Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Totoo ba na may Diyos? Nag-eexist ba siya talaga?

Status
Not open for further replies.
eh anong sagot mo dito ?

MGA AWIT 14:1
1Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti,

kaya malamang wala kayong gagawing mabuti e

Hehe yan na yung BUONG BIBLE para sayo??? :lol: malupet ka talaga boy :lol: isang verse lang pala ang bible para sayo. cguro nakaprint pa sa mga damit mo yan para di mo makalimutan??? :lol:

Eto hiram ka iba bible baka napunit lang ibang parts ng bible mo hanapin mo to ha:

Sell Daughter as Sex Slaves
When a man sells his daughter as a slave, she will not be freed at the end of six years as the men are. If she does not please the man who bought her, he may allow her to be bought back again. But he is not allowed to sell her to foreigners, since he is the one who broke the contract with her. And if the slave girl's owner arranges for her to marry his son, he may no longer treat her as a slave girl, but he must treat her as his daughter. If he himself marries her and then takes another wife, he may not reduce her food or clothing or fail to sleep with her as his wife. If he fails in any of these three ways, she may leave as a free woman without making any payment. [Exodus 21:7-11]​

You Have to Kill
Cursed be he who does the Lords work remissly, cursed he who holds back his sword from blood. [Jeremiah 48:10]​

Gold for God:
"I will shake all the nations, and the treasures of all the nations will come in, And I will fill this house with glory, says the Lord of hosts. Mine is the silver and mine is the Gold says the Lord of hosts." [Haggai 2:7-8 ]​

Baka gusto mo rin hanapin diyan sa bible mo pano nawala galit ng diyos mo kay Moses: inalayan siya ng balat ng *3tits" na pinagtulian. Ayus na ayus, di ba?? Ang gagara ng rason ng bathala mo para mawala pagkainis niya, di ba?? Ang taas-taas ng standard niya!! :lol:

- - - Updated - - -

Easy does it....
View attachment 290855
(click to enlarge)
 

Attachments

  • easy does it.jpg
    easy does it.jpg
    62.6 KB · Views: 8
Last edited:
Hehe yan na yung BUONG BIBLE para sayo??? :lol: malupet ka talaga boy :lol: isang verse lang pala ang bible para sayo. cguro nakaprint pa sa mga damit mo yan para di mo makalimutan??? :lol:

Eto hiram ka iba bible baka napunit lang ibang parts ng bible mo hanapin mo to ha:

Sell Daughter as Sex Slaves
When a man sells his daughter as a slave, she will not be freed at the end of six years as the men are. If she does not please the man who bought her, he may allow her to be bought back again. But he is not allowed to sell her to foreigners, since he is the one who broke the contract with her. And if the slave girl's owner arranges for her to marry his son, he may no longer treat her as a slave girl, but he must treat her as his daughter. If he himself marries her and then takes another wife, he may not reduce her food or clothing or fail to sleep with her as his wife. If he fails in any of these three ways, she may leave as a free woman without making any payment. [Exodus 21:7-11]​

You Have to Kill
Cursed be he who does the Lords work remissly, cursed he who holds back his sword from blood. [Jeremiah 48:10]​

Gold for God:
"I will shake all the nations, and the treasures of all the nations will come in, And I will fill this house with glory, says the Lord of hosts. Mine is the silver and mine is the Gold says the Lord of hosts." [Haggai 2:7-8 ]​

Baka gusto mo rin hanapin diyan sa bible mo pano nawala galit ng diyos mo kay Moses: inalayan siya ng balat ng *3tits" na pinagtulian. Ayus na ayus, di ba?? Ang gagara ng rason ng bathala mo para mawala pagkainis niya, di ba?? Ang taas-taas ng standard niya!! :lol:

- - - Updated - - -

Easy does it....
View attachment 1160662
(click to enlarge)



yan ba pagkakaintindi mo or pagkakaintindi lang ng iba na pinulot mo ?

ang hirap naman kasi satin puro pulot walang sariling pag kakaintindi. bago mo ba binasa yan inintindi mo kung bakit ganyan ? o kinuha mo lang yung isang phase ng sulat tapos ginamit mo na para panira ?
 
Sa bagay wala ka naman aasahan sa sarado utak.

MGA AWIT 14:1
1Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti,

kaya nga sila napahamak dahil ayaw nila maniwala sa Dios eh.
 
Sa bagay wala ka naman aasahan sa sarado utak.

MGA AWIT 14:1
1Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti,

kaya nga sila napahamak dahil ayaw nila maniwala sa Dios eh.

i therefore conclude... :lol:
View attachment 290913
 

Attachments

  • u could not handle me....jpg
    u could not handle me....jpg
    21.4 KB · Views: 2
walang diyos.. ginawa lng yan ng mga sinaunang mga tao pra lahat sumunod sa knya.. kumbaga ang diyos ay isa lng sya propaganda..
 
Mayroon bang argumento sa pag-iral ng Diyos?


Ang tanong kung mayroon nga bang tiyak na argumento kung mayroong Diyos ay matagal ng pinagdedebatehan sa kasaysayan at may mga lubhang matatalinong tao sa magkabilang panig ng argumentong ito. Sa kasalukuyan, ang mga argumento laban sa pagkakaroon ng Diyos ay naging mas agresibo sa pag-aakusa na ang sinumang naniniwala sa Diyos ay nahihibang at hindi maayos ang pangangatwiran. Iginiit ni Karl Marx na ang sinumang naniniwala sa Diyos ay may sakit sa pag-iisip na siyang sanhi kung bakit hindi sila nakakapag-isip ng tama. Isang doktor sa pag-iisip na si Siegmund Freud ay sumulat na ang taong naniniwala sa isang Diyos na Manlilikha ay nahihibang at kumakapit sa ganitong paniniwala upang mapunan ang kanilang hinahanap o tinatawag na “wish-fulfillment” isang dahilan na diumano ayon kay Freud ay maituturing na hindi makatwiran. Ayon naman sa isang pilosopo na si Frederick Nietzsche, ang pananampalataya ay pagtanggi sa pagkilala sa katotohanan. Ang mga pangungusap na ito mula sa tatlong kilalang tao sa kasaysayan (kasama ng iba pa) ay ginagaya ngayon ng mga bagong henerasyon ng mga ateista na nagpapahayag na hindi katanggap-tanggap ang paniniwala sa Diyos.

