Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Totoo ba na may Diyos? Nag-eexist ba siya talaga?

Status
Not open for further replies.
ang ganda talaga ng pagka design ng Panginoon sa universe biruin nyo ang dami ng mga theory lumabas, the creations reflect the beauty of the creator, Amazing God talaga.
 
Para po sa mga naniniwala sa Diyos at sa Bibliya.
Pasyalan niyo po yung dalawang website na ito.
Tagalog and English
Kung may mga katanungan pa kayong iba search niyo lang po diyan.
 
Minsan pumapasok sa isip ko kung totoo ba talaga na may Diyos o gawa gawa lang siya ng mga sinaunang tao. Totoo nga ba siya? Pakitulungan nga po ako. Naguguluhan kasi ako eh. Lagi nalang kasi pumapasok sa isip ko kung sinasayang nga ko lang ba ang oras ko sa pagsisimba,pagdadasal,at pagbabasa ng bible. Di ko alam kung ginawa ba talaga ng Diyos ang lahat ng mga bagay na nasa paligid natin o resulta lang talaga siya nang tinatawag na ''Big Bang''

Let me cover the part dun sa Big Bang/Cosmology/Astrophysics, dun sa bible, bahala ka na gumawa ng conclusion mo.
 
Lahat ng nangyayari sa mundo ay nasa Bible, gaya ng tanong mo "bakit may mga taong masama ang ginagawa?"
-pinahintulutan ng panginoon Diyos na pakawalan ang si Satanas, ikinulung siya sa madalim na bangin at pinakawalan
pagkatpos ng isang libong taon, kaya mula noon hanggang ngayon laganap ang kasamaan.

Totoo na ang Panginoon Diyos, pinahintulutan niya na tayo ay matukso at gumawa ng masama, spagkat "kung saan tayo
mahina, doon nya tayo kikilitiin" kung mag papatalo tayo at patuloy sa pag kakasala, may naka abang na kaparusahan sa
atin, tulad ng pagtapon sa nagbabagang apoy.

Sa pang araw araw na natin pamumuhay kapag nakinig, tumanggap at sumunod sa bilin ng Panginoong Diyos at kasama natin siya,
sino pa kakalaban sayo, ang Panginoong Hesus ang siyang hahatol sa atin nasa Bible rin ito, na walang sino man ang makakapunta
sa piling ng Diyos kung hindi sa pamamagitan ng Panginoong Hesus Cristo.

Ayon sa "Taga-Efeso Verse 5 chapter 15-20" 15Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. 16Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. 17Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
18Huwag kayong maglalasing, sapagkat mauuwi iyan sa magulong pamumuhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu. 19Mag-awitan kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. 20Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
 
kaya yan tuloy mga nangyayari sa mga masasama ngayon na uso extra judicial killing dito sa ating bansa dahil sa gumagawa ng masasama tapos un iba naman tuloy nag kakaidea pati inosente tao dinadamay ng mga masasama kunyari nan laban pero pag na imbestigan hindi naman pala adik or nadamay lang ginawan lang ng dahilan pusher kahit hindi naman, basta makalusot lang sa mga ginawang kasamaan
 
Last edited:
its because of freewill kung gusto ng Dios na walang masama tapos lahat iisa gagawin edi parang robot lang tayo non diba ?
 
Komo ba hindi mo nakikita e di ka maniniwala,,pero nararamdaman mo... ang hangin ay isa sa halimbawa na ginawa ng Diyos. Ang Diyos ay totoo Period.....
 
Sa tingin ko may Diyos talaga bilang gabay lamang, dahil nasa atin na kung paano tayo mabubuhay kung gusto ba natin guminhawa ang buhay o hindi, ito'y akin opinion lamang
 
The fact that a human being must tell you about the existence of god easily tells you that there is no god. Remove the human being in the equation, say for 200 years, and see if a god would finally do something about a people who have forgotten him and finally went about living their lives and making it one that counts and is meaningful at last....
 
Hahaha ano ba pinaglalaban mo, walang magandang idudulot yan pagtuturo mo, Dios lamang ang makakapagturo at nagsasabi ng mabuti. yung sinasabi mo walang matutunan na maganda kaya tigilan mo na yan
 
Beginning to think this is one pastor who's really threatened by truth (think of the irony, using truth as username) coming around and all the love offering drying up in the blink of an eye. I have news for you: your religion is dying up from the very place it has come from, and all over the advanced world it is in the wane. Only in the most depressed and uneducated sections of the world it is still able to fool adherents, but wait a few decades more and see where your ilk will figure in the long-term history of the world. Watch it, man, you'll love it.
 
