Good day to you, sir TrashMetal! I am currently a 3rd year law student in Angeles University Foundation, and my journey in law school is far from over.
Civil Engineering, as far as I know, involves a lot of computations and calculations. That is good when it comes to logical thinking, since nahahasa na yung pagiisip mo ng logical solutions to a problem. However, your course severely lacks the basic subjects of law that you need in order to have a working knowledge when it comes to the workings of law. Ganun din nangyari sakin kasi BS Nursing yung tinapos ko, and Constitutional law lang ang nakuha ko nung 2nd year ako tapos di man sineryoso ng prof namin yung discussion dun... Malaking adjustment ang haharapin mo kung kukuha ka ng Law after you pass your undergraduate course.
First of all, kelangan ng matinding English skills sa law kasi matinik usually sa grammar and diction ang mga law professors and gusto nila usually na sumasagot ka sa wikang Ingles. Pati sa written English dapat medyo skilled ka rin dun kasi titingnan nila yung sentence cohesion mo and kung naiintindihan ba nila yung pinupunto mo sa mga sagot mo. Marami din kelangan basahin na mga libro and meron din na mga professor na nagpapamemorize ng napakaraming codal provisions ng batas. Tip of the iceberg palang itong mga sinabing kong requisites, kaya dapat prepared ka sa mga pagsubok na ito kung seryoso ka man sa decision mong kumuha ng law...
Tuition fee namin dito sa AUF-SOL is around P45K per semester, and dual semesters yung curriculum namin dito. Pwede pang tumaas yan kasi may pending na tuition fee increase for the next school year. Mahal din yung mga libro usually, so kung makakahanap ka ng mga nagbebenta ng second hand na mga libro, kausapin mo na yung mga yun. Sa recto maraming secondhand law books din, so tumingin ka rin dun. Sa amin, mababait yung mga upperclassmen namin, tinuturuan kami kung saan kami makakakuha ng materials and resources sa mga subjects namin...
After you graduate sa pagkukuha ng law, may bar exam pa na dapat ipasa. Once naging full-fledged lawyer ka na, maraming opportunities na for work sayo. Since Civil Engineering ang tinapos mo sa undergrad, maybe magiging construction lawyer ka na nag-uuphold ng mga building permits at kung sang-ayon ba yung mga building plans sa current building code na batas natin sa Pinas... Pero napakaraming branches of law na pwede mong pasukan once nahurdle mo na lahat ng mga pagsubok sa law school...
Nasa sa iyo lang ang sagot kung kakayanin mo yung law school. Determinasyon mo at yung paghahanda mo din ang mga magiging susi ng iyong tagumpay kung sakali man mapili mong kumuha ng kursong law...
Good luck! Sana nakatulong ako... Godspeed!