagtatanggol ko sayo

Hindi na nakapagsalita ang pobreng 1st year at hinubad ang uniform....at pagsuot ni francis sa uniform halatang halata na
hindi kanya...

Francis: Bata!, Bukas magkita tayo sa canteen bibigay ko itong uniform mo umalis ka na at baka magulpi ka pa ng mga ito
1st year student: sige po kuya maraming salamat
Francis: Wala yun wag ka maniniwala sa mga sinabi nila mga nagpapanggap lang ang mga yan...

At nagober da bakod ang 1st year student habang si francis naman ay pupunta na sana sa isang CR ng bigla sya naabutan ng
Prinsipal at nakita ang 5 estudyante na nakahandusay pa...

Prinsipal: Anu ginagawa mo dito?! at bakit duguan ka pati sila?!
Francis: Ahhh ehhh sir anu po kasi...
Prinsipal: wag ka na gumawa ng palusot kitang kita naman na sinaktan mo ang 5 estudyante na yan at dahil lumaban sila sayo
pinagpapalo mo sila ng kahoy! Grabe ka talaga Mr. Santos! mamaya pag recess pumunta ka sa office!
Francis: pero sir anu po kasi...
Prinsipal: Tama na palusot!
Francis: opo sir

Hindi na nakakibo si Francis at umalis na lang...habang ang limang estudyante pinagsabihan din ng prinsipal...nagtungo si Francis
sa CR...naghihilamos at hindi lubos maisip na bakit sya pa ang lumabas na mali...pumasok na si francis sa classroom nila...

Nang Break Time na nila pumunta na si Francis sa office ng makita nya ulit ang babaeng pinagmasdan nya kanina na nakatayo sa
labas ng office...

Francis: Siguro pasaway din ang babaeng ito? kaya nandito din sa office, siguro nahuling nagcutting ito...sayang wala sa hitsura
mo gagawa ka ng kalokohan ganda mo pa naman...

Nang nasa harap na sya ng office si francis tinitignan sya ng babae...

Francis: Nandyan ba yung walang kwentang prinsipal natin?
Cassandra Althea: Huh? Ano pinagsasabi mo?! (Pagalit na nagtanong?)
Francis: Sabi ko kung nandyan ang prinsipal nating hindi nag iisip? kilala mo naman ang prinsipal natin siguro?!
Cassandra Althea: Oo naman kilala ko prinsipal natin! Ako kilala mo ba?! kaya pala 1st year ka dahil wala kang manners!
tanda mo na sa year na yan ah REPEATER!

Lalo uminit ang ulo ni Francis...

Francis: Alam mo miss kung papaliwag ko sayo mahabang istorya at tsaka hindi ko alam kung sino ka!
cassandra Althea: Well, ako lang naman ang pamangkin ng prinsipal na sinasabi mong walang kwenta!

Nagulat si Francis sa narinig kaya...

Francis: Ako kilala mo?!
cassandra Althea: Hindi! malamang 4th year ako kaw 1st year pa lang
Francis: GOOD!

At biglang tumakbo ng mabilis si Francis palayo sa office

cassandra Althea: Aba kala nya hindi ko sya isusumbong at baka nakalimutan nya na nakita ko ang patches ng baduy nyang uniform
humanda sya kay tito kick out aabutin nya...

Nang dumating ang Prinsipal kasama ang ilang staff at napansin sya ng isang teacher...

Teacher: Sir yan po ba yung sinasabi mo na pamangkin mo?
Prinsipal: Oo ahm Althea heto pala ang mga magiging teacher mo dito sa school so kamusta ang pamamasyal mo dito sa school?
cassandra Althea: Good Morning po sa inyo, ok naman po tito maganda nga dito tulad ng pagkakasabi ni papa hindi ako maboboring dito
pero may mga estudyante lang na walang manners ang nag aaral dito...
Prinsipal: Huh?! Anu pinagsasabi mo hija? may nang away ba sayo dito?
cassandra Althea: Wala naman po kaya lang may isang first year student dito na ang tawag sayo eh prinsipal na walang kwenta!
Prinsipal: Ano sinabi nya yun?! at first year pa baka nagkakamali ka hija?
cassandra Althea: hindi po nakita ko sa patches nya first year pa lang po baduy pa ng uniform nya parang kapos sa tela or baka
style lang nya yun mukha syang gagawa ng gulo dito dapat po tito ikick out mo na yun wala syang manners...
Prinsipal: Hayaan mo hija bukas sa flag ceremony ituro mo sa akin yung first year student na yun ng mabigyan ko ng leksyon
cassandra Althea: Sige po tito kala nya hindi ko nakita ang patches ng uniform nya

Samantala si Francis naman ay hindi na lumabas ng classroom hanggan sa matapos ang klase nila at bago lumabas sinigurado nya na
hindi na nya makakasalubong pa ang pamangkin ng prinsipal...
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/10/2013) PART 17

Ok lng ts.
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/10/2013) PART 17

:weep::pray:ok lang ts
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/12/2013) PART 18

Part 18

Lumipas ang ilang sandali nahiga na rin si Cassandra sa tabi ni Francis

Cassandra: Ang ganda ng mga dahon ng punong ito no?
Francis: Oo
Cassandra: Naniniwala ka ba tadhana?