Ito nga ba ang totoo? Ang paniniwala nga ba sa Diyos ay hindi makatwiran at hindi katanggap-tanggap na posisyon upang panghawakan? Mayroon bang lohikal o makatwirang argumento para sa pagkakaroon ng Diyos? Kung hindi gagamitin ang Bibliya, magkakaroon ba ng argumento para sa pagkakaroon ng Diyos upang pabulaanan ang mga pahayag ng kapwa mga luma at bagong mga ateista na makapagbibigay ng sapat na batayan upang maniwala na may isang Dakilang Manlilikha? Ang sagot ay oo. Bukod dito, upang maipakita na matibay ang argumento na mayroong Diyos, ang argumento ng mga ateista ay ipinapakita ng mga argumentong ito na mahina.

Upang gumawa ng isang argumento ukol sa pagkakaroon ng Diyos, dapat tayong magsimula sa pagbibigay ng mga tamang katanungan. Simulan natin sa pagtatanong ng pinaka-payak na katanungan ng pagkakaroon - bakit tayo naririto; bakit naririto ang mundo; bakit naririto ang sansinukob sa halip na wala? Sa pagpuna sa argumentong ito, isang teologo ang nagsabi, “Hindi itinatanong ng tao ang tungkol sa pagkakaroon ng Diyos, ang kanya mismong pagkakaroon ay naghahanap ng kasagutan mula sa Diyos.”

Sa pagsasaalang-alang sa mga katanungang ito, may apat na posibleng kasagutan kung bakit tayo naririto:

1. Ang realidad ay isang ilusyon.
2. Ang realidad ay sariling likha.
3. Ang realidad ay umiiral sa kanyang sarili (eternal).
4. Ang realidad ay nilikha ng isang umiiral sa Kanyang sarili.

Kung gayon, alin dito ang pinakatotoo? Simulan natin sa una: ang realidad ay isa lamang ilusyon. Ito ang pinaniniwalaan ng ilan sa mga relihiyon sa Silangan. Ang pananaw na ito ay matagal nang pinasubalian ng pilosopong si Rene Descartes na nakilala sa kanyang pahayag na, “Ako ay nag-iisip, samakatwid, ako ay ako.” Ayon kay Decartes na isang matematiko, kung siya ay nag-iisip, kung gayon siya ay “siya.” Sa ibang salita, “Ako ay nag-iisip, samakatuwid ako ay hindi isang ilusyon.” Ang mga ilusyon ay nangangailangan na makaranas ng ilusyon, bukod dito, hindi mo maaaring pagdudahan ang pagkakaroon ng iyong sarili ng hindi mo pinatutunayan ang iyong pagkakaroon; ang argumentong ito ay pagtalo mismo sa sarili. Kung kaya ang posibilidad na ang realidad ay isang ilusyon ay hindi mapapanghawakan.

Ang ikalawa ay ang pananaw na ang realidad ay sariling-likha lamang. Nang mag-aral tayo ng pilosopiya, natutunan natin ang “analitikal na maling pahayag,” na nangangahulugang mali ang pakahulugan. Ang posibilidad na ang realidad ay sariling-likha ay isa sa mga ganitong pahayag dahilan sa simpleng rason na ang isang bagay ay hindi maaaring mauna sa kanyang sarili. Kung iyong nilikha ang iyong sarili, ikay ay naunang umiral bago mo nilikha ang iyong sarili, ngunit hindi ito maaari. Sa ebolusyon, ito ay tinatawag na “spontaneous generation,” isang bagay na nagmula sa wala o isang posisyon ng iilan, kung meron mang makatwirang tao na magsasabi na hindi ka magkakaroon ng isang bagay mula sa wala. Maging ang ateistang si David Hume ay nagsabi, “Hindi ko pinatotohananan ang isang walang kuwentang pananaw na ang anumang bagay ay lalabas ng walang pinagmulan.” At dahil hindi maaaring magkaroon ng isang bagay mula sa wala, ang alternatibo na ang realidad ay sariling-likha ay hindi rin mapapanghawakan.

Ngayon, may dalawang natitirang pagpipilian - isang eternal na realidad o realidad na ginawa ng isang eternal: isang eternal na sansinukob o isang eternal na Manlilikha. Binuod ang dalawang pananaw na ito ng isang teologo mula sa ika-labingwalong siglo na si Jonathan Edwards:

“Mayroong umiiral.”
“Ang wala ay hindi maaaring lumikha ng mayroon.”
“Samakatwid, ang isang kailangan at eternal na “mayroon” ay umiiral.”

Pansinin na dapat tayong bumalik sa katotohanang “mayroong” isang eternal. Ang ateista na nagsasabi na ang naniniwala sa Diyos at naniniwala sa isang eternal na Manlilikha ay dapat bumaliktad at yumakap sa eternal na sansinukob; yun na lamang ang natitirang pwede niyang piliin. Ngunit ang tanong ngayon ay, saang direksyon patungo ang mga katibayan? Ang mga ebidensya ba ay nagtuturo sa mga bagay bago ang isip o ang isip bago ang bagay?

