Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

OTHERS SURVEY!!!Question para sa LAHAT!!!

skeithashe

Amateur
Advanced Member
Messages
142
Reaction score
1
Points
26
Kung ako mayroon unlimited high speed internet... sabihin na natin kayang habolin ang comet ng internet ko(hyperbole)
at kaya kong magpatayo ng isang internet business sa isang bayan..at kaya ko rin lagyan ng internet ang bawat bahay sa bawat barangay na gustong magaavail saken..
KUNG BAGA..MAY PERA AKO..MAY TAO AKO..AT MAY GAMIT AKO
Ang Bayan namen ay sabihin na nating malayo sa kabihasnan..
May mga lugar na hindi ka magkapaginternet o mabagal talaga ang internet pero mayrun ding mabilis kahit pocket wifi lang ang gamit at umaabot naman ng Maximum 7mpbs at minimum 2mpbs..Kung ikaw ba nakatira sa ganitong klaseng lugar na hirap ang internet.

1. magaavail ka kaya ng internet saken sa ganitong SPEED&PRICE?

512kbps = 1000Php
5mbps = 5000Php
20mbps = 20,000Php

2. WORTH IT BA?

3. Anung marerecommend niyo?


4. KUNG IKAW AY NAGAAVAIL AT NAREALIZE MO NA ANG 512KBPS AY DI PALA KASING BILIS NG INIISIP MO DAHIL IKAW AT WALA NAMAN ALAM TUNGKOL SA MGA BAGAY NAYAN, ANUNG GAGAWIN MO? MAGAAVAIL KA PARIN BA NEXT MONTH? MAGREREKLAMO KA BA? O HAHAYAAN MO NALANG?
 
Last edited:
Depende kung ako ang unang-unang nag-subscribe sa ISP mo sa lugar ko.

Kung may previous subscribers na ng ISP mo sa area ko, as a wise consumer, responsibilidad ko na mag-interview muna ng mga kapitbahay ko para alamin kung maganda ba ang serbisyo ng ISP mo sa komunidad ko. Kasi walang perpektong ISP (at least sa Pilipinas). At wala namang ISP na magsasabi ng totoo regarding sa serbisyo nila. Always, positive ang ire-report nila at ia-advertise sa community.

Hanggang hindi ka pa subscriber, use all your efforts para malaman kung maganda ang serbisyo ng ISP sa lugar mo. Yun ang magiging deciding factor para malaman kung itutuloy mo ang subscription or hindi na. Kasi once na nakapag-subscribe ka na, pipirma ka na ng kontrata. At mahihirapan ka na mag-backout once subscriber ka na. Kailangan mo na ng isang matinding effort para ma-convince ang ISP na i-terminate ang subscription mo dahil contract ang lagi nilang panlaban sayo.

Although it doesn't mean na wala kang habol. Kasi sa kabilang banda, hindi naman nila naibibigay yung promised service.

On the other hand, kung ang pagkakamali ay nasa side mo, gaya ng halimbawa mo na hindi naman pala mabilis ang 512kbps dahil wala ka namang alam tungkol sa mga bagay na yan, then hindi mo yan pwede gamiting excuse. Yan ang in-avail mo. At naibibigay ng ISP ang serbisyong sinubscribe mo. That means, walang pagkukulang sa side ng ISP.

Hindi dahil nagkamali ka, ibig sabihin pwede ka na mag-reklamo.

Anyways, para mas maliwanag, isa-isa kong sasagutin personally yung tanong mo.

1. No way! Sa mahal na yan?

Pero gaya ng sabi ko sa itaas, hindi naman kailangang may alam ka sa mga bagay na yan. Ikaw ang consumer. So hindi naman pwedeng basta ka na lang sugod. You will find alternatives and from those alternative, you can compare. Hindi ka pinilit ng ISP na mag-subscribe sa kanila. But once you avail of their service, saka ka pa lang matyatali sa kontrata nila. Hindi pwedeng dahil may nakita kang ibang mas higit, papabayaan mo yung kontrata mo sa una?

2. Kung may pera akong pambayad sa plans na nasa #1 at naibibigay ang serbisyong nararapat, worth it. Pero hindi naibibigay ang tamang serbisyo, obviously hindi.

3. What do you mean recommend? Yung plans na nasa itaas? Obviously, the one with the faster speed (sabihin na natin hindi kino-consider ang price).

4. Like I said, hindi mo pwedeng sabihin na wala kang alam sa mga bagay na yan. The mere fact na nagpakabit ka ng internet, it means kahit sa speed aspect man lang, alam mo kung ano yung pinapasok mo. At bago ka kabitan, for sure kinakausap mo yung contractor at yung company about the plans. Hindi ka dapat pumasok sa isang contract na hindi mo alam ang content ng contract. Hindi yan tinatanggap sa husgado sa lahat ng aspeto.

Pag tawag mo ba sa ISP to avail of their service, basta ang sinabi mo agad, magpapakabit ka? Walang INQUIRE-INQUIRE na nangyari? Siyempre interview mo muna yung kumpanya regarding their palns and service. And the customer service will inform and educate you about their plans. Sigurado akong matatalakay diyan yung speed. The higher the speed, the higher the price. Imposibleng hindi yan babanggitin sa iyo when you inquire. So bago ka pa kinabitan, alam mo na dapat yan at hindi dahilan yung sasabihing wala kang alam.

Siguro kung nasa sitwasyon ka na na ganyan, ang pinaka-maganda is kausapin mo ang ISP. Sa PLDT, nagpakabit kami ng Plan 1299 na 2mbps ang speed. Pero na-realize namin na kailangan namin ng mas mabilis na internet. So nagtanong kami kung pwede kami magpa-upgrade ng plan to a higher speed. Sinabi naman sa amin na pwede daw peero may upgrade fee na 500 pesos to change plan. Tapos reset to two years ulit ang contract namin. And pumayag kami. why? Kasi hindi naman sila ang pumili sa amin na Plan 1299 ang initial plan na kunin namin kundi kami. So kung gusto namin magpa-upgrade at bumilis ang internet namin, kailangan namin sumunod sa terms nila. Tapos ang usapan.
 
Back
Top Bottom