Last edited:

Depende yan, minsan may patanong at minsan may nagtatanong talaga.

- - - Updated - - -

Beginning to think this is one pastor who's really threatened by truth (think of the irony, using truth as username) coming around and all the love offering drying up in the blink of an eye. I have news for you: your religion is dying up from the very place it has come from, and all over the advanced world it is in the wane. Only in the most depressed and uneducated sections of the world it is still able to fool adherents, but wait a few decades more and see where your ilk will figure in the long-term history of the world. Watch it, man, you'll love it.

dami na naman sinasabi ni totoy haha. minsan nag sasalita ang puso bukod sa isip pakinggan mo yung dalawa pag nagtatalo na
 
Share ko lang to mga kaibigan.
Ang tanong kung mayroon nga bang tiyak na argumento kung mayroong Diyos ay matagal ng pinagdedebatehan sa buong kasaysayan, may mga lubhang matatalinong tao sa magkabilang panig ng argumentong ito. Sa makabagong panahon, ang mga argumento laban sa posibilidad ng pag-iral ng Diyos ay nagiging mas agresibo sa pag-aakusa na ang sinumang naniniwala sa Diyos ay nahihibang at hindi maayos ang pangangatwiran. Iginiit ni Karl Marx na ang sinumang naniniwala sa Diyos ay may sakit sa pag-iisip na sanhi kung bakit hindi nakapag-iisip ng tama. Isang doktor sa pag-iisip na si Siegmund Freud ay sumulat na ang taong naniniwala sa isang Diyos na Manlilikha ay nahihibang at kumakapit sa ganitong paniniwala upang mapunan ang hinahanap ng tao o tinatawag na “wish-fulfillment” isang dahilan umano ayon kay Freud ay maituturing na hindi makatwiran. Ayon naman sa isang pilosopo na si Frederick Nietzsche, ang pananampalataya ay pagtanggi sa pag-alam sa katotohanan. Ang mga pangungusap na ito mula sa tatlong kilalang tao sa kasaysayan (kasama ng iba pa) ay ang mga ginagaya ngayon ng mga bagong henerasyon ng mga ateista na nagpapahayag na ang paniniwala sa Diyos ay hindi katanggap-tanggap.

Ito nga ba ang totoo? Ang paniniwala nga ba sa Diyos ay hindi makatwiran at hindi katanggap-tanggap na posisyon upang panghawakan? Mayroon bang lohikal o makatwirang argumento para sa pag-iral ng Diyos? Kung hindi gagamitin ang Bibliya, magkakaroon ba ng argumento para sa pag-iral ng Diyos upang pabulaanan ang mga pahayag ng kapwa mga luma at bagong mga ateista at makapagbibigay ng sapat na batayan upang maniwala na mayroong isang Dakilang Manlilikha? Ang sagot ay oo. Bukod dito, upang maipakita na matibay ang argumento na mayroong Diyos, ang argumento ng mga ateista ay ipinapakitang mahina.

Upang gumawa ng isang argumento ukol sa pagkakaroon ng Diyos, dapat tayong magsimula sa pagbibigay ng mga tamang katanungan. Simulan natin sa pagtatanong ng pinaka-payak na katanungan ng pag-iral - bakit tayo naririto; bakit naririto ang mundo; bakit naririto ang sansinukob sa halip na wala? Pagpuna sa puntong ito, isang teologo ang nagsabi, “ Hindi itinatanong ng tao ang tanong tungkol sa pagkakaroon ng Diyos, ang kanya mismong pag-iral ay naghahanap ng kasagutan mula sa Diyos.”

Sa pagsaalang-alang sa mga katanungang ito, may apat na posibleng kasagutan kung bakit tayo naririto kaysa sa wala:

1. Ang realidad ay isang ilusyon.
2. Ang realidad ay sariling-likha.
3. Ang realidad ay umiiral sa sarili (eternal).
4. Ang realidad ay nilikha ng isang umiiral sa Kanyang sarili.