Sa kasalukuyan, lahat ng pilosopikal na ebidensya maging ang siyensya ay nagtuturo palayo sa isang eternal na sansinukob at patungo sa isang eternal na Manlilikha. Isang tapat na siyentipiko ang umamin na ang sansinukob ay may pasimula, at anumang mayroong pasimula ay hindi eternal. Sa madaling salita, anumang bagay na may simula ay may pinagmulan, at kung ang sansinukob ay may simula, ito ay may pinagmulan. Ang katotohanan na ang sansinukob ay may simula ay binibigyang-diin ng mga ebidensya tulad ng “second law of thermodynamics,” ang “radiation echo” ng “big bang” na natuklasan noong 1900s, ang katotohanan na ang sansinukob ay lumalawak pa at maaaring mabakas ang isang pinagmulan, at ang “theory of relativity” ni Einstein. Lahat ng mga ito ay nagpapatunay na ang sansinukob ay hindi eternal kundi may pinagmulan.

Higit pa rito, ang mga batas na nakapalibot ay sumasalungat sa kaisipan na ang sansinukob ay ang pinagmulan ng lahat dahil sa simpleng katotohanan: ang kalalabasan ay kahalintulad ng sanhi. Kung ito ay totoo, walang ateista ang makakapagpaliwanag kung paanong ang isang walang buhay, walang layunin, walang kabuluhan at walang moralidad na sansinukob ay aksidenteng nakalikha ng mga nilalang (tayo) na may personalidad at pilit na naghahanap ng layunin, kahulugan at moralidad. Sa mga ganitong bagay, mula sa pananaw ng pagsasagawa, ay lubos na mapapasubalian ang ideya na sa natural na sansinukob nagmula ang lahat ng mga bagay. Kung gayon, ang konsepto ng eternal na sansinukob ay masasabing mali.

Nabuo ni J. S. Mill, isang pilosopo (hindi Kristiyano) ang puntong ito: ayon sa kanya “Hindi mapapasubalian na tanging ang may Isip lamang ang maaaring lumikha ng may isip.” Ang makatwiran at rasonableng palagay lamang ay may eternal na Manlilikha na Siyang responsable sa realidad na ating nalalaman. O kung atin itong ilalagay sa isang lohikal na pagpapahayag:

“Mayroong umiiral.”
“Hindi magkakaroon mula sa wala.”
“Samakatwid, may “Isang” kinakailangan at eternal.”
“Ang tanging dalawang opsyon ay may eternal na sansinukob at eternal na Manlilikha.”
“Pinabulaanan ang konsepto na may eternal na sansinukob ng siyensya at pilosopiya.”
“Samakatwid, may Isang eternal na Manlilikha na umiiral.”

Isang dating ateista na nagngangalang Lee Strobel, ay nakaabot sa pananaw na ito maraming taon na ang nakalilipas. Ayon sa kanya, “Napakahalaga, na aking napagtanto na upang manatiling isang ateista, kinakailangan kong maniwala na mula sa wala ay makagagawa ng lahat; ang walang buhay ay magbubunga ng buhay; ang di-tiyak ay magbubunga ng tiyak; ang kaguluhan ay magbubunga ng impormasyon; ang kawalang-malay ay magbubunga ng kamalayan; at ang walang-kadahilanan ay magbubunga ng may kadahilanan. Ang mga ganitong hakbang ng pananampalataya ay napakahirap upang aking tanggapin, lalo’t higit sa kaliwanagan ng pagkakaroon ng Diyos.” Sa ibang salita, sa pangkalahatan, ang paliwanag ng Kristiyanismo ay higit na matibay kumpara sa paliwanag ng mga ateista.

Ngunit ang susunod na katanungan na dapat mabigyang kasagutan ay ito: kung ang eternal na Manlilikha ay umiiral (at ating ipinakita na Siya nga ay umiiral), anong uri Siya ng Manlilikha? Atin bang maipapaliwanag ang mga bagay tungkol sa Kanya mula sa Kanyang mga nilikha? Sa madaling salita, mauunawaan ba natin ang pinagmulan sa pamamagitan ng mga bagay na nagmula sa Kanya? Ang sagot ay oo, maaari, dahil sa kanyang mga sumusunod na katangian:

“Siya ay dapat supernatural o likas na higit sa karaniwan (dahil Siya ang lumikha ng oras at kalawakan).”
“Siya ay dapat na lubhang makapangyarihan.”
“Siya ay dapat na eternal (umiiral sa Kanyang sarili).”
“Siya ay dapat na nasa lahat ng dako (dahil Siya ang lumikha ng oras at kalawakan at hindi Siya limitado nito).”
“Siya ay walang hanggan at hindi nagbabago (dahil Siya ang lumikha ng panahon).”
“Siya ay Espiritu dahil Siya ay hindi sakop ng kalawakan/pisikal.”
“Siya ay personal (ang impersonal ay hindi makalilikha ng personalidad).”
“Siya ay walang katapusan at nag-iisa dahil hindi maaaring magkaroon ng dalawang walang hanggan.”
“Siya ay iba't iba ngunit may pagkakaisa dahil ito ay likas na umiiral sa Kanya.”
“Siya ay pinakamarunong sa lahat. Isang may kamalayan lamang ang makalilikha ng nilalang na may kamalayan.”
“Siya ay dapat na may layunin sapagkat sadya Niyang nilikha ang lahat ng may layunin.”
“Siya ay dapat na moral (walang moralidad ang iiral kung walang nagbigay ng moralidad).”
“Siya ay mapagkalinga.”

