Ang una mo kailangan gawin ay kausapin muna si client kung magkano ang budget nya for the project. Kasi dyan ka pwede makakuha ng idea ng magandang payment terms para sa project nyo.
Example, ikaw si client, ang budget mo ay 1m (example lang), would you give it ALL at one go? Of course not. Siyempre hihingi sya (client) ng ibang payment terms na hindi masyado mabigat sa kanya. Let's say 50k ang ang project price, kahit mukhang kaya naman ni client na magbigay ng 50k agad, hindi nya yun gagawin para na din makasigurado sya na hindi mo sya tatakbuhin (and no, hindi ko kini-question ang ethics / morality mo
).
- Yung iba, preferred yung 50 / 50. 50% ng total upon agreeing / starting with the project specifications. The other half, upon project delivery.
- Yung iba, binababaan ang initial amount (for example, from 50k to 30k), PERO may PAID monthly system maintenance.
- Yung iba ay per milestone. Upon 25% completion, magbabayad si client. 50% bayad uli. 75%...
- Yung iba naman ay per module.
Pero, isa na din sa dapat mo makasanayan ay humingi ka ng downpayment, para na din sa kasiguraduhan mo. Kayo na bahala kung gusto nyo pa idaan sa kontrata or hindi.
--------------------------------
ADDENDUM:
Sa mga thesis na ginawa ko, 50 / 50. Upon starting, at upon delivery. Upon completion, at may kailangan ipadagdag (na wala sa initial scope), dagdag singil.
Sa iba na medyo galante, per hour.