Napatingin na lang ang binata kay Cassandra

Cassandra: Palagay mo nakatadhana din kaya itong ginawa nating kalokohan na tumakas sa school
Francis: Ang alam ko lang may swerte at malas pero lola ko naniniwala sa tadhana na yan
Cassandra: Bakit naman ganun ang paniniwala mo?
Francis: Mahabang storya Cassey
Cassandra: Maraming oras pa Francis para mapakinggan ko ang mahabang kwento na yan

Bumangon si Francis para umupo at ang kanyang tingin ay napakalayo, pinagmamasdan ang tanawin

Francis: Bata pa ako ng mamatay ang mama ko sa sakit na leukemia dahil sa komplikasyon sa panganganak nya sa bunso kong
kapatid, 3 months lang ang lumipas sumunod na rin ang bunso kong kapatid, ako at si papa na lang ang natira sa bahay,
sa tuwing makakakita ako ng isang nanay na inaalagaan ang kanyang anak aaminin ko naiinggit ako kung ano ang pakiramdam
ng may isang nanay na nagaalaga sayo, ilang alaala lang ang natatandaan ko mula kay mama yun ung susunduin nya ako sa
school, susubuan nya ako pag kumakain kami at pagtinuturan nya ako kung paano bumasa at sumulat hanggang dun lang ang
alam ko, tanda ko pa rin ang sinabi ko nung nalaman kong patay na si mama ang sabi ko nun "balang araw susulat din sya
sa akin" lumipas ang panahon hanggang sa unti unti ko ng natatanggap ang katotohanan, nagrebelde ako kay papa, nagkasakitan
kami pero hindi ko ginusto yun lumipas ang ilang buwan hindi kami nagkikibuan ni papa, hanggang sa dumating yung isang
hapon pagdating ko mula sa school, sa harap ng bahay nagtataka ako bakit madilim ang buong loob ng bahay pumasok ako sa
kusina at walang tao isa isa kong binuksan ang mga ilaw mula kusina hanggang sa salas pero wala talagang tao hanggang sa
bumalik ako ulit sa kusina at nakita ko si papa sa isang sulok...patay na, cardiac arrest ang kinamatay nya iniisip ko kung
paano sya namatay, nung mga oras na yun nagluluto sya ng paborito kong ulam at yun na din pala ang huling luto nya, namatay si
papa ng hindi kami nagkakaayos, parang isang tanong na may sagot talaga pero hindi mo na malalaman kailanman kung ano ang sagot
na yun, labis ko pinagsisisihan hanggang ngayon yung sa papa ko kaya hindi ko magawang patawarin ang sarili ko, mula nung bata pa
ako hanggang ngayon isa lang iniisip ko malas akong tao at kahit kailan hindi ako magiging maligaya, sabi ni Lola yung
Diyos daw ay mabait, hindi ako naniniwala dahil kung mabait Sya bakit nya maagang kinuha si mama at si papa

Nakatalikod man si Francis kay Cassandra, ramdam nya kung anu ang hinagpis na nararamdaman ng binata kaya tinapik nya ito
sa balikat, at tumabi sa binata. at inabot ang kanyang panyo

Cassandra: Francis, totoong may Diyos naniniwala ako may plano sayo ang Diyos hindi ko nga lang alam kung anu yun pero
maniwala ka, at walang taong malas at swerte at naniniwala ako na magiging maligaya ka rin ayaw ng Diyos na lahat tayo
ay mabuhay sa kalungkutan...At matagal ka na pinatawad ng papa mo Francis dahil mahal ka nya kaya patawarin mo na sarili mo
at palayain sa lungkot at hinagpis na nandyan sa dibdib mo

Nakita nya lumuluha si Francis kaya isinandal nya ang ulo ng binata sa kanyang balikat. Naluluha na rin si Cassandra pero
kailangan nya muna maging matatag, naaalala nya rin ang kanyang ina

Lumipas ang ilang oras kailangan na nila bumalik sa school, malayo pa rin ang tingin ng binata

Cassandra: Tara na Francis balik na tayo

At hinawakan nya ang kamay ng binata at hinila pababa, nagpakita si Cassandra ng isang masaya at masiglang buhay. Ngumiti na
rin si Francis pakiramdam nya gumaan ang kanyang dibdib, at masaya silang bumalik sa school. Pgadating sa "lihim na lagusan"
nauna umakyat si Francis para tignan ang paligid sa loob ng school at sakto may mga estudyante ng lumalabas sa kani kanilang
mga klase at binalikan si Cassandra

