Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

TRAIN Act: Pasakit ba o kaginhawaan ang ibinibigay?

xDigoyx

The Devotee
Advanced Member
Messages
324
Reaction score
1
Points
28
Marahil marami sa atin ngayon ang nagtatanong, ano ba talaga ang maidudulot ng TRAIN ACT na yan, pasakit kaya o kaginhawaan para sa mga ordinaryong mamamayan? Hindi lingid sa ating lahat na ang pagtaas ng buwis ay episode 1 pa lang, ibig sabihin marami pang nakaambang pagtaas na tinatawag na episode 2 to episode 5. Ang tanong, sino ba talaga ang makikinabang sa pagtaas ng buwis na yan, ikaw ba? ako ba? o iilang tao lang?

May nagsasabi na para daw yan sa kapakanan ng mga minimum earners o yong mga taong hindi aabot ang taonang sweldo ng P250,000 dahil malaki daw ang kanilang magiging 'take-home pay'. Totoo kaya ito? O baka may iba pang kadahilanan bakit kelangan ng tax reform? Sa akin pong pagkaalam, yong mga minimum earners at below minimum ay exempted na kahit nuon pa. Kaya lang mas dinadagdagan lang ata sa ngayon yong 'bracket of personal tax exemption' para nga sa mga sumo sweldo ng hindi aabot ng P250,000. Worth it kaya? Makikinabang ba talaga ang ordinaryong mamamayan?

Ano ba talaga ang rason bakit kelangan ng tax reform o Train Act? Sa pananaliksik ko at sa pagbabasa sa isang 'thread' dito na ginawa ni Abdul Ampatuan, nalaman ko na kelangan talaga ang isang tax reform para madagdagan ang pondo ng gobyerno. Ito palang pondo o tax revenues ang pinagbabasihan ng mga nagpapautang na bansa kung pauutangin ka gaya ng World Bank, China at iba pa. Kung malaki ang deficit mo o humantong sa 'fiscal crisis', sigurado di gaganahan magpautang yong mga nagpapa utang. Tinitingnan kasi nila kung may kakayahan ang iyong bansa na makapagbayad sa utang.

Bakit nga ba kelangan mangutang? Syempre, kinailangan daw talagang mangutang para matugunan ang 'Build, build program' ng ngayong administrasyon. (Syempre, kasama na dyan ang kickbacks ng mga pulitiko). Paano ba naiiba kung tayo ang nangungutang sa ibang bansa kesa sa mga bansa na nasa First world? Ang kaibahan nga lang ay pag nasa 'Third world' o 'Developing country' ang mangungutang ay marami silang 'strings attached', pero, kung ikaw ay nasa 'First World', iba ngayon ang kanilang magiging kondisyones na usually favorable both parties. Dahil love na love ng mga Pilipino ang China, gaya ng love na love nila si Presidente, tingnan na lang natin ang susunod na mangyayari dahil sa utang natin sa China.

Sino nga ba talaga ang makikinabang sa tax reform na yan? Sa tingin ko kasi ang makikinabang lang ng malaki ay yong mga taong gobyerno kasi palaging may mga increases sila, habang yong nasa private sector at common tao naman ay unti-unting magdi deteriorate. Makikita mo naman yan sa private sector na halos walang pagtaas ng kanilang sweldo, bagkus, bumababa pa nga. Kahit yong call center salary medyo mababa na kesa nuong una. Mas grabe pa doon sa mga 'common tao' gaya ng mga nagtitinda ng sari-sari, mangingisda, nagtatrabaho ng kontrakwal o hurnal ay mas lalong di sasapat yong kanilang kinikita, dahil nga sa tumataas na presyo ng mga bilihin resulta ng panibagong buwis. Mas lalong lulubog ngayon ang kanilang kundisyon. HIndi din lahat ang makikinabang sa 4Ps dahil nga sa may palakasan dyan at hindi rin sasapat yong ayudang naibibigay.

