Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Resurrect Santa Barbara Project?

kaito89

The Patriot
Advanced Member
Messages
626
Reaction score
4
Points
28
Alam kong malabo ito sa ngayon. Gusto ko lang po malaman ang opinyon nyo tungkol sa Santa Barbara project lalo na ngayong mainit ang issue tungkol sa pagbili ng mga armas ng PNP at AFP. Isinusulong ng ilang senador ngayon na magkaroon na tayo ng sariling factory ng mga armas para di na tayo dumepende sa ibang bansa at para maka less tayo sa gastusin.
 
Eto sakin, based sa nakikita ko ngayon ha: no matter what we do to strengthen our military capabilities sa punto na to, we would still be no match for China or Japan or US or Russia suddenly becoming overly aggressive in our region. In military technologies, these countries might as well be hundreds of years ahead of us. In terms of pure quantity of firepower, we stand no chance whatsoever.

But more than anything, sending resources to the military would deplete the already meager resources dedicated to education, infrastructure building, and industrialization of the country. Ito yung standard bread/butter or guns alternatives pagdating sa management ng economic resources.

Ito ang lalong nakakapanlumo sa sitwasyon natin. If we had industrialized at the same time as our neighbors like Korea, SG, Malaysia, Thailand, then it would not be that hard to allocate resources to modernizing our military capabilities now. We neglected education that is the foundation of strong industries which is the foundation of a strong military, since industrial capabilities are easy to convert to military ones, as the US had shown in the last two world wars.

Ang solution sakin tutukan talaga natin ang education-industrialization now—as in—so we could finance whatever military requirements that we need for the country afterwards. Kung mag-uupdate tayo ng military natin ngayon, malaking budget ang kailangan nito, malamang higop ang budgets para sa ibang bagay. Ang scenario kakauwian natin parang North Korea, with strong military pero lugmok ang pamumuhay ng mga tao, halos kinakain na minsan kapwa nila Koreano sa gitna ng talamak na kagutuman gaya ng mga balita nuon. Strong in guns but nothing else to show for it.
 
Medyu oppose ito sa upcoming peace talks sa mga local insurgents, pero sa police cguro pwede. Wag lang nila gawin itong cash cow, baka isang bala na worth 80pesos gawin nilang 10,000 isa. Corruption lang naman tlga problema natin.
 
para yata sa pnp yung mga baril, kung baga gagamitin yan sa mga at kriminal o kaya sa war on drugs..wala munang gyera-gyerang pguusapan..malayo pa tayo dyan.. sa pgkakaalam ko lang, correct me f im wrong.
 
Last edited:

Agree ako dito tama ngang kurapsyon ang number 1 na problema
 
para yata sa pnp yung mga baril, kung baga gagamitin yan sa mga at kriminal o kaya sa war on drugs..wala munang gyera-gyerang pguusapan..malayo pa tayo dyan.. sa pgkakaalam ko lang, correct me f im wrong.

Yung sa PNP yan yung mga nasa balita ngayon. Small-scale arms lang yan. Kung ganyan lang, bakit di tingnan ng gobyerno yung pwede maicontribute ng arms makers sa Danao, Cebu? Matagal ng malaki ang potential niyan, ewan ko bakit hanggang ngayon di umusbong at naging world competitor yan. Parang may turf wars ata.

Yung Sta Barbara Project na sinasabi ni Kaito mas massive at largescale ang nature nito. Panahon ni Marcos yan. It involved missile defense systems and the like, using the help of German weapons experts. Di basta-basta ang resources na kailangan niyan, sama mo pa yung laging kaakibat na issue ng corruption. Di lang tinuloy ni Cory to, pero nasa advanced stage na siya ng tinigil. Sa panahon ngayon ang mga technologies niyan napakamahal, kung maging accessible man. Sa China nanghack sila kaya nakadevelop sila ng sarili nila, hehe.
 
Meron naman tayong mga local private contractors, meron nga tayong mga bagong APC at refurbished local made guns. Punta kayo sa Timawa madami dun info.
 
Meron naman tayong mga local private contractors, meron nga tayong mga bagong APC at refurbished local made guns. Punta kayo sa Timawa madami dun info.

Timawa Defense Forum? Close na ata yun, base sa link ng google.

Tsk, tsk, bakit di natin gamitin yung secret weapon natin: kulamis. :rofl:
 
Alam kong malabo ito sa ngayon. Gusto ko lang po malaman ang opinyon nyo tungkol sa Santa Barbara project lalo na ngayong mainit ang issue tungkol sa pagbili ng mga armas ng PNP at AFP. Isinusulong ng ilang senador ngayon na magkaroon na tayo ng sariling factory ng mga armas para di na tayo dumepende sa ibang bansa at para maka less tayo sa gastusin.

Aba, hindi mo ba alam na meron naman talaga tayong factory ng mga armas? Nasa Danao, Cebu na pagmamay-ari at pamamahala yan ng mga Durano. Ang tagal na nyan, panahon pa ni Marcos at si Armando Lite na nagtuklas ng armas na Armalite na ginawang standard issue ng mga Amerikano noong makipag gyera sila sa Vietnam. Pinakulong pa nga yang si Armando sa panahon ni Marcos dahil sa kasong 'Illegal Possession of FireArms' pero inarbor ng mga Amerikano at pinatira sa US pati yong pamilya niya. Meron din nga na taga doon na nakaimbento ng armas na parang pede gamitin yong bala ng caliber 45 at 38, na feature pa nga ito sa Magandang Gabi Bayan, pero parang kinasuhan pa ata yong tao.

