Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcycle

Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

steps para sa diy sa fairing ng wave 125 sir ,,,lahat po ng gagamitin sir ah at technique ,,,,,,,,cost din ng gagamitin na pintura paps,,,anzhal brand balak sir ,,,tnx
 
Sir when you say kontrata o porsiyento pag uusapan with pintor and latero ibig sabihin per car na natapos nila? Usually ilan porsiyento po? Also, bakit po mas maganda porsiyento ang usapan kesa sa arawan? Lastly, paano po usually makahanap ng pintor and taga latero, sa pamamagitan ba ng ads sa diyaryo o pagpapaskil ng "wanted pintor & latero"?

Thanks po.

oo, per car ang usapan don. depende sa mapagkasunduan nyo ng pintor at latero. mas maganda ang kontrata para mabilis ang trabaho ng pintor at latero. unlike sa arawan, kapag nagbagal sila sa trabaho ay ikaw ang talo. mas safe siguro sa mga kakilala mo, sa kanila ka magpahanap ng mga tao. saan ba location ng shop na itatayo mo?

sir las t question nalang po..para masimulan ko napo ung project ko.

ano po ba pagkakaiba ng epoxy primer sa finishing primer or ung tinatawag na pang sara ng masilya.

ang epoxy primer po kasi na nabibili ko eh ung may kasamang liqiud na parang clear coat.na inihahalo dun sa kulay grey.

o iisang klase po sila kaso ngalang dun sa finishing primer.(pang takip ng masilya) eh tinner lang po ang dapat ihalo.

maraming salamat po talaga,,post ko nalang po result ng project ko.

epoxy primer, ina-apply yun sa mga strip to metal painting job, basta litaw ang lata o metal at pipinturahan, yun muna ang ipipintura saka isusunod ang masilya, finishing primer at base coat. CATALYST yung kasama ng epoxy primer, inihahalo yun para matuyo ang primer, kapag wala nun ay hindi siya matutuyo. magkaiba ang epoxy at finishing primer. sa finishing primer o primer surfacer na pantakip sa mga masilya ay hindi na nilalagyan ng catalyst.

Sorry for the off-topic.

May mairerecommend ba kayo na shop that can do the repainting job for my car? Yung budget friendly lang sana pero good quality.

Thanks!

refer kita sa utol ko baka may alam siyang shop banda sa makati, pero location ng utol ko ay sa malabon

steps para sa diy sa fairing ng wave 125 sir ,,,lahat po ng gagamitin sir ah at technique ,,,,,,,,cost din ng gagamitin na pintura paps,,,anzhal brand balak sir ,,,tnx

wala pa bang paint ang mga fairings ng MC mo?
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

oo, per car ang usapan don. depende sa mapagkasunduan nyo ng pintor at latero. mas maganda ang kontrata para mabilis ang trabaho ng pintor at latero. unlike sa arawan, kapag nagbagal sila sa trabaho ay ikaw ang talo. mas safe siguro sa mga kakilala mo, sa kanila ka magpahanap ng mga tao. saan ba location ng shop na itatayo mo?

Salamat sir. Wala pang specific na location pero ang binabalak ko po ay QC/Cubao area if ever. I'm still thinking about it and although I'm a car nut since I were a kid, ay wala akong experienced sa painting much more running a shop. Experience ko kasi and passion ay pag memekaniko (DIY) kaya pinagiisipan ko pa ng mabuti itong binabalak ko. I have some more question, sa panahon ngayon normal practice na ba yung porsiyentohan sa auto body/painting business? Maapektohan ba yung loyalty ng pintor and latero whether porsiyentohan or arawan ang magiging sahod nila? Thanks.
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

ask ko lang po balak ko po kasi pinturahan ang aking motor at yung swing arm may mga rust na rin sa swing arm ano po pwedeh kung gawin para matanggal yung kalawang sa swing arm ng motor ko pati pa pala sa body gusto ko rin pinturahan sana matulungan nyo ako model 2005 pala motor ko ngayon ko lang balak e restore...
 
