Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

2016 Philippine President (Your Bet)

Your Bet

  • Binay

    Votes: 20 2.8%
  • Grace Poe

    Votes: 22 3.0%
  • BongBong Marcos

    Votes: 59 8.1%
  • R. Duterte

    Votes: 534 73.8%
  • Mar Roxas

    Votes: 18 2.5%
  • Miriam Santiago

    Votes: 55 7.6%
  • Allan Cayetano

    Votes: 2 0.3%
  • Ping Lacson

    Votes: 5 0.7%
  • Others

    Votes: 9 1.2%

  • Total voters
    724

electrons

Proficient
Advanced Member
Messages
278
Reaction score
1
Points
28
Hello mga kasymb! Alam ko masyado pang-maaga para dito, pero sa tingin ko magandang pagusapan ito. Maaaring makaapekto ang thread na ito sa magiging desisyon nang makabasa sa kung sinong presidente ang iboboto niya. Gusto ko sanang malaman kung sino ang bet ninyong next president at ishare niyo kung bakit. Katuwaan lang wala sanang magaaway.. Alam naman natin na yung mga survey na sinasabi sa media eh parang di naman totoo, kayo ba tinanong na kahit minsan lang inperson ng nagsesurvey?? Personally ako hindi ko pa alam kung sino ang nararapat, kaya nagsesearch pa ako tungkol sa buhay ng mga nagpaparamdam maging presidente, nanjan si Binay, si Grace Poe, Miriam, Cayetano, Ping, Duterte, BongBong Marcos, at siyempre ang trying hard na si Roxas, madadagdagan pa sa tingin ko ang mga iyan, pero sino nga ba sa kanila? Sa others, sabihin ninyo kung sino.


Binay - https://en.wikipedia.org/wiki/Jejomar_Binay
Umunlad ang Makati sa panahon ng kanyang pamamahala, ngunit marami rin ang nagsasabing umunlad ang Makati dahil sa mga investors na nagtayo ng business nila sa Makati hindi dahil sa Mayor, at the first place saan manggagaling ang budget ng Makati kung walang malalaking business doon, pero ang daming lugar sa Pilipinas bakit Makati ang pinili nila kung walang magandang mapapala sa Makati? Bilang vice-president ng Pilipinas maraming naungkat na usaping korapsyon na ginawa di umano ang vise-presidente noong siya ay Mayor pa nang Makati, dipensa naman ni VP Binay eh pawang paninira lamang ang mga ito dahil alam ng mga kalaban niya sa politika na mataas ang chance niyang siya ang magiging susunod na presidente, kung hindi totoo ang mga paratang sa kanya bakit hindi siya magattend sa mga hearing nang matapos na ang mga di umanong "paninira"? Hindi ko alam, kayo na ang magisip kababayan ko.


Grace Poe - https://en.wikipedia.org/wiki/Grace_Poe
Si Grace Poe ay nagnumber 1 sa senatorial elections noong panahon niya, marahil dala na rin nang yumao niyang ama na si "The King" FPJ. Bukod sa pagiging mahinhin niyang magsalita, ano ano ba ang mga nagawa ni Grace Poe bilang senador? Hindi ko alam.. Yung sa SAF? Hayagan niyang sinabi sa publiko na kapag lumabas ang resulta ng imbestigasyon, tiyak na mananagot ang mga nagkasala, at dumating ang puntong lumabas na ang resulta ng imbestigasyon at mukhang damay si President BS Aquino, biglang nagpahayag si Grace Poe na hindi na nila ipapakita ang resulta in public, at nang susunod na makita ang resulta ng imbestigasyon wala na ang pangalan ng pangulo, pagkatapos nito naging malakas ang pangalan ni Grace Poe sa pangulo (parang balak pang palitan si Mar), January 25 2015 nangyari ang madugong ingkwentro sa pagitan ng SAF, MILF at BIFF, anong petsa na? Sino na narinig ninyong nanagot at naparusahan dahil sa pagkakasala?? Wala pang hustisya ang mga namatay na SAF members heto na si president at vice-president eleksyon na inaatupag. Kayo na ang humusga kababayan ko.


