Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Tithes o Ikapu (Ika-sampu).. Tama po ba itong ipatupad?

BrMel

Recruit
Basic Member
Messages
10
Reaction score
0
Points
16

Pinag aaralan ko po kung ano ang katotohanan sa bagay na ito. tulungan nyo po akong maunawaan ito biblicaly. Sa ngayon po ay may mga paliwanag na aking narinig na itoy mali na ipatupad pa.. kung kayo po ay may kaalaman sa bagay na ito, please share it with us.

Salamat po.. at pagpalain nawa tayong lahat ng kaunawaan sa bagay na ito.
 
Hello TS mahabang topiko po ang tithing sa Bible... at marami din nagsasabi na hindi na dapat ito sinusunod meron naman iba na dapat sundin parin..
para mas lalo mong maunawan panoorin mo ito TS (WATCH ME) malaking bagay din ang mga natutunan ko sa mangangaral na yan.. God Bless
 
Tithes as described in OT is un kautusan ng Panginoon ng pagbibigay ng 10% sa inani ng mga tao nuon or kung magkano un kinita nila...sa NT sinabi : Ito ang sinasabi ko: Ang naghahasik ng kaunti ay aani naman ng kaunti. Ang naghahasik nang sagana ay aani naman nang sagana. 7 Magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasya ng kaniyang puso, hindi sa kalungkutan o sa pangangailangan sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay ng masaya. Corinto 9:6-7

kita mo naman na sinasabi na iniibig ng Diyos ang nagbibigay ng masaya...HINDI nya iniibig ang nagbibigay ng malaking pera or maliit na pera..tinukoy un Feelings mo sa pagbibigay sa Kanya..

bakit ba nagbibigay? at bakit kelangan magbigay?
tandaan mo kapatid na ang Diyos ay may ari ng lahat ng bagay..as in LAHAT..walang anumang bagay na maibibigay mo kay God ang mkakapagpadagdag sa yaman nya or ari-arian nya.. so baket magbibigay pa? Dahil sa pananampalataya mo na ang Diyos ang nagbibigay ng lahat ng bagay sayo at dahil sa pagbibigay mo na may kasiyahan sa puso ay naluluwalhati ang Panginoon. Hindi sa pera na binigay mo o bagay na binigay mo Sya natutuwa kundi sa kasiyahan sa puso mo na magbigay at magbalik sa kanya ng pasasalamat (through the tithes and offerings).. mali lang na sa iba e pinipilit nila un church members na palagian na magbigay kahit na labag sa puso ng members. dapat ang isaalang alang e un laman ng puso mo..kung nagbibigay ka nga ngunit nagdadalawang isip ka dahil malaki yung ibibigay mo or naiisip mo na magshoshort budget mo then it is better na magbigay ka ayon sa pasya ng iyong puso kesa magbigay ka ng malaki ngunit labag sa kalooban mo. Gets mo kapatid?

Again, hindi problema ang kautusan ng pagttithes or offerings e.. ang real question jan is kung labag ba or bukal sa puso mo un pag ooffer mo? kung labag sa puso mo then mas mabuti sayo na wag ka magtithes kesa magkasala ka sa mata ng Diyos dahil hindi ka natutuwa na magbigay..just a thought, NAPAKALIIT na bagay ang pagbibigay mo/ko ng pera sa Diyos kumpara sa mga bagay na araw araw nyang binibigay sayo/saten..as in NAPAKALIIT! kung iniisip mo na hindi napupunta sa magandang bagay un binibigay mo then I suggest na lumipat ka ng church kung saan meron kang nakikita na magandang pinatutunguhan ng tithes or offerings mo..yun bang transparent sa mga money spendings nila.. :)
 
Ang tawag po ng Dios sa mga hindi nagbbigay ng tithes at offerings ay "Magnanakaw" Malachi 3: 8-11. Ang Dios ng lumang tipan at bagong tipan ay iisa..kung ok lang sa atin na tawaging magnanakaw, keep on thieving God! Kung tayo nmn ay may sensitivity sa ganitong bagay then we should follow Him cheerfully..

Ang magnanakaw ay pinaparusahan...at ang malambing sa Dios ay pinagpapala..

As it is written.. so be it... so shall be done^____________ God Bless!
 
