@gabriel. Tol mukhang seryoso na ata tayu dito pagdating sa mga beliefs.Hehehe.
Sa pagkakaalam ko di lang ata trinity eh. Ang dami kasi tulad ng mga HINDU dudes.. 40k above ata gods nila.
Mas mabuti kung isa lang para hindi na mahirap mag pray.Dahil isa lang.
Tol RC kba. No offense ha. Bakit yung ibang RC nagpre pray sa mga santo. Diba dapat dios lang ang dapat sambahin.
away na naman kauuwian nito
RC: Trinity
INC: One God
Dating Daan: multiple gods
Hindus: Multiple gods
Atheists: No god
others: no pakialam
hay tama na yan.
dagdagan na rin natin na sinasamba ng mga inc si jesus.
At pwede daw magiging diyos ang mga tao ayon sa mga add.
Ang relihiyon at paniniwala ay kanya-kanya po.
Maaaring ang isang bagay ay magugustuhan ng isang tao pero sa paningin ng iba ay pangit ito.
Kaya nga padami ng padami ang 'relihiyong totoo' dahil sa pagnanais na maging bahagi ng masasagip.
Ayaw po ng mga hudiyo kay jesus dahil inaangkin niya ang pagiging sa diyos (o galing sa diyos o may divinity), at ayon sa mga hudiyo, ito ay blasphemy.
Ang mga hudiyong naniniwala kay jesus ang nagiging unang mga kristiyano (at naging katoliko at protestante).
sa pagdaan ng panahon, dumating si mohamad at sinabing dapat bumalik ang lahat sa diyos (islam).
At the height of add-inc controversy regarding alleged unkind words of bro eli soriano of add against muslims, robin padilla came out on tv and said:' si jesus ay propeta para sa mga kristiyano at ang 'bagong tipan' ang ibinigay sa mga kristiyano. At ang 'huling tipan', ang quran, ay para sa mga muslim.
Masyado na tayong alipin ng ating iba't-ibang relihiyon.
Matoto na po tayo na hindi kailangang makasakit sa iba para maipamahagi na 'tayo ang totoo'.
Kanya-kanya lang kasi iyan.
Kayong mga may relihiyon, ipakita ninyo sa aming mga walang relihiyon ang tunay na diwa ng bibliya, ang pagmamahalan, at baka, baka lang, isang araw kami ay nasa panig niyo na.