Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Sangtwaryo ng makata

Sa blangkong papel na kulay puti
dala ang katahimikan ng bawat sandali
mga imahinasyon na pilit kinukubli
at mga damdamin na sa isip ko lang nakatali


wala sa hinagap ko ang mapadpad dito
pero dito ako dinala mula sa tinakasan kung mundo
pinipilit maging makata kahit wala sa dugo ko
baka sakaling may umusbong na matatawag kong talento


ito ang mundo kung saan sarili mo lang ang kapaligiran
iba't ibang emosyon na tanging ikaw lang ang nakakaalam
sa bawat pag bukas mo sa pinto ng iyong pinaghuhugutan
mabibigyan mo ng buhay ang papel na iyong hinahawakan


subukan mong lumiban sa takbo ng reyalidad pansamantala
ng detalyado mong makita ang hindi nakikita ng iba
at simulan mong ipinta gamit ang iyong pluma
dahil isa kang pintor na gumuguhit gamit ang mga salita


lahat ng tao ay pwedeng maging makata
makipaglaro sa mga letra at bumuo ng mga salita
pakinggan ang puso at intindihin ang nilalaman ng diwa
at padaluyin ito sa di-pangkaraniwang pandama


minsang may nagtanong sa akin kung bakit ako sumusulat
hindi naman ito masasama sa libo-libong aklat
sinagot ko sya ng pangungusap na may dalawampung sukat
"dahil sa katulad mong hindi nagbabasa sa iisang pabalat"

isang tula ang nabuo sa papel na kulay puti
ito'y hinabi ko pa, gamit ang sandali
na binibigkas ng bibig at isip mo ng walang pasubali
habang ika'y palabas sa mundong kanina mo pa iniisip.

-emMantot
 
nice share! keep writing!
 
Ang ganda ng mensahe :thumbsup:
 
Napaka gandang tula .....ang ganda ng mensahe....
 
Magagaling poh sila... D kaya nang power ko nang gumawa nang ganyan kaya :salute: ako sayo ts.
 
Back
Top Bottom