Ang tawag po ng Dios sa mga hindi nagbbigay ng tithes at offerings ay "Magnanakaw" Malachi 3: 8-11. Ang Dios ng lumang tipan at bagong tipan ay iisa..kung ok lang sa atin na tawaging magnanakaw, keep on thieving God! Kung tayo nmn ay may sensitivity sa ganitong bagay then we should follow Him cheerfully..

Ang magnanakaw ay pinaparusahan...at ang malambing sa Dios ay pinagpapala..

As it is written.. so be it... so shall be done^____________ God Bless!

:thumbsup::thumbsup::thumbsup:
 
Kanino ba utos ang Tithes?? Sa Christiano ba???

ang alam ko kasi pagdating sa Christianity hindi na utos ang tithes, yung kusang loob at masayang puso na pagbibigay po ang para sa mga Kristiano...

gaya ng nasusulat sa

II Corinto 9:7
7Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

Hindi na po tithes yan kapatid...

Magnanakaw yung mga hindi nagbibigay ng tithes sa mga inutusan nito, at yun ang Isaraelita... Pero sa panahon ng Panginoong Hesus hindi na po tithes ang kanilang abuluyan... Kundi yung pasya ng puso mo na masaya... ;)
 
mga pastor na gustong manlinlang ng tao ang mga nagtuturo niyang IKAPU
 
Kaya nga dumami relihiyon kasi ginawang negosyo dahil ini insist nila yang lumang kautusan(keso magnanakaw ka daw at hindi maliligtas pag hindi nag bigay ng 10% sa sahod mo)so yung mga mahihirap na tao hindi maliligtas tsk tsk!,logic palang sablay na..binago na yan sa pag dating ni jesus., mag bigay lamang sa pasya ng iyong kalooban,sapagkat iniibig ng diyos ang nagbibigay ng masaya. 2 mga taga corinto 9:7. for more complete details.,just listen to bro.Eli para mas maliwanagan.Amen.
 
Naaawa ako sa mga taong walang ng kakayahang magbigay, inaakusahan pa na kaya naghihirap ay hindi daw nagbibigay ng ikapu.

Kung magsalita sila na pinagnanakawan daw ang Diyos, pati mahihirap kasamang nilang pinararatangan! tsk! tsk!

Kung nauunawaan lamang ninyo ang kahulugan ng mga salitang ito, 'Habag ang nais ko at hindi ang inyong handog', hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang sala. --Mateo 12:7
 
so sino ngayon ang mas mayaman at may mga ari arian na nakapangalan sa kanya.. si eli soriano na hindi naniniwala sa tithes na nakatira sa mansyon sa ibang bansa at may sariling bodyguard pa ha, o ang pastor namin na walang sariling sasakyan at bahay at nagrerent lang ng bahay at namumuhay sa PANANAMPALATAYA kahit walang pera sa bulsa... sino ang ginawang negosyo ang relihiyon?
salamat!
 
higit pa pala sa 10% kasi ayon sa sa ipinasiya ng kanyang puso
pwede rin 20% more or less basta huwag mabigat sa loob....
Sa Malachi 3:8-11 specific talaga 10%, depende na man sayo kung ano ang pagkakilala mo sa panginoon...
basta sa akin ang pagkakila ko sa kanya, ang pagpapala niya ay lubos lubos, di na man kasi madamot ang panginoon.
Kasi ang panginoon di lang 10% ang ibinibigay sa atin sobra,sobra pa:thumbsup::salute:
 
Why some churches obligate their menbers to give tithe or 10% of the individual income? Giving of 10% tithe is a really Biblical command as of this modern time?

To sir BrMel

First of all, we ask the guidance of the Holy Spirit which the One who only knows and seek the deepest mind of God. We ask Him to reveal the truth behind on this question and unto every person who has also have this question. What ever we found in this message, the glory is to God and never be vanish. Praise Him alone without ceasing forever and ever. In the name of Jesus Christ forever Lord. Amen.




Magsimula po tayo sa ikasampung bahagi na handog sa Diyos o mas kilala sa tawag na "tithe".
Sa ingles po ang ikasampung bahagi ay tinatawag na tenth(10%)…
Ibig pong sabihin ang tithe po sa panahon natin ay nakilala dahil sa tenth o sa madaling salita ay 10%.
At ang 10% po ang tinatawag nilang Biblical tithing or Mosaic Law definition of tithing
Bagamat ang tenth po ay mas kilala sa word na tithe…
Hindi ibig sabihin nito, ang tenth ay kapareho na ng tithing kahit pa na ito ay parehong pagkakaloob…
Magkaiba po ang tenth sa tithing…
Kaya sila naging halos magkatulad dahil nga kadalasan ang tithe ay ibinibigay na katumbas ng tenth o ikasampung bahagi.