Yong nag design ng Patriot Missile System, eh taga Cebu din, graduate ng ECE pero asa na ba sya? Nasa US kasi walang suporta dito sa atin. Iba kasi utak ng pinoy, di na yan magbabago, 'colonial mentality' at gusto madalian especially pag kumita. Kahit ngayon nga si Duterte, gustong umorder ng mga armas sa Russia. Para saan yong mga armas? Eh, para lang naman yan sa mga Pulis. Di mo ba alam na meron naman tayong Armscor dito (Proudly Philippine Made) na kayang gumawa ng mga armas bakit di yan ang i develop? Maganda yong quality, tapos ini export pa yan at pinatatakan lang ng ibang brand. Ito yong link https://en.wikipedia.org/wiki/Armscor_(Philippines).

May nagsasabi na edukasyon at industriyalisasyon ang solusyon para umangat tayo. Sa palagay ko maaaring tama at posibleng hindi naman. Marami na nagsasabi na para gumanda ang kalidad ng edukasyon, dapat taasan ang sweldo ng mga teachers sa public schools. Anong nangyari? Kitang kita wala namang improvement, mas bumababa pa nga ang skills competency ng ating mga graduates. Usually, ang nag-iimprove lang dyan ay yong mga nasa honor sections lang. Ito rin ang na oobserbahan ng karamihan, wala naman talagang natutuhan yong mga graduates natin sa public school, kasi nga pina 'pasa' lang yan ng mga teachers doon, dahil nga sa policy ng DepEd ngayon na 'No child is left behind', para nga hindi ma left-behind, eh, ipasa na lang kahit hindi karapat dapat. Sa nakikita ko, mas maganda pa rin ang training ng mga private schools kesa sa public schools, ang problema dahil maliit ang sweldo sa mga private schools, yong mga teachers naiingganyo na lumipat, at ng lumipat na, kinakain na rin sila ng sistema o kultura ng public schools.

Isa rin sa nakita kong problema noong ako eh nagturo minsan sa College, halos lahat ng graduates sa 'basic education' eh hindi handa. Kaya maraming bumagsak sa akin, di talaga papasa sa expectations ko at ng 'Higher Education'. Kasi ang alam lang ng halos ng graduates sa public school ay 'LOTS' or Low Order Thinking Skills, magsulat, at mag solve ng basic math only. Pag nagbigay pa nga ako ng pagsusulit, halos mali mali pa nga ang mga sagot, pati MDAS di pa nila alam papaano gamitin ng tama. Talagang nakaka dismaya! Pabalik balik tuloy akong nagtuturo ng basic math para makuha nila yong skill, kaya di kami makausad sa higher math na mas importante sana. Yan din ang inaangal ng mga kapwa ko teachers sa College, parang kami ang nag ooverhaul sa mga palpak ng mga public schools. Imagine from elementary to high school, ang alam lang nila ay magsulat, mag memorya ng 'who killed magellan?', solving very simple math problems at kung gumamit pa ng salitang Filipino eh mali mali pa ang mga 'tenses' na ginagamit, eh, Pilipino na nga tayo.

Marami na rin nadidismaya kumuha ng mga Math and Science courses, kasi nga, katulad dito sa amin sa probinsya, pag Engineer ka yong entry salary mo ay nasa P9,000-P12,000 lang, talo ka pa ng teacher 1 (entry level) kasi nasa P18,000 agad sila. Tapos ngayon sabi pa ni Duterte, yong sahod nila eh gagawing x2 na, so, P36,000 agad. So, ba't ka pa magpapakahirap maging Engineer o maging Chemist, eh, mag education ka na lang, mataas na ang sweldo, stable at secure ka pa (walang 'Endo'). Kaya advise ko sa mga students ko, eh, mag shift na sila sa education kung di naman sila mag aabroad, wala naman silang mapapala kung mag-e engineering sila, maliit na sahod, mahirap pa maghanap ng trabaho (kasi nga hindi naman industrialized yong mga provinces), may diskriminasyon pa kung saang school ka nanggaling, at wala ka pang 'security of tenure'. May nagtatayo nga dito eskwelahan ng Mapua, pero sa palagay ko lalangawin ata pag nag open na. Hehe....
 
Last edited:
Aba, hindi mo ba alam na meron naman talaga tayong factory ng mga armas? Nasa Danao, Cebu na pagmamay-ari at pamamahala yan ng mga Durano. Ang tagal na nyan, panahon pa ni Marcos at si Armando Lite na nagtuklas ng armas na Armalite na ginawang standard issue ng mga Amerikano noong makipag gyera sila sa Vietnam. Pinakulong pa nga yang si Armando sa panahon ni Marcos dahil sa kasong 'Illegal Possession of FireArms' pero inarbor ng mga Amerikano at pinatira sa US pati yong pamilya niya. Meron din nga na taga doon na nakaimbento ng armas na parang pede gamitin yong bala ng caliber 45 at 38, na feature pa nga ito sa Magandang Gabi Bayan, pero parang kinasuhan pa ata yong tao.