Ano ngayon ang magiging hinaharap? Masalimuot ang magiging hinaharap natin. Totoong may mga bagong proyektong maipapatupad na makakatulong naman sa mga Pilipino pero kung ang mga proyekto namang ito ay hindi magagamit ng maayos at walang equivalent economic benefits, baka nga malubog pa lalo tayo sa utang. Well, hindi na siguro problema yan ng ngayong henerasyon kasi magiging problema yan ng susunod na henerasyon.

Ano ang opinyon mo kaibigan? :salute:
 
Last edited:
Syempre kaginhawaan.

natuturuan kasi mga tao na maging decisive sa mga bibilihin. d naman tlga kailangan ng sweetened beverage ang katawan. sakit lng dulot nun.
 
Patataasin ng TRAIN law ang tax ng petroleum products kaya kahit exempted sa TRAIN law ang basic commodities tataas din ang presyo ng mga un sabay sa pagtaas ng presyo ng petrolyo. Pabigat siya sa lahat lalo na sa mahihirap.
 
Patataasin ng TRAIN law ang tax ng petroleum products kaya kahit exempted sa TRAIN law ang basic commodities tataas din ang presyo ng mga un sabay sa pagtaas ng presyo ng petrolyo. Pabigat siya sa lahat lalo na sa mahihirap.


Nangyayari na nga ang sinasabi mo kababayan. Grabe ang pag taas ng presyo ng mga bilihin, gasolina at halos lahat na. Pati nga serbisyo ng gobyerno tumataas na rin ang singil. Ang mga mahihirap mas lalong naghihirap kahit nga pambili ng NFA ay mahirap pa. Ang mahirap pa pati sangay ng gobyerno gaya ng DTI at DOE ay panay justify pa sa kanilang mga kalokohan.

Pero ang mas nakakakilabot ay yong mga piring na mga mata ng mga kababayan natin, na alam naman nila ang nangyayari sa bayan pero bulag pa din sila sa katotohanan.

:slap::slap:
 
malalagotan nang hininga ang mga pubring pinoy dahil sa gutom, isang kahig isang tuka na nga sinagasaan pa ng tain. dahil sa taas ng mga bilihin.
 
Pare sinuspinde na ni Presidente yon TRAIN law baka next year giginhawa na mga Pinoy. Na tyempohan lang nagkasabayan yong inflation, kalamidad at kulang ng rice. Pero okey na next year gaganda na buhay natin.
 
Before the TRAIN Law pag tumaas ang gasolina kahit 1 piso lang nagtataasan na ang mga bilihin, sa excise tax sa gasolina na 2 pesos mahigit di lalo nang tumaas ang mga bilihin, may mga provisions the law na magaganda din naman, pero sana hindi nilagyan ng excise tax mga presyo ng gasolina, sabi nila kelangan daw nila ng budget for the Build Build Build, pero ilang bilyon ba ang hindi nakokolekta ng BIR sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis, yong mga nagssmuggle sa custom, napakalaking pera ang nawawala sa government, siguro ang mabuting gawin ng government ay ayusin muna nila ang pangongolekta sa mga hindi nagbabayad ng tama, kesa naman magpatupad ka naman ng bagong batas na ang tatamaan mostly ay ang mga mahihirap na Pilipino.
 
Gagamitin yong makokolekta sa TRAIN para sa Universal Health Care.
Ayam mo nun libre ka na magpa ospital.
Maliit lang naman kaltas sa TRAIN.
Okey lang yan may budget ka nga sa beer tapos sa health wala?
Health is wealth di ba?
 
ok naman ang train law. hindi dahil mahirap na wala nang gagawin mag aantay nalang sa bigay ng gobyerno. tsaka hindi train law hindi naman kinukuha yan para walang pag lagyan. kinukuha yan kasi may dahilan. sa infrastructure project ng government and services like health and education.
 
Sapat ang tax before TRAIN law para sa mga proyekto ng bansa natin. Kelangan lang mamonitor ng maayos kung saan napupunta. No need para sa additional tax law.
 
Sapat ang tax before TRAIN law para sa mga proyekto ng bansa natin. Kelangan lang mamonitor ng maayos kung saan napupunta. No need para sa additional tax law.

Kelangan daw talaga ng panibagong tax o TRAIN law dahil sa Build, Build, Program ng gobyerno.
 
Back
Top Bottom