Francis: Ok sakto lang ang pagdating natin tulad ng kanina kung paano ka umakyat ganun lang din ang gagawin mo ngayon ah
Cassandra: Ok sige

Nakaakyat na silang pareho at nauna bumaba si Francis para alalayan pababa ang dalaga at ng makababa na sila nag iba na sila ng
daan. papunta na sa Canteen ang dalaga ng bigla nya makasalubong ang kanyang tito

Prinsipal: Oh Cassey wala ka daw buong araw sa klase mo saan ka nagpunta?
Cassandra: Ahhh ehh tito anu kasi

Namumutla at bumibilis ang tibok ng puso ng dalaga dahil sa takot at pinagpapawisan ito dahil hindi alam kung ano ang sasabihin

Cassandra: Ahhh tito kasi po ahm
Francis: Uy Cassey heto na pala ang mga script na gagamitin sa play ng snow white and seven dwarfs, boss good afternoon po

Litung lito ang dalaga sa biglang pagsulpot ni Francis at hindi pa rin nya makuha ang ginagawa ni Francis

Prinsipal: Script? para saan ito?
Francis: Ahm sir si Cassey po kasi eh ininvite para po maging snow white sa gagawing play dyan sa kabilang barangay natin, eh
kanina pong recess sinama para makita yung venue na pagdadausan at mga cast nito sinamahan ko na po sir at inuudyukan sya pumayag
na kasi bagay na bagay sya maging snow white, pag iisipan pa raw nya sir

At dahil sa dalang script ni Francis, naniniwala ang prinsipal sa sinasabi ng binata

Francis: Sir ayaw nga sana sabihin sayo ni Cassey eh
Prinsipal: Huh?! bakit naman Cassey?
Francis: Balak nya po kasi kayo supresahin sana kaya lang hindi nya alam paano nya ilulusot yun dahil hindi naman marunong magtago
hahahahaha
Prinsipal: Hahahahahaha natuwa naman ako sayo Cassey kunin mo na yung role ni snow white
Francis: Pagiisipan pa raw nya sir dahil sa totoo lang medyo mahihirapan sya dahil sa practice sabi ko kung hindi mo kaya wag na
kunin lapit na graduation kasi eh, tama po ba ako sir?
Prinsipal: Oo tama yun hija, kung sa palagay mo hindi mo kaya wag mo na kunin
Francis: See!, Kahit wag mo na kunin yun para sa akin hindi ka lang snow white, cinderella ka pa!
Prinsipal: hahahahaha ok na sana pipick up ka pa eh, Cassey wag ka masyado magdidikit dito ah
Francis: Sir naman
Prinsipal: O sya punta lang ako sa clinic may kukunin lang see you later Cassey
Cassey: Ahhh ehhh sige po tito ingat po

At lumayo na ang prinsipal, nakahinga ng maluwag ang dalaga, samantala si Francis paalis na rin sana

Cassandra: Hoy! San ka punta
Francis: Ahh ehh uuwi na
Cassandra: Pagkatapos mo ko makitang putlang putla at hindi alam kung anu ang sasabihin tsaka ka lang aalis?!
Francis: Sino ba nagsabi na mamutla ka at kabahan ng husto?

Napaisip ang dalaga sa tanong ng binata, at naiinis dahil tama nga naman ang binata

Cassandra: Oo na, Francis salamat ulit ah
Francis: Hindi ka ba nagsisisi na nagcutting classes ka?
Cassandra: Hmmmm kanina nung kaharap ko si tito ngayon hindi na hahaaha, seriously hindi at wala ako pinagsisisihan
Francis: Maraming salamat din Cassey, kita na lang tayo bukas uwi na ako
Cassandra: Uhm ingat ah

At umuwi na si Francis dala nya ang panyo ng dalaga, samantala si Cassey ay nagpunta na sa Office para magpahinga habang hinihintay ang
pagdating ng kapatid at ng prinsipal. Habang naglalakad pauwi si Francis iniisip nya na ang buong araw na magkasama sila

Francis: Ang sarap ng feeling yung isama mo sya sa mga mong paboritong lugar at tuwang tuwa sya dahil ngayon lang nya naranasan. Ibang iba
sya sa lahat ng babaeng nakikita at nakikilala ko, Sya yung babaeng gusto ko makatuluyan sa hinaharap at makasama habang buhay, mahal ko na
sya kahit na isa syang prinsesa at ako ay karaniwan lang, kahit sa pangarap lang atleast mahal ko sya, atleast sa pangarap ko kami ang
magkasama, hanggang dun na lang yun dahil sa kanya na rin nagmula na nakilala na nya ang sinasabi nyang "itinadhana" sa kanya at
naniniwala ako na magiging masaya sya dun at magiging maligaya sila. Masaya ako dahil nakinig sya sa kwento ko, tanggap ko na hanggang
kaibigan lang turing nya sa akin