Yong nag design ng Patriot Missile System, eh taga Cebu din, graduate ng ECE pero asa na ba sya? Nasa US kasi walang suporta dito sa atin. Iba kasi utak ng pinoy, di na yan magbabago, 'colonial mentality' at gusto madalian especially pag kumita. Kahit ngayon nga si Duterte, gustong umorder ng mga armas sa Russia. Para saan yong mga armas? Eh, para lang naman yan sa mga Pulis. Di mo ba alam na meron naman tayong Armscor dito (Proudly Philippine Made) na kayang gumawa ng mga armas bakit di yan ang i develop? Maganda yong quality, tapos ini export pa yan at pinatatakan lang ng ibang brand. Ito yong link https://en.wikipedia.org/wiki/Armscor_(Philippines).

May nagsasabi na edukasyon at industriyalisasyon ang solusyon para umangat tayo. Sa palagay ko maaaring tama at posibleng hindi naman. Marami na nagsasabi na para gumanda ang kalidad ng edukasyon, dapat taasan ang sweldo ng mga teachers sa public schools. Anong nangyari? Kitang kita wala namang improvement, mas bumababa pa nga ang skills competency ng ating mga graduates. Usually, ang nag-iimprove lang dyan ay yong mga nasa honor sections lang. Ito rin ang na oobserbahan ng karamihan, wala naman talagang natutuhan yong mga graduates natin sa public school, kasi nga pina 'pasa' lang yan ng mga teachers doon, dahil nga sa policy ng DepEd ngayon na 'No child is left behind', para nga hindi ma left-behind, eh, ipasa na lang kahit hindi karapat dapat. Sa nakikita ko, mas maganda pa rin ang training ng mga private schools kesa sa public schools, ang problema dahil maliit ang sweldo sa mga private schools, yong mga teachers naiingganyo na lumipat, at ng lumipat na, kinakain na rin sila ng sistema o kultura ng public schools.

Isa rin sa nakita kong problema noong ako eh nagturo minsan sa College, halos lahat ng graduates sa 'basic education' eh hindi handa. Kaya maraming bumagsak sa akin, di talaga papasa sa expectations ko at ng 'Higher Education'. Kasi ang alam lang ng halos ng graduates sa public school ay 'LOTS' or Low Order Thinking Skills, magsulat, at mag solve ng basic math only. Pag nagbigay pa nga ako ng pagsusulit, halos mali mali pa nga ang mga sagot, pati MDAS di pa nila alam papaano gamitin ng tama. Talagang nakaka dismaya! Pabalik balik tuloy akong nagtuturo ng basic math para makuha nila yong skill, kaya di kami makausad sa higher math na mas importante sana. Yan din ang inaangal ng mga kapwa ko teachers sa College, parang kami ang nag ooverhaul sa mga palpak ng mga public schools. Imagine from elementary to high school, ang alam lang nila ay magsulat, mag memorya ng 'who killed magellan?', solving very simple math problems at kung gumamit pa ng salitang Filipino eh mali mali pa ang mga 'tenses' na ginagamit, eh, Pilipino na nga tayo.

Marami na rin nadidismaya kumuha ng mga Math and Science courses, kasi nga, katulad dito sa amin sa probinsya, pag Engineer ka yong entry salary mo ay nasa P9,000-P12,000 lang, talo ka pa ng teacher 1 (entry level) kasi nasa P18,000 agad sila. Tapos ngayon sabi pa ni Duterte, yong sahod nila eh gagawing x2 na, so, P36,000 agad. So, ba't ka pa magpapakahirap maging Engineer o maging Chemist, eh, mag education ka na lang, mataas na ang sweldo, stable at secured ka pa (walang 'Endo'). Kaya advise ko sa mga students ko, eh, mag shift na sila sa education kung di naman sila mag aabroad, wala naman silang mapapala kung mag-e engineering sila, maliit na sahod, mahirap pa maghanap ng trabaho (kasi nga hindi naman industrialized yong mga provinces), may diskriminasyon pa kung saang school ka nanggaling, at wala ka pang 'security of tenure'. May nagtatayo nga dito eskwelahan ng Mapua, pero sa palagay ko lalangawin ata pag nag open na. Hehe....

Yup, kilala ko po ang Armscor at UDMC follower po nila ko sa facebook page nila dahil hanga ako sa mga deisgns at gawa nila. Saka isa pa private owned yan kaya limitado ang pwede nilang gawin at hanggang dun lang sila di gaya na kapag gobyerno mismo ang nag manufacture o nag develop ng mga armas. Sa ngayon sa pagkakaalam ko di sila yung major supplier ng armas ng PNP at Army natin. US parin talaga ang major supplier natin ng armaments dahil mas mura daw ang offer nila. Sino po yung Filipino designer ng Patriot Missile System? Ano po name niya? Interesting din po yan. Kaya kasi natigil yung mga missile projects noon dahil nilagdaan ni Corazon Aquino na maging nuclear free ang Pilipinas kaya ipinahinto ang mga missle or rocket projects at nuclear power plant dahil pwede daw yun mag lead sa pag develop ng nuclear weapon. Kaya ngayon di na nagdedevelop ang gobyerno puro bili na lang sa labas. Tungkol naman sa education, ayos naman ang education satin, ang kulang talaga is karagdagang classrooms at teachers. biruin mo sa isang classroom lalo na sa public umaabot ng 80 pataas ang estudyante. Di masyado natututukan lahat ng estudyante pag ganun sila karami. Tungkol naman sa pasahod sa mga engineers sa bansa natin, ang average na kita nila is 40K per month, ang starting ay naglalaro sa 19 to 20K. Ang pinakamababa na sahod dyan is autoacad operator ang minimum na kita nila is 13K. Pinsan ko fresh grad nag apply sa NLEX, 24K starting, sa SM Supermalls naman ayon sa gf ko na nagwowork sa admin starting salary ng mga engineers nila is 20K. Siyempre kung sa government mas mataas ang sahod. Malamang sila yung kumikita ng 40K pataas.
 
