Kung ang turo naman ng ating Relihiyon sa ating mga tao ay magmahalan at maglaganap ng kapayapaan...
BAKIT HINDI NALANG MAGKAISA???
Bakit pa kasi kailangan mabilang sa iilang relihiyon...
Respeto po sa Thread ko
RESPETO PO SA ATING LAHAT!
Minsan may intinsyon tayong mga tao na tila matuwid pero iba sa katuwiran ng Dios na
dapat higit nating pagpasakupan.
Walang Relihiyong higit na tama kundi ang relihiyong itinayo ng Panginoong Hesu Kristo at
wala ring nagturo ng higit na pagmamahalan at kapayapaan nahihigit pa sa itinuro ng Panginoong HesuKristo
pero pansininyo kung papaano niya inataki ang mga relihiyong dinatnan niya sa
kanyang panahon ng magkatawang tao siya...
mateo 23:15
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw!
sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi;
at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno
kay sa inyong sarili.
saka natin itanong
BAKIT HINDI NALANG MAGKAISA???
kasi po meron ayaw makipagkaisa sa Dios at ang gusto mali
Deutteronomio 5:8-9
Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit,
o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
9Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka't akong Panginoon mong Dios
ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak,
sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin;
May gumagawa po ba ng Larawan para yukuran at sambahin?
Tingin makikipagkaisa ka sa kanilang pagsamba sa Larawan?
sabi pa ni Kristo:
Mateo 23:9
At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa:
sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit.
Meron po bang nagpapatawag ng Father at papa?
Siguro malinaw na masasagot nyo po yan mga Ka SB