Kung totoo ang mga bagay na ito, atin ngayong tanungin kung mayroong relihiyon sa mundo na naglalarawan sa ganitong Manlilikha. Ang sagot dito ay oo: Ang Diyos ng Bibliya ang perpektong tinutukoy dito. Siya ay supernatural (Genesis 1:1), makapangyarihan (Jeremias 32:17), eternal (Awit 90:2), nasa lahat ng dako (Awit 139:7), walang hanggan/ hindi nagbabago (Malakias 3:6), Espiritwal (Juan 5:24), personal (Genesis 3:9), kinakailangan (Colosas 1:17), walang katapusan/nag-iisa (Jeremias 23:24; Deuteronomio 6:4), magkakaiba ngunit nagkakaisa (Mateo 28:19), pinakamarunong (Awit 147:4-5), may layunin (Jeremias 29:11), moral (Daniel 9:14), at mapagkalinga (1 Pedro 5:6-7).

Ang huling argumento tungkol sa pagkakaroon ng Diyos ay kung paano pangangatwiranan ng mga ateista ang kanilang posisyon. Sapagkat kanilang iginigiit na ang posisyon ng mga mananampalataya ay mahina, nararapat lamang na ibalik sa kanila ang ganitong katanungan. Ang unang dapat maunawaan ay ang kanilang pahayag na, “walang diyos,” na siyang kahulugan ng salitang “ateista,” isang malabong posisyon na nagugat sa isang pilosopikal na pananaw. Bilang iskolar sa sekular at pilosopo, sinabi ni Mortimer Adler, “Ang isang positibong panukala sa pagkakaroon ay maaaring mapatunayan, ngunit ang negatibong panukala sa pagkakaroon - ang pagtanggi sa pagkakaroon ng isang bagay - ay hindi maaaring mapatunayan.” Halimbawa, maaaring sabihin ng isang tao na may pulang agila at ang isa naman ay magsabi na walang pulang agila. Ang una ay kailangan lamang magpakita ng isang pulang agila upang patunayan ang kanyang pahayag. Samantalang dapat suyurin ng ikalawa ang buong sansinukob at literal na puntahan ang lahat ng lugar upang masigurong walang pulang agila na imposibleng gawin sa loob ng maiksing panahon. Ito ang dahilan kung bakit matatanggap ng isang matalino at tapat na ateista na hindi niya kayang patunayan na walang Diyos.

Pagkatapos, mahalagang maintindihan ang isyu tungkol sa bigat ng ipinapahayag na katotohanan at ang dami ng ebidensya na kinakailangan upang magarantiyahan ang ilang mga konklusyon. Halimbawa, kung may maglagay ng dalawang baso ng lemonada sa iyong harapan at sabihin na ang isa ay mas maasim kaysa sa isa, dahil ang epekto ng mas maasim na inumin ay hindi ganoon kaseryoso, hindi mo na kinakailangan ng maraming ebidensya upang pumili. Gayunman, kung ang isang baso ay dagdagan ng asukal at kung ang isa baso ay lagyan ng lason sa daga, siguradong nanaisin mo na magkaroon ng maraming ebidensya bago ka pumili.

Sa ganitong posisyon nakatatag ang isang taong magdedesisyon sa pagitan ng ateismo at paniniwala sa Diyos. Yamang ang paniniwala sa ateismo ay maaaring magresulta sa walang lunas at eternal na kaparusahan ng Diyos, nararapat lamang na ang mga ateista ay atasang maglabas ng mabigat at mahahalagang katibayan upang suportahan ang kanilang posisyon, ngunit hindi maaari. Hindi makakatagpo ang ateismo ng sapat na ebidensya na katumbas ng kabigatan ng kabayaran nito. Sa halip, ang isang ateista at ang kanyang mga mahihikayat sa kanyang posisyon ay walang kasiguraduhan kung ano ang naghihintay sa walang hanggan at umaasa na hindi matutuklasan ang hindi kanais-nais na katotohanan na totoong umiiral ang walang hanggan. Gaya ng sinabi ni Mortimer Adler, “Higit ang kahihinatnan sa buhay at susunod na hakbang mula sa pagsang-ayon o pagtanggi sa Diyos kaysa sa alinmang karaniwang katanungan.”

Kung gayon, may intelektwal na ebidensya ba ang paniniwala sa Diyos? Mayroon bang rasyonal, lohikal at makatwirang argumento sa pagkakaroon ng Diyos? Oo. Habang ang mga ateistang tulad ni Freud ay nagsasabing ang mga naniniwala sa Diyos ay nangangarap lamang, siya at kanyang mga tagasunod ay nagdurusa sa kanilang pagnanais na matupad ang kanilang hiling: ang pag-asa na walang Diyos, na wala silang pananagutan sa Kanya, at walang darating na paghuhukom. Ngunit ang nagpabulaan kay Freud ay ang Diyos mismo ng Bibliya na pinagtibay ang Kanyang pagiral at ang katotohanan na ang paghuhukom ay totoong darating para sa mga nakakaalam ng katotohanan na may Manlilikha ngunit tinatanggihan ito (Roma 1:20). Ngunit para sa mga naniniwala sa mga ebidensya na tunay na may Isang Manlilikha, Kanyang iniaalok sa kanila ang daan sa kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesu Kristo: “Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Diyos, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa Kaniyang pangalan; Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Diyos” (Juan 1:12-13).

