Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay Traffic Enforcer - Barker Tandem: Ang tatalo sa Jadine at Kathniel tandem..

Magandang umaga ulit mga kaibigan!!

Salamat ulit sa mga nagbasa ng aking mga ginawa:

Lolo Juan --> http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1401107
Peysbuk Gerprend --> http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1400746
Black Jeep --> http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1399591




Ngayon naman nais kong ibahagi sa inyo ang isang pangkaraniwan pero isa sa mga nagpapainit ng ulo ni manong kalbo ang...

Traffic Enforcer - Barker Tandem

Majority sa mga pinoy ang nagccommute araw araw. At marahil ito ay inyo ring nararanasan sa ating bansa. Sila ang mga tagabantay (daw) ng trapiko at taga disiplina ng mga drayber, makkita niyo silang parang nakauniform ng pulis at hindi mawawala ang neon na palamuti sa kanilang katawan upang hindi sila mabangga ng dumarating na sasakyan... Si Manong TRAFFIC ENFORCER!!! MAGINGAY!!! WHOOOOOH!!! PFFFFT! HAHAHAHAHAH XD

Sila naman ang mga taong ang uniporme ay pantulog din nila at pwede pang gamitin kinabukasan, may ligo man o wala. Hawak nila ang oras nila kasi self employed sila. Pwedeng umabsent anytime, magbreaktime anytime at gumawa ng kalokohan anytime sila ang... THE BARKERS!!!

Sa umaga, wala pang sikat ang araw maganda ang lansangan. Malinis, tahimik at may mga desiplina ang mga driver ng bus, jeep at private vehicles. Ngunit ang hindi ko maintindihan, may paparadang isang motor at nakasakay ang isang lalaking ubod ng laki ng tiyan sa may tabi ng kalsada at ppunta sa gitna upang kumaway kaway kumembot kembot at maglakad ng maglakad sa kalsada. Si Manong Traffic Enforcer, ang problema lang... Sa isang lansangan siya nakaway kahit no choice ang mga driver na dumirecho lang ang takbo. Usually kasi nakkita ko sila sa kalsada na crossing ang pagkakagawa. Yung tipong papatigilin ang isang lane para makalusot ang sunod na lane. Pero si Manong TE ay kinakawayan ang mga sasakyan na dumirecho daw. E no choice naman sila manong e! Walang ibang ppuntahan! hayssssst!! hahahaha XD

Isa pang napansin ko kay Manong TE, maluwag ang daloy ng trapiko sa lugar, sa bandang malayo ay maluwag din ang takbo... Ang ginawa niya pinatigil ang isang lane at magwa-one way daw???? Sa pagkakaalam ko ang one way na tinatawag e para gumaan ang daloy ng trapiko. Kaso dahil sa one way na tinatawag ni Manong TE ay nagsikip na ang trapiko sa lane na pinatigil niya at nagtuloy tuloy ito hanggang sa kabilang lane. WTF???? hayh.

Dayo naman tayo sa katandem niya. Si Manong Barker o kilala ng iba na Dispatcher. Bakit nga ba sila magkatandem ni Manong TE?? Ang dahilan lang naman ay sa sobrang sipag nilang dalawa... Magkasosyo sila sa isang business. Ang "Tawag Pasahero" Corporation of the Philippines! Ang goal ng kanilang business ay dumoble ang kita nila sa isang araw sa pagsabi ng dispatcher kung anung basa sa karatula ng mga jeep. "ALABAAAAANG!! ALABAAAANG!!!" ang sigaw ni manong barker. Ang role naman ni Manong TE, taga kolekta ng bayad ni jeepney driver kay dispatcher kasi naglabor si dispatcher para sabihin kung saan papunta si manong jeepney driver na hindi naman ginusto ni driver.

Kawawa ang mga jeepney driver na makakakita ng isang pumarang pasahero at biglang may aabot ng kamay sa harap ng jeep para singilin sa taong naguide daw niya sa jeep ni manong driver. Koya! Pumara yung tao tapos sisingilin mo si Manong Driver??? Huwaw ha???!! At ang nakakabwisit pa sa basang kilikili ni koya na tumutulo sa hita ni ate sa harap ng jeep e yung pag binigyan siya ng piso e galit pa siya! Minimum daw ay P20.00!!!

Let's compute...

Bayad ni pasahero -> P7.00
Hingi ni dispatcher -> P20.00
Kita ni manong drayber -> -P13.00 (abunado pa siya)

Kagaleng e noh??? hahahhaha Isa pang nakakatawang eksena. Si Manong Drayber ay sobrang payat, Si dispatcher dalawa ng kamay ni koyang driver ang braso niya. Trabaho din brad!!! Laki ng katawan e ohh! Hiya hiya!! Hahahahahah.

Nakita niyo na ang tatalo sa tandem ng Jadine, Aldub at Kathniel?

Mas kilala sila ng tao kasi lantaran sila kung magtransaksyon.

Ang tandem ng Traffic Enforcer at Barker BOW! :clap:
 
Back
Top Bottom