BongBong Marcos - http://www.bongbongmarcos.com/about/
Si Bongbong Marcos anak ng dating pangulong Marcos, ang kanyang ama ay walang duda na matalino, marami ang hanga kay Marcos dahil umasenso ang Pilipinas noong panahon niya, ngunit naging diktador siya (lalo na sa Media). Ewan ko, hindi pa ako buhay sa panahon niya, balik na lang tayo sa anak. Si Bongbong ay isa (o siya lang ata) ang senador na tumutol sa naunang BBL dahil sa mga napansin niyang labag sa Konstitusyon ng Pilipinas na nakasaad sa BBL, kinontra niya ito at hanggang sa heto na nga narevise ang BBL. May mga nagsasabing iilan na hindi "RAW" nakapagtapos si Bongbong ng pagaaral at pineke lang niya ang kanyang diploma ngunit mariing itinanggi ito at tinawanan lang ni Bongbong. Ano ba nagawa ni Bongbong para ikumpara siya sa tatay niya? Tingnan natin ang Ilocos Norte. Ang nakikita kong problema kay Bongbong eh.. yung.. si.. ah basta, siya ang tinuturong dahilan ng pagiging diktador ng tatay niya, kahit mga amerkanong political analyst tinatawag siyang ambisyosa, baka maimpluwensyahan din ang anak kung nagkataon, teka, bakit kilala siya ng mga amerikano?? Huwag sanang tingnan ang ginawa ng ama at ireflect sa anak, magkaibang tao ang dalawang iyan, kayo na ang humusga mga kababayan ko.


Rodrigo Duterte - https://en.wikipedia.org/wiki/Rodrigo_Duterte
Siya ang governador ng Davao at umunlad ang Davao sa panahon niya, pasok sa top 9 ang Davao bilang safest place on Earth (except sa mga drug addict). Ang binabatong isyu sa kanya eh yung pumapatay daw siya, diktador, kamay na bakal, etc. at hindi naman ito itinanggi ng governor, madalas niyang makabangga ang secretary for human rights ng Pilipinas dahil sa kanyang pagiging marahas sa mga loloko loko, ulitin nga natin, "loloko loko".. Uhmm.. Tanungin ko kayo kababayan ko, ang mga taong nangrape (meron nga 6mos. baby lang nirape na at pinatay pa) ang mga taong nagnakaw lang tapos pinapatay pa ang nilooban, ang mga taong manghoholdap tapos may kasamang rape, ang mga taong pumapatay dahil lulong sa droga, at mga katulad ng mga iyan, nararapat pa ba silang bigyan ng human rights?? Kailangan ata nating repasuhin ang depinisyon natin sa Human Rights ah. Ang sa akin lang, paano magiging peaceful ang isang lugar kung may tarantadz? Dipensa naman ni Duterte, matakot lang ay yung mga gago at nagbabalak maging gago, hindi lahat ng tao, edi sana wala ng tao sa Davao. Kayo na bahalang humusga bayan ko.


Mar Roxas - https://en.wikipedia.org/wiki/Mar_Roxas
Si Mar Roxas ang standard bearer ng Liberal Party ng Pangulong BS Aquino. Siya ay nagbalak tumakbo ng pagkapangulo noong 2010 ngunit ng magdesisyon si Noynoy Aquino na tatakbo sa pagkapresidente ay nagconcede si Roxas at pinili na lamang niyang maging bise presidente ni Noynoy Aquino, subalit siya ay tinalo ni Mayor Jejomar Binay ng Makati. Si Mar roxas ay nasangkot sa kabikabilang isyu noong panahon ng "Bagyong Yolanda" at "SAF vs. MILF". Nakuhanan ng video si Mar habang sinisisi ang mayor ng Tacloban dahil lamang sa apelyido nito na kung susuriin ay hindi niya ito kapartido at ng pangulo kaya malabong ibigay ang mga tulong na hinihingi nito. Sa engkwentro naman sa pagitan ng SAF at MILF + BIFF, harapang ipinahayag ng kapulisan sa senado na hindi ipinaalam ng pangulo kay Mar (bilang secretary ng DILG) ang mga transaction tungkol sa mission ng SAF troops, malinaw na walang tiwala ang pangulo sa kanya. Noong October 2 2015 ay nagcelebrate ng kaarawan si Laguna Rep. Benjamin Agarao Jr. na dinaluhan ng mga members ng LP kabilang na si Sec.Mar Roxas, at di umano'y nagkaroon ng malaswang sayawan sa entablado --> http://www.interaksyon.com/entertainment/mo-twister-blasts-pnoy-liberal-party-over-twerk-scandal/