Ang tithe po ay certainly known as tax(it is something you do regularly not on a conditional basis)…
The meaning of tithing was not a conditional act, ito po ay free-will offering without specific amount…
Sa bansang Israel ang whole tithing ay hindi katumbas ng ikasampung bahagi kundi higit pa sa 22%…
Ibig pong sabihin ang tithing at tenth(ikasampung bahagi) ay magkaiba.

Ayon pa po sa ilan, ang pagbibigay ng ikasampung bahagi sa Templo ng Jerusalem ay hindi na inoobserve sa panahon natin ngayon…
Dahil kasamang nawasak ang genealogical records ng mga Levita sa loob ng Templo mula ng ito ay mawasak noong 70 A.D.
Dahil sa pangyayari hindi na nila matukoy kung sino ang mga tunay na Levita.

Muli po ang tenth po ay pagkakaloob ng ikasampung bahagi o 10% na mas kilala sa tawag na tithe.

Ngayon pag-aralan natin ang 10% o mas kilala sa tawag na tithe…

Sa OT before Mosaic Law ang tithe ay kadalasang ibinibigay bilang pasasalamat o kapalit sa isang kahilingan and its from your agricultural harvest or farming…

Sa Biblia, ang tithe ay unang narinig sa …Gen 14:17-20
Kung saan ang ikasampung bahagi ng lahat ng nakuha ni Abram (Abram pa ang pangalan ni Abraham) at ng kanyang mga kasama ay ibinigay niya kay Melquisedec ang hari ng Salem at pari ng Kataas-taasang Diyos matapos nilang talunin sa pakikipaglaban si Haring Kedorlaomer.

Nung panahong pong iyon si Abram ay mayaman na…ngunit kung babasahin natin ang Gen 14:16.
Ang ikasampung bahagi na ibinigay ni Abram kay Melquisedec ay hindi nagmula sa pag-aari niya kundi ito ay ang mga nasamsam ng mga kaaway nila sa mga kasamahan niya o nabawing ariarian ng mga kasamahan niya. Ibig sabihin ang ibinigay in Abram kay Melquisedec ay maaaring karamihan ay ariarian ng mga kasamahan niya at hindi talagang galing sa ari-arian niya… at hindi po ito tulad ng ikasampung bahagi sa kautusan ni Moises…

Kung ganoon bakit hindi ang ari-arian ni Abram ang ibinigay niya, sa halip ang ibinigay niya ay galing sa mga kasamahan niya? Hindi rin nabanggit sa Biblia na si Abram ay regular na nagbibigay ng tithe…

Dahil the Bible does not say that Abraham was commanded to give a tithe;
Abraham was never taught or instructed by God to give a tenth, nor did he discover the law of tithing. Ang tithe po na ibinigay ni Abram kay Melquisedec ay kusang loob na ibinigay niya…

Furthermore in Jacob, the Bible does not say also that Jacob was commanded to give a tithe.
Kahit na si Jacob ay nagbigay ng tithe ngunit iyon ay one time event po lamang nabanggit sa Bible at iyon ay conditional…(Genesis 28:20-22)
In fact, before Moses and the Law, the Bible does not record anyone giving tithes to God as a yearly, Monthly or weekly practice. There is No such command.

And according to Bible teaching nang ibinigay ang tithing law, the tithe should be kind of this…(Lev.27:30; 2 Chron.31:5-6; Deut.14:22-29)

The word “tithe” is used 13 times in the Bible. Not once do you see the word “money” used with it. The word “tithes” is used 21 times in the Bible. The word “money” is not mentioned.

Kung malayo ang lugar na pipiliin Niya at magiging mahirap dalhin doon ang ikasampung bahagi ng inyong ani, ipagbili ninyo iyon, at dalhin ang pinagbilhan sa lugar na pinili Niya. Pagdating doon, bumili kayo ng anumang gusto ninyo: baka, tupa, alak, o inuming nais ninyo at siya ninyong pagsalu-saluhang mag-anak bilang pagdiriwang sa harapan ng Diyos ninyong si Yahweh. --Deuteronomio 14:24-26

Pero sa panahon natin ngayon madalas ibinibigay ang tithe sa pamamagitan ng pera dahil sa bagong sistema ng lipunan natin ngayon.