Kung gayon, alin dito ang pinakatotoo? Simulan natin sa una, ang realidad ay isa lamang ilusyon. Ito ang pinaniniwalaan ng ilan sa mga relihiyon sa Silangan. Ang pananaw na ito ay matagal nang pinasubalian ng pilosopong si Rene Descartes na nakilala sa kanyang pahayag na, “Ako ay nag-iisip, samakatwid, ako ay ako.” Ayon kay Decartes na isang matematiko, kung siya ay nag-iisip, kung gayon siya ay “siya”. Sa ibang salita, “Ako ay nag-iisip, samakatuwid ako ay hindi ilusyon.” Ang mga ilusyon ay nangangailangan na makaranas ng ilusyon, bukod dito, hindi mo maaaring pagdudahan ang pag-iral ng iyong sarili ng hindi mo pinatutunayan ang iyong pag-iral; ang argumentong ito ay pagtalo mismo sa sarili. Kung kaya ang posibilidad na ang realidad ay isang ilusyon ay hindi mapapanghawakan.

Ang ikalawa ay ang pananaw na ang realidad ay sariling-likha. Nang tayo ay mag-aral ng pilosopiya, natutunan natin ang “analitikal na maling pahayag,” na nangangahulugang mali ang depinisyon. Ang posibilidad na ang realidad ay sariling-likha ay isa sa mga ganitong pahayag dahilan sa simpleng rason na ang isang bagay ay hindi maaaring mauna sa kanyang sarili. Kung iyong nilikha ang iyong sarili, ikay ay naunang umiral bago mo nilikha ang iyong sarili, ngunit hindi ito maaari. Sa ebolusyon, ito ay tinatawag na “spontaneous generation” — isang bagay na nagmula sa wala — isang posisyon ng iilan, kung meron mang makatwirang tao na magsasabi hindi ka magkakaroon ng isang bagay mula sa wala. Maging ang ateistang si David Hume ay nagsabing, “Hindi ko pinatotohanana ang isang walang kuwentang pananaw na ang anumang bagay ay lalabas ng walang pinagmulan.” At dahil hindi maaaring magkaroon mula sa wala, ang alternatibo na ang realidad ay sariling-likha ay hindi rin mapapanghawakan.

Ngayon, mayroong dalawang natitirang pagpipilian – isang eternal na realidad o realidad na ginawa ng isang eternal: isang eternal na sansinukob o isang eternal na Manlilikha. Isang teologo mula sa ika-labingwalong siglo na si Jonathan Edwards ay binuod ang dalawang pananaw na ito:

• Mayroong umiiral.
• Ang wala ay hindi maaaring lumikha ng mayroon.
• Samakatwid, ang isang kailangan at eternal na “mayroon” ay umiiral.

Pansinin na dapat tayong bumalik sa “mayroong” eternal. Ang ateista na nagsasabi na ang naniniwala sa Diyos na naniniwala sa isang eternal na Manlilikha ay dapat bumaliktad at yumakap sa eternal na sansinukob; yun na lamang ang natitirang pwede niyang piliin. Ngunit ang tanong ngayon ay, saang direksyon patungo ang mga katibayan? Ang mga ebidensya ba ay nagtuturo sa mga bagay bago ang isip o ang isip bago ang bagay?

Sa kasalukuyan, lahat ng pilosopikal na ebidensya amging ang siyensya ay nagtuturo palayo sa isang eternal na sansinukob at patungo sa isang eternal na Manlilikha. Sa isang siyentipikong pananaw, isang tapat na siyentipiko ang umamin na ang sansinukob ay may pasimula, at anumang mayroong pasimula ay hindi eternal. Sa madaling salita, anumang bagay na may simula ay may pinagmulan, at kung ang sansinukob ay may simula, ito ay may pinagmulan. Ang katotohanan na ang sansinukob ay may simula ay nabigyang-diin ng mga ebidensya tulad ng “second law of thermodynamics”, ang “radiation echo” ng “big bang” na natuklasan noong 1900s, ang katotohanan na ang sansinukob ay lumalawak pa at maaaring mabakas ang isang pinagmulan, at ang “theory of relativity” ni Einstein. Lahat ng mga ito ay nagpapatunay na ang sansinukob ay hindi eternal kundi may pinagmulan.

