Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem "Sahig"

"Sahig"



Saan ako kukuha ng lakas ng loob para limutin ka,

Sa tuwing tinataboy mo ako para layuan na kita.

Sa tuwing sinasabi mo na di mo ako mahal puso ko'y nadudurog,

Magkaganun man kaya kong lunukin kaya kong tiisin ang bugbog.



Sa bawat patak ng segundo sa bawat hininga mula sa baga ko,

Mukha mo ang naiisip tinig mo'y umaalingaw ngaw sa loob ng utak ko.

Ibaling ko man sa iba ang atensyon ko naghihimagsik ang damdamin ko,

Ikaw ang panaghoy ng puso kong sing lambot ng ulap na di mapanuto.



Unang beses pa lang kita nakita ako'y nabighani ng angking ganda mo,

Ako'y napailalim sa awitin na dala ng mahiwagang palaso ni kupido.

Gusto ko lamang malaman mo kung gaano kabusilak ang pagmamahal ko sayo,

Ngayon ko lang nalaman ang ibig sabihin ng salitang "gagawin ko para lang sayo".



Hindi ko alam dapat kong gawin para ako din ay mahalin mo tulad ng ganito.

Pero ang alam ko di ko kayang mawala ka kahit pa ako ay ipagtabuyan mo.



Hindi na mahalaga sa akin ang nakaraan mo at kung sino ka dati,

Ang mahalaga ay kung sino ka ngayon at nandyan ka parati.

Gusto kitang makasama habang buhay hanggang kunin ako ng maykapal.

Kahit na di tayo pareho ng gusto kahit pa tawagin mo na ako'y isang hangal.
 
Ayos to ts ahh, galing mo gumawa ng tulanakakainspire gumawa
 
awtssuuu masakit malimot kung sobrang ang pagmamahal mo sa knaya . :thanks: for sharing
 
Back
Top Bottom