wala pa bang paint ang mga fairings ng MC mo?[/QUOTE]

change color sir kupas n at dami gas gas,,,,sir meon b chrome red n pintura?
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

paki detalye sir kung anong oto mo van or kotse, acrylic ba or urethane? hilamos lang ba sa labas o pati loob pipinturahan?

kung kotse eto dami ng pintura.(acrylic)

boby color = 1 gal ok na
= 1.5 gal kung pati loob

top coat = 3 to 4 quart (depende kung gusto mong mejo kapalan ang top coat)

thinner = 2 gal.(premuim thinner pangsara ng kulay at top coat clear)

thinner = 1 gal.(ordinary para sa primer kung may masilya o putty)

putty = 1 quart ok na kung konti lang naman gasgas o maliliit na lubog o alon.

primer surfacer = kailangan din lalo na kung may mamasilyahan o putty. kahit kalahating quart lang, 1 quart kung maraming masilya.

rubbing compound at wax para pampakintab.

KUNG VAN NAMAN: magdagdag ka lang ng 2-3 quarts sa boby color at 1 gal. thinner.

http://www.avatarsdb.com/avatars/animated_naruto.gif

Hello sir Solo-baric & good evening, bago lang po ako dito sa forum. Nag-convert or nag-modify po ako ng corolla to sprinter na bigbody at may pina-latero ako sa fenders and nag-palit din ako sa likod ng trunk at nilatero rin yung rear panels para ma-fit tail lights ng sprinter, may masilya rin po yung na-latero na parts ng oto... paki-post din po yung kung gaano karami ng urethane paint for washover/hilmos gaya nung na-enumerate nyo po sa acrylic. Thank you and more power. :)
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

naka bili napo ako ng pintura urethane anzal po.may kasamang catalyts iisang klase lang po ba ung ginagamit na catalyts sa pinturang (anzal) saka sa top coat (clear) un lang kasi binigay sa akin eh.naka lagay sa isang latang maliit.un daw ung catalyts ,

bale hahaluhan kopa ung base color na anzal ng catalyts at tinner.
tapos ung cleaar coat ganun din catalyts at tinner din ..

maraming salamat po
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

Salamat sir. Wala pang specific na location pero ang binabalak ko po ay QC/Cubao area if ever. I'm still thinking about it and although I'm a car nut since I were a kid, ay wala akong experienced sa painting much more running a shop. Experience ko kasi and passion ay pag memekaniko (DIY) kaya pinagiisipan ko pa ng mabuti itong binabalak ko. I have some more question, sa panahon ngayon normal practice na ba yung porsiyentohan sa auto body/painting business? Maapektohan ba yung loyalty ng pintor and latero whether porsiyentohan or arawan ang magiging sahod nila? Thanks.

oo, karamihan ay porsyentuhan, kung tawagin din ay sub contract. normal yun sa car painting business. sa tingin ko walang epekto yun, nasa relasyon mo yun sa mga tao mo para makuha ang loyalty nila. kung maganda pasahod mo, kahit sa % or arawan, importante naibibigay ang tama para sa kanila.

ask ko lang po balak ko po kasi pinturahan ang aking motor at yung swing arm may mga rust na rin sa swing arm ano po pwedeh kung gawin para matanggal yung kalawang sa swing arm ng motor ko pati pa pala sa body gusto ko rin pinturahan sana matulungan nyo ako model 2005 pala motor ko ngayon ko lang balak e restore...

kung makapal na kalawang, gamitan mo ng steel brush pagkatapos ay lihain mo ng #120. kapag wala nang kalawang, patuyuin mo at saka pinturahan ng epoxy primer. kung umuka na ang kalawang, masilyahan mo after ma epoxy primer. saka liyahin ng #120 hanggang sa pumantay, then i-paint ang primer surfacer saka isunod ang base color.

wala pa bang paint ang mga fairings ng MC mo?

