Aba, hindi mo ba alam na meron naman talaga tayong factory ng mga armas? Nasa Danao, Cebu na pagmamay-ari at pamamahala yan ng mga Durano. Ang tagal na nyan, panahon pa ni Marcos at si Armando Lite na nagtuklas ng armas na Armalite na ginawang standard issue ng mga Amerikano noong makipag gyera sila sa Vietnam. Pinakulong pa nga yang si Armando sa panahon ni Marcos dahil sa kasong 'Illegal Possession of FireArms' pero inarbor ng mga Amerikano at pinatira sa US pati yong pamilya niya. Meron din nga na taga doon na nakaimbento ng armas na parang pede gamitin yong bala ng caliber 45 at 38, na feature pa nga ito sa Magandang Gabi Bayan, pero parang kinasuhan pa ata yong tao.
Yong nag design ng Patriot Missile System, eh taga Cebu din, graduate ng ECE pero asa na ba sya? Nasa US kasi walang suporta dito sa atin. Iba kasi utak ng pinoy, di na yan magbabago, 'colonial mentality' at gusto madalian especially pag kumita. Kahit ngayon nga si Duterte, gustong umorder ng mga armas sa Russia. Para saan yong mga armas? Eh, para lang naman yan sa mga Pulis. Di mo ba alam na meron naman tayong Armscor dito (Proudly Philippine Made) na kayang gumawa ng mga armas bakit di yan ang i develop? Maganda yong quality, tapos ini export pa yan at pinatatakan lang ng ibang brand. Ito yong link
https://en.wikipedia.org/wiki/Armscor_(Philippines).
May nagsasabi na edukasyon at industriyalisasyon ang solusyon para umangat tayo. Sa palagay ko maaaring tama at posibleng hindi naman. Marami na nagsasabi na para gumanda ang kalidad ng edukasyon, dapat taasan ang sweldo ng mga teachers sa public schools. Anong nangyari? Kitang kita wala namang improvement, mas bumababa pa nga ang skills competency ng ating mga graduates. Usually, ang nag-iimprove lang dyan ay yong mga nasa honor sections lang. Ito rin ang na oobserbahan ng karamihan, wala naman talagang natutuhan yong mga graduates natin sa public school, kasi nga pina 'pasa' lang yan ng mga teachers doon, dahil nga sa policy ng DepEd ngayon na
'No child is left behind', para nga hindi ma left-behind, eh, ipasa na lang kahit hindi karapat dapat. Sa nakikita ko, mas maganda pa rin ang training ng mga private schools kesa sa public schools, ang problema dahil maliit ang sweldo sa mga private schools, yong mga teachers naiingganyo na lumipat, at ng lumipat na, kinakain na rin sila ng sistema o kultura ng public schools.
Isa rin sa nakita kong problema noong ako eh nagturo minsan sa College, halos lahat ng graduates sa 'basic education' eh hindi handa. Kaya maraming bumagsak sa akin, di talaga papasa sa expectations ko at ng 'Higher Education'. Kasi ang alam lang ng halos ng graduates sa public school ay 'LOTS' or Low Order Thinking Skills, magsulat, at mag solve ng basic math only. Pag nagbigay pa nga ako ng pagsusulit, halos mali mali pa nga ang mga sagot, pati MDAS di pa nila alam papaano gamitin ng tama. Talagang nakaka dismaya! Pabalik balik tuloy akong nagtuturo ng basic math para makuha nila yong skill, kaya di kami makausad sa higher math na mas importante sana. Yan din ang inaangal ng mga kapwa ko teachers sa College, parang kami ang nag ooverhaul sa mga palpak ng mga public schools. Imagine from elementary to high school, ang alam lang nila ay magsulat, mag memorya ng 'who killed magellan?', solving very simple math problems at kung gumamit pa ng salitang Filipino eh mali mali pa ang mga 'tenses' na ginagamit, eh, Pilipino na nga tayo.
Marami na rin nadidismaya kumuha ng mga Math and Science courses, kasi nga, katulad dito sa amin sa probinsya, pag Engineer ka yong entry salary mo ay nasa P9,000-P12,000 lang, talo ka pa ng teacher 1 (entry level) kasi nasa P18,000 agad sila. Tapos ngayon sabi pa ni Duterte, yong sahod nila eh gagawing x2 na, so, P36,000 agad. So, ba't ka pa magpapakahirap maging Engineer o maging Chemist, eh, mag education ka na lang, mataas na ang sweldo, stable at secured ka pa (walang 'Endo'). Kaya advise ko sa mga students ko, eh, mag shift na sila sa education kung di naman sila mag aabroad, wala naman silang mapapala kung mag-e engineering sila, maliit na sahod, mahirap pa maghanap ng trabaho (kasi nga hindi naman industrialized yong mga provinces), may diskriminasyon pa kung saang school ka nanggaling, at wala ka pang 'security of tenure'. May nagtatayo nga dito eskwelahan ng Mapua, pero sa palagay ko lalangawin ata pag nag open na. Hehe....