Pagdating sa mansyon ni Cassandra, wala pa ang kanyang ama kaya dumeretso na ito sa kanyang kwarto at nagpahinga, masaya si Cassandra
dahil kahit papaano naranasan nya ang pagcucutting classes, at mamasyal sa magagandang lugar

Cassandra: Loko rin si Francis, kala ko mahuhuli ako ni tito, masarap pala yung fishball tsaka yung kwek kwek ay uu nga pala yung pink
teddy bear nasa bag ko pa,

At kinuha ang pink teddy mula sa bag nya

Cassandra: Hmmmmm anu kaya magandang ipangalan sayo? ahh papangalanan kitang snow white at isasama kita dito sa aking mga collection.
snow white ang iyong prinsipe nandun sa kaibigan ko hayaan mo magtatagpo rin kayo nun hindi ko nga lang alam anu ang kanyang ipapangalan
sa binigay ko na brown teddy bear, hayaan mo tatanong ko sa kanya para alam mo ang pangalan ng prince charming mo, alam mo kakainggit
kang teddy bear kasi ikaw alam mo kung nasaan yung prince charming mo samantala ako nakasayaw ko nga hindi ko naman sya kilala, sapatos lang
ang bukod tanging magbubuklod sa amin, paano magaaral muna ng studies ah
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/12/2013) PART 18

... Hmmmf, nakakalungkot pala yung nangyari kay mama at papa ni francis, ahaha,
:more: :more: bitin ...
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/12/2013) PART 18

:clap:bitin update muna ts pangbawi kahapon hehe
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/12/2013) PART 18

wow bago.. thanks sa pag-update TS..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/12/2013) PART 18

waiting 4 updates ts...
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/12/2013) PART 18

waiting mode.....
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/12/2013) PART 18

nakakalungkot naman.......
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/12/2013) PART 18

update plss....
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/12/2013) PART 18

la prin update si ts .. Pagnag.update k dapat marami haha bawi bawi din ts haha
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/12/2013) PART 18

hmm,2 days na d nkapag update ah.
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/14/2013) PART 19

PART 19

Nagpapaantok na si Francis at naisipang makinig ng radyo habang nakikinig may naalala sya ng marinig kantang "Unang Halik" ng
Kamikazee

Francis: Oo nga pala kaninang nagcutting kami may nangyari pala na hindi ko inaasahan, aksidente nagdikit mga labi namin ibig
bang sabihin nun sya ang first kiss ko?...ganun pala ang labi ng isang babae malambot, sa kanya kaya? ako rin kaya ang first
kiss nya? anu ba yan kinikilig ako hehehehe

Kinabukasan nag uusap ang dalawang magkaibigan habang naglalakad papunta sa school

Francis: Ibig sabihin sa college hindi na tayo magkikita?
Arjay: Oo, si Daddy kasi nilipat sa Cebu, at magtatagal daw sya dun kaya pati kami sinama na
Francis: Ganun ba?, hindi ko alam kung malulungkot ako pero men sasabihin ko sayo mula pagkabata, turingan magkapatid na tayo
Arjay: Hindi ko rin alam kung magiging maganda sa akin to kahit papaano naman ayaw ko rin kasi eh pero kailangan dahil si
daddy
Francis: Tuloy pa rin naman ang buhay men, tulad ng pangarap natin mula pagkabata magiging pinakamagaling tayo na pulis at
attorney
Arjay: Pagnagkita na ulit tayo nun men, Isa na akong ganap na pulis
Francis: Ako siguro baka hindi pa tapos nun pero sisikapin ko na maging attorney rin balang araw
Arjay: Men, napapansin ko madalas na kayo magkasama ni Cassandra ah
Francis: Madalas ba?
Arjay: Oo naman, alam mo kitang kita naman na may gusto ka sa kanya bakit hindi mo kasi ligawan wala naman problema kung
susubukan mo?
Francis: Men, mahal ko na sya pero hindi ko sya pwede ligawan, gusto ko muna makatapos ng pag aaral yan muna kasi ang gusto
ko eh
Arjay: Bakit hindi mo sya pwede ligawan?
Francis: Nakilala na nya ang nakatadhana raw sa kanya?
Arjay: Nakatadhana? ibig mo sabihin men yung mapapangasawa nya balang araw?
Francis: Oo siguro
Arjay: Sabagay men dati pang kaugalian ng mga mayayaman yan yung ipagkakasundo nila ang kanilang mga anak dahil sa yaman
Francis: Baka nga yun ang dahilan kaya nya nasasabi yun
Arjay: Pang "pangarap lang kita" talaga ang papel ni Cassandra sa inyo hahaha
Francis: Sa akin ok na yun, natupad naman ang munting pangarap ko na maisayaw sya