Higit pa rito, ang mga batas na nakapalibot ay sumasalungat sa kaisipan na ang sansinukob ay ang pinakapinagmulan ng lahat dahil sa simpleng katotohanan: ang kalalabasan ay kahalintulad ng sanhi. Kung ito ay totoo, walang ateista ang makakapaliwanag kung paano ang isang walang buhay, walang layon, walang kabuluhan, walang moralidad na sansinukob ay aksidenteng nakalikha ng mga nilalang (tayo) na may personalidad at pilit na naghahanap ng layunin, kahulugan at moralidad. Sa mga ganitong bagay, mula sa pananaw ng pagsasagawa, ay lubos na mapapasubalian ang ideya na sa natural na sansinukob nagmula ang lahat ng mga bagay. Kung sa gayon, ang konsepto ng eternal na sansinukob ay masasabing mali.

Nabuo ni J. S. Mill, isang pilosopo (hindi Kristiyano) ang mayroon tayo sa puntong ito: ayon sa kanya “Hindi mapapasubalian na tanging ang may Isip lamang ang maaaring lumikha ng may isip.” Ang makatwiran at rasonableng palagay lamang ay may eternal na Manlilikha na Siyang responsable sa realidad na ating nalalaman. O kung atin itong ilalagay sa isang lohikal na pagpapahayag:

• Mayroong umiiral.
• Hindi magkakaroon ang wala.
• Samakatwid, “mayroong” kinakailangan at eternal.
• Ang tanging dalawang opsyon ay mayroong eternal na sansinukob at eternal na Manlilikha
• Ang siyensya at pilosopiya ay pinabulaanan ang konsepto na mayroong eternal na sansinukob.
• Samakatwid, mayroong eternal na Manlilikha na umiiral.

Isang dating ateista na si Lee Strobel, ay nakaabot sa pananaw na ito maraming taon na ang nakalilipas, ayon sa kanya, “Napakahalaga, na aking napagtanto na upang manatiling isang ateista, kinakailangan kong maniwala na mula sa wala ay makagagawa ng lahat; ang walang buhay ay magbubunga ng buhay; ang di-tiyak ay magbubunga ng tiyak; ang kaguluhan ay magbubunga ng impormasyon; ang kawalang-malay ay magbubunga ng kamalayan; at ang walang-kadahilanan ay magbubunga ng may kadahilanan. Ang mga ganitong hakbang ng pananampalataya ay masyadong malalaki upang aking tanggapin, lalo’t higit sa kaliwanagan ng pagkakaroon ng Diyos… Sa ibang salita, sa pangkalahatan ang paliwanag ng Kristiyanismo ay higit na matibay kumpara sa paliwanag ng mga ateista.”

Ngunit ang susunod na katanungan na ating dapat mabigyang kasagutan ay ito: kung ang eternal na Manlilikha ay umiiral (at ating ipinakita na Siya nga ay umiiral), anong uri Siya ng Manlilikha? Atin bang mahihinuha ang mga bagay ukol sa Kanya mula sa Kanyang mga nilikha? Sa madaling salita, mauunawaan ba natin ang pinagmulan sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa? Ang sagot dito ay oo, maaari, dahil sa kanyang mga sumusunod na katangian:
• Siya ay dapat supernatural o likas na higit sa karaniwan (dahil Siya ang lumikha ng oras at kalawakan)
• Siya ay dapat na makapangyarihan (lubha).
• Siya ay dapat na eternal (umiiral sa Kanyang sarili).
• Siya ay dapat na nasa lahat ng dako (Siya ang lumikha ng oras at kalawakan at hindi Siya limitado nito).
• Siya ay walang hanggan at hindi nagbabago (Siya ang lumikha ng oras).
• Siya ay Espiritu dahil Siya ay lampasan sa kalawakan/pisikal.
• Siya ay personal (ang impersonal ay hindi makalilikha ng personalidad).
• Siya ay walang katapusan at nag-iisa dahil hindi maaaring magkaroon ng dalawang walang hanggan.
• Siya ay iba’t iba ngunit may pagkakaisa dahil ito ay likas na umiiral.
• Siya ay pinakamarunong (walang hihigit). Isang may kamalayan lamang ang makalilikha ng nilalang na may kamalayan.
• Siya ay dapat na may layunin sapagkat sadya Niyang nilikha ang lahat.
• Siya ay dapat na moral (walang moralidad ang iiral kung walang nagbigay ng moralidad).
• Siya ay mapagkalinga
Kung totoo ang mga bagay na ito, atin ngayong tanungin kung mayroong relihiyon sa mundo na naglalarawan sa ganitong Manlilikha. Ang sagot dito ay oo: Ang Diyos ng Bibliya ang perpektong tinutukoy dito. Siya ay supernatural (Genesis 1:1), makapangyarihan (Jeremias 32:17), eternal (Mga Awit 90:2), nasa lahat ng dako (Mga Awit 139:7), walang hanggan/ hindi nagbabago (Malakias 3:6), Espiritwal (Juan 5:24), personal (Genesis 3:9), kinakailangan (Mga Taga-Colosas 1:17), walang katapusan/nag-iisa (Jeremias 23:24, Deuteronomio 6:4), magkakaiba ngunit nagkakaisa (Mateo 28:19), pinakamarunong (Mga Awit 147:4-5), may layon (Jeremias 29:11), moral (Daniel 9:14), and mapagkalinga (1 Pedro 5:6-7).