Last edited:
Yup, kilala ko po ang Armscor at UDMC follower po nila ko sa facebook page nila dahil hanga ako sa mga deisgns at gawa nila. Saka isa pa private owned yan kaya limitado ang pwede nilang gawin at hanggang dun lang sila di gaya na kapag gobyerno mismo ang nag manufacture o nag develop ng mga armas. Sa ngayon sa pagkakaalam ko di sila yung major supplier ng armas ng PNP at Army natin. US parin talaga ang major supplier natin ng armaments dahil mas mura daw ang offer nila. Sino po yung Filipino designer ng Patriot Missile System? Ano po name niya? Interesting din po yan. Kaya kasi natigil yung mga missle projects noon dahil nilagdaan ni Corazon Aquino na maging nuclear free ang Pilipinas kaya ipinahinto ang mga missle or rocket projects dahil pwede daw yun mag lead sa pag develop ng nuclear weapon. Kaya ngayon di na nagdedevelop ang gobyerno puro bili na lang sa labas. Tungkol naman sa education, ayos naman ang education satin, ang kulang talaga is karagdagang classrooms at teachers. biruin mo sa isang classroom lalo na sa public umaabot ng 80 pataas ang estudyante. Di masyado natututukan lahat ng estudyante pag ganun sila karami. Tungkol naman sa pasahod sa mga engineers sa bansa natin, ang average na kita nila is 40K per month, ang starting ay naglalaro sa 19 to 20K. Ang pinakamababa na sahod dyan is autoacad operator ang minimum na kita nila is 13K. Pinsan ko fresh grad nag apply sa NLEX, 24K starting, sa SM Supermalls naman ayon sa gf ko na nagwowork sa admin starting salary ng mga engineers nila is 20K. Siyempre kung sa government mas mataas ang sahod. Malamang sila yung kumikita ng 40K pataas.

Mabuti naman at follower ka pala ng ating mga local brands for guns and rifles. Opo, privately owned po talaga at naka kontrata halos yong mga produkto nila sa US. Halos naman po ng mga armas sa US ay privately manufactured, na nagkakaroon lang ng kontrata sa kanilang Armed Forces. Yong capacity na sinasabi mo eh kaya naman talaga ng mga local manufacturers natin na i produce yan. Ang problema lang talaga ay ang 'colonial mentality' ng mga Pinoy lalo na sa mga lideres natin sa Pulitika, sa AFP at PNP. Nasabi lang nila na mas mura pero ang totoo malaki talaga ang kikitain nila pag nag import ng mga armas, tapos pede pa nila utangin yan. Ito tingnan mo na lang, pag dito tayo bibili ng armas, nakakatulong ka na sa Pilipino, tapos yong perang ipinambayad magsi circulate lang dito sa bansa natin, marami pang mabibigyan ng trabaho kung mag eexpand yong kumpanya at pede pa tayo makapag export ng maramihan sa hinaharap na makakatulong sa export industry natin. Hindi kagaya ng bibili ka sa ibang bansa, na yong pera ipapambayad natin ay ipapa convert pa natin sa 'currency' nila o di kaya'y gagamitin natin yong dollar savings natin sa Central Bank, tapos yong pera mapupunta sa kanila at doon magsi circulate, e, para lang nating pinapaunlad yong bansa nila.

Yong pangalan ng nag design sa Patriot Missile System, ay nalimutan ko talaga. Nakalagay kasi yong pangalan nya doon sa libro ni Dr. Virgilio Malang entitled, 'Filipino Inventors and Inventions'. Hahanapin ko pa sa baul.

Yon namang about nuclear weapons free na sinabing nilagdaan ni Cory Aquino ay talagang nakasaad iyan sa ating Konstitusyon kaya bawal talaga ang nuclear weapons. Ito ang nakasulat sa Section 8, Article II of the Constitution of the Philippines,
Section 8. The Philippines, consistent with the national interest, adopts and pursues a policy of freedom from nuclear weapons in its territory.

Yon namang sa edukasyon na sinasabi nyo na kulang ng mga teachers at classrooms, e, hindi ako sang-ayon sa suhestyon nyo. Para sa akin, mali talaga ang approach na ginagawa ng gobyerno natin sa pag resolba sa problema. Madali naman ang solusyon dyan at maraming may alam kung papaano iyan sosolusyonan. Hindi ho kelangan magdagdag pa ng additional classrooms at teachers, dapat lang gawing strategic. Kahit ako may solusyon na mas epektibo, mababa ang korupsyon at 'SMART' pa. Kita mo naman, kahit yong mga instructional materials ng DepEd ay maraming mali mali, mas lalo na yong korupsyon na nangyayari dyan.