Pagdating sa loob ng campus, lahat ng pumapasok na student binibigyan ng "student's journal" isang dyaryong pang eskwela
at inumpisahan basahin ito nila Francis at Arjay, nagulat sila sa pinaka highlight ng journal ay ang artikulong
"Cinderella's Man". Ito ay naglalaman kung sino ang misteryosong lalaki na kapareha ni Cassandra na biglang umalis sa js
prom dala ang isang sapatos ng dalaga

Arjay: Grabe men hindi ako makapaniwala dito ah totoo ba ito dala mo ang isang sapatos ni Cassandra?
Francis: Wag ka maingay men baka may makarinig, totoo men yan yung dahilan bakit hindi pwede malaman dahil mismo si
Cassandra wala ding idea na ako ang kanyang kapareha
Arjay: Ahhhh pero men astig ah gandang pakinggan "Cinderella's Man" sikat ka na men
Francis: Sira wala sa isip ko yan kahit ako nagulat na nadyaryo pala ang pangyayari na yun
Arjay: Anu ka ba men, Cassandra Althea Montemayor yun, iconic student, multi awarded transferee student kaya
BIG DEAL yun
Francis: ewan ko wala ako masabi

Buong campus yun ang naging topic ulit, akala ni Francis tapos na ang issue na yun pero nahalungkat ulit dahil sa journal,
sino nga naman ang hindi makakapaniwala na isang simpleng estudyante biglang sikat dahil lang sa isang magandang babae, kahit
para kay Francis wala lang sa kanya ito pero sa lahat ng mag aaral isang breakthrough ang nangyari dahil sya ang mapalad na
lalaki na nakapareha ng dalaga.Pagpasok ni Francis sa classroom parang may kulang at iyon ay hindi nya nakita si Cassandra

Francis: Parang wala pa si Cassandra, kasi ang daming estudyante dito sa labas ng hallway eh, nakakapanibago walang magandang
good morning na sumalubong sa akin, makabalik na nga lang sa upuan ko

Dahil normal lang sa classroom ang ginagawa ni Francis na magcutting hindi na sa kanila bago na biglang pagkawala ng
binata kahapon, nagumpisa na ang mga klase sa school pero si Francis hindi makapagfocus sa klase nya dahil iniisip nya kung
pumasok ang dalaga ngayon at lumipas ang ilang oras recess time na at pumunta ito sa canteen para kumain, habang kumakain sa
isang sulok, nakita nya ang dalaga at nakita rin sya nito at pumunta sa kanyang mesa para sumabay

Francis: Good Morning kamusta araw mo Cassey?
Cassandra: Good Morning din heto ok lang medyo masaya ako kasi nasa journal kami ng partner ko sa js at talagang highlights
Francis: Hahahaha anu ba masasabi mo sa title na "Cinderella's Man"
Cassandra: Totoo naman eh since ako ang reyna nung gabi na yun sya naman ang hari, pero hindi ko alam kailan kami magkikita
nun wala naman kasing sinabi eh kaya ang tanging magagawa ko ay ang hintayin sya

Natawa na lang ang binata sa sinabi ng dalaga at sumubo na lang sa kanyang pagkain, napansin ito ng dalaga at nagtaka

Cassandra: Bakit ka naman natawa?
Francis: Wala lang anu ba inieexpect mo sa kanya kung sakali gusto mo sya makilala?
Cassandra: Sana nga ikaw na lang yun eh,

Nagulat ang binata sa narinig at natulala, lumalabas na talagang hindi kilala ni Cassandra ang kanyang partner nung js

Francis: Hahahaha ikaw ah palabiro ka na ngayon
Cassandra: huh?! hindi ah kaya ko naman kasi nasabi yun kasi magaan din ang loob ko sa kanya kahit hindi kami magkakilala

Habang kumakain sila tulad pa rin ng dati may mga lalaki na gusto makasabay sa mesa ang dalaga kaya napunta na naman sa huli
ang probreng binata, natapos ang recess at naunang umalis ang binata

Francis: Cassey una na ako salamat ah
Cassandra: Salamat din Francis have a nice day
Francis: sayo rin have a nice day

Hindi sa kalayuan nakikita pala ni Arjay ang dalawa at may napansin si Arjay sa dalaga

Arjay: Parang pamilyar sa akin yung bracelet na yun, parang nakita ko na yun dati eh biruin mo may ganun din pala si
Cassandra, tama, may ganyang napulot si Francis naisauli na nya kaya yun?