 
Last edited:
Totoong may Diyos at mayroon siyang pangalan dahil gusto niya na ang lahat ng tao sa buong mundo ay makilala siya.
Ang pangalan ng Diyos, na binubuo ng apat na Hebreong katinig na יהוה, ay lumilitaw nang halos 7,000 ulit sa Hebreong Kasulatan. Sa Bagong Sanlibutang Salin, ang apat na titik na iyon, na tinatawag na Tetragrammaton, ay isinaling “Jehova.” Ang pangalang iyan ay mas maraming beses na lumilitaw kaysa sa iba pang pangalan sa Bibliya. Bagaman ang mga manunulat ng Bibliya ay gumamit ng maraming titulo at iba pang termino sa pagtukoy sa Diyos, gaya ng “Makapangyarihan-sa-lahat,” “Kataas-taasan,” at “Panginoon,” Tetragrammaton lang ang nag-iisang personal na pangalang ginamit nila para sa Diyos.

View attachment 291470

Ginabayan mismo ng Diyos na Jehova ang mga manunulat ng Bibliya para gamitin ang kaniyang pangalan. Halimbawa, inudyukan niya si propeta Joel na isulat: “Ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ay makaliligtas.” (Joel 2:32) At ginabayan niya ang isang salmista para isulat: “Upang malaman ng mga tao na ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.” (Awit 83:18) Sa katunayan, ang pangalan ng Diyos ay lumilitaw nang mga 700 beses sa aklat pa lang ng Mga Awit—isang aklat ng mga patulang akda na binabasa o inaawit ng bayan ng Diyos. Pero bakit wala ang pangalan ng Diyos sa maraming salin ng Bibliya? Bakit ginagamit ng Bagong Sanlibutang Salin ang pangalang “Jehova”? At ano ang kahulugan ng pangalan ng Diyos na Jehova?

View attachment 291471
Isang bahagi ng Mga Awit sa Dead Sea Scroll mula noong unang kalahati ng unang siglo C.E. Ang teksto ay isinulat sa istilo ng Hebreong mga titik na karaniwang ginagamit noong makalaya ang mga Israelita mula sa Babilonya, pero kapansin-pansin na ang ginamit sa Tetragrammaton ay sinaunang Hebreong mga titik


Bakit wala ang pangalan ng Diyos sa maraming salin ng Bibliya?
Iba-iba ang dahilan. Iniisip ng ilan na hindi kailangan ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang isang personal na pangalan para ipakilala ang sarili niya. Ang iba ay malamang na naimpluwensiyahan ng tradisyon ng mga Judio—ang pag-iwas sa paggamit ng pangalan ng Diyos, marahil dahil sa takot na malapastangan ito. May mga naniniwala naman na dahil walang nakatitiyak kung ano ang eksaktong bigkas sa pangalan ng Diyos, mas mabuting gumamit na lang ng titulo, gaya ng “Panginoon” o “Diyos.” Pero hindi makatuwiran ang gayong mga argumento. Pag-isipan ang sumusunod na mga dahilan:

  • Ang mga nagsasabing hindi kailangan ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang isang personal na pangalan ay nagwawalang-bahala sa ebidensiya na lumitaw ang personal na pangalan ng Diyos sa sinaunang mga kopya ng kaniyang Salita, kasali na ang mga kopyang umiral bago pa ang panahon ni Kristo. Gaya ng nabanggit na, ipinasulat ng Diyos ang kaniyang pangalan sa kaniyang Salita nang mga 7,000 ulit. Maliwanag, gusto niyang malaman natin at gamitin ang kaniyang pangalan.

  • Nang tanggalin ng ilang tagapagsalin ng Bibliya ang pangalan ng Diyos bilang pagsunod sa tradisyon ng mga Judio, isang mahalagang bagay ang hindi nila naisaalang-alang. Bagaman hindi binibigkas ng ilang eskribang Judio ang pangalan ng Diyos, hindi nila ito inalis sa mga kopya nila ng Bibliya. Sa sinaunang mga balumbon na natagpuan sa Qumran, malapit sa Dagat na Patay, maraming beses na lumilitaw ang pangalan ng Diyos. Ang ilang tagapagsalin ng Bibliya ay gumamit ng titulong “PANGINOON” na nasa malalaking titik para ipahiwatig na pangalan ng Diyos ang lumitaw sa orihinal na teksto. Pero ang tanong, Bakit basta na lang pinalitan o inalis ng mga tagapagsaling ito ang pangalan ng Diyos kahit na alam nilang lumilitaw ito sa orihinal na teksto ng Bibliya nang libo-libong ulit? Sino ang inaakala nilang nagbigay sa kanila ng awtoridad na gawin iyon? Sila lang ang makasasagot.

  • Ang mga nagsasabing hindi dapat gamitin ang pangalan ng Diyos dahil walang nakaaalam sa eksaktong bigkas nito ay gumagamit ng pangalan ni Jesus. Gayunman, ang bigkas ng mga alagad ni Jesus sa kaniyang pangalan ay ibang-iba sa bigkas dito ng karamihan sa mga Kristiyano sa ngayon. Malamang na Ye·shuʹa‛ ang bigkas ng mga Judiong Kristiyano sa pangalan ni Jesus, at Ma·shiʹach, o “Mesiyas,” sa titulong “Kristo.” I·e·sousʹ Khri·stosʹ ang tawag sa kaniya ng mga Kristiyanong nagsasalita ng Griego, at Ieʹsus Chriʹstus naman ng mga Kristiyanong nagsasalita ng Latin. Sa patnubay ng Diyos, ginamit sa Bibliya ang salin ng pangalan ni Jesus sa wikang Griego, na nagpapakitang ang mga Kristiyano noong unang siglo ay gumamit ng anyo ng pangalan na karaniwan sa wika nila. Kaya para sa New World Bible Translation Committee, makatuwirang gamitin ang pangalang “Jehova,” hindi man iyon ang eksaktong bigkas sa pangalan ng Diyos sa sinaunang Hebreo.