Ang tanong kailan naging kautusan ang tithing?

Naging ganap na kautusan ang tithing sa panahon ni Moises nung 400 years after ni Abraham.

At ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises at hindi ni Abraham.
Kung ang tithing ay pinatutupad na bago paman ang kautusan, ibig sabihin ito ay hiwalay sa Mosaic Law o kautusan ni Moises.

Ibig sabihin ang tithing ay hindi lihitimong iniutos mula pa noong unang panahon…

Bakit ginawang batas o kautusan ang tithing?

Hinayag ni Moises ang tithing alang-alang sa mga pari(levi) at para sa paghahandog sa Diyos dahil sila ay nasa ilalim ng pamamahala ng Diyos… (Leviticus 27:30,34)( Numbers 18:21-26)
At ito ay iniutos upang suportahan ang mga pari at Levita nang sa ganun ang buong panahon nila ay maiukol nila sa kanilang tungkulin sa Diyos…(2 Chronicles 31:4-5)

Ang mga pari lamang din ang binigyan ng Diyos ng karapatan na makapasok sa tabernakulo sila lang ang binigyan ng tungkulin na mamahala sa Templo at magdala ng handog sa Diyos…
Dahil ang mga pari o lahi ni levi ay walang parti sa lupain ng Israel kaya’t ang parti nila ay tithe na handog ng bansang Israel upang sila ay mabuhay at makapaglingkod sa Diyos sa tabernacle… (Bilang 18:21-24)(Deuteronomio 14:28-29)

At ng ito ay napatupad at nasusunod, the children of Israel brought in abundance the firstfruits of grain and wine, oil and honey, and of all the produce of the field; naging masagana ang lahat ng kanilang mga pananim at dito nagmumula ang maiinam na kaloob nila sa Templo.


Tithing was instituted for the tabernacle in Moses’ day, not for a church building.
Dahil iisang lugar lang ang kanilang sinasambahan sa buong lupain, ang Templo. (Numbers 18:21)

Ibig sabihin ipinatupad ang tithing law not before, but after maitayo ang Templo o tabernacle.


Noong panahon na hindi pa namamatay sa krus ang Panginoon.
Ang tithing ay patuloy paring pinatutupad dahil ang Israel ay nasa ilalim parin ng kautusan o Mosaic Law…

Tandaan ninyo: maglalaho ang langit at ang lupa, ngunit ni isang tuldok o kudlit man ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga't hindi natutupad ang lahat. --Mateo 5:18


Ang kautusan ay hindi parin naman nawawala…
Nasa atin parin naman ang desisyon kung nais parin nating magpasakop sa kautusan.
O kaya naman humiwalay na sa pamamaraan ng kautusan at magpasakop sa New Covenant.

Paano naman ang nakasulat sa Malachi 3:9 na madalas ginagamit ng mga nangangaral?

Noon panahon na iyon, dahil ang bansang Israel ay agricultural o farming nation, sila ay nakadepende sa ulan upang mabuhay ng masagana…
Dahil sa matapat na pagbibigay nila ng tithe, ang Diyos ay binubuksan ang mga bintana ng langit upang magbigay ng masaganang ulan sa bansa para sa kanilang mga kabuhayan. At iniingatan din ng Diyos ang kanilang mga pananim sa mga peste ng sa ganoon makapagbigay sila ng mainam na kaloob para sa Diyos at sa mga may tungkulin sa Templo, ang mga Levita.

Nang maganap ang New Covenant nahati na ang tabing ng Templo, bakit? Dahil ang tunay na Templo ng Diyos dito sa lupa ay wala na sa Jerusalem kundi nasa atin ng mga puso(the Temple not made by stone)(Juan 4:21,23-24 / 1 Corinto 3:16-17) at tayo ay namumuhay ngayon sa kagandahang loob ng Diyos(Grace). (Mateo 5:45)
We are not already living under the (Law)

Kailan nagwakas ang Old Covenant?