Yon namang pasahod na sinasabi nyo ay sa Greater Manila area lang yan, yong sinasabi kong pasahod ay sa mga probinsya, ito po yong sinulat ko,
Marami na rin nadidismaya kumuha ng mga Math and Science courses, kasi nga, katulad dito sa amin sa probinsya, pag Engineer ka yong entry salary mo ay nasa P9,000-P12,000 lang, talo ka pa ng teacher 1 (entry level) kasi nasa P18,000 agad sila.
Ano bang ibig sabihin nito? Iba kasi ang minimum wage standard set ng NWPC para sa pribadong sector at sa mga provinces, kaya nga gusto sana ng KMU at TUCP na kung mag i increase ng pasahod ay dapat 'across the board' kaya lang di yan nangyayari. Iba kasi pag pulis o teacher na may 'national item' status, yong increase ng teacher sa Maynila ay katulad din ng increase sa mga probinsiya, kaya, 'across the board' increase nila. Kung P18,000 yong sahod ng teacher sa Maynila e, ganun din sa mga Probinsya.

Ano nga ba ang epekto pag maliit ang sweldo ng mga Engineers sa private sector sa mga Probinsya? Ito ang nangyayari ngayon sa mga Probinsya: 1) Dahil sa liit ng sweldo sa mga probinsya, yong mga Engineers ay nagpupunta 'abroad' o di kaya'y lumuluwas ng Maynila para makahanap ng magandang sahod, kaya ito ang nagiging dahilan ng matinding kumpetisyon, paglala ng populasyon o 'overcrowding' sa NCR, at pagkasira ng pamilya kasi yong pamilya ay malimit naiiwan sa probinsya ; 2) Dahil nga sa liit ng sahod ng mga Engineers sa probinsya, nawawalan tuloy ng gana ang mga kabataan para kumuha ng mga Engineering courses; 3) Dahil diin sa liit ng sahod ng mga Engineers sa probinsiya, ang iba ay nag-aapply na lang maging teacher sa public school o kaya maging pulis o fireman kasi nga malaki ang sweldo, tuloy di naging angkop yong kurso nila sa trabaho nila; at 4) Due to the shortage of highly-skilled workers, magreresulta yan sa slow development and productivity ng isang lugar.

Yong panahon ni Marcos, mas mataas ang pasahod sa private sector kesa sa public sector, pero ngayon iba na, ang public sector na ang mataas. Ang tanong, sino nga ba ang bumubuhay sa bansa natin? Para sa akin ang private sector, sapagkat, dyan nanggagaling yong malaking tax na kinukuha ng gobyerno. Mabubuhay kaya ang public sector kung wala ang private sector? Hindi. Sa tingin ko kasi, parang ginagatasan lang ng public sector ang private sector, kasi nga hindi sila nagbibigay ng magandang serbisyo at puro pangungurakot lang ang alam. Buti na lang nasa gobyerno na ako ngayon at maraming pera. Hehe...
 
Last edited:
Yun na nga. Pinirmahan nya yung kasunduan na yun kaya lahat ng proyekto ng gobyerno lalo na sa advanced military weapons ay nawalan na ng pag-asa. Kaya ngayon di lang China ang nang bubully ngayon satin pati US binubully na tayo. Ayaw na tayong bentahan ng armas dahil lang ayaw ng gobyerno natin sundin lahat ng sinasabi nila o di naaayon sa kagustuhan nila at lalong lalo na ang gustong isulong ng gobyerno natin na independent foreign policy. Kung mayroon lang tayong sariling atin na gobyerno mismo ang nagdedevelop di tayo maghahabol na parang kawawa sa ibang bansa para lang mapagbentahan tayo ng armas.

Sa edukasyon, kahit anong diskarte kung kulang-kulang ang mga kagamitan sa pagtuturo mahihirapan pa din. Kung nakikita mo yung mga batang gustong mag-aral pero wala silang maayos na silid-aralan, kulang sa kagamitan ang mga guro at mga estudyante. Lalo na yung mahirap maabot gaya ng mga katutubo nating nakatira sa bundok at malayong isla. Yung iba may silid-aralan pero sira-sira na. Merong mga silid-aralan pero kulang sa upuan at espasyo para pagkasyahin ang halos 100 estudyante. kaya nga nagkakaroon ng shifting lalo na sa Manila kasi kulang sa classroom. Pwede pang malagay sa peligro o kapahamakan yung bata kung papauwiin na ng gabi o madilim na ang mga bata. Para kang sumabak sa giyera ng walang dalang armas o shield man lang.

Yup may ilang mababa pero iilan. Ang tignan natin is yung avarage income or salary ng mga engineers. Mababa kung sa mababa ang pasahod dito dahil mababa din ang cost of living dito sa Pilipinas. Pero subukan nating tumira sa US at Europe kahit malaki ang sahod e parang ganun parin dahil mataas ang cost of living sa bansa nila. Halimbawa sa US, doble o higit pa ang diperensiya ng cost of living nila sa Pilipinas. Dun binabase ang pasahod di dahil mababa ang pasahod dito kundi nakabase to sa cost of living. Lalaki lang ang halaga kung dadalin mo dito ang pera ng US pero kung dun mo din gagastusin e same lang din naman. Di pa tayo ganun ka develop na bansa kaya mababa ang cost of living pero kung gumanda ang development ng bansa natin siguradong tataas ang pasahod pero tataas din panigurado ang cost of living. Parang sa Manila, developed na lugar to kaya may tinatawag na Manila Rate pero kaakibat nun e mataas din ang cost of living. Mahal ang renta, mas mahal ang bilihin at pagkain, etc.