Habang naglalakad si Francis papabalik sa classroom nakita nya na nagmamadaling tumatakbo ang ilang estudyante papunta sa
canteen, napatingin sya ulit sa canteen at nagtataka

Francis: Anu meron sa canteen bakit nagmamadali sila pumunta dun, malamang kay Cassandra normal na lang ang ganyan
siguro iinterviewhin sya dahil nasa journal sya

habang nakaupo sya nakatingin sya sa rooftop

Francis: Matagal na din pala ako hindi tumatambay dun ah, sya kaya pumupunta pa kaya dun? lapit na finals malamang baka
maisipan nya na pumunta ulit dun para magreview

Lumipas ang araw maaga pinalabas ang mga estudyante para makapagpahinga at makadalo sa school concert sa gabi pero si Francis
hindi dadalo dahil kinabukasan sya ang maglilinis ng pinagdausan. Pagdating sa bahay wala ang kanyang lola naghabilin sa
kapitbahay na umalis sandali, kaya habang wala pa ang kanyang lola ginawa na nya ang kanyang mga gawaing bahay at ng matapos
ay pumunta na sa kanyang kwarto, nakita nya yung brown teddy bear na nakalagay sa kanyang study table

Francis: Heto pala ang unang binigay sa akin ni Cassandra, naalala ko tuloy yung saya nya habang naglalaro sa peryahan walang
katumbas yung tuwa nya para syang bata na ngayon lang nakapunta sa peryahan. Lumipas ang gabi at pumunta si Arjay sa
kanila para yayain sya na manood ng school concert

Arjay: Men tara na hindi ka ba pupunta?
Francis: Hindi men may raket ako bukas eh kaw na lang ingat ah
Arjay: Ganun ba? sige una na ako
Francis: Balitaan mo na lang ako men
Arjay: Cge men

Nagtaka ang lola nya kaya tinanong sya nito

Lola: Bakit hindi ka sumama apo?
Francis: Eh lola may gagawin po kasi ako bukas eh
Lola: Ah ganun ba? anu naman yun
Francis: Ahm group project po, cge po lola matutulog na ako
Lola: O cge apo

Malapit na ang kaarawan ng lola ni Francis at gusto nya ito surpresahin kaya ganun na lang nya kagusto na kumita para
makabili ng ipangreregalo para sa matanda, maaga nagpahinga si Francis para maaga sya magising at matapos ng isang araw ang
paglilinis. Samantala masigla at maingay ang buong covered court maraming estudyante ang nanonood at naghihiyawan kabilang
na dito si Cassandra kasama ang ilan nyang mga classmate at kaibigan, habang naghihiyawan sa loob may hinahanap si Cassandra

Classmate #1: Sis may hinahanap ka ba?
Cassandra: Ahh eh wala

Hanggang makita nya si Arjay at pinuntahan nya sandali

Cassandra: Hi
Arjay: Hi din bakit?
Cassandra: diba lagi mo kasama si Francis?
Arjay: Oo bakit?
Cassandra: Nasaan sya ngayon?
Arjay: Ay hindi sya sumama ngayon eh
Cassandra: Ganun ba? Bakit daw?
Arjay: May raket daw sya
Cassandra: Raket? anu un?
Arjay: Raket...pagkakakitaan
Cassandra: Ahhhh ganun ba sige salamat ah
Arjay: Ok lang

At bumalik si Cassandra sa kanyang grupo

Cassandra: Loko yun ah hindi pumunta kala ko pa naman nandito sya sayang gusto ko pa naman sya kasama ngayon

Habang lumilipas ang oras dumadami ang estudyante sa loob ng covered court at patuloy na naghihiyawan at nagsasaya. Pati si
Cassandra ay nakisaya na rin hindi nya namalayan na natanggal ang suot nyang bracelet, dahil may mga ilang banda na pumunta
sa kanilang school natapos na ang concert ng madaling araw na at umuwi si Cassandra hindi alam na wala na sa kanya ang
bracelet
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/14/2013) PART 19

nice ts .. Tadhana nga naman .. ang swerte talaga ni francis dahil makikita at makukuha nya ulit yung bracelet :) Haha
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/14/2013) PART 19

ikaw na francis ahahhahah, nakaka bitin ts.... :)
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/14/2013) PART 19

nice updatwme ts salamat
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/14/2013) PART 19

galing talaga ni TS mambitin :clap:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/16/2013) PART 20

PART 20

Maaga nagising si Francis, umalis ng bahay tulog pa ang kanyang lola, masigla si Francis na pumunta ng school. Nang nakarating
na sa school hiniram nya ang susi ng bodega para kumuha ng panlinis at may binigay na sobre ang security guard

Guard: Totoy may pinabibigay si sir para sayo
Francis: Salamat po manong

At pagkabasa ni Francis nakita nya na ang laman ng sobre ay pera at may nakasulat na "paunang sahod mo yan". Lalong ginanahan
si Francis kaya pagpunta nya sa covered court naghihintay na sa kanya ang marumi at puro basura na covered court

Francis: Grabe ah hindi ko akalain ganito pala katindi ang iiwanang basura ng mga nanonood ng concert sabagay matatapos ko
ito bago sumapit ang gabi mag umpisa na ako para maaga rin ako makauwi

Nagumpisa ng maglinis ang binata, at habang naglilinis iniisip na nya kung anu ang magandang iregalo sa kanyang lola. Kahit
mag isa lang sya sa loob ng covered court, naaalala nya ang nakaraang js prom

Francis: Dito sa stage na ito sinayaw ko ang pinakamagandang babae sa buong campus, nasaksihan ng lahat ang aming huling
sayaw

Tanghali na ng magising ang dalaga, pag unat nya ng dalawang kamay nya napansin nya parang may kulang,

Cassandra: Oh my God!. wala ang bracelet ko!

