Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

The Catholic Corner (Continuation)

Diego_99

Professional
Advanced Member
Messages
196
Reaction score
0
Points
26
Ang sinulid pong ito ay pagpapatuloy lamang ng nauna ng sinulid na pinasimulan ni sir unleash. Kaya pagbumalik na po siya ay ililipat ko na po sa kanya yung pagiging thread starter po nito. Ngayon habang wala pa po siya ay dito nalang po muna natin ilathala at sagutin ang inyo pong mga katanungan ukol sa pananampalatayang Katoliko. Pero paalala lamang po na iwasan po natin ang hindi magandang-asal at asta kapag nagtatanong ng sa ganun ay maging maayos po ang daloy ng sinulid na ito at maging ang ating magiging pakikipagpalitan ng impormasyon. Salamat.

- - - Updated - - -

Ang sumusunod po ay mga katanungan sa sinulid ni sir unleash, pero dahil sa nasarado na po ito ay dito ko nalang po sa sasagutin.


Originally Posted by metholico / 3rd Jul 2014, 12:11

ang tinatanong ko bakit si cristo ng mga catholico ay mahaba ang buhok

na si cristo mismo nag sabi na bawal sa lalaki ang may mahabang buhok


Kung tama po pagkakaunawa ko sa sinasabi mo ang gusto mo pong tukuyin ay yun pong nanggaling kay Pablo, sa 1 Cor 11:14, at hindi po kay Hesus.

Pagdating sa talatang ito ay wala naman po talaga tayong makikitang problema sa pagkakaroon ng mahabang buhok ng isang lalaki, dahil sa totoo lamang po ang ipinapahayag po ni Pablo rito ay sarili nya lamang pong pananaw at/o opinyon at hindi isang tuwirang swestiyon na dapat tignan bilang isang natural na batas.[1] Sa madaling salita ang pahayag po rito ni Pablo ay bahagi lamang po ng kanilang perspektibo, na alinsunod sa pinag-samasamang impluwensya na dala ng kanilang kinagisnang kultura, ukol sa pagkakaroon ng mahabang buhok ng isang lalaki at hindi po ito tuwirang iniaatas ng Dios na dapat gawin. Sabi nga po ng biblical scholar na si Gordon D. Fee, pagdating sa talatang ito, ay

.... Paul is not arguing that men must wear hair short, or that women must have long hair, as though "nature" meant some kind of "created order". (Hurley, "Veils," p. 215) Indeed, the very appeal to "nature" in this way suggests most strongly that the argument is by way of analogy, not of necessity.[2]


Ngayon kung ipagpipilitan po natin, halimbawa, na talaga ngang ipinagbawal ni Pablo rito, bilang atang ng Dios, ang pagkakaroon ng mahabang buhok ng isang lalaki ay dapat po nating balikan ang talata mula sa Ac 18:18 kung saan mismong si Pablo po ay nagpahaba po ng kanyang buhok. Ang pagpapahaba po niya ng kanyang buhok dito ay sa dahilang maging siya ay dumaan po sa tinatawag na Nazarite vow.[3] Pero kalaunan yung buhok nya pong ito ay pinaputulan po niya (κεφαλήν κειράμενος kephalēn keiramenos) ng sila'y nasa may Cenchrea na po, sa may Corinth.

Sa kabuoan ay hindi po natin maiaaplay iyang sinasabi mo po na tuwirang ipinagbawal sa kalalakihan na magkaroon ng mahabang buhok kundi, base sa ilang scholars ng Bagong Tipan, hal. Joseph Fitzmyer, Gordon D. Fee, A. T. Robertson, atbp,[4] ay maikukunsidera lamang daw po ito bilang isang "social propriety" o ang ibig sabihin ay yung sa tingin ng nakakarami na hindi naaangkop o nababagay na buhok sa kalalakihan. Muli, hindi po sinasabi ni Pablo rito na isa itong atas sa kalalakihan na dapat sundin o gawin, bagkus, batay lamang po ito sa kanyang sariling opinyon.

__________________________

1 G. D. Fee, The First Epistle to the Corinthians, p. 527.

2 Ibid.

3 Tignan ang L. T. Johnson, The Acts of the Apostles, p. 375; J. J. Pilch, The Cultural Dictionary of the Bible, p. 67; I. Howard Marshall, The Acts of the Apostles, p. 300; at L. Morris, New Testament Theology, p. 19.

4 J. A. Fitzmyer, First Corinthians, pp. 420-21; G. D. Fee, The First Epistle to the Corinthians, p. 527; A. T. Robertson, Word Pictures in the New Testament - 1 Corinthians; R. F. Collins, First Corinthians, pp. 403-4.
 
Last edited:
Mabuti naman po ako, kayo po?
 