Mabalik tayo sa topic. Sana buhayin ulit yang porject na yan kung di man ngayon, sa mga susunod na taon o administrasyon may makaisip na buksan ulit at simulan ulit ang santa barbara project.
 
Last edited:
Yun na nga. Pinirmahan nya yung kasunduan na yun kaya lahat ng proyekto ng gobyerno lalo na sa advanced military weapons ay nawalan na ng pag-asa. Kaya ngayon di lang China ang nang bubully ngayon satin pati US binubully na tayo. Ayaw na tayong bentahan ng armas dahil lang ayaw ng gobyerno natin sundin lahat ng sinasabi nila o di naaayon sa kagustuhan nila. Kung mayroon lang tayong sariling atin na gobyerno mismo ang nagdedevelop di tayo maghahabol na parang kawawa sa ibang bansa para lang mapagbentahan tayo ng armas.

Yup may ilang mababa pero iilan. Ang tignan natin is yung avarage income or salary ng mga engineers. Mababa kung sa mababa ang pasahod dito dahil mababa din ang cost of living dito sa Pilipinas. Pero subukan nating tumira sa US at Europe kahit malaki ang sahod e parang ganun parin dahil mataas ang cost of living sa bansa nila. Halimbawa sa US, doble o higit pa ang diperensiya ng cost of living nila sa Pilipinas. Dun binabase ang pasahod di dahil mababa ang pasahod dito kundi nakabase to sa cost of living. Lalaki lang ang halaga kung dadalin mo dito ang pera ng US pero kung dun mo din gagastusin e same lang din naman. Di pa tayo ganun ka develop na bansa kaya mababa ang cost of living pero kung gumanda ang development ng bansa natin siguradong tataas ang pasahod pero tataas din panigurado ang cost of living. Parang sa Manila, developed na lugar to kaya may tinatawag na Manila Rate pero kaakibat nun e mataas din ang cost of living. Mahal ang renta, mas mahal ang bilihin at pagkain, etc.

Hindi nga ho pwede pirmahan yong about 'nuclear weapons' kasi nasa Constitution nga ho. Mai impeach po si Cory pag pinirmahan niya ang isang kasunduan na labag sa ating Saligang Batas. Ang gumawa naman ng Saligang Batas ay hindi naman si Cory, kung hindi yong Constitutional Convention o ConCon, sila ho ang naglagay ng probisyon na yan. Kung binu bully man tayo ng China ay kasalan ho natin yan, kasi wala hong pakialam ang nakararaming Pilipino, lalong lalo na yong mga pulitiko. Ang concern lang naman nila ay papaano magkapera kaya nag-iingay. Kung ako lang ang tatanungin, madali lang naman ang solusyon dyan at hindi na sana makakapag bully pa yang China na yan. Dapat kasi, yong mga 'urban squatters' natin sa Maynila ay ipatapon dyan sa mga isla para may lupa na sila. Tapos mag-invite yong gobyerno natin ng mga businessman para i develop at gawing mga resorts ang mga isla. Yong mga squatters na nasa isla na ay gawing mga workers ng mga resorts para may pagkakakitaan naman sila. Di ba ang dali lang?

Huwag nyo kasi i average yong salary ng mga engineers. Naka depende talaga yong salary nila sa location, minimum wage ng lugar, at yong kumpanyang pinagtatrabahoan. Ako ho ay matagal na naging empleyado sa private sector at alam ko ho ang pinagsasabi ko. Bago ho ako naging consultant ay naging Engineer muna ako, pagkatapos naging college at secondary school teacher, at nang makatapos ako ng MBA at MPA, nagtatrabaho ako sa gobyerno.

Huwag na lang ho tayo lumayo, kahit saan saan ho napupunta yong usapan. Karamihan naman ho sa nangingibang bansa ay may kadahilanan, na malaki talaga ang kinikita nila dahil sa currency conversion, like $1 = P48. Hindi naman mangingibang bansa ang mga yan kung wala naman silang mapapala sa pagpunta nila doon. Kuha mo po?

Balik po tayo dito sa atin sa Pilipinas sa sinasabi nyong 'cost of living', e, tama naman kayo na magkaiba nga ang 'cost of living' ng bawat lugar, gaya ng 'cost of living' ng Maynila kesa sa Sulu. Masasabi nating magkakaiba ang mga 'costs of living' nila. Ito naman ang ginagawang batayan para sa kanilang basic wage at pagbibigay ng allowance. Ang minimum wage sa Maynila ay nasa P491 per day (basic, P481 at COLA ay P10) o P14,730 per month, at sa Sulu naman ay P265 per day (basic, P250 at COLA, P15) o P7,950 per month. Ito naman ay sinusunod halos ng private sector o ng local government ukol sa kanilang pagpapasweldo sa mga empleyado sa entry level. Pero, ito pong 'cost of living' o minimum wage ay hindi nagiging basehan para sa mga empleyado na may 'national item' status gaya ng mga teachers, pulis, firemen at iba pang kawani ng gobyerno na naka direkta sa 'national budget'. Halimbawa, ang entry level pay sa ngayon para sa mga teachers with 'national item' status ay P18,000 per month sa Maynila, ito ding P18,000 per month ay nagiging sweldo ng isang teacher sa public school sa Sulu. Kaya kung makikita mo, malaki talaga ang deperensya. Kaya nga kung ikaw ay isang teacher sa isang private school sa Sulu, ang matatanggap mo lang na sahod ay P7,950 per month, at kung ikaw naman ay isang teacher sa public school sa Sulu, ang iyong matatanggap na sahod ay P18,000 per month (di pa kasali ang iba pang mga allowances diyan). A difference of almost P10,000. Nakuha mo po ba? (Hindi ko po sinali yong salary grading/scaling ng gobyerno dito.)

