Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Tagpuan

samahan mo naman ako. . .

sa lugar na tanggap tayo at ang ating mga salita
sa lugar na tanggap ang pagkatao natin at ang ating mga gawa

sa lugar na kung saan di mahirap ipaliwanag ang namamagitan sating dalawa
sa lugar kung saan ang haligi ay ang ating mga masasayang ala-ala

sa lugar na ang salitang paalam ay di natin kaylangan
sa lugar na ang hapdi at sakit ay di natin nalalaman

sa lugar na ang pag-ibig ay may sukling lilgaya
bawat nais ay malinis at walang halong pandaraya

sa lugar na ikaw mahal ko ay isinilang para sakin
sa lugar na ikaw mahal ko ay maari kong hingin

sa lugar na ang kanan mong puso ay kabiyak ng aking kaliwa
kung saan sabay na tumitibok at nagmamahal para sa isa't isa

sa lugar na walang dahilan para lumuha
sa lugar na magiging tahanan ng mga pusong inulila

sa lugar na ang iniibig mo ay iniibig ka
sa lugar na ang iniisip mo ay iniisip ka. . .
 
Back
Top Bottom