sa mga makakabasa po ano po ba ibig sabihin ng 2g at 3g? pasensya na po bago lang sa android phones
Sir,
Internet connection un. Kapag ang symbol sa tabi ng signal status mo ay "G" or "E", sa 2g ka connected. Kapag nman "3G" or "H", sa 3g ka connected.
Ang 2g eh mabagal lng ang speed. Theoretically, aabot lng sya 0 kpbs - 75 kbps, gnagamit lng kapag ngbro2wse sa web gaya ng opera mini.
Ang 3g nman eh mabilis. Mga 300kbps - 3.6mbps theoretically, gngamit pg nagdodownload ng kung anu ano o kaya kapag nanu2od sa youtube.
Nasabi kong theoretically kc dpende pa dn yan sa location mo kung ganu kalakas ang signal.
Sana may naitulong.