Last edited:
bat kaya na close ang thread.
sana naman maibalik.
good morning sa lahat, di na maka
tulog ulit kaya eto basa muna
 
Ang daming na band. Wew, eto naman kasing mga thread starters parang ginawang palengke ng tabloid ang TB Section.
Panay Siraan yung mga threads na ginagagawa. Sana naman ma retreive pang muli ni sir unleash yung account niya, sayang
naman yun. Na damay pa tuloy ang thread :pray:

leetwotwo Kawai kawai jan :D
 
Last edited:
Nakausap ko nadin po si sir unleash at subukan daw po niyang bumalik. :)
 
Keep it up po sa lahat ng Catholic FAith Defenders dito..last month ko lng po natuklasan ung 1st tread and nagtiyaga po akong basahin ang ilan from 1st to last.. very informative po and for me as Catholic mas nagpalakas at mas nauunawaan ko pa po ang ating religion..God Bless Po sa lahat.
 
Good day bro diego.. huh! Anong nangyari sa thread ni bro. Unleash? Sorry huli nanaman ako sa balita..
 
Nasarado na po. Naghigpit na po kasi sa patakaran ngayon dito kaya yung mga sinulid po na kakikitaan ng may nagdedebate ay sinasarado na po agad at yung mga nakikipagdebate ay automatic na pong mababan. Malapit na pong magawan ng forum yung sa blog po, paki check lang po yung nasa signature ko para malaman po kung ayos na. Mag-aambag narin po ng articles dyan si sir unleash, atbp. :)
 
pa daan dito ts. sayang yung kay sir unleash daming kong natutunan dun.
 

mula noon hanggang ngayon, ganon pa rin, wala na bang progress, ahahaha! View attachment 355199 https://www.mobilarian.com/showthread.php?t=616289&page=594&highlight=the+catholics+corner

- - - Updated - - -

first, ang utos raw ay bawal gumawa ng larawang inanyuan/rebulto? yan ba talaga ang utos? hindi ba ito dinagdagan o binawasan? are you not twisting the scriptures to justify your anti catholic bias?
a. kung bawal nga ang gumawa ng imahe o rebulto, nagkasala ang mga israelita sa pangunguna ni moises dahil gumawa sila ng mga imahe;
b. inutusan ng Dyos sina moises at ang mga manlililok na gumawa ng mga imahe, at kung bawal nga ang gumawa ng mga imahe, then God contradicts His own laws. at dahil ang Dyos mismo ang nag-utos na maglilok ng mga graven images, main instigator Sya sa paglabag sa utos na Sya mismo ang gumawa.
hence, you have the scriptures contradict one another by your erroneous private interpretation, lahat ng ito ginawa mo para lamang palabasin na masama ang catholic church. see where your hatred towards the church have led you, lolz

but God can never contradict Himself (ang pang-unawa mo lang ang may mali). so, ano ang tamang interpretation?
ito ang buong utos: huwag gagawa ng imahen UPANG SAMBAHIN. though the israelites have made graven images to portray the glory of God in visible forms, they never have worshiped those images. they never have worshiped those images, pero there are times na lumuluhod sila sa harapan nito, they bow at its presence, and certainly revere it with utmost devotion as sacred objects. so, bat ang mga katoliko ay ina away nyo kung ganyan rin ang ginagawa namin sa imahe ng mga santo?
sinasamba raw ng mga katoliko ang mga sagradong imahen dahil lumuluhod kami sa harap ng mga ito, pinupunasan ng panyo, sinisindihan ng kandila. do you worship God sa pamamagitan ng pagpupunas ng panyo o pagsisindi ng kandila o sa simpleng pagluhod? unbelievable, lolz! look at how the old and new testament worshiped God. do they worship God by simply singing songs of praises? or by just reading the bible? no. they worship God by offering sacrifices. the old does this by offering burnt sacrifices, the new by offering the life of the Lamb of God, and this in our time by bringing us, making present to us, the sacrifice of Jesus on the cross through the celebration of the holy Eucharist. this is how catholics worship God, hindi yung pagpunas-punas ng panyo o pagtirik ng kandila. it is clear that you really do not understand catholic piety and worship, and hence walang karapatan upang kami ay husgahan.


hindi na kayo nagsawa sa ganitong tanong, at nagpupumilit pa, lolz! this question has been sufficiently answered and defended. hence, any similar questions of this sort from this time on will no longer be entertained. ang nagpupumilit magtanong ulit sa mga topikong nasagot na ay pinapayuhang magpakunsulta sa psychiatrists, hindi na normal ang pag-iisip nyo, lolz!




Moderator Note:
May kumwestyon, may sumagot, may na ban.
LESSON: never respond to someone who contradicts your belief, just use the report button
 

Attachments

  • 44519266_1974051929326912_7334575604827684864_o.jpg
    44519266_1974051929326912_7334575604827684864_o.jpg
    200.4 KB · Views: 5
Last edited by a moderator:
We will not be closing the thread as it is for CATHOLICS only. Learn to respect others' belief. Learn from the answers quoted below.
IF you are not satisfied with the answer, review sticky thread - Mga BAWAL Sa Usaping RELIHIYON before replying.
 
Banned na pala si unleashed sayang, kumuzta mga katulad kong katoliko
 
Sir Diego kumusta na....jamezon3....kaway din sau
 
Last edited:
belated merry christmas and advance na happy new year sa inyo kean08 at leetwotwo!
 
Back
Top Bottom