Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Tatsulok

"Tatsulok"

Nakakapagod pero di susuko.

Sumisilip ang iyong noo, kulay tsokolate ang buhok mo. Namumulang mga pisngi at ang ilong ay kasing tulis ng toblerone na inaasam ko kahapon. Hindi ko man lubos na nakita ang iyong ganda dahil sa ika'y nakayuko at nakatitig sa iyong ginagawa ngunit ang bawat segundo sa araw-araw kong pagdaan sa kinauupuan mo ay yaman na iingatan ko. Noong una'y isa, dalawa ang mga beses na pagdaan ko, kahit na bawal alam nilang sinusugal ko. Hindi mo naman kasi mapapansin kahit sa sobrang laki kong ito sa dulo ng mga mata mo sa iba ka nakatingin.

Nakita na kitang tumayo,

Kung ihahambing kita kulang ang pahina nitong kuwadernong sinusulatan ko, mauubos ang tinta ng panulat at ang mga salita sa isipan ko, mailay lamang ang eksaktong kahulugan at kawangis ng ganda mo. Nakikita man nila ang anyo mong kay ganda ngunit hindi nila makita ang tunay na ikaw sa aking mga mata.

Lumalakad palayo, salubong ng maraming tao ngunit ang mga mata ko'y ikaw lamang ang nakikita habang ika'y humahayo. Sa kadilima'y sumusilip ang mga bituin, sa umaga'y ang ulap ang iyong payong laban sa init ng hardin. Kay ganda mong pagmasdan, parang isang malayang paru-paro sa parang na ang nais ay dumapo sa isang mayabong na halaman.

Ngunit alam kong ito'y kulang--

Ilang beses man akong dumaan, ilang beses ko mang ilahad ang ngiti kong kay tingkad, ilang ulit man kitang batiin ng magandang umaga,hapon at sa uwian na, kakaway man akong parang tanga, at uubusin ko man ang panahon ko kakatitig sayo, alam ko, alam nating pareho hindi ako makakatikim ng pansin sayo, hindi kailanma'y magiging laman ng isip mo at kalainma'y makikita mo dahil ang nakikita mo lang ay ang kaibigan kong kasabay dumadaan jan sa pwesto mo.

Nakakapagod pero di susuko.
 
Back
Top Bottom