Yong sinabi ko pong solusyon sa edukasyon, ay hindi po diskarte ng mga teachers. Wala po talaga silang magagawa dyan, 'stressful life' lang ang makukuha nila at hindi effective ang kanilang pagtuturo dahil sa dami nga ng tinuturuan. Ang sinasabi ko ay dapat pagtuonan ng pansin ang sistema ng DepEd na matagal ng bulok o palpak. Sinasabi ko nga sa inyo na meron akong solusyon kasi napag aralan na namin yan sa Curriculum Development System (CDS).
 
Last edited:
Hindi nga ho pwede pirmahan yong about 'nuclear weapons' kasi nasa Constitution nga ho. Mai impeach po si Cory pag pinirmahan niya ang isang kasunduan na labag sa ating Saligang Batas. Ang gumawa naman ng Saligang Batas ay hindi naman si Cory, kung hindi yong Constitutional Convention o ConCon, sila ho ang naglagay ng probisyon na yan. Kung binu bully man tayo ng China ay kasalan ho natin yan, kasi wala hong pakialam ang nakararaming Pilipino, lalong lalo na yong mga pulitiko. Ang concern lang naman nila ay papaano magkapera kaya nag-iingay. Kung ako lang ang tatanungin, madali lang naman ang solusyon dyan at hindi na sana makakapag bully pa yang China na yan. Dapat kasi, yong mga 'urban squatters' natin sa Maynila ay ipatapon dyan sa mga isla para may lupa na sila. Tapos mag-invite yong gobyerno natin ng mga businessman para i develop at gawing mga resorts ang mga isla. Yong mga squatters na nasa isla na ay gawing mga workers ng mga resorts para may pagkakakitaan naman sila. Di ba ang dali lang?

Huwag nyo kasi i average yong salary ng mga engineers. Naka depende talaga yong salary nila sa location, minimum wage ng lugar, at yong kumpanyang pinagtatrabahoan. Ako ho ay matagal na naging empleyado sa private sector at alam ko ho ang pinagsasabi ko. Bago ho ako naging consultant ay naging Engineer muna ako, pagkatapos naging college at secondary school teacher, at nang makatapos ako ng MBA at MPA, nagtatrabaho ako sa gobyerno.

Huwag na lang ho tayo lumayo, kahit saan saan ho napupunta yong usapan. Karamihan naman ho sa nangingibang bansa ay may kadahilanan, na malaki talaga ang kinikita nila dahil sa currency conversion, like $1 = P48. Hindi naman mangingibang bansa ang mga yan kung wala naman silang mapapala sa pagpunta nila doon. Kuha mo po?

Balik po tayo dito sa atin sa Pilipinas sa sinasabi nyong 'cost of living', e, tama naman kayo na magkaiba nga ang 'cost of living' ng bawat lugar, gaya ng 'cost of living' ng Maynila kesa sa Sulu. Masasabi nating magkakaiba ang mga 'costs of living' nila. Ito naman ang ginagawang batayan para sa kanilang basic wage at pagbibigay ng allowance. Ang minimum wage sa Maynila ay nasa P491 per day (basic, P481 at COLA ay P10) o P14,730 per month, at sa Sulu naman ay P265 per day (basic, P250 at COLA, P15) o P7,950 per month. Ito naman ay sinusunod halos ng private sector o ng local government ukol sa kanilang pagpapasweldo sa mga empleyado sa entry level. Pero, ito pong 'cost of living' o minimum wage ay hindi nagiging basehan para sa mga empleyado na may 'national item' status gaya ng mga teachers, pulis, firemen at iba pang kawani ng gobyerno na naka direkta sa 'national budget'. Halimbawa, ang entry level pay sa ngayon para sa mga teachers with 'national item' status ay P18,000 per month sa Maynila, ito ding P18,000 per month ay nagiging sweldo ng isang teacher sa public school sa Sulu. Kaya kung makikita mo, malaki talaga ang deperensya. Kaya nga kung ikaw ay isang teacher sa isang private school sa Sulu, ang matatanggap mo lang na sahod ay P7,950 per month, at kung ikaw naman ay isang teacher sa public school sa Sulu, ang iyong matatanggap na sahod ay P18,000 per month (di pa kasali ang iba pang mga allowances diyan). A difference of almost P10,000. Nakuha mo po ba? (Hindi ko po sinali yong salary grading/scaling ng gobyerno dito.)

Anong di po pwedeng pirmahan yung about sa nuclear weapon? May kasulatan ba na lumabas na may pipirmahan dapat si Cory para isulong ang nuclear weapon sa Pilipinas? Mukhang di nyo po naiintindihan. Pakibasa po mabuti ang comment ko baka po nadadala tayo masyado sa bugso ng damdamin natin. Ulitin ko na rin po. Ang binaggit ko po ay pinirmahan ni Cory ang pagtutol sa pagdevelop ng kagamitang pang militar gaya ng mga fighter jets, rockets at missiles na proyekto ng naunang administrasyon na na balak sanang i-mass production kung 100% successful ang testing at i-export sa ibang bansa gaya ng ginagawa ng mga South Korea, Japan, Russia, at US ngayon. Kaso pagkaupo ni Cory pinahinto agad ito dahilan din kung bakit tayo ngayon nagungulelat pagdating sa pagdedepensa at pagtatanggol sa bansa.