Isang huling paksa ukol sa pag-iral ng Diyos ay kung paano pangangatwiranan ng mga ateista ang kanilang posisyon. Sapagkat kanilang iginigiit na ang posisyon ng mga mananampalataya ay mahina, nararapat lamang na ibalik sa kanila ang ganitong katanungan. Ang unang dapat maunawaan ay ang kanilang pahayag na – “walang diyos”, na siyang kahulugan ng salitang “ateista” - isang malabong posisyon na panghawakan mula sa pilosopikal na pananaw. Bilang legal na iskolar at pilosopo sinabi ni Mortimer Adler na, “Ang isang positibong panukala sa pag-iral ay maaaring mapatunayan, ngunit ang negatibong panukala sa pag-iral – ang pagtanggi sa pag-iral ng isang bagay – ay hindi maaaring mapatunayan.” Halimbawa, ang isa ay maaaring magsabi na mayroong pulang agila at ang isa naman ay sasabihing walang pulang agila. Ang una ay kailangan lamang ng isang pulang agila upang patunayan ang kanyang pahayag. Samantalang ang ikalawa ay dapat suyurin ang buong sansinukob at literal na matunton ang bawat lugar upang masigurong walang nalaktawan na pulang agila kung saan sa ilang oras, ay imposibleng gawin. Ito ang dahilan kung bakit ang isang matalino at tapat na ateista ay tatanggapin na hindi nila mapatutunayan na walang Diyos.

Pagkatapos, mahalagang maintindihan ang isyu tungkol sa kabigatan ng pinapahayag na katotohanan na ginagawa at ang dami ng ebidensya na kinakailangan upang magarantiyahan ang ilang mga konklusyon. Halimbawa, kung ang isa ay naglagay ng dalawang lagayan ng lemonada sa iyong harapan at sinasabi na ang isa ay mas maasim kaysa sa isa, dahil ang pinsala ng pagkakaroon ng mas maasim na inumin ay hindi ganoon kaseryoso, hindi mo na kinakailangan ng malaking bilang ng ebidensya upang ikaw ay makapamili. Gayunman, kung ang isang baso ay nagdagdag ng asukal at kung sa isa ay lason sa daga, siguradong nanaisin mo na magkaroon ng ebidensya bago ka pumili.

Sa ganitong posisyon nakatayo ang isang taong magdedesisyon sa pagitan ng ateismo at paniniwala sa Diyos. Yamang ang paniniwala sa ateismo ay maaaring magresulta sa walang lunas at eternal na kahatulan, nararapat lamang na ang mga ateista ay atasang maglabas ng mabigat at mahahalagang katibayan upang suportahan ang kanilang posisyon, ngunit hindi maaari. Hindi makakatagpo ng ateismo ang mga pagsusulit para sa ebidensya para sa kabigatan ng kabayaran nito. Sa halip, ang isang ateista at ang kanyang mga mahihikayat sa kanyang posisyon ay walang kasiguraduhan kung anu ang naghihintay sa walang-hanggan at umaasa na hindi matutuklasan ang hindi kanais-nais na katotohanan na totoong umiiral ang walang hanggan. Gaya ng sinabi ni Mortimer Adler, “Higit ang kahihinatnan sa buhay at susunod na hakbang mula sa pagsang-ayon o pagtanggi sa Diyos kaysa sa alinmang karaniwang katanungan.”