Ang Old Covenant ay nagwakas ng mamatay sa Crus ang Panginoon, at dito nagsimula ang New Covenant(Mateo 5:18)(Juan 19:30)
Ibig sabihin noong si Cristo ay nabubuhay pa, Siya ay nasa ilalim pa din ng kautusan o ng Mosaic Law. (Marcos 12:17)
Ngunit ng maganap na ang New Covenant ayon sa Galacia 3: ang sinomang nagpapasakop sa Old Covenant ay hindi nagpapasakop sa New Covenant.
Kung tayo man ay susumpain ng Diyos dahil sa hindi natin pagsunod sa bahaging ito ng kautusan… maaari din tayong sumpain ng Diyos sa iba pang kautusan o hindi pagsunod sa 613 na kautusan ni Moises…(Santiago 2:10)
Dahil ang tao ay hahatulan ng Diyos ayon sa kanyang sinusunod… (Roma 2:12-16)
Kaya’t kung sino man ang namumuhay parin sa panuntunan ng Kautusan, sila ay hahatulan ayon parin sa panuntunan ng Kautusan…

Sa NT, tithing teaching was not literaly observe…
The teaching in NT is not about tithing its about giving no specific amount no exact amount…
Sa NT minsang nabanggit ng Panginoon ang tunkol sa tithe…
Kung saan hindi dapat kalimutan ang mga bagay na higit na mas mahalaga…ang justice and love! (Mateo 23:23)
In Old Covenent to tithes is being obedient to God… (Mateo 5:18)
But in NT once the New Covenant is established to give freely is the right obedient to God…(Hebreo 8:13 / Galacia 3:15-29)
So give freely is the right obedient to God… and be a cheerful giver(2 Corinto 8:12-13)
Dahil ang mahalaga sa Diyos ay ang motive ng isang tao kapag ito ay gumagawa ng mabuti… (Mateo 6:1)

Ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa through His Grace ang pinaka ninanais ng Diyos sa tao.

Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya. --1 Juan 4:16

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. --1 Juan 4:7-8

Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya't ang pag-ibig ang siyang katuparan ng Kautusan. --Roma 13:10

Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan. --1 Corinto 13:8

Kaya't ang tatlong ito'y nananatili: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig. --1 Corinto 13:13



1 Corinto 13


Sumagot si Jesus, "Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang katuruan ng mga propeta." --Mateo 22:37-40

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo'y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko. --Juan 13:34-35



"Ang Paghuhukom"
(Mateo 25:31-46)​

31 "Pagdating ng Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, uupo siya sa kanyang trono ng kaluwalhatian. 32 Titipunin naman sa harapan niya ang lahat ng tao at sila'y kanyang pagbubukud-bukurin, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. 33 Inilalagay nito sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa naman ang mga kambing. 34 Kaya't sasabihin ng hari sa mga nasa kanan niya, 'Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok kayo at tanggapin ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang daigdig. 35 Sapagkat ako'y inyong pinakain noong ako'y nagugutom; ako'y inyong pinainom noong ako'y nauuhaw. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. 36 Ako'y walang maisuot at inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan.' 37 "Sasagot ang mga matuwid, 'Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? 38 Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya'y walang maisuot at aming dinamitan? 39 At kailan po namin kayo nakitang nagkasakit o nabilanggo at kayo'y aming dinalaw?' 40 "Sasabihin ng Hari, 'Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang inyong tinulungan.' 41 "Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, 'Lumayo kayo sa harapan ko! Isinumpa kayo sa apoy na di namamatay na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. 42 Sapagkat hindi ninyo ako pinakain noong ako'y nagugutom; hindi ninyo ako pinainom noong ako'y nauuhaw. 43 Hindi ninyo ako pinatuloy noong ako'y isang dayuhan. Hindi ninyo ako dinamitan noong ako'y walang maisuot. Hindi ninyo ako dinalaw noong ako'y may sakit at noong ako'y nasa bilangguan.' 44 "At sasagot din sila, 'Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, walang matuluyan, walang maisuot, may sakit, o nasa bilangguan, na hindi namin kayo tinulungan?' 45 "At sasabihin sa kanila ng Hari, 'Tandaan ninyo, nang pagkaitan ninyo ng tulong ang isa sa pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.' 46 Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan."


MARANATHA...God bless!
 
