Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Sa kabilang dako

May itatanong lang ako sa inyo mga kaibigan. Alam ninyo ba yung patalastas ng tender juicy hotdog?
Mga batang wala pang halos kamuwang muwang ang nais lang ay maglaro sa labas. Bakit nakaka inlove ang sunset? Bakit nakakatuwa ang clouds? Bakit nakaka senti ang ulan? May mga bagay na mahirap ipaliwanag. Bakit nga ba? Ang sagot ng karamihan? BASTA!

Ganyan din ang nasasambit kapag may isang kwento kang naibahagi. Bakit ganto? Bakit ganon? Pano nangyare yon? BASTA!

Wala namang nagnais, wala namang nagsabi at walang alam ang kahit na sino man. Di mo inaakalang sa di mo malaman na dahilan pagtatagpuin ang dalawang taong milya milya ang pagitan. Sa bawat bulalas ng mga salita mababanaag ang nagtatagisang letra. Mga sulat na sinulat kahapon, pinaglipasan ng panahon.

Di inaakalang sa sa pagpasok sa buhay mo, muling mabubuhay ang nakatagong tinta at pluma galling sa nayon. Mga mumunting titik sa labi mo nagmumula di maiiwasang makita ngiti saking mukha.
Sadya ba talagang ganito si tadhana? Daig pa ang sinorpresa ni santa. Nag aginaldo nga siya..Higit pa sa inaakala kong walang pag asa, hayan ka’t nakilala ng di sinasadya.

Aba! Kelan nga ba nagsimula? Ay BASTA! Di ko man maalala pano at bakit ba, ang importante ay mahalaga, at ang mahalaga ay IKAW, ikaw na nariyan na.

Hinila ng mga usa ang kariton ni Santa, oo kariton ni santa na mula sa kalangitan nahulog ka. Saktong sakto kung saan ako nakatayo ng mga panahon na iyon. Sa gabing tahimik ang lahat, sa gabing punong puno ng bituin sa kalangitan, sa gabing iyon nakilala kita. Inakala noong una isang bituin sa kalangitang kay ganda ang bumagsak sa lupa..inisip na hindi maarok sa pagkuwari’y sa dinami dami ng taong mag isang nakatayo sa gabi, sa harap ko bumagsak ang isang tala, tala na magbibigay liwanag at kulay sa madilim na nakatakda.

Magmula noon, pakiramdam ko’y nalibot ko na ang paraiso at ang mga paa’y naglalakad sa ulap..banayad.. tahimik..walang bahid ng takot at kaba..panatag.

Parang langit ang kapiling ka sa bawat araw na lilipas pa. di ko naiisip noon na pwedeng mangyari ang lahat ng ito sa buhay ko. Di ko maipinta ang mga labing nangingisi sa tuwing ikaw ang nakaka palagayan. Kahit ano lang ang mapag usapan ngunit ninanais na sana’y di na kelan pa ma’y matapos ang oras na nilalaan.

Tik tok kalabog at tibok..

ano ito? Ang nadaramang ito? Isa na namang di maipaliwanag na nangyayari sa buhay ko? O sadyang tinuruan mo lang na muling patigilin ang oras na dating kay bilis matapos?
Kahit ano pa man iyon. BASTA ang alam ko di magkukunwaring aminin, kakaiba ang ligaya. Ligayang sana’y di na matapos pa, ligayang minsan pinagdamot ng kapalarang tinahak, ngayo’y nandidito nagbabalik na mula sa kawalan.

Kelan ba? Kelan masasabing pang matagalan na ang saya na nadarama? At masasabing sa hinabahaba man ng prosisyon sa simbahan padin ang tuloy.
Tuloy tuloy na kaya? O mag iiwan na naman ng marka? Animo’y karayom na iginuhit sa balat..pangalan mo ang itinatak..lumagda.

Pero kahit ano pa man ang kahihinatnan, sa tagpo ng kapalaran. Sa laro ng tadhana, tila roleta na di malaman ang resulta. Sa makulay na mundo ng perya, panandaliang saya na matatapos din bigla.
Sana kasing kulay ng mga mga disenyong makikita ng mga ordinaryong mga mata ang piniling landas na pinaglaanan ng panahon at pagsinta.
Damhin ang kalmadong ihip ng hangin. Samyo ng mga bulaklak sa kapaligiran.
Liwanag na dala ng buwan. Subalit batid, na ang lahat ng ito’y dadaan sa horror train minsan, nakakatakot ang maaring kalabasan. Na sa pagdilat ng mata kinabukasan, maaaring ang minsang naging masaya..AKO..IKAW..TAYO..maaaring huminto, huminga, wala palang tayo.

Ngunit, di isinasantabi ang isang hangarin. Na balang araw, isa pa lang pagsakay sa ferriswheel, mabagal ngunit sigurado.
Matayog, at garantisado.

Gaya ng nauna..Dulot nito’y abot langit ang saya.

Wakas.
 
Ang galing naman bos amo manager :clap: :clap:

Madetalye at may punto..

Nakakatuwa din ang pag gamit mo ng mga tunog.. ayos na ayos :thumbsup:
 
Last edited:
Back
Top Bottom