question:
01. kung galing ang tao kay adan at eba (ayon sa Bible) bakit ang mga ita (native People in the Philippines) kailan man ay hindi nag ka anak ng Puti o nag ka anak na may matang asul o ibang kulay,, same din sa ibang Lahi etc. etc.
Gen. 9:18, 19: “Ang mga anak ni Noe na nagsilunsad sa daong ay si
Sem at si
Ham at si
Japhet. . . . Ang tatlong ito ay mga anak ni Noe, at sa mga ito nakalatan ang buong lupa.”
Ang Susing salita po jan ay (1)Dominant/Recessive Genes and (2)Environment....
Shem/Sem - dito nag Originate ang Semitic People (Arabs, Hebrews, Southwestern corner of the Asiatic continent, Asia Minor. etc)
Ham - Hamitic People (The Ethiopians, Egyptians, some Arabian and African tribes, and the Canaanites)
Japeth - Japheth was the progenitor of the Aryan or Indo-European (Indo-Germanic) branch of the human family.They appear to have spread from the Caucasus eastward into Central Asia and westward through Asia Minor to the islands and coastlands of Europe and perhaps all the way to Spain. Arabian traditions claim that one of Japheth’s sons was also the progenitor of the Chinese peoples.
Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng iba’t-ibang katangian ng mga lahi?
“Ang lahat ng mga taong nabubuhay ngayon ay kabilang sa iisang uri, Homo sapiens, at may iisang pinagmulan. . . . Ang biolohikal na pagkakaiba-iba ng mga tao ay bunga ng
(1)pagmamana at ng (2)epekto ng kapaligiran sa minanang mga katangiang ito. Karaniwan na, ang
dalawang salik na ito ang siyang sanhi ng mga pagkakaibang yaon. . . . Kadalasa’y mas malaki ang pagkakaiba sa pagitan ng mga indibiduwal na bumubuo ng isang lahi o bansa kaysa pagkakaiba sa pagitan ng iba’t-ibang mga lahi o mga bansa.”—Isang pandaigdig na lupon ng mga siyentista na tinipon ng UNESCO, sinipi sa Statement on Race (Nueba York, 1972, ikatlong ed.), Ashley Montagu, p. 149, 150.
“Ang isang lahi ay isa lamang sa mga nakabukod na
grupo ng pinagsamasamang mga gene na lumitaw bunga ng pagkakahati ng sangkatauhan nang panahong ito’y lumaganap sa balat ng lupa. Humigit kumulang, nagkaroon ng isang lahi sa bawa’t isa sa limang pangunahing kontinente ng lupa. . . . Ang tao ay nagkabukud-bukod nga noong panahong ito ng kasaysayan at ating masusukat at mapag-aaralan ang naging bunga ng pagkakabukud-bukod na ito batay sa nalabi ngayon ng sinaunang mga lahi. Gaya ng ating maaasahan, waring ang pagkakabukud-bukod na ito ay may kaugnayan sa tagal ng kanilang pagkabukod. . . . Nang mabuo ang mga lahi sa mga kontinente, at nagsiksikan ang libu-libong mga tao sa nakabukod na grupo ng mga gene sa buong daigdig, lumitaw ang pagkakaiba-iba ng mga gene na ating nakikita sa ngayon. . . . Ang nakapagtataka rito ay na, bagama’t sa labas ay tila nagkakaiba-iba ang bawa’t grupo ng mga tao, gayon man sa kabila ng mga pagkakaibang ito ay nagkakahawig sila sa pangkalahatan.” (Heredity and Human Life, Nueba York, 1963, H. L. Carson, p. 151, 154, 162, 163) (Kaya, sa pasimula pa lamang ng kasaysayan ng tao, nang bumukod sa iba ang isang grupo ng mga tao at nag-asawa sa kanilang sariling grupo, ang kanilang mga supling ay nagkaroon ng ilang namumukud-tanging katangiang henetiko.)
02. Bakit sa Australia lang may Kanggaroo kung tototo ang Noahs Ark
Ikinakatuwiran ng ilan na ang pagkakaroon ng mga hayop sa nakabukod na mga pulo tulad ng Australia at New Zealand ay indikasyon na hindi lahat ng mga hayop sa katihan na nasa labas ng arka ay nalipol sa Delubyo. Gayunman, ipinakikita ng mga tuklas ng mga oseanograpo na noong sinaunang panahon ay magkakarugtong, sa pamamagitan ng mga tagaytay na lupa, ang mga kalupaang magkakabukod na ngayon. Halimbawa, ipinakikita ng mga pag-aaral sa oseanograpiya na maaaring ang Mid-Atlantic Ridge sa karagatang iyon ay hindi nakalubog noon sa tubig. Posibleng may iba pang mga tagaytay noon, at maaaring nandayuhan ang mga hayop sa pamamagitan ng pagtawid sa mga tagaytay na iyon bago pa lumubog ang mga iyon sa ilalim ng tubig ng karagatan. Ang iba pang mga pag-aaral sa oseanograpiya ay naghaharap ng katibayan na may isang pagkalaki-laking kontinente ng South Pacific noon na sumasaklaw sa Australia at sa maraming isla ng South Sea. Sa gayong kalagayan, tiyak na hindi naging mahirap sa mga hayop na mandayuhan sa mga lupaing ito.
03. Bakit may nakakakita (including me) na mga Flying vehicle na hindi gawa nang tao (dahil wala pang tao nakakagawa ng sasakyan na kayang mag maniobra nang walang kasing bilis at lumiliko nang agad agad)
04. mamaya ko na itutuloy he he he marami pa ipunin ko muna ,,yan na muna
UFO's and stuff similar to this is all but assumptions.... wala pa naman pong proven na nag exists ito... Granting na meron mga ganung sasakyan, in the end mapapatunayan na tao rin gumawa... ung technology lang na ginamit is not yet known to many, or a big secret... Things that seems advance to us today doesn't mean na alien technology na kaagad... Example there are lots of Invention si Nikola Tesla na talaga namang nakakagulat (I should know, I am a big fan of his work)... Like wireless electricity, laser beam, wireless phones, earthquake machines ... and This was invented in the 1850's. The point is... Ndi ibig sabihing hindi natin maipaliwanag now, eh alien tech na kagad