Tithes as described in OT is un kautusan ng Panginoon ng pagbibigay ng 10% sa inani ng mga tao nuon or kung magkano un kinita nila...sa NT sinabi : Ito ang sinasabi ko: Ang naghahasik ng kaunti ay aani naman ng kaunti. Ang naghahasik nang sagana ay aani naman nang sagana. 7 Magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasya ng kaniyang puso, hindi sa kalungkutan o sa pangangailangan sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay ng masaya. Corinto 9:6-7

kita mo naman na sinasabi na iniibig ng Diyos ang nagbibigay ng masaya...HINDI nya iniibig ang nagbibigay ng malaking pera or maliit na pera..tinukoy un Feelings mo sa pagbibigay sa Kanya..

bakit ba nagbibigay? at bakit kelangan magbigay?
tandaan mo kapatid na ang Diyos ay may ari ng lahat ng bagay..as in LAHAT..walang anumang bagay na maibibigay mo kay God ang mkakapagpadagdag sa yaman nya or ari-arian nya.. so baket magbibigay pa? Dahil sa pananampalataya mo na ang Diyos ang nagbibigay ng lahat ng bagay sayo at dahil sa pagbibigay mo na may kasiyahan sa puso ay naluluwalhati ang Panginoon. Hindi sa pera na binigay mo o bagay na binigay mo Sya natutuwa kundi sa kasiyahan sa puso mo na magbigay at magbalik sa kanya ng pasasalamat (through the tithes and offerings).. mali lang na sa iba e pinipilit nila un church members na palagian na magbigay kahit na labag sa puso ng members. dapat ang isaalang alang e un laman ng puso mo..kung nagbibigay ka nga ngunit nagdadalawang isip ka dahil malaki yung ibibigay mo or naiisip mo na magshoshort budget mo then it is better na magbigay ka ayon sa pasya ng iyong puso kesa magbigay ka ng malaki ngunit labag sa kalooban mo. Gets mo kapatid?

Again, hindi problema ang kautusan ng pagttithes or offerings e.. ang real question jan is kung labag ba or bukal sa puso mo un pag ooffer mo? kung labag sa puso mo then mas mabuti sayo na wag ka magtithes kesa magkasala ka sa mata ng Diyos dahil hindi ka natutuwa na magbigay..just a thought, NAPAKALIIT na bagay ang pagbibigay mo/ko ng pera sa Diyos kumpara sa mga bagay na araw araw nyang binibigay sayo/saten..as in NAPAKALIIT! kung iniisip mo na hindi napupunta sa magandang bagay un binibigay mo then I suggest na lumipat ka ng church kung saan meron kang nakikita na magandang pinatutunguhan ng tithes or offerings mo..yun bang transparent sa mga money spendings nila.. :)


Salamat kapatid naliwanagan ako God bless po
 
Magbigay ka kung ano ang maluwag sa loob mo at kung masaya kang makakapagbigay sa Diyos at sa kapwa mo. Di importante ang halaga o posyento kung magkano ang maibibigay mo.
 
Hi Ts.. share ko din sakin, nasa saiyo na yan kung ibibigay mo ang ika sampu ng iyong kita, kasi its a matter of obedience, eto makakatulong sa yo pag meditate mo

for every animal of the forest is mine,
and the cattle on a thousand hills.
11 I know every bird in the mountains,
and the insects in the fields are mine.


ibig sabihin TS hindi nya kailangan ang pera or wealth natin kc sa kanya lahat, its a matter of obedience. yung obedient heart ang after nya.. :) lahat ng tao na nagbigay ng kanilang tithe base sa bible are richly blessed.
 
may mga business permit kasing bayaran ang mga sektang yan
bukod pa sa upa ng pwesto, bayarin sa utilities ( kuryente, tubic, internet, cable)

kaya mapapansin nyo tithes lang itinuturo, mula pa yan sa tradition ng mga hudyo.

magaling magturo ang mga sekta basta pera este tithes topic, pera na yan kasi

pag mga rebulto, priest, etc na pinag uusapan. eh traditional naman mga yan. puro galit sila.


sa katoliko, di pwersahanang bigayan dyan. kahit di ka magbigay. di ka tatakutin at di pagagalitan
 
Last edited:
walang pwersahang bigay. eh panu ang binyag at kasal nyo? di ba binabayaran yan. kaya nga maraming mga bata hindi nabibinyagan kase walang pera pangbayad. NEGOSYO ang RELIGION NYO!
 
ang tanong q lang dito bakit napasali angreligion pag nageexplain? kung want lang magexplain wag napo sanang idawit ang relegion kasi parang commercial na rin yan na sinasabi nating tayo ay tama t ang iba ay mali.. kyng ano man ang katotohanaan Diyos lang sana ang maitaas hindi relgon o sino man..salamat po and Godbless
 
^
madami kasi maramdamin, yung tipong may nabanggit lang na topic, akala mo personal attack na agad sa religion / sect nila... di na lang mag-stick sa kung ano ang itinatanong ng Topic Starter.
 
Back
Top Bottom