Miriam Defensor Santiago - https://en.wikipedia.org/wiki/Miriam_Defensor_Santiago
Siya ang pinakamatalino sa senado, kabisado niya ang mga batas at diksyonaryo. Marahil iniisip nang iilan nating kababayan na "baliw" "may topak" "may sayad" itong si senador Miriam, pero bilang isang taong edukado napansin kong may sense ang mga sinasabi niya, hindi kaya sinira lang ng Media ang image niya sa publiko? Kung isa kang mangmang at may makita kang taong ubod ng talino at nagsasalita ng katalinuhan marahil ay masasabi mong "nababaliw na sa sobrang katalinuhan ang taong ito", may basehan ba tayo sa paratang na ito o dili kaya hindi lang natin maabot ang isip niya dahil sa kamangmangan natin? Uhm,. Si Miriam ay isa sa mga senador na hindi tumatanggap ng pork barrel simula pa nung una, siya ay isa sa mga may pinakamaraming napatupad na batas sa senado, siya din ang nagiisang Asiano na maging isa sa International Criminal Court sa buong mundo. Wait lang parang bias itong review ko kay Miriam.. May mga iilan na nagsasabing hindi totoong may lung cancer si Miriam, pakulo lang niya ito di umano upang makuha ang simpatya ng marami at manalo sa darating na eleksyon, ngunit ang mga nagsasabi ay walang matibay na ebidensya, kayo na ang humusga kababayan ko..


Allan Cayetano
To be continued..

Ping Lacson
To be continued..



Kapag naglabas na ng mga plataporma ang mga kandidato ay ipopost ko ang mga ito at kayo na'ng bahalang humusga sa mga naiisip nila, bumoto ng tama mga kababayan, alang alang sa bansa, alang alang sa mga susunod na henerasyon, alang alang sa mga Pilipino..
 
Last edited:
Madami akong nababasa na may gusto kay Duterte ah, sana lang kumandidato siya. :salute:
 
Bongbong Marcos - for President
Rodrigo Duterter - for Vice President
 
duterte...po !!

at walang papasok na boto ko sa mga tuta ni pnoy na yan puta nila..lalo lang tyo pinapabayaan ng mga yan..mga pinapaboran mga negosyante..panu tyong mga ordinaryong mamayan....
 
DUTERTE- lets face the truth Government now has too many anomaly and too much to hide those politicians but Mayor R. Duterte is a public servant no matter what Negative feed backs they give about him you can see the improvement on his city that was recognize as the one of the top 10 safest city. We can say that he really has the guts to defy crimes and push his will. They might say he may become like MARCOS well look at the people at his place did they ever complain about the IMPROVEMENT of their place. A GOOD LEADER MAKES THE COUNTRY A BETTER PLACE WITH THE SUPPORT OF THE PEOPLE WHO DOESNT COMPLAINT BUT WHO FOLLOWS ORDER AND SEE TO IT THAT THEY DO OR ELSE PENALTY AND PUNISHMENT COMES. I personally believe that he would run as a presedential candidate this coming 2016. Ive seen his small video clip in the most visited video sites today and even in television. Lets just pray for a good leader that will lift the richest country in southeast Asia Philippines to grow and be a place for discipline and a government that can be relied by people.
 
duterte...po !!

at walang papasok na boto ko sa mga tuta ni pnoy na yan puta nila..lalo lang tyo pinapabayaan ng mga yan..mga pinapaboran mga negosyante..panu tyong mga ordinaryong mamayan....


Haha! Ginago talaga tayo nitong administrasyong ito, kapag hindi kaalyado tiyak bubusisiin, pero kapag kaalyado kahit anong ginawang kabalbalan walang ginagawang aksyon sa kanya, ano na nga ba balita kay Purisima? Nagkaroon na ba ng hustisya ang mga namatay na SAF members? Nasagot na ba ang tungkol sa DAP? Eh yung LRT? At napakarami pa, naku.. :slap: ramdam kita kasymb, pero ang nagawa ng pamahalaan hindi ko ramdam..






DUTERTE- lets face the truth Government now has too many anomaly and too much to hide those politicians but Mayor R. Duterte is a public servant no matter what Negative feed backs they give about him you can see the improvement on his city that was recognize as the one of the top 10 safest city. We can say that he really has the guts to defy crimes and push his will. They might say he may become like MARCOS well look at the people at his place did they ever complain about the IMPROVEMENT of their place. A GOOD LEADER MAKES THE COUNTRY A BETTER PLACE WITH THE SUPPORT OF THE PEOPLE WHO DOESNT COMPLAINT BUT WHO FOLLOWS ORDER AND SEE TO IT THAT THEY DO OR ELSE PENALTY AND PUNISHMENT COMES. I personally believe that he would run as a presedential candidate this coming 2016. Ive seen his small video clip in the most visited video sites today and even in television. Lets just pray for a good leader that will lift the richest country in southeast Asia Philippines to grow and be a place for discipline and a government that can be relied by people.