Kung gayon may intelektwal na karapatan ba ang paniniwala sa Diyos? Mayroon bang rasyonal, lohikal at makatwirang argumento sa pag-iral ng Diyos? Walang pasubaling oo. Habang ang mga ateistang tulad ni Freud ay nagsasabing ang mga naniniwala sa Diyos ay nangangarap lamang, marahil si Freud at kanyang mga tagasunod na sa katunayan ay nagdurusa sa kanilang pagnanais na matupad ang kanilang hiling: ang pag-asa at hiling na walang Diyos, walang pananagutan, at walang paghuhukom. Ngunit ang nagpabulaan kay Freud ay ang Diyos ng Bibliya na pinagtitibay ang Kanyang pag-iral at ang katotohanan na ang paghuhukom ay totoong darating para sa mga alam sa kanilang sarili ang katotohanan na Siya ay umiiral ngunit tinanggihan ito (Roma 1:20). Ngunit para sa mga tumugon sa katunayan na tunay na mayroong Manlilikha, Kanyang iniaalok ang daan sa kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si HesuKristo: “Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Diyos, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa Kaniyang pangalan; Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Diyos” (Juan 1:12-13).
 
dami na naman sinasabi ni totoy haha. minsan nag sasalita ang puso bukod sa isip pakinggan mo yung dalawa pag nagtatalo na

Yes, isn't it. Coming from you who's been shown too many times and too many places. I know your self-imposed mission here: to close threads posing serious threats to your collection plates and fictional myths. :lol:
 
myths ? tanong ko sa lahing unggoy nyo nakita nyo na ba na meron na ? then may nabuhay na ba noon para makita yung evolution na yun ?

tinatanong kita kung may nabuhay na bang nilalang na 1 million years para makapasok sa evolution pero tinutukoy mo CRISPR ahaha kakatawa XD
 
@ so-called Truth07:
Bakit di mo na lang gayahin tong mga evangelicals na to...

Evangelicals Question The Existence Of Adam And Eve
Polls by Gallup and the Pew Research Center find that four out of 10 Americans believe the Genesis account but now some conservative scholars are saying publicly that they can no longer believe it. Dennis Venema is a biologist at Trinity Western University and a senior fellow at BioLogos Foundation, a Christian group that tries to reconcile faith and science. The group was founded by Francis Collins, an evangelical and the current head of the National Institutes of Health, who, because of his position, declined an interview. Asked how likely it is that we all descended from Adam and Eve, Venema replies: "That would be against all the genomic evidence that we've assembled over the last 20 years, so not likely at all." Venema says there is no way we can be traced back to a single couple. He says with the mapping of the human genome, it's clear that modern humans emerged from other primates as a large population — long before the Genesis time frame of a few thousand years ago. And given the genetic variation of people today, he says scientists can't get that population size below 10,000 people at any time in our evolutionary history. To get down to just two ancestors, Venema says, "You would have to postulate that there's been this absolutely astronomical mutation rate that has produced all these new variants in an incredibly short period of time. Those types of mutation rates are just not possible. It would mutate us out of existence."

Venema is part of a growing cadre of Christian scholars who say they want their faith to come into the 21st century. Another one is John Schneider, who taught theology at Calvin College in Michigan until recently. He says it's time to face facts: There was no historical Adam and Eve, no serpent, no apple, no fall that toppled man from a state of innocence. "Evolution makes it pretty clear that in nature, and in the moral experience of human beings, there never was any such paradise to be lost," Schneider says. "So Christians, I think, have a challenge, have a job on their hands to reformulate some of their tradition about human beginnings."

Continued HERE

Did you see that, put it in your "common sense" as you called it. Remember that? :lol:
 
para maging kompletong Atheista ka talaga mag aral ka rin ng Bible tapos pag napatunayan mong mali, aside from that di ka kasama jan sa grupong yan. feel mo kasama ka na dyan ? nakakarely ka lang naman hahaha
 
Di mo basahin bible mo para mabilis pa sa alas-kwatro maging atheist ka na rin, hahaha. Sa palagay mo pano naging atheist ang karamihan ng atheists? Sagot: dahil binasa nila ang bible. Di lang isang beses minsan, minsan ilang beses pa. Bakit kaya?? Bakit di mo subukan at basahin minsan ng buo ang bibliya mo ng maliwanagan at maunawaan mo rin paminsan-minsan, ha. Bakit namamatay na ang relihiyon mo sa mga bansang pinanggalingan mismo nito? Matuto magtanong paminsan-minsan. :lol:
 
eh anong sagot mo dito ?

MGA AWIT 14:1
1Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti,

kaya malamang wala kayong gagawing mabuti e
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom