Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.
All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!
Isang araw ung aso namin bigla na lang hindi umuwi at kinabukasan nakita namin mejo lawlaw ung tyan at hirap gumalaw at maglakad.
Hindi namin masabing binato na kahit anong bagay o nabunggo ng sasakyan kasi wala syang galos malinis.
Sabi nila nalason kaya bumagsak ung intestines nya siguro o ano.
2 days dun lang sya sa tindahan namin at hindi nya kayang umuwi pero sinubukan namin syang iuwi at isakay sa van pero kapag hahawakan namin sya eh mangangagat sya so ibig sabihin sobrang sakit ng konting galaw sakanya. Hindi siya kumakain kahit masarap na ang ibigay namin sakanya pati tubig hindi umiinom.
Nung pagbalik ko at ganun parin sitwasyon nya eh alam kong hindi na sya magtatagal, gumawa ako ng paraan para kahit papaano eh makabalik sya sa bahay kung saan sya lumaki. Kumuha kami ng malaking higaan at pumunta kami sa tindahan, binaba namin ung higaan at tinawag sya. Nagpapasalamat ako kahit papaano nagkaroon sya ng lakas na lumakad palapit sakin tuwang tuwa at chinecheer ko syang kaya mo yan konti pa. Pagdating nya sa higaan eh agad namin syang pinahiga at ung higaan ang ginamit naming way para hindi sya maxadong masaktan sa pagbuhat namin sakanya sabay lagay namin sakanya sa van at uwi sa bahay. Pag dating namin sa bahay agad naming binaba sya at laking gulat namin nakalakad sya papunta sa side ng bahay at uminom ng tubig. Pagbalik nya sa harapan eh nabunggo sya ng kapatid ko sabay sinuka nya ung tubig. Nagalit ako sa kapatid ko pero wala maggawa kaya inalalayan ko ung aso namin hanggang sa makahiga sya at makapag pahinga sa salas.
Tinitigan ko si Bunsoy ng mabuti sabay sabi ko sakanya "kaya mo yan, mahal na mahal ka namin".
Natulog na ako at inaasahang gagaling sya bukas kasi nasa isip ko nasa bahay na sya alam ko masaya sya.
Kinabukasan ay namatay sya sa labas ng bahay kung saan sya lagi nagbabantay.
Inilibing namin sya malapit sa bahay namin.
Mahal na mahal ka namin bunsoy.
Naalala ko lang ung aso namin dito kasi lahat dun sa 10 things ginawa ko sakanya.