change color sir kupas n at dami gas gas,,,,sir meon b chrome red n pintura?[/QUOTE]

sure ka bang anzahl ang gusto mong i-paint sa wave mo? medyo maselan kasi i-paint ang anzahl, kung baguhan pa sa pagpipinta ay baka masira lang. advise ko sayo, acrylic muna i-apply mo sa MC mo para hindi gaanong hassle. marami namang brand sa acrylic na maganda rin at matibay.

eto steps:
1. lihain ng buo lahat ng fairings, #400 sand paper
2. ipaint mo yung color na gusto mo, 3-4 layers (huwag masyado makapal)
3. sundan mo na agad ng top coat clear, 3-4 layers din

Hello sir Solo-baric & good evening, bago lang po ako dito sa forum. Nag-convert or nag-modify po ako ng corolla to sprinter na bigbody at may pina-latero ako sa fenders and nag-palit din ako sa likod ng trunk at nilatero rin yung rear panels para ma-fit tail lights ng sprinter, may masilya rin po yung na-latero na parts ng oto... paki-post din po yung kung gaano karami ng urethane paint for washover/hilmos gaya nung na-enumerate nyo po sa acrylic. Thank you and more power. :)

need mo ng:
1.5 gallon base paint
2-3 gallon anzahl thinner
4 quarts top coat clear

(kung acrlic ang dating paint, hindi mo pwedeng patungan yan ng anzahl, dapat i-strip to metal muna bago i-paint ang urethane paint like anzahl.)

naka bili napo ako ng pintura urethane anzal po.may kasamang catalyts iisang klase lang po ba ung ginagamit na catalyts sa pinturang (anzal) saka sa top coat (clear) un lang kasi binigay sa akin eh.naka lagay sa isang latang maliit.un daw ung catalyts ,

isang klase lang ang catalyst na para sa base color at top coat clear.

051629417_05144660110c916ab0142feecda6e457f85e107681edab769.jpg

bale hahaluhan kopa ung base color na anzal ng catalyts at tinner.

tama! 1:1 ang ratio ng color sa thinner

tapos ung cleaar coat ganun din catalyts at tinner din ..

tama, ganun din.

maraming salamat po

you're welcome
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

kaya un sir kht maselan ,,,pgbibili k aman ata eh sila n mgtitimpla
 
isa pa pala tol, yung existing paint ba ng MC mo ay anzahl na? o acrylic?
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

maraming salamat sayo TS

okey napo project ko..hindi pala ganun kahirap mag pinta basta may gamit ka at matiyaga pasensyoso sa trabaho..

problem solve napo ako..isusunod ko nalang ang ibang panel ng tsikot ko..medyo kinabahan lang ako after ng pintura.
kasi nasalat ko orange peel siya,,kulang lang pala sa liha ,ng 1200.at rubbing compound,ayun lumitaw na ung mala salaming pintura ng kotse ko..
masaya ako at nag tagumpay ako sa unang subok ng pag pipintura,na ang tanging gabay ko lang ay ang TREAD mo idol ko.

thanks
 
Gusto ko mag diy hilamos ng auto..

May compressor na po ako..

Ang kailangan ko na lang yong pang spray then tska ko aralin ang mga paint at masilya etc.

ano pong magandang bilhin na pang spray paint at magkano ang price range.
Saan din pala nakakabili.

Pag nag hilamos ako, magkano ang nagagastos sa materials?
 
original paint pa sir ,,,

kung original paint pa ay pwedeng patungan ng anzahl yan, pero para sure na hindi niya lulutuin ang original paint at huwag kumulo ay apply ka muna ng anzahl primer ng 2 coats lang saka patuyuin, then saka ang base paint (3-4 coats). isunod ang top coat clear kahit 2 coats lang.

maraming salamat sayo TS

okey napo project ko..hindi pala ganun kahirap mag pinta basta may gamit ka at matiyaga pasensyoso sa trabaho..

problem solve napo ako..isusunod ko nalang ang ibang panel ng tsikot ko..medyo kinabahan lang ako after ng pintura.
kasi nasalat ko orange peel siya,,kulang lang pala sa liha ,ng 1200.at rubbing compound,ayun lumitaw na ung mala salaming pintura ng kotse ko..
masaya ako at nag tagumpay ako sa unang subok ng pag pipintura,na ang tanging gabay ko lang ay ang TREAD mo idol ko.

thanks

tama yung ginawa mo, ang solusyon talaga sa orange peel ay i-wet sand ng #1200 at saka i-rubbing.

