Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

VB 6 help about DTR Reporting

alexddb

Recruit
Basic Member
Messages
5
Reaction score
0
Points
16
mga sir... baka po may magandang idea kayo for reporting ng DTR at patulong na din po ako sa coding :) di kc ako masyado maalam sa ganito im still a beginner but easy to learn naman po..

here:
kasi may database na kami galing sa biniling biometrics pero di smart ung pagkakagawa ng reporting nila so we decided to create our own..


* ang gusto ko po sana mangyari is.

example scenarios:
1. pag yung employee e naka limutan mag IN at OUT lang nagawa nya, ang data report na lalabas e color red sya for that date...
-yung existing kasi e ganito.. nakalimutan mag OUT ng employee so IN lang ang meron sya.. then the next day nag IN sya ang lumalabas eh ... last day upto the next day sya nag work..Jul 10 - Jul 11,, ang total work of hours is more than 18+.. so di tlga reliable..

2. may filtering ng dates.. example is 5-20 ang date na gusto ko ilabas.. so ilalabas nsa report lahat ng records ng emp from 5,6,7,8 etc,, upto 20..

3. filtering ng name of the employee.. much better in one textbox format is FIRSTNAME MI SURNAME..

4. may computed work long.. or hours of work..

5. meron ding Break out, break in, lunch out, lunch in na field. ito ay para di na isama sa computation of work hours ung break at lunch..

kung may suggestion pa po kyo na ilagay sa report pa post nalang po..


at kung may ready source na po kayo pede ko po ba ma DL? para mapag aralan ko po dapat ko gawin..

may nag sabi na sakin na maganda daw kung gagawa ako ng "array of structures"

dapat daw homogeneous pagkakagawa..

to sum it up..

nagangailangan po ako ng tulong nyo.. :)

Edit: Yung database nga po pala namin is Access (.mdb)
 
Last edited:
Same lang po pala tayo. saamin ang gamit naman excel manual kaya napahirap.
 
yung no. 1 mo, logically tama naman e kasi nga wala syang out so magcocompute talaga sya from the prev day until the last punch nya. pero pwedeng gawin yung gusto mo sa SQL function na kapag yung next punch is dated the next day, dapat separate na sya sa counting nung prev day na wala syang out.

no. 2 naman, madali lang yan gawin sa stored procedure. gawa ka ng sp na may dalawang date parameter like sdate and edate. yan yung magsisilbing condition mo for the dates in a select statements para sa report mo.

no. 3 naman, sa report ba yan or view lang sa frontend? kung report, better to make a separate report for that something like, DTR REPORT BY EMPOLYEE tapos may capability na mag filter by date at the same time.(ei. dtr report ni pedro for the date or feb 1 to feb 19) ang parameter nung sp mo jan is name ng employe with the dates period. yung no. 2 naman separate report din pero something like DTR REPPORT BY DATE / DTR REPORT FOR THE PERIOD OF (yung date parameter na sdate at edate).

no. 4 gagamit ka jan ng SQL Built-In Function na combi ng DATEADD at DATEDIFF(based sa experienced ko) para ma compute mo yung total seconds nung in/out nya then saka mo format into HH:mm:tt

sa SQL stored proc ng no. 2 & 3 mo yan ilalagay. report format something like:

IN OUT TOTAL WORK
X:X X:X X.X

no. 5 pwede din gawin yan na may actual na break in/out at lunch in/out pero tingin ko mas praktikal na alamin mo na lang ang total hours nung dalawang yan(break at lunch) tapos saka mo deduct na lang sa total hours nung in/out mo. for example, ang total hours ng in/out is 9.5hrs at yung total hours nung break at lunch is 1 hour and 30mins. e di deduct mo yung 1.5 hours sa 9.5 para exact 8hrs sya. para 2 punch na lang ang ide-deal mo which is yung in/out lang. yung other 4 punch is constant yun na 1 hour and 30 mins. yan ay kung hindi strikto yung office nyo sa nag oover na break. yung lunch naman is halos lahat namn standard na 1hr LB lang.

super dali lang ng lahat ng yan. in a day kaya yan gawin kung mejo hindi ka familiar sa data since kamo bagong report yung gagawin mo out of the data ng biometric nyo. same yang case nyo sa ginawa ko sa company namin. may bundled na software pero hindi na meet ng software yung report na kaylangan namin kaya gumawa ako ng sarili kong report generator using sa data na naeextract sa bio using usb. kung sa inyo is naka network yung biometric machine sa database server nyo, napakadali na lang nyan kasi hindi mo na kaylagan na mag extract mano mano ng data thru usb. deretso gawa ka na ng report viewer mo na naka path yung connection string mo sa db server nyo.

PS: para saan nga pala yung recommendation nila sayo na "array of structures"? para dun mo pansamantala ilagay yung in out, in out, in out? possible naman at useful yung array para sa coding na yan kasi nagde-deal ka ng multiple data in a 1 record e. pero kaya yan gawin kahit walang array. baka kasi malito ka lang pag may array e. simplehan mo lang ang solution.

Sana nakatulong. Good luck and happy coding!
 
Last edited:
Ito rin po ung problema ko using Touchlink V2, about sa scheduling, bale 8 hours lang total hours of work namin, pero +9 nalabas, kasama na ung break at kung magap pumasok or late magout, pano po ba icompute ito? ineexport ko nalang kasi sa excel at manu mano akong nagccompute kaya matagal, may dayshift at nightshift pa kami.

Ito po ang halimbawa ng pasok

Schedule 1 (9pm) night shift
in: 8:50pm out: 6:01am = 9.18 total hours of work

Schedule 2 (9am) day shift
in: 8:50am out: 6:01pm = 9.18 total hours of work

ganito po lagi, laging kasama kapag magap mag-in or late magout

ano po bang magandang formula neto sa excel
Ito po kasi mga kelangan ko
1) Lates
2) Overtime
3) Undertime
 
Back
Top Bottom