- Messages
- 1,216
- Reaction score
- 35
- Points
- 138
Hi, mga ka-Symb na kapwa gitarista din! Since wala pa akong nakikita na ganitong thread, hayaan niyo na simulan ko na dito.
Nagsimula lahat nung sa nasa high school, hanggang sa makaabot ng college. Pa-banda banda din noon. Hanggang sa naging on and off na lang ang pagtutog kasi kinalaunan naka-graduate na at kinailangan ng mag-work. Nagpalit ng hobby/interest, kaya medyo nawala sa paggigitara, hanggang sa dumating si Covid at nag-umpisang maglockdown. Bahay at work lang lagi, kasi frontliner. Bawal gumala, kaya naisipan ulit na magbalik loob sa paggigitara. Nagumpisa sa pa-isa isa, ng hanggang sa dumami na. Hahaha! GAS or Guitar Acquisition Syndrome na kumbaga. Sa ngayon, ayan na. Share ko lang din yung bunga ng aking pangangarap, pagsusumikap, at walang humpay na pag-iipon.
Takamine EF340S-TT / Taylor 214ce DLX / Faith Legacy Mars Mahogany
Yamaha A4K / Cort Gold A8 / Epiphone Inspired By Gibson Hummingbird
Dream guitar in the future? Isang Martin HD35. Na-try ko na yun once sa isang magandang shop dito sa London. At ang masasabi ko lang, iba talaga yun. Talaga namang pasok talaga siya bilang dream guitar. Iba yung pakiramdam at tunog niya sa mga nahawakan ko ng mga gitara. Kaya ayan, hoping, praying, at matinding pagiipon ulit para balang araw magkaroon din ako ng isang ganun.
Ikaw? Hindi mahalaga kung mura o mahal ang gitara. Patingin naman ng acoustic guitar mo? Any tips/tricks na maibabahagi mo sa iba? Music theory, strumming pattern, fingerstyle arrangements, tabs, or kahit ano pa yan na patungkol sa acoustic guitar, pasok yan lahat dito! Kaya tara, tugtog na!