Bakit ginamit ng Bagong Sanlibutang Salin ang pangalang “Jehova”?

Sa Ingles, ang apat na titik ng Tetragrammaton (יהוה) ay katumbas ng mga katinig na YHWH. Gaya ng lahat ng iba pang salita sa sinaunang Hebreo, ang Tetragrammaton ay walang patinig kapag isinusulat. Noong lagi pang ginagamit ang sinaunang Hebreo, ang mga bumabasa na ang nagdaragdag ng angkop na mga patinig.

Mga sanlibong taon mula nang matapos ang Hebreong Kasulatan, ang mga Judiong iskolar ay bumuo ng isang sistema ng paglalagay ng tuldok at gatlang sa mga katinig para matukoy kung anong mga patinig ang dapat gamitin kapag nagbabasa ng Hebreo. Pero nang panahong iyon, naging pamahiin ng maraming Judio na maling bigkasin nang malakas ang pangalan ng Diyos, kaya gumamit sila ng mga panghaliling katawagan. Lumilitaw na nang kopyahin nila ang Tetragrammaton, isinama nila rito ang mga patinig ng mga panghaliling katawagan. Kaya ang mga manuskritong may mga tuldok at gatlang sa mga katinig ay hindi makakatulong para malaman kung paano binigkas ang pangalan ng Diyos sa Hebreo. May mga nagsasabing “Yahweh” ang bigkas dito, pero iba naman ang opinyon ng ilan. Sa isang bahagi ng aklat ng Levitico sa wikang Griego na kasama sa Dead Sea Scroll, Iao ang transliterasyon sa pangalan ng Diyos. Bukod sa anyong iyan, sinasabi rin ng sinaunang mga manunulat na Griego na posibleng Iae, I·a·beʹ, o I·a·ou·eʹ ang bigkas sa pangalan ng Diyos. Pero wala talagang nakatitiyak kung paano ito binigkas sa wikang Hebreo ng sinaunang mga lingkod ng Diyos. (Genesis 13:4; Exodo 3:15) Ang alam lang natin ay ginamit ng Diyos nang paulit-ulit ang kaniyang pangalan sa pakikipag-usap sa kaniyang bayan, tinawag siya ng kaniyang bayan sa pangalang iyon, at ginamit nila iyon sa pakikipag-usap sa iba.—Exodo 6:2; 1 Hari 8:23; Awit 99:9.

Kaya bakit ginamit ng Bagong Sanlibutang Salin ang pangalang “Jehova”? Ito ay mula sa anyo ng pangalan ng Diyos na “Jehovah,” na matagal nang ginagamit sa wikang Ingles.

View attachment 291474
Pangalan ng Diyos sa Genesis 15:2 sa salin ni William Tyndale sa Pentateuch, 1530

Unang lumitaw ang pangalan ng Diyos sa Bibliyang Ingles noong 1530 sa salin ni William Tyndale sa Pentateuch. Ginamit niya ang anyong “Iehouah.” Sa paglipas ng panahon, unti-unting nagbago ang wikang Ingles at ginawang moderno ang ispeling ng pangalan ng Diyos. Halimbawa, noong 1612, ginamit ni Henry Ainsworth ang anyong “Iehovah” sa buong salin niya ng aklat ng Mga Awit. Pagkatapos, noong 1639, nang irebisa ang saling iyon at ilimbag kasama ng Pentateuch, ginamit ang anyong “Jehovah.” Noong 1901, ginamit ng mga tagapagsalin ng American Standard Version ang anyong “Jehovah” sa mga teksto sa Bibliya kung saan lumitaw ang pangalan ng Diyos sa wikang Hebreo.

Ipinaliwanag ng iginagalang na iskolar ng Bibliya na si Joseph Bryant Rotherham kung bakit niya ginamit ang “Jehovah” sa halip na “Yahweh” sa kaniyang akdang Studies in the Psalms noong 1911. Sinabi niya na gusto niyang gamitin ang “anyo ng pangalan na mas pamilyar (pero katanggap-tanggap) sa karamihan ng mga nagbabasa ng Bibliya.” Noong 1930, ganiyan din ang puntong binanggit ng iskolar na si A. F. Kirkpatrick tungkol sa paggamit ng anyong “Jehovah.” Sinabi niya: “Iginigiit ng makabagong mga gramariyan na dapat itong basahin nang Yahveh o Yahaveh; pero ang JEHOVAH ay waring nakaugat na sa wikang Ingles, at ang talagang mahalaga ay hindi ang eksaktong bigkas, kundi ang matukoy na isa itong Pangalang Pantangi, hindi lang basta isang titulo gaya ng ‘Panginoon.’ ”

View attachment 291475


Ano ang kahulugan ng pangalang Jehova? Sa Hebreo, ang pangalang Jehova ay galing sa isang pandiwa na nangangahulugang “maging,” at maraming iskolar ang nagsasabi na ito ay nasa causative form. Kaya sa pagkaunawa ng New World Bible Translation Committee, ang pangalan ng Diyos ay nangangahulugang “Pinangyayari Niyang Maging Gayon.” Iba-iba ang opinyon ng mga iskolar, kaya hindi natin puwedeng ipilit na iyon talaga ang kahulugan. Pero ang kahulugang iyon ay angkop na angkop sa papel ni Jehova bilang Maylalang ng lahat ng bagay at Tagatupad ng kaniyang layunin. Hindi lang niya pinangyaring umiral ang pisikal na uniberso at ang matatalinong nilalang, kundi gaya ng ipinakikita ng kasaysayan, patuloy niyang pinangyayari na matupad ang kaniyang kalooban at layunin.