At hinalughog ang kanyang kama nagbabakasakali na baka natanggal lang pero bigo sya na makita ito, hinalungkat din ang ilalim
ng kama pero bigo pa rin sya kaya lumabas ito sa kanyang kwarto at bumaba para itanong kung may nakita silang bracelet

Maid: Good Morning po Ms. Cassandra
Cassandra: Ahm good morning din ahm may itatanong lang ako may nakita ba kayong bracelet kahapon or kagabi or kanina?
Maid: Ahm sorry po ma'am pero wala po eh
Cassandra: Ganun ba ahm kasi nawawala eh

Hanggang sa dumating ang kanyang personal maid

Manang: Ms. Cassandra magandang umaga kamusta ang inyong panonood ng concert
Cassandra: Good morning din manang ok naman po kaya lang nawawala ang aking bracelet yung bigay ni mommy
Manang: Ganun po ba? hayaan nyo po pag wala na po ginagawa ang ating mga maid eh tutulungan po namin kayo maghanap
Cassandra: Maraming salamat po manang
Manang: Nakahanda na po ang inyong pagkain Ms. Cassandra, kumain na po muna kayo
Cassandra: Si daddy po pala nasaan?
Manang: Nasa opisina na

Natapos nang maglinis ng stage si Francis at nagumpisa na sya linisin ang basketball court, habang naglilinis ito nakaramdam
sya ng gutom kaya naisipan na kumain muna at mamaya na lang ipagpatuloy ang paglilinis. Si Arjay naman ay pumunta sa kanilang
bahay para makipagkwentuhan pero si lola lang ang kanyang nadatnan kaya umuwi na lang ulit sya. Si Cassandra naman ay patuloy
sa paghahanap sa kanyang bracelet at malapit na syang umiyak, hinalughog na ang lahat ng sulok pero bigo syang makita hindi
nya alam kung paano ito nawala kaya ganun na lang sya kalungkot

Cassandra: Magagalit si Mommy kung sakali nalaman nyang nawala yung bracelet, ayaw ko naman umasa sa sinasabi ni Daddy baka
nagkataon lang yun

Tirik na tirik ang araw at maalinsangan ang paligid pero si Francis ay nagpatuloy na sa paglilinis ng basketball court,
tahimik ang paligid, tanging huni lang ng mga ibon ang maririnig, sa pagwawalis ni Francis may nakita syang bracelet at
dinampot nya ito

Francis: Parang pamilyar sa akin itong bracelet na ito? sigurado akong nakita ko na ito eh, kung hindi ako nagkakamali
ganitong ganito ang sinauli ko sa daddy ni Cassandra?...teka kung kay Cassandra nga ito ibig sabihin nahulog na naman nya
ito? grabe namang babae yun hindi ko alam kung ayaw nya sa bracelet na ito kaya ganito na lang syang pabaya tago ko na lang
muna ito

At nagpatuloy ulit sya sa pagwawalis, magtatakip silim na ng matapos ang binata talagang napagod sya sa buong araw na
paglilinis kaya naisipan nya muna magpahinga habang tinitignan ang napulot nyang bracelet at nagiisip

Francis: Naalala ko nga pala nung js binanggit ko sa kanya na ako ang nakapulot sa bracelet na ito pero ang nakakapagtaka dun
bakit ganun na lang sya kainteresado na makilala nya ako at talagang gumawa pa ng paraan para lang malaman nya ako yung
nakapulot, hindi ko alam kung gaano kaimportante sa kanya ang bracelet na ito pero bakit nga ba lagi ka nahuhulog? at ang
nakakatawa ako ulit ang nakapulot sayo, dahil dyan sa araw ng graduation dun na lang kita isasauli sa kanya kasabay ng
pagsabi sa kanya na ako yung lalaki sa rooftop, ang kanyang kapartner nung js at ang nakapulot sayo. Pagkauwi ni Francis sa
bahay sinermunan sya ng kanyang lola dahil hindi na sya nagpaalam ng umaga tapos gabi na sya umuwi, humingi na lang sya ng
sorry sa kanyang lola

Lola: Nga pala si Arjay pumunta dito kanina sabi ko wala ka
Francis: Bakit daw po lola?
Lola: Wala lang hala kumain ka na at mukhang pagod na pagod ka
Francis: Sige po

Samantala ang kawawang dalaga ay walang ginawa buong araw kundi maghanap sa wala hanggang sa dumating ang kanyang daddy at
luhaan itong lumapit sa kanya

Cassandra's Father: Oh Cassey why are you crying?
Cassandra: Daddy yung bracelet ni mommy nawala po ulit
Cassandra's Father: Again? hahahaha dont cry for it my daughter
Cassandra: why?
Cassandra's Father: did you forget? babalik yun
Cassandra: Paano kung hindi na dad?
Cassandra's Father: Eh di sorry ganun talaga

Nalungkot lalo si Cassandra sa sinabi ng ama kaya umakyat na lang ito sa kwarto at nagiiyak, naiwan sa hall ang kanyang ama

Cassandra's Father: Hindi man ngayon pero sigurado ako babalik yun kasama ang lalaking nakatadhana sayo

Kinabukasan bumalik si Francis sa school para i check kung may nakaligtaan pa syang linisin at pagdating dun wala na syang
nakitang maruming paligid kaya nagpasya na syang umuwi pagkatapos maitapon ang lahat ng basura sa dumadaang trak ng basura.
Lumipas ang ilang oras dumating sila Cassandra naisipan na hanapin ito sa covered court pero pagdating nya nadatnan na lang
nya na malinis na ang paligid, lalo syang nalungkot dahil hindi na nya alam kung saan pa hahanapin ang nawawalang bracelet
pabalik na sana sya ng kotse ng maisipan nyang itanong kung sino ang naglinis at nasaan ang mga basura

Cassandra: Manonng sino po yung naglinis ng covered court at nasaan po yung mga basura na nagmula dun?
Guard: Yung naglinis ba kamo? kanina nandito sya at sya na rin ang nagtapon ng mga basura siguro mga dalawang oras na ang
lumipas at umalis na bakit ba hija?
Cassandra: Ganun po ba? wala po sige po salamat

At umalis si Cassandra ng school at bigo sya na makita ang bracelet. Nakauwi na si Francis at naalala nya yung bracelet na
nasa bulsa ng kanyang pantalon at kinuha nya ito at nilagay sa isang kahon

Francis: Sigurado ako kay Cassandra ito, malalaman ko rin pag wala syang suot na bracelet sa lunes

Sakto naman ang pagpasok ni Arjay sa kwarto ni Francis

Arjay: Oh! hanggang ngayon yang bracelet na yan hindi mo pa naisasauli sa may ari? akin na lang men bigay ko sa gf ko
Francis: Hindi pwede kilala ko may ari nito
Arjay: Bakit hindi mo pa ibigay kung kilala mo pala?
Francis: Sa graduation na lang
Arjay: Oo nga pala hinahanap ka kagabi ni Cassandra tinatanong ka sa akin?
Francis: Huh? bakit ako hinahanap nun?
Arjay: Malay ko

Nagtataka bakit sya hinahanap ng dalaga pero natutuwa rin sya dahil dun

Arjay: Alam mo men ligawan mo na kasi masyado ka ring makaluma eh
Francis: Sira! tama na yung ganito kami ayaw ko rin umaasa, ang ganda nun men impossible yan
Arjay: Bahala ka hahahaha
Francis: Men lapit na bday ni lola
Arjay: Ay oo nga pala ano balak mo?
Francis: gusto ko sya bigyan ng regalo anu kaya ang maganda?
Arjay: Ako na bibili men akin na pambili mo
Francis: O sige heto oh
Arjay: magtiwala ka maganda ang regalo mo sa kanya
Francis: Ay wag na lang ako na lang bibili hahaha wala ako tiwala sayo eh mamaya ibili mo ng ice cream tapos kaw lang kakain
Arjay: Nagutom ako men parang gusto ko sabihin kay Cassandra na ikaw ang kapartner nya nung js?
Francis: Ay grabe ka men blackmail yan
Arjay: Uy hindi ah baka kasi paglabas ko ng bahay na ito mamaya nandyan eh masabi ko, honest lang akong tao eh
Francis: Oo na! bwisit ka kaya kabado ako pag kasama kita eh
Arjay: ikaw naman anu ba naman yung softdrinks lang tapos isang balot ng tinapay sa tindahan eh di wala ulit ako naalala na
sikreto mo
Francis: Oo na! may araw ka rin sa akin!
Arjay: Ay wag na lang men parang gusto ko yung ice cream, kasi binabantaan mo pa ako eh wag ka ganun men mahirap kaya magtago
ng sikreto
Francis: Kaw naman binibiro lang kita eh softdrinks na lang
Arjay: O sige tapos bili ka na rin ng chicha natin manonood pa tayo ng basketball eh lapit na magumpisa

At walang nagawa si Francis kundi ang sumunod kay Arjay. Buong araw nasa kwarto ang dalaga dinadamdam ang nawalang bracelet,
ganun kahalaga para sa kanya ang bracelet dahil isa ito sa mga bagay na nagpapaalala sa kanya nung buhay pa ang kanyang ina
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/16/2013) PART 20

tagal mo na ata mag.update ts ?? Busy haha .. Ilang chapter n lang yan ..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/16/2013) PART 20

nice update ts salamat
 
Back
Top Bottom