I think it make sense lahat ng sinabi mo, kung maging Marcos man siya edi mas maganda, aasenso ulit ang Pinas, at least hindi si Imelda ang asawa niya, alam naman nating si Imelda ang dahilan ng pagbabago ni Marcos, I hope those who support Duterte will campaign for him para mas dumami pa ang bumoto sa kanya, kasi talo pa rin siya sa boto pagdating kay Binay at alam naman natin na boto ang nagpapanalo sa isang kandidato..
 
DU30 solid Visayas and Mindanao!
 
Last edited:
duterte...po !!

at walang papasok na boto ko sa mga tuta ni pnoy na yan puta nila..lalo lang tyo pinapabayaan ng mga yan..mga pinapaboran mga negosyante..panu tyong mga ordinaryong mamayan....

ano po ba ang dapat gawin ng gobyerno? bigyan lahat ng Pera ang mga mamayan? pabahayan nila tayo? san po ba kumikita ang mga mamayan? diba sa pag tatrabaho? san ba tayo nag tatrabaho? diba sa negosyante at gobyerno? o baka di ko lang po na gets point niyo hehehe. :)
mahirap lang talaga mag hanap ng trabaho dahil over populated na tayo lalo na sa manila at lalo na pag di ka nakapag aral. + corrupt pa mga politico.
 
ano po ba ang dapat gawin ng gobyerno? bigyan lahat ng Pera ang mga mamayan? pabahayan nila tayo? san po ba kumikita ang mga mamayan? diba sa pag tatrabaho? san ba tayo nag tatrabaho? diba sa negosyante at gobyerno? o baka di ko lang po na gets point niyo hehehe. :)
mahirap lang talaga mag hanap ng trabaho dahil over populated na tayo lalo na sa manila at lalo na pag di ka nakapag aral. + corrupt pa mga politico.


Tama ka kasymb at ayan ang nakikita kong problema sa Pinas, nililigawan ng gobyerno natin ang mga mayayamang negosyante para maginvest sila sa bansa natin at mabigyan ng trabaho ang mga mamamayan, maganda yun pero not to the point na mas papanigan pa ang mga negosyante kaysa sa mga mumunting mangagawa, halimbawa na lang yung pagsuway ng mga ilang companies sa mga alituntunan at batas ng DOLE, mga fire safety standards, tamang pasahod, etc. na hindi man lang inaaksyunan ng gobyerno, kada May 1 na lang iyan ang mga reklamo ng mga nagrarally, mahigpit sana nilang ipatupad ang mga batas para sa mga manggagawa, at sana din itaas ang sahod ng mga nakakapagod na trabaho gaya ng mga construction workers, sa totoo lang sobrang baba ng bayad sa kanila at wala din silang benefits kagaya ng pagibig, sss, at ano pa man, sana naman kung ang construction site ay "daan", condo building, at ano pang malalaking building, eh mabigyan ang mga construction workers ng tamang compensation, ang sinasabi ko ay ang pagtatrabaho nila sa malalaking projects at hindi sa mga maliliit na bahay lang, ang gagara ng mga building na binubuo ng mga construction workers samantalang sila ni hindi bato ang nahay nila. Ang mga factory workers, janitors, nagkokolekta ng basura, at iba pa, sana maging makatao ang compensation sa kanila, kung gaano dapat kahirap ang trabaho ganoon din kataas ang sweldo. Ang dalangin ko ay magkaroon ng presidente ang Pinas sa 2016 na bibigyang pansin ang mga ito. Pataas na din naman ang ekonomiya natin at dumadami ang mga investors sa bansa, meaning mas lalaki ang budget ng Pinas sa future, huwag lang makurakot. :pray:
 
daming Digong, pero zero sa POLL.. click nyo naman ang POLL survey para hindi naman zero ang taga Mindanao.
 
Mar Roxas. Hindi dapat maging pangulo ung may history ng pagiging tyrant. Nakakatakot pag un ang lumabas. Ayaw kong maranasan ung naranasan ng mga Pilipino nung panahon ng Martial Law.
 
Go for duterte...
Go tau dun sa alam nating may na pa unlad na bayan
Dun pa lang masusukat na natin na mayos ang namumuno
Wag tau dun sa alam nating wala naman na gawa kung di mag nakaw sa pera ng bayan..
 
.,.,.,Duterte -Marcos or Marcos-Duterte
.,.,for new form of government.,.,. ,FEDERALISM.,.
 
Wala pa akong napipiling bet para sa Presidential Election 2016.
 
I hope these people will NOT lead us to the same problems left behind by the present administration.. corruption..pork barrel...
 
Back
Top Bottom