:welcome: :salute:

Gusto ko mag diy hilamos ng auto..

May compressor na po ako..

Ang kailangan ko na lang yong pang spray then tska ko aralin ang mga paint at masilya etc.

ano pong magandang bilhin na pang spray paint at magkano ang price range.
Saan din pala nakakabili.

Pag nag hilamos ako, magkano ang nagagastos sa materials?

spray gun na maganda sa panghilamos ay yung tinatawag na REKTA na spray gun.

images

ang price siguro nyan ay nasa 1-1.5k (di ko tiyak paki canvas na lang)

about sa materials ay mag canvas ka na rin para exact price ang malaman mo.
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

oo, karamihan ay porsyentuhan, kung tawagin din ay sub contract. normal yun sa car painting business. sa tingin ko walang epekto yun, nasa relasyon mo yun sa mga tao mo para makuha ang loyalty nila. kung maganda pasahod mo, kahit sa % or arawan, importante naibibigay ang tama para sa kanila.

Thanks sir. Matanong ko na rin since I understand nakapag trabaho kayo sa shop, pag dating sa mekaniko ng talyer porsyentuhan rin ba sahod nila base sa labor charges or arawan?

Thanks
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

sir question lang po, ano mas ok bosny or pylox? plastic fairings ang pipinturahan.. thanks po
 
depende rin sa owner ng shop, may iba na arawan ang iba porsyento din. nasasayo yon at nasa pag-uusap nyo ng mekaniko.

:welcome:

sir question lang po, ano mas ok bosny or pylox? plastic fairings ang pipinturahan.. thanks po

para sa akin ay lamang ng konti ang bosny pertaining sa durability.
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

magandang araw idol, ganda netong thread mo dami natutulungan.

papatulong sana ako sa fairings ng mio ko rerepaint ko lang sana pra magmukang malinisView attachment 165171. ano ano mga kailangan ko at mga magkano aabutin.

thanks in advance!
 
Attachments

  • 2013-11-25 12.02.12.jpg
    2013-11-25 12.02.12.jpg
    240.7 KB · Views: 4
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

sir, pwede po pa estimate ng materials na gagamitin(paint, thinner,top coat, etc), bale change color po ng mitsubishi adventure from gold to black...:pray::praise:
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

magandang araw idol, ganda netong thread mo dami natutulungan.

papatulong sana ako sa fairings ng mio ko rerepaint ko lang sana pra magmukang malinisView attachment 911598. ano ano mga kailangan ko at mga magkano aabutin.

thanks in advance!

kung magpapa-paint ka sa labas, mga 2-3k ang sisingilin sayo. kung DIY mo siya ay humigit kumulang 1k lang, pero dapat ay may gamit ka like spray gun at compressor. eto mga need mo:

1/2 quart acrylic base color
1/2 quart top coat clear
2 quart acrylic thinner (premium)
1 pint spot putty (kung wala namang gasgas ay hwag nang bumili nito)
#400 sand paper
#220 sand paper (kung may lilihahin na putty)
masking tape
used news paper (pang takip sa mga part ng motor na hindi pipinturahan)

sir, pwede po pa estimate ng materials na gagamitin(paint, thinner,top coat, etc), bale change color po ng mitsubishi adventure from gold to black...:pray::praise:

2 gallon acrylic base color
6 quarts top coat clear
4 gallon acrylic thinner (2 gallon ordinary at 2 gallon premium)
spot putty
body filler
masking tape
used news paper
rubbing compound
wax

sanding paper
#400
#220
#1200
#120
 
Last edited:
Back
Top Bottom