Panong di i-aaverage di ko kinuha yan kung saan yan. Yan ay based sa statistics patungkol sa salary ng mga engineer dito sa Pilipinas. Yan ang average na kita nag rarange sa 40K. Yan ang karaniwang kinikita ng engineer sa bansa natin. Share ko po yung link or kayo na lang po mag search sa google? Tama base sa lugar at company kahit saan naman ganyan maski sa ibang bansa depende kung saan ka naka assign. Oo may iilang engineers na mababa ang kita karamihan dyan di nag take ng exam or walang license kaya na stuck na sila sa maliit na increase ng sahod. Karamihan ngayon kumpetensiya na. Palakihan na ng offer lalo na kung board passer ka.

Pinagtataka mo ba ang sahod ng mga guro sa private at public school? Natural na mas malaki ang sahod ng public school teachers dahil gobyerno ang nagpapasahod sa kanila na may mas malaking pondo kumpara sa mga private institutions. Isa pa dyan yung pagkakapasa at pagkakaroon ng mga public teachers ng license. Isa yang malaking advantage para makasabay ka sa magandang kita.

Masyado nang lumalayo ang usapan. Wag na ientertain ang ibang OT. Nawawala na po tayo sa usapan.
 
Kung ito ay patungkol sa Sta. Barbara Project (Ground to Air Missiles), e, tama nga naman po ako nung sinabi ko na hindi pede pirmahan ni Cory yong about 'nuclear weapons' kasi nga po bawal sa ating Saligang Batas. Ito kasi ang naging isyu noong una, na yong Sta. Barbara Project ay posibleng gagamitin para mag develop ng nuclear weapons. Kaya nga hindi niya pinirmahan ang kasunduan o kontrata with Germany para ipagpatuloy ang proyekto. Kaya nga sinasabi dito, 'the bid was cancelled by Pres. Cory Aquino', ibig sabihin hindi na inaprubahan o pinirmahan ni Cory ang pagpapatuloy ng project baka ito ay may intensyon sa pag develop ng nuclear weapons na salungat sa ating Saligang Batas. Isang dahilan din ang maraming bumabatikos o kritiko na nagsasabi na dapat ipahinto at ipa ban nga ang project.

Some critics are clamoring, asking it to ban and stop the project. They said it was intended only for the development of nuclear weapons so the bid was cancelled by Pres. Aquino (The Mother of Current President Aquino), Political and lawful (the Current Constitution forbids the use and keeping of Nuclear weapons in the Philippines).
http://www.manilalivewire.com/2014/12/resurrect-and-activate-santa-barbara-project/

Kung iba ho yong sinasabi nyo e, magbigay po kayo ng link para alam natin kung ano yong tinutukoy mo. Sinasabi mo may fighter jets pa aside from rockets ang missiles.

Linawin ko na rin ho yong sinasabi mong engineers. Marami po ang sangay ng engineering, pero kung civil ang tinutukoy mo, posible nga na pedeng mag-average. Pero kung buong engineering at buong Pilipinas, e, mali ho yong nakuha nyong datos. Ako po ay lisensyado, at base sa tagal ng experience ko kailanmay hindi naging basehan ng mga pribadong kompanya kung ikaw ay may lisensya o wala, para tumaas ang iyong sweldo. Pwera na lang kung ang ookupahin mong posisyon ay matataas gaya ng Department Head o Manager at dyan ang lisensya ay kinakailangan. Kahit nga Supervisory position hindi yan required. Sa totoo lang, inutil naman talaga yang PRC natin. Magaling lang yan magbibigay ng eksam.

Ako naman ay hindi sang-ayon sa inyo tungkol sa sahod ng taga gobyerno. Hindi nyo yata binasa yong sinulat ko, pakibasa na lang. Sinabi ko na sa panahon ni Marcos (malaki ho ang pondo noon), na ang may mataas na sahod ay ang private sector, hindi ang public sector. Bakit ho ba nagkaroon ng reversal? Hindi ho yan dahil sa malaki ang pondo ng gobyerno, kasi kung malaki talaga yan, e, dapat sana inuna muna nila ang kakulangan sa sinasabi nyong mga silid aralan at kakulangan ng mga guro. Alam nyo ba kung bakit? (Mag-isip muna kayo at sagutin ang tanong ko. Itutuloy ko ang sagot ko after ng sagot nyo.)
 
Kaya nga simula nung maupo si Cory dun pa lang nagawa ang batas based sa 1987 constitution na nagbabawal sa gobyerno na mag develop ng nuclear weapon. Kung mag develop man tayo ng mga weapons mababawasan ang magiging gatasan ng mga taga West at US sa Asia. Di na po sasagutin ang ibang OT. Gawa na lang po ng bagong thread tungkol po dyan. Masyado nalalayo yung usapan. Ayos lang palawakin wag lang ilayo.
 
Last edited:
Yung controversial na ginawang batas nang Cory administration is privatization nang mga government owned companies, theoretical yung positive monopoly mag trigger nang order sa pag progress nang bansa pero naging daan ito para yung mga dating crony ni F.Marcos nakita nila ito as an exploit that could make them rich AF.
 
Back
Top Bottom