Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Survey lang po: Sino po ang pro Duterte at anti Duterte dito at bakit po?

Pro Duterte or Anti Duterte ka ba, at bakit?

  • Pro Duterte

    Votes: 12 92.3%
  • Anti Duterte

    Votes: 1 7.7%

  • Total voters
    13

nast1

Proficient
Advanced Member
Messages
248
Reaction score
0
Points
26
Good day!

Mga sir gaya po ng title ko, survey lang po kung sino ang Pro at Anti Duterte dito at bakit po? Kung meron na pong naunang post na ganito kindly delete na lang po admin, at opinion lang po tayo dito walang away, every comments, and suggestions are considered valid reasons. Thanks.

Unahan ko na po, ako po ay pro Duterte at binoto ko po siya nung nakaraang eleksyon. Binoto ko po sya hindi dahil idol ko siya, binoto ko po siya kasi naniniwala ako sa kanyang kakayahan at nararamdaman kong sinsero siya sa mga sinasabi niya. Uo mahigpit siya ngunit sa tingin ko yun ang kailangan ng ating bansa, ilang administration na ang dumaan pero ang nasabing pagbabago at pag-angat ng ating bayan ay din pa rin maramdan. Pero sa tatlong buwan na mahigit sa pag-upo ng ating Pangulo dama mo agad ang PRESENSYA niya kasi AKSYON nga agad.

Kasi sa paniniwala ko mas nauunsa sa kanila ang self interest bago ang bayan, at sa tingin ko yun ang pinagkaiba ni Duterte sa kanila. Hindi siya nag babait-baitan para lang magpapogi, kasi hindi siya IMPOKRITO at hindi yun ang kailangan ng ating bayan. Uo hindi nga siya STATESMAN, ngunit gawa agad at may paninindigan.

Sa tagal ko ng rehistrado first time kong bumoto ng pagka pangulo kasi sa tingin ko, siya na huling ALAS ng ating bayan. Lahat naman po siguro tayong Pilipino ang nais lamang ay umangat ang ating bayan. Pero sana lang din po talaga di ako nagkamali sa paniniwala ko. Sana laging gabayan ng ating panginoon ang ating Pangulo.

#ProgressionParaSaPilipinas
 
Ako depende. Pero sa ngayon suportado ko ang mga plano ng gobyerno para sa bansa. Hinangaan ko siya di dahil sa matapang na pananalita nya o pagmumura nya, hinangaan ko siya dahil nakita kong maraming naniniwala at sumusuporta sa mga proyekto at plano nya. Ngayon lang yata ulit nangyari na mas marami yung nakikisama para sa ikabubuti ng bansa. Maraming kusang sumukong mga pusher at users, nabawasan ang krimen, may mga ilang kumpanya na din na sumusunod sa no endo. Dyan makikita mo kung gaano katiwala at kasuporta sa kanya ang mga tao mayaman man o mahirap. Pero sa ngayon yan ang masasabi ko baka kasi sa may magbago di natin masasabi. Mahirap magsalita ng tapos. Masyado pang maaga.
 
Well said sir, but hopefully nga po maging progresibo ang ating bansa sa pamumuno nya. Kasi lahat po siguro tayong Pilipino nangangarap na isang beses maging maganda rin ang stado ng ating bansa.
 
I'm not pro and not anti Duterte as well. I give credit when credit is due. Madami na din syang nagawang maganda like yung implementation ng 911 at 8888. Pati yung direct hotline sa DOLE. Nawala na rin ang tanim bala. Mukang maayos ayos na din ang BOC. Nabawasan ang contractualization. Pero, may mga bagay din na di ako sang ayon like his tirades towards the US and pagkiling nya sa China. Kumbaga, nagki criticize pa din ako dahil wala namang taong perpekto, may flaws pa din yan.
 
Well said sir, and tama ka hindi naman talaga lahat perpekto.
 
Back
Top Bottom