Kaya ang kahulugan ng pangalang Jehova ay hindi limitado sa kaugnay na pandiwa sa Exodo 3:14, na nagsasabi: “Ako ay magiging gayon sa anumang ako ay magiging gayon.” Ipinakikita ng tekstong ito ang isang aspekto ng personalidad ng Diyos—siya ay nagiging anuman na kinakailangan para matupad ang kaniyang layunin. Pero kasama rin sa kahulugan ng pangalang Jehova ang ideya na ang kaniyang mga nilalang ay pinangyayari niyang maging anuman na kinakailangan para matupad ang kaniyang layunin.



Dagdag na kasagutan

May Diyos Ba?

Ang sagot ng Bibliya

Oo. May mga nakakukumbinsing ebidensiya sa Bibliya na may Diyos. Hinihimok tayo nito na magkaroon ng pananampalataya sa Diyos, hindi sa pamamagitan ng basta paniniwala sa mga sinasabi ng relihiyon, kundi sa pamamagitan ng paggamit ng ating “kakayahan sa pangangatuwiran” at “talino.” (Roma 12:1; 1 Juan 5:20) Tingnan ang mga pangangatuwirang ito na batay sa Bibliya:

  • Ang maayos na uniberso kung saan may umiiral na buhay ay nagpapatunay na mayroong Maylalang. Sinasabi ng Bibliya: “Sabihin pa, bawat bahay ay may nagtayo, ngunit siya na nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos.” (Hebreo 3:4) Bagaman simple lang ang pangangatuwirang ito, maraming edukado ang nagsasabi na isa itong malakas na ebidensiya. *

  • Likas na gusto nating maintindihan ang kahulugan at layunin ng buhay, isang pagkauhaw na hindi mawawala kahit masapatan ang ating pisikal na pangangailangan. Bahagi ito ng tinatawag ng Bibliya na “espirituwal na pangangailangan,” at kasama rito ang hangarin nating makilala at sambahin ang Diyos. (Mateo 5:3; Apocalipsis 4:11) Hindi lang nito pinatutunayang may Diyos, ipinakikita rin nito na siya ay mapagmahal na Maylalang at gusto niyang sapatan ang pangangailangang iyon.—Mateo 4:4.

  • Eksaktong nagkatotoo ang mga detalyadong hula sa Bibliya na isinulat daan-daang taon patiuna. Ang pagiging tumpak at detalyado ng mga prediksiyon ng Bibliya ay matibay na patotoo na mula ito sa isa na nakahihigit sa tao.—2 Pedro 1:21.

View attachment 291476

  • Mas tumpak ang nalalaman ng mga manunulat ng Bibliya tungkol sa siyensiya kaysa sa mga kakontemporaryo nila. Halimbawa, naniniwala ang marami noon na ang lupa ay nakapatong sa isang hayop, gaya ng elepante, babay-ramo, o barakong baka. Pero binabanggit ng Bibliya na “ibinibitin [ng Diyos] ang lupa sa wala.” (Job 26:7) Tumpak ding inilalarawan ng Bibliya ang hugis ng lupa, na ito ay “bilog,” o “globo.” (Isaias 40:22; Douay Version) Iniisip ng marami na ang pinakamakatuwirang paliwanag kung bakit alam iyon ng mga manunulat ng Bibliya ay dahil tinanggap nila ang impormasyon mula sa Diyos.
  • Sinasagot ng Bibliya ang maraming mahihirap na tanong, na kapag hindi nasagot nang tama ay maaaring umakay sa isang tao na maging ateista. Halimbawa: Kung ang Diyos ay mapagmahal at makapangyarihan-sa-lahat, bakit may pagdurusa at kasamaan sa mundo? Bakit ang relihiyon ay madalas na nakasasama sa halip na nakabubuti?—Tito 1:16.

Para sa dagdag na impormasyon para sa mga kasagutan sa mga tanong tungkol sa buhay at sa hinaharap, bisitahin lang ang website na ito https://www.jw.org/tl at pumunta sa seksyon na "Sagot sa mga tanong sa Bibliya".
 

Attachments

  • 1 Ang Pangalan ng Diyos sa Hebreong Kasulatan — Watchtower ONLINE LIBRARY.png
    1 Ang Pangalan ng Diyos sa Hebreong Kasulatan — Watchtower ONLINE LIBRARY.png
    14.9 KB · Views: 5
  • 4.jpg
    4.jpg
    183.9 KB · Views: 3
  • 6.jpg
    6.jpg
    113.5 KB · Views: 1
  • 2 Ang Pangalan ng Diyos sa Hebreong Kasulatan — Watchtower ONLINE LIBRARY.png
    2 Ang Pangalan ng Diyos sa Hebreong Kasulatan — Watchtower ONLINE LIBRARY.png
    20.1 KB · Views: 2
  • 502014187_univ_cnt_1_sm.jpg
    502014187_univ_cnt_1_sm.jpg
    31.3 KB · Views: 0
question po sa mga atheist.

magkakaroon ba ng bukas kung walang ngayon? sinong nakapunta na sa kinabukasan? kahit na araw-araw mong puntahan ang bukas, imposibleng marating mo yun kahit mamatay ka na andyan pa rin ang bukas. anong proof na nag eexist ang bukas? ni isang tao hindi pa nakarating sa bukas, ni isang tao hindi pa nakita ang bukas kahit na gumamit ka pa ng time machine para pumunta sa future. pagpunta mo dun may bukas pa rin. pero alam natin na may bukas kahit ni isang beses hindi natin yun napuntahan or nakita or naramdaman.

bakit niyo babanatan ang mga believers kung naramdaman namin ang existence ng DIOS, samantalang alam naman nating lahat na merong bukas samantalang hindi pa naman tayo nakarating dun or nakita yun or naramdaman yun? at least ang DIOS naramdaman pa ng maraming believers.

i'm a christian, pero kung babanat kayo kung naniniwala ako kay allah. sagot ko hindi. pero muslims, christians, buddhist etc. ay naniniwalang may lumikha.. ang DIOS. kagaya rin yan ng pagkakaiba iba ng opinyon ng mga atheist kung saan nagmula ang tao, pero same parin naman kayo ng stand na walang DIOS tama?.

pang huli. paki prove naman na merong bukas. kahit anong evidence please.
 
Meron God. I mean I do believe in God. Minsan, alternate pa nga. God or Goddess. Minsan, madami sila pero yes, meron God talaga. But depende sa tao kung ano ang concept of God ng mga tao. Universal ba siya, real human ba siya at maraming iba pa. Depende naman iyan sa concept of God ng bawat religion diba? Kung ano ang nararamdaman mo, sundin mo na lang. Malay mo, malaman mo kung ano ang spiritual path mo. Doon ka idinadala.

Ako, nalaman ko. I just feel it in my heart. Now, I'm happy. Universal lang ang akin. Abstract. Yung beliefs ko is God is within us or Goddess within us---mga ganun lang. Then meditation---mga ganun tipo.

- - - Updated - - -

Oo nga. Ano ang concept of God mo? Baka andoon ka? Dati, nagtry ako ng quiz online. Nalimutan ko ang site. Napunta ako sa reform jews ba iyon? Hindi talaga ako Catholic. Then nagquiz online ako uli sa Pagan faith (dahil maraming klaseng faith sa Pagan), ang labas ng result sa akin ay wicca. E kase sila itong maraming Gods and Goddesses, basta meron explanation doon.

Ramdamin mo mung talaga sa heart mo, baka sa ibang spiritual path ka nadadala, hindi mo lang napapansin or hinohold on dahil binyag Christian ka. Ganun---pero kung feel mo talaga ay no God---e di atheist ka nga.
 
Yes! and in fact He made you to ask that question. Everything is predestined, from this very moment and the future. The only answer to your quest is only up to the creator When He want you to know Him more and that question is just the beginning of knowing Him. All I could advice is, you need to ask the presence of the Holy Spirit in your journey and of course you need faith to do that, a little bit of it will do. Good Luck!!!
 
yup meron talagang diyos ..need mo lang siguro isapuso para maramdaman mong may diyos according lang sa pananaw ko.. ^_^ Godbless you po..
 
hi TS! merong Diyos. yan eh nasa mga puso naten. nasa free will na naten kung papanatilihin naten Sya sa mga puso naten. nasa atin na rin kung maniniwala tayo sa history. si Kristo nga eh nag exist dati. sa time ngayon yung iba eh may doubts sa inyo dahil di naman naten nawitness yun. sympre aasa na lang tyo sa mga nakakita nun, isusulat or ikukwento nya yung karanasan nya hanggang sa magpasalin salin sa susunod na henerasyon. nsa sa atin na yun kung maniniwala tayo. anyway, ang konklusyon ko lang, kung marunong tayong magmahal, merong Diyos sa puso naten. if u didnt experienced love to anyone to anything to anywhere, its time for you to try. its fun and happy! anyway, u started asking question now. maybe its the beginning. Good luck!
 
oo naman totoong may Diyos. walang creation which is tayo kung walang creator.
 
bible lang po ba ang ebidensya o nagpapatunay na meron diyos?

sa Generation natin master uu cguro kasi ngayon maraming distraksyon pero noon wla nmang bible panu sila naniniwala na may dyos, kaya pasa pasahan lng yan inpormasyon magagaling mga ninuno natin, un cguro ang gamit ng ating intelek na ibinigay satin.. at kung mali man ang tinuturo may consensya nmn dba?
 
the future is now.. :D

- - - Updated - - -

question po sa mga atheist.

magkakaroon ba ng bukas kung walang ngayon? sinong nakapunta na sa kinabukasan? kahit na araw-araw mong puntahan ang bukas, imposibleng marating mo yun kahit mamatay ka na andyan pa rin ang bukas. anong proof na nag eexist ang bukas? ni isang tao hindi pa nakarating sa bukas, ni isang tao hindi pa nakita ang bukas kahit na gumamit ka pa ng time machine para pumunta sa future. pagpunta mo dun may bukas pa rin. pero alam natin na may bukas kahit ni isang beses hindi natin yun napuntahan or nakita or naramdaman.

bakit niyo babanatan ang mga believers kung naramdaman namin ang existence ng DIOS, samantalang alam naman nating lahat na merong bukas samantalang hindi pa naman tayo nakarating dun or nakita yun or naramdaman yun? at least ang DIOS naramdaman pa ng maraming believers.

i'm a christian, pero kung babanat kayo kung naniniwala ako kay allah. sagot ko hindi. pero muslims, christians, buddhist etc. ay naniniwalang may lumikha.. ang DIOS. kagaya rin yan ng pagkakaiba iba ng opinyon ng mga atheist kung saan nagmula ang tao, pero same parin naman kayo ng stand na walang DIOS tama?.

pang huli. paki prove naman na merong bukas. kahit anong evidence please.

the future is now.. :D
 
now is the present.

Di ko ma gets ang argument mo, humihingi ka nang evidence ng "bukas"? Tingnan mo kalendaryo mo. Kung future ang pinag uusapan natin bat di mo makita na future na ngayon, kahapon is past kung titingnan mo sa ganyang perspective. Example: today is yesterday, tomorrow is now. At kahit